You are on page 1of 20

MATERYAL #2.

12
SENIOR HIGH SCHOOL

Inihanda ni:
G. Birwin A. Abustan
bilang suplementaryong materyal para sa
Nicolas L. Galvez Memorial Integrated National High School

0
MATERYAL #2.1

PANIMULA

Ang lokal na suplementaryong materyal na ito ay binuo para sa asignaturang


Pambungad sa Pilosopiyang Pantao ng Baitang 12 ng Senior High School ng Nicolas L. Galvez
Memorial Integrated National High School, sa ilalim ng mga pamantayan at pangangailangan
ng K to 12 Curriculum sa panahon ng New Normal, batay sa Most Essential Learning
Competencies, upang maihatid ang edukasyon sa pamamagitan ng Learning Delivery
Modality – Modular Distance Learning, taong panuruan 2020 – 2021.

Disclaimer: Ang mga hiniram na material gaya ng awitin, kuwento, tula, larawan, retrato,
pangalan ng brand, trademarks, at iba pa sa suplementaryong materyal na ito ay pag-aari
ng kani-kanilang tagahawak ng karapatang-ari. Pinagsikapang mabuti ang paghahanap ng
pinagmulan ng mga materyal upang buong galang na mailagay sa loob ng materyal na ito.
Ang gurong may-akda ay hindi inaangkin ang mga hiniram na materyal sa loob ng
suplementaryong materyal na ito.

1
MATERYAL #2.1

NILALAMAN
Aralin 2: PAMIMILOSOPIYA

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


(Most Essential Learning Competencies)

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:


1. Nakikilala mo ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon;
at
2. Nahihinuha mo na patungo sa katotohanan ang mga
pamamaraan ng pamimilosopiya.

2
MATERYAL #2.1

Paksa 2.1: Kaalaman at Katotohanan

https://lymescience.org/comforting-lies-unpleasant-truths-cropped/

SUBUKAN NATIN!
Pinoy Henyo Kung Magtanong
Mula sa salitang nakasaad sa larawan sa ibaba, mag-isip ng limang (5) tanong sa paraan ng
pagtatanong sa palabas na Pinoy Henyo ng Eat Bulaga! sa GMA 7. Ibig sabihin, kinakailangang ang
mga katanungan ay masasagot lamang ng “oo”, “hindi”, at “puwede”; at makatutulong sa iyo
upang malaman mo ang kasagutan.

Jessica ROUND 1
Unang tanong: __________________________
Soho Ikalawang tanong: __________________________
Ikatlong tanong: __________________________
Ikaapat na tanong: __________________________
Ikalimang tanong: __________________________

3
MATERYAL #2.1

ROUND 2
tokhang Unang tanong: __________________________
Ikalawang tanong: __________________________
Ikatlong tanong: __________________________
Ikaapat na tanong: __________________________
Ikalimang tanong: __________________________

Ano-anong uri ng tanong ang iyong nabuo upang mahulaan ang mga salita? Mayroon ba
sa mga tanong na iyong inilista sa parehong rounds ang nakabatay sa ebidensiya? Ikulong sa kahon
ang mga katanungang ito.

Sa kabilang banda, mayroon ba sa mga katanungan ang maaari mong sabihing nakabatay
sa opinyon? Bilugan ang mga katanungang ito.
Sa gawaing ito, muli mong naipakita ang iyong natutunan sa unang modyul na kakayahang
makabuo ng tanong. Maaalala na ang pagkakaroon ng mga katanungan tungkol sa kahit na anong
bagay sa mundo at maging sa pagiging ng mundo ay sentral sa pilosopiya. Bukod dito,
matagumpay mo ring naisagawa ang isang mahalagang gawain sa pilosopiya: ang pamimilosopiya.

PAG-ARALAN NATIN!
I. Pamimilosopiya
Bilang mga mag-aaral, hindi na bago sa atin ang salitang pilosopo at pamimilosopo. Sa
katunayan, madalas tayong mamilosopo sa ating mga magulang, sa ating mga guro, at sa iba pa
nating kapuwa. Sa isang palagay, hindi maganda ang pamimilosopo lalo na kung ito ay isinasagawa
upang makapanakit o makapambastos ng iba. Halimbawa, mayroong isang kaklase mo ang
nagtanong sa iyo: “Puwede bang magtanong?” Natural na sasagutin mo ito ng, “Oo.” Subalit
madalas, ang isinasagot natin sa ating kaklaseng nagtatanong ay ito: “Bakit mo pa itinatanong, eh
nagtatanong ka na nga?” Malinaw na isa itong anyo ng pamimilosopo.

Kaya naman, sa pilosopiya, ang gawain ng mga pilosopo (mga taong eksperto sa pilosopiya)
ay hindi ang mamilosopo, kundi ang mamilosopiya. Sa pamamagitan ng pamimilosopiya,

4
MATERYAL #2.1

maiintindihan ng isang pilosopo na hindi ang mismong tanong na “Puwede bang magtanong?” ang
tanong ng isang tao, kundi ang kasunod na tanong pagkatapos ng tanong na ito. Maaaring ang
iyong kaklase ay humihingi ng tulong tungkol sa isang aralin na hindi niya maintindihan, hindi para
itanong kung puwede ba ang magtanong. Ngunit dahil sa ugali nating mamilosopo, imbes na
makatulong tayo, mas nakakapaminsala pa tayo.
Ayon nga kay Guevara (2016), ganito sa pilosopiya. “Ang pilosopiya ay tanong at ang tanging
paraan upang makapamilosopiya ay sa pamamagitan ng pagtatanong. Tanging tanong ang
makabibigkas nang sabay sa kalagayan ng tao bilang walang alam at sa nais niyang marating: ang
makaalam. Buhat ang tanong sa mga natututuhan kahapon at sa mga nakabinbing hindi pa alam.
Humihingi ito ng kasagutan na siyang natatawid sa tao sa mamaya at bukas. Ang kahapon na
pinagmulan ng tanong, ang ngayon kung kalian nagtatanong, at ang mamaya na inaasahang
magbibigay-sagot sa tanong ay ang mga pangyayari sa loob ng tanong.”
Samakatuwid, ang pamimilosopiya ay nangangahulugang “mag-isip-isip, magmuni, o
bumuo ng mga teorya tungkol sa pangunahin at mahalagang isyu, lalo na sa matrabaho o mataas
na antas ng pamamaraan.”

II. Katotohanan (Fact) at Opinyon


Isa sa pinakamahahalagang kasangkapan sa pamimilosopiya ang paghahanap ng
katotohanan o truth. Pinag-aaralan ang kalikasan at estruktura ng katotohanan (truth) sa isang
sangay ng pilosopiya na tinatawag na epistemolohiya (epistemology). Sa sangay na ito
sinusubukang alamin ng mga pilosopo kung paano natin nalalaman ang mga bagay na atin nang
nalalaman, o kung totoong nalalaman nga ba natin ang mga ito o ang mga ito’y ilusyon lamang na
nagpapanggap na katotohanan. Ayon nga kay Ayn Rand (1990), isang manunulat at pilosopo ng
ika-20 siglo, “Ang epistemolohiya ay isang agham na ginagamit sa pagtuklas ng wastong
pamamaraan ng pagtatamo at pagpapatibay ng kaalaman (knowledge).”
Isa sa mabisang paraan upang malaman kung ang isang kaisipan ay totoo (true) ay ang
pagkilala sa pagkakaiba ng katotohanan (fact) at opinyon. Ang mga katotohanan (facts) ay may
tatlong pangunahing katangian:
1. totoong (true) pahayag na totoong nangyari at siyang kalagayan (as is);
2. kayang patunayan ng agham (sa pamamagitan ng scientific method) at karanasan; at
3. katumbas ng kaalaman (knowledge).

5
MATERYAL #2.1

Sa ilalim ng tatlong kalagayan kanina, maaari nating mahinuha ang sumusunod na


ilustrasyon:

Ilustrasyon 2.1.1. Pag-alam o pagkuha ng kaalaman

Dahil sa ang mga katotohanan (facts) ay nakabatay sa kaalaman, mahalagang maintindihan


muna natin kung paano tayo nakaaalam o nakakukuha ng kaalaman. Paano ba natin nasasabi na
ang katotohanan (fact) ay katumbas ng kaalaman?
Masasabi natin na ang katotohanan (fact) ay katumbas ng kaalaman dahil makapagsasabi
lamang tayo ng katotohanan (fact) kung may kaalaman tayo tungkol sa paksang pinag-uusapan.
Mula sa Ilustrasyon 2.1.1, makaaalam o makakukuha raw tayo ng kaalaman sa pamamagitan ng
paghahanap ng dahilan o patotoo at ebidensyang sumusuporta sa isang ideya. Halimbawa, ang
kaalaman na “ang hugis ng mundo ay pabilog”. Paano natin nalaman na ang mundo ay pabilog
sang-ayon sa Ilustrasyon 2.1.1? Una, kailangan natin ng mga ebidensyang nagsasabi na ang mundo
ay pabilog, gaya ng:
1. ang mundo ay pabilog kapag tiningnan ito mula sa kalawakan;
2. napatunayan ito ng ekspedisyon ni Magellan nang bagtasin niya ang mapa nang pa-
kanluran upang marating ang silangan; at
3. ang lahat ng mga planeta sa Solar System ay pabilog ayon sa mga obserbasyon gamit
ang mga teleskopyo kung kaya makatuwiran lamang na ang Daigdig o Mundo ay pabilog
din.
Subalit hindi sapat ang makaalam lamang. Sang-ayon pa rin sa Ilustrasyon 2.1.1, ang
totoong kaalaman ay nangangailangan din ng pag-unawa. Sa ating halimbawang kaalaman na “ang
hugis ng mundo ay pabilog”, hindi mo maipaliliwanag ang dahilan kung bakit ito pabilog kung hindi
mo nauunawaan kung paano umiiral ang Solar System, bagkus ay para ka lamang nagsasabi ng
mga patotoo at ebidensiya.

6
MATERYAL #2.1

Kung kaya, mahihinuha natin mula sa Ilustrasyon 2.1.1 at sa ating halimbawa na ang
kaalaman ay isang anyo ng pag-iisip na nag-uugat mula sa pag-unawa ng mga ebidensya at
katuwiran, kung saan ang dalawang ito ang nagsisilbing dalawang antas ng kaalaman.

Sa kabilang banda, ang opinyon naman ay may sumusunod na katangian:


1. kaisipan, pakiramdam, o paniniwala ng isang tao;
2. pagtingin o pananaw o palagay na nakabatay sa damdamin at emosyon; at
3. hindi kinakailangang batay sa katotohanan at kaalaman.
Mula sa mga kalagayang ito, maaari nating ipagpalagay ang ilustrasyon sa ibaba:

Ilustrasyon 2.1.2. Pagpapakahulugan sa Opinyon

Ipinakikita sa atin sa Ilustrasyon 2.1.2 na kapag mayroon na kaagad tayong paniniwala bago
pa man tayo makahanap ng mga ebidensiya, ang ating katuwiran at pananaw ay nahaharangan at
napipigilan ng mga pag-aakala o ilusyon. Ang pag-aakala o ilusyon ay yaong mga ideya na malayo
sa katotohanan (truth), at dahil wala kang kaalaman sa katotohanan (truth), pinaniniwalaan mong
ang iyong pag-aakala o ilusyon ay ang katotohanan (truth). Sa ganitong lagay, ang iyong pag-aakala
o ilusyon ay nagsisilbi rin bilang iyong paniniwala.
Kapag naghahayag tayo ng opinyon, madalas na ang pinagmumulan nito ay ang ating
damdamin at emosyon, o paniniwala at pag-aakala. Kung kaya, ang isang opinyon ay hindi
katotohanan (fact), at nauuna ang mga opinyon bago ang mga katotohanan (facts) dahil wala pa
tayong kaalaman sa katotohanan (facts) kapag bumubuo tayo ng mga opinyong nakabatay sa
paniniwala at pag-aakala.

7
MATERYAL #2.1

Balikan natin ang halimbawa kanina na “ang hugis ng mundo ay pabilog”. Kung wala ang
mga ebidensyang nabanggit kanina at hindi mo pa napag-aaralan ang estruktura ng Daigdig sa
iyong asignaturang agham, paano ka maniniwala na ang mundo nga ay pabilog? Higit dito, maaari
pa ngang magbigay ka ng sarili mong opinyon, halimbawa na ang hugis ng mundo ay parisukat,
dahil iyon ang iyong nalalaman bagama’t hindi ito ang katotohanan.

Ngayong alam na natin ang pagkakaiba ng katotohanan (fact) sa opinyon, paano natin ito
magagamit sa pamimilosopiya upang makamit ang katotohanan (truth)? Pag-aralan ang susunod
na ilustrasyon tungkol sa isang kaganapan sa loob ng klase (bago ang pandemya) habang
kumukuha ng eksaminasyon ang mga mag-aaral:

Ilustrasyon 2.1.3. Pamimilosopiya gamit ang opinyon tungo sa katotohanan

Ipinakikita ng Ilustrasyon 2.1.3 kung paanong ang isang simpleng opinyon (Si Birwin ay
isang mandaraya) ay naipaliwanag upang maging isang katotohanan (si Birwin ay isang mandaraya
dahil nakita ko siyang naghahanap ng sagot sa kaniyang cellphone…). Matututunan natin sa
halimbawang ito na ang ating mga opinyon pala ay maaari ring mabago patungong katotohanan
(truth) kung malalapatan natin ito ng karampatang katotohanan (facts). Ang pangangatuwiran, ang
pagsuporta sa isang opinyon gamit ang mga ebidensya at lohika, ay sentro sa pamimilosopiya.

8
MATERYAL #2.1

III. Katotohanan (Truth)


Nagkaroon ka na ba ng karanasan kung saan ikinuwento ng isa mong kakilala o kaibigan
ang isang bagay tungkol sa iyo na wala namang katotohanan? Ano ang iyong naramdaman tungkol
dito? Paano nito maipakikita ang kahalagahan ng katotohanan (truth)?
Sentral sa pilosopiya ang paghahanap ng katotohanan (truth). Sa katunayan, ang
matrabahong proseso ng paghahanap ng katotohanan (truth) ang dahilan kung bakit sinusubukan
nating gumamit ng iba’t ibang pilosopikal na kasangkapan gaya ng pagtatanong at pagsusuri sa
paghahanap ng kasagutan sa ating mga katanungan. Simula pa noong una, nais na ng mga pilosopo
na mapalapit sa katotohanan ng mundo, kahit na madalas silang hindi sumasang-ayon sa isa’t isa
na nauuwi sa pagtatalo, na natural lamang naman sa pamimilosopiya. Sa bahaging ito ng aralin,
aalamin natin (o susubukang alamin) ang kalikasan o katangian ng katotohanan (truth) sa lente ng
pamimilosopiya.
Sa metapisika at pilosopiya ng lengguwahe, ang katotohanan o truth ay ang uri ng mga
pangugusap, badya (assertion), paniniwala, kaisipan, o proposisyon na binabanggit sa ordinaryong
pakikipag-usap, upang sumang-ayon sa mga katotohanan (facts) o upang sabihin kung ano ang
mayroon (state what is the case) (Blackburn, 2020). Ito ang layon ng paniniwala. Sa madaling salita,
ang katotohanan (truth) ay isang bagay na napatutunayan, obhetibo, at “hindi opinyon”. Ito ang
makatuwirang paniniwala batay sa rason, sinuportahan ng katotohanan (facts), mga teorya, lohika,
at empirikal na patunay.

Mayroon tayong tatlong teorya ng katotohanan na pag-aaralan sa bahaging ito ng aralin.


Ito ay ang teorya ng pagka-ayon, teorya ng kaugnayan, at teoryang praktiko.
1. Teorya ng Pagka-ayon (Correspondence Theory of Truth)
- nagpapaliwanag na ang katotohanan ay ano mang umaayon sa daigdig, realidad,
o pangyayari, samantalang ang hindi umaayon sa realidad ay mali (false). Sinasabi sa
teoryang ito na ang mga pahayag o proposisyon ay totoo (true) kung ito ay umaayon sa
realidad.
Halimbawa:
a. Kapag sinabi mong umuulan (proposisyon), totoo lamang na umuulan kung
pumapatak talaga ang ulan sa labas (realidad).
b. Ang kasabihang “kapag may tiyaga, may nilaga” na nangangahulugang kapag
nagtiyaga ka, makakamit mo ang tagumpay ay totoo lamang kung ang isang tao ay
nagtagumpay dahil sa pagtitiyaga. Kung nagtagumpay siya subalit hindi dahil sa

9
MATERYAL #2.1

pagtitiyaga, halimbawa dahil sa mayaman siya, ibig sabihin nito na ang


kasabihang “kapag may tiyaga, may nilaga” ay mali o hindi totoo (false).

2. Teorya ng Kaugnayan (Coherence Theory of Truth)

- nagpapaliwanag na ang isang pahayag ay totoo lamang kung ito ay lohikal na


nagpapaliwanag kasama ang ibang paniniwala na kapag pinagsama-sama ay
nakapagbibigay ng pangmalawakang interpretasyon ng realidad. Sa teoryang ito, ang isang
pahayag ay totoo lamang kung ito ay kasang-ayon ng iba pang bagay na itinuturing na
totoo. Hindi kagaya ng unang teorya, hindi mahalaga rito kung ang isang pahayag ay
umaayon sa realidad. Mahalaga lamang dito ay kung sumusunod sa lohikal na pagsang-
ayon sa isa’t isa ang mga bagay-bagay. Ito rin ang lohika na madalas gamitin ng mga
abugado.
Halimbawa:

a. Narinig mo ang isang lapis na nahulog sa sahig. Narinig din ito ng isang kasama
mo sa bahay, at ngayon ang lapis na nasa iyong mesa ay nawawala na. Tatlong
bagay ang magkakaugnay sa pangyayaring ito: (1) narinig mo, (2) narinig ng isa pang
tao, at (3) nawawala ang lapis mo sa mesa. Ibig sabihin, ang pahayag na “nahulog
ang lapis sa sahig” ay totoo.
b. Kapag pinagbintangan ng isang tao ang isa pa na nagmamaneho habang lasing
sa ganap na ala-una ng madaling araw sa San Antonio subalit nagpakita ang
pinagbibintangan ng isang dokumentadong ebidensya gaya ng CCTV footage na siya
ay nasa San Isidro nang mga panahong iyon, ibig sabihin ang nambibintang ay hindi
nagsasabi ng katotohanan dahil hindi nagtutugma ang mga katotohanan (facts).
Magiging totoo lamang ang bintang kung suportado ito ng iba pang ebidensya.

3. Teoryang Praktiko o Pragmatiko (Pragmatic Theory of Truth)


- nagsasabing ang isang pahayag ay totoo kung ito ay “kapaki-pakinabang” sa
indibidwal, at gumagabay sa kaniyang mga kilos at desisyon sa buhay. Hindi masyadong
mahalaga rito kung ang isang pahayag ba ay umaayon sa realidad o hindi.
Halimbawa:
a. Ang mga karanasan ng magulang mo noong sila ay bata pa ay maaaring hindi na
totoo ngayon para sa iyo.

10
MATERYAL #2.1

b. Naniniwala si Persona A na “ang yumaman ang pinakamahalagang bagay sa


buhay”. Ang paniniwalang ito ay totoo kay Persona A kung kapaki-pakinabang ito
sa kaniyang buhay, kahit na iba ang paniniwala ni Persona B na naniniwala namang
“ang pagkakaibigan ang pinakamahalagang bagay sa buhay” na maaaring totoo rin
para sa kanya.

Totoo na ang paghahanap sa katotohanan ay hindi madali, at maging ang mga pilosopo
mula noon hanggang ngayon ay may kani-kaniyang argumento sa kung paano ba talaga matatamo
ang katotohanan (truth) at makakamit ang kaluguran na hatid nito. Binibigyan tayo ng pagkakataon
ng araling ito upang magkaroon ng maayos na pagkaunawa sa konsepto ng katotohanan upang
maiwasan ang paghihinalang walang-batayan sa paghahanap ng solusyon sa isang problema.
Dapat na matutunan natin kung paano natin ibabatay ang paghahanap ng kasagutan sa mga
katotohanan (truths) at hindi batay sa mga opinyon lamang upang makapamuhay sa isang
mabuting buhay.

ALAMIN NATIN!
badya (assertion) – isang gawaing linggwistiko na maaaring pasalita o pasulat at mayroong
halaga ng katotohanan (truth value)
epistemolohiya – isa sa mga pangunahing sangay ng pilosopiya, kasama ang metapisika, etika,
at aestetika. Pinag-aaralan sa sangay na ito kung paano tayo nagkakaroon ng kaalaman,
at kung ang mga kaalamang ito ba ay totoo o hindi
kaalaman – makatuwirang katotohanan na iyong pinaniniwalaan
katuwiran – o rason, ito ang bahagi ng pag-iisip na nakabatay sa lohika
proposisyon – ang nilalaman ng isang badya (assertion) o ang pinagbabatayang kahulugan ng
sinasabi ng isang tao

11
MATERYAL #2.1

SURIIN NATIN!
Gawain 1: Ang Alegorya ng Yungib ni Plato
Isa sa mga nakakatakot na gawain sa pilosopiya ay ang pag-iisip tungkol sa kung ano ba
talaga ang totoo (real) laban sa kung ano ang iniisip mo lang na totoo, at kung paano mo
malalaman ang pagkakaiba nito. Ikinuwento ni Plato sa kaniyang aklat na “Ang Republika” 2500
taon na ang nakalilipas ang Alegorya ng Yungib. Sa pamamagitan nito, naipaliwanag niya kung
paanong ang ilang katotohanan tungkol sa realidad na inaakala natin ay totoo ay maaari palang
hindi ang aktuwal na realidad. Suriin ang Alegorya ng Yungib sa ibaba at ang sumusunod na kwento
at pagkatapos ay sagutan ang mga katanungan tungkol dito.

Larawan 2.1.1. Ang Alegorya ng Yungib


https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fmedium.com%2F%40zebinisoradjabova%2Fthe-republic-
summary-and-analysis-of-book-vii-allegory-of-the-cave-4713d2e68185&psig=AOvVaw2iMGOFgfVlSte0FAam1XTq&ust
=1602734424049000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCMDL47OYs-wCFQAAAAAdAAAAABAf

12
MATERYAL #2.1

Ang Alegorya ng Yungib


Ang kwentong ito ay tungkol sa isang grupo ng mga bilanggong nasa loob ng isang
madilim na yungib o kweba simula nang sila ay isilang. Ang mga bilanggong ito ay naka-
kadena ang mga kamay at paa upang hindi sila makaalis. Sila ay nakaharap sa isang
blangkong pader kung saan nila nakikita ang mga anino ng mga tao at bagay sa
pamamagitan ng liwanag na nagmumula sa apoy na nasa kanilang likuran. Ang mga
aninong ito lamang ang kanilang nakikita simula nang sila ay isilang, kung kaya ang mga
aninong ito ang kanilang inaakalang realidad.

Isang araw, ang isa sa mga bilanggo ay nakawala mula sa mga kadena at nakalabas
mula sa yungib. Matapos ang habambuhay na pagkakakulong sa dilim ng yungib kung
saan mga anino lamang ang kanyang nakikitang realidad mula sa liwanag ng apoy, hindi
niya kaagad maimulat ang kaniyang mga mata dahil sa nakabubulag na liwanag ng
araw. Pagkalaon ay naimulat din niya ang kaniyang mga mata at nagsimula niyang
makita na ang mga bagay sa labas ng yungib ay mas totoo kaysa sa mga anino sa loob
ng yungib na buong pag-aakala niya ay ang realidad. Ang mga bagay sa labas ay may
karagdagang dimensiyon at nasasalat, kaya napagtanto niyang ang mga anino sa loob
ng yungib ay mga ilusyon lamang ng kung ano ang totoong mga bagay. Dahil sa
kaniyang nalaman, bumalik siya sa loob ng yungib upang sabihin ito sa kaniyang mga
kasama. Binagtas niyang muli ang madilim na daanan patungo sa loob, sa kabila ng
banta ng mga matutulis na bato. Sa wakas, nakarating siya sa loob at natagpuang muli
ang mga kasama at ikinuwento ang kaniyang nakita. Inaasahan niyang matutuwa ang
mga ito at sasama sa kaniya papunta sa labas upang makita ang totoong realidad
subalit hindi niya inaasahan ang kinahantungan ng kanilang pag-uusap. Siya ay
pinagtawanan at tinawag na “baliw” ng kaniyang mga kasama dahil sa sinasabi niyang
totoong realidad, at ngayon sa tuwing tumitingin siya sa anino ay hindi niya maiwasang
mapag-isipan kung alin nga ba talaga ang totoo.

13
MATERYAL #2.1

Sagutin ang sumusunod na katanungan kaugnay ng Alegorya ng Yungib.


1. Ano ang paksa ng kuwento ni Plato?

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

2. Kung ang tinutukoy ng mga tao sa yungib ay ang sangkatauhan, bakit sila tinawag ni Plato na
mga “bilanggo”? Pangatwiranan ang iyong kasagutan.
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.
3. Ibigay ang maaaring kahulugan ng mga elemento sa kwento ni Plato:
a. madilim na yungib – __________________________________________________
b. mga bilanggong nakakadena – __________________________________________
c. mga anino mula sa liwanag ng apoy – ____________________________________
d. mga bagay na nakita dahil sa liwanag ng araw – ____________________________
e. nakabubulag na liwanag ng araw sa simula – _______________________________
4. Sumasang-ayon ka ba sa paliwanag ni Plato tungkol sa katotohanan (truth)? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

Gawain 2: Tsart ng Katotohanan (Fact) at Opinyon


Pumili ng isa sa mga paksa sa ibaba at pagkatapos, magbigay ng tig-limang (5)
katotohanan (facts) at opinyon sa magkabilang panig ng T-tsart.

Pagpipiliang Paksa

same-sex marriage

pagsasabatas ng death penalty

mandatory ROTC sa SHS

pagtugon ng gobyerno kontra-


COVID-19 pandemic

dolomite beach sa Manila Bay

14
MATERYAL #2.1

Gawain 3: Pagtataya sa Katotohanan (Truth)


Kumuha ng limang (5) linya mula sa awit ni Gloc-9 na “Sirena” na makikita sa ibaba.
Tukuyin ang teorya ng katotohanan na sumasalamin sa mga linyang ito at ipaliwanag. Sundin ang
format sa ibaba.

Sirena
Gloc-9, Ebe Dancel
Ako'y isang sirena Linya mula sa Teorya ng
Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda Paliwanag
awit Katotohanan
Ako'y isang sirena
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y 'di tutumba 1.
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa 'kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib 2.
Simula pa no'ng bata pa ako
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya para lahat ay nalilito
Magaling sa Chinese Garter at piko 3.
Mga labi ko'y pulang-pula
Sa bubble gum na sinaba
Palakad-lakad sa harapan ng salamin
Sinasabi sa sarili, "Ano'ng panama nila?" 4.
Habang kumekembot ang bewang
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang 5.
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama
Na tila 'di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
Laging nalalatayan
Sa paglipas ng panahon ay 'di ko namamalayan
Na imbis na tumigas ay tila lalong lumambot
Ang puso kong mapagmahal
Parang pilikmatang kulot…
https://www.musixmatch.com/lyrics/Gloc-9-feat-Ebe-
Dancel/Sirena

15
MATERYAL #2.1

SAGUTIN NATIN!
Pagsusulit. Isulat sa papel ang iyong kasagutan.
Para sa bilang 1-8, piliin mula sa kahon ang mga angkop na konseptong inilalarawan
ng mga pahayag.

Pagpipilian
pamimilosopiya patunay Alegorya ng Yungib
katotohanan Ang Republika pag-unawa
opinyon mga anino pilosopiya

_________________ 1. Sa kuwentong ito ni Plato, inilarawan niya kung paano naliliwanagan ang
mga pilosopo sa katotohanan at bakit hindi sila tinatanggap ng karaniwang lipunan.

_________________ 2. Sa aling aklat ni Plato matatagpuan ang kaniyang kwento tungkol sa


katotohanan?
_________________ 3 – 4. Ano ang dalawang antas ng kaalaman?
_________________ 5. Isa itong matrabahong gawain kung saan ang isang tao ay nagmumuni at
bumubuo ng mga teorya tungkol sa isang mahalagang isyu o paksa.
_________________ 6. Ito ay isang palagay na nakabatay sa paniniwala at damdamin.
_________________ 7. Aling elemento ang sumisimbolo sa ilusyon sa kuwento ni Plato?
_________________ 8. Ito ay mga totoong pahayag na maaaring patunayan ng agham at
karanasan.
Para sa bilang 9 – 15, tukuyin kung ang mga pahayag ay katotohanan (fact) o opinyon.
_________________ 9. Ang pamimilosopiya ay isang matrabahong gawain.
_________________ 10. Hindi naging legal ang same-sex marriage sa Pilipinas dahil ayon sa
batas na ginamit na batayan ng Korte Suprema, ang kasal ay tungkol sa pagiging-isa ng isang
lalaki at isang babae.

_________________ 11. Ang pagiging magulang ay hindi tungkol sa pagbuo ng bata. Ito ay
tungkol sa kakayahang magpalaki ng bata.
_________________ 12. Nagmula ang mga tao sa mga unggoy (apes).
_________________ 13. Mas tagos ang “Mahal kita” kaysa “I love you” dahil mas may kurot ang
Filipino kaysa Ingles.

16
MATERYAL #2.1

_________________ 14. Ang mga laruang gaya ng kotse, sundalo, superhero, at mga armas ay
panlalaki. Ang mga manika, make-up, cooking set, at medical kit ay pambabae.
_________________ 15. May mga mag-aaral nang namatay habang sumasailalim sa ROTC
training, kaya hindi dapat ito gawing sapilitan dahil ito ay mapanganib.
Para sa bilang 16 – 20, suriin ang mga pahayag at pagkatapos ay tukuyin kung anong
teorya ng katotohanan ang sinasalamin ng mga ito. Isulat lamang ang titik ng iyong kasagutan.
Pamimilian: A. Teorya ng Pagka-ayon (Correspondence Theory of Truth)
B. Teorya ng Kaugnayan (Coherence Theory of Truth)
C. Teoryang Praktiko o Pragmatiko (Pragmatic Theory of Truth)
__________ 16. Hindi ka mahuhuli sa klase kung hindi ka papasok.

__________ 17. Napansin mong hindi pumapasok si Annie sa inyong klase sa pilosopiya subalit
nakikita mo siya sa first period ninyo na agrikultura. Naisip mong siguro, ibinagsak na niya ang
kaniyang klase sa pilosopiya.
__________ 18. Iniisip mong ang mga mahihirap ay nananatiling mahirap dahil sila ay tamad.
Sapagkat ikaw mismo ay mahirap noon subalit yumaman dahil sa pagsisikap.

__________ 19. [Trigger Warning] Ang pagsusuot ng mapaglantad na kasuotan, pagiging malapit
sa mga kalalakihan, at pagiging mapag-isa ay hindi dahilan ng pagiging biktima ng paggahasa.
May mga madre na nagahasa na. May mga tahimik at inosenteng bata ang nagahasa na. May
mga kababaihan sa trabahong nagahasa na. Ano man ang gawin mo, maaari kang magahasa dahil
ang mga rapists ang tunay na dahilan ng pagkakagahasa, hindi ikaw.
__________ 20. Bago ka makipagtalo sa iba, itanong mo sa iyong sarili, “Kaya bang maunawaan
ng kausap ko na maaaring magkaroon ng iba’t ibang pananaw tungkol sa isang konsepto?” Kung
hindi, huwag ka nang makipagtalo.

PAG-ISIPAN NATIN!
Pagninilay
Punan ang mga patlang sa reflection prompt na nasa ibaba.
 Napagtanto ko mula sa aralin na ito na ________________________________________.
 Natutunan ko sa araling ito _________________________________________________.
 Binabalak kong gamitin ang aking natutunan ___________________________________.

17
MATERYAL #2.1

GAWIN NATIN!
Awtput: JOHARI WINDOW
Bumuo sina Joseph Luft at Harrington Ingham (1955) ng isang teknik na makatutulong
sa mga tao na maunawaan ang kanilang relasyon sa sarili at sa iba. Tinawag nila itong Johari
Window. Pag-aralan ang ilustrasyon sa ibaba.

Panuto para sa awtput: Sa isang malinis na papel, gumawa ng sariling Johari Window. Isulat sa
bawat kwadrant ang angkop na katotohanang tungkol sa iyo. Halimbawa, sa kwadrant ng Bukas
na Sarili, maaari mong ilagay ang katotohanang “magaling sumayaw” kung ito ay alam mo at
alam din ng ibang tao. Maaari ka ring magsulat ng higit pa sa isang (1) katotohanan para sa
bawat kwadrant at maaari mong lagyan ng disenyo ang iyong awtput.

Tips:
 Maglaan ng oras upang mapagnilayan nang mabuti ang gawaing ito. Mas maraming
katotohanan ang maisusulat, mas mabuti, upang mas makilala ang sarili.
 Maaari kang magtanong sa iba upang malaman mo ang mga katotohanang ilalagay mo sa
kwadrant ng Natatagong Sarili.
 Para sa kwadrant ng ‘Di-Kilalang Sarili, maglagay ng mga pahayag na sa iyong palagay ay
hindi mo alam at hindi rin alam ng iba, subalit hinihiling mong totoo tungkol sa iyo dahil
imposibleng malagyan ng angkop na katotohanan ang kwadrant na ito.

18
MATERYAL #2.1

MGA SANGGUNIAN
Mga Aklat
Caraan (2016). Introduction to philosophy of the Human Person, Diwa Learning System Makati,
Philippines

Guevara, G. A. (2016). Pambungad sa Pilosopiya ng Tao. Rex Book Store, Inc. Sampaloc, Manila,
Philippines

Ramos (2016). Introduction to the Philosophy of the Human Person,Rex Inc. bookstore
Sampaloc, Manila
Rand, A. (1990). Introduction to Objectivist Epistemology (2nd edition). New York: Meridian

Website
Blackburn, S. W. (2020). “Truth.” Encyclopædia Britannica. Accessed October 17, 2020.
https://www.britannica.com/topic/truth-philosophy-and-logic

Mga Link
www.youtube.com/watch?v=RHLSdrAkOE
https://youtu.be/kXhJ3hHK9hQ

19

You might also like