You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan- Modyul 6:
Mga Sinaunang Kababaihan sa Asya

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Manunulat: Shayne Everett U. Eldian
Editor: Luzviminda O. Bahin
Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.
Florence S. Gallemit
Dr. Jephone P. Yorong
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Luzviminda O. Bahin
Tagalapat: Peter A. Alavanza
Tagapamahala: Dr. Isabela M. Briones, CESO III
Dr. Eugenio B. Penales
Sonia D. Gonzales
Dr. Ella Grace M. Tagupa
Dr. Jephone P. Yorong
Alamin
Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula sa
sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.

a. Naiisa-isa ang mga diyosa sa Asya


b. Nasusuri ang probisyon ng may kinalaman sa kababaihan sa Code of
Hammurabi at Code of Manu
c. Nasusuri ang kalagayan ng kababaihan sa mga relihiyon at pilosopiya
sa Asya

Balikan

Panuto: Isulat sa inyong activity notebook ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang pilosopiya na nakatuon sa pakikiayon at pakikipag-isa ng tao


sa kalikasan.
a. Legalism b. Taoism c. Confucianism d. Buddhism

2. Ano ang ibig sabihin ng salitang “kami” sa relihiyong Shinto ng mga


Hapones?
a. espiritu ng kalikasan at kanilang mga ninuno.
b. espiritu ng kalangitan at kanilang mga ninuno.
c. espiritu ng kalangitan at ng kalawakan.
d. lahat ng nabanggit

3. Anong dinastiya ng Tsina umusbong ang Confucianism at Taoism?


a. Sung b. Yuan c. Zhou d. Tang

4. Sino ang nagtatag ng pilosopiyang Confucianism?


a. Shang Yang b. Monghe c. Lao Zi d. Confucius

5. Pinahalagahan ni Confucius ang pamilya. Isa sa pinakadakilang virtue ay


ang xiao. Ano ang ibig sabihin ng salitang xiao?
a. pakikipagkapwa-tao
b. paggalang sa magulang.
c. pagkamakatwiran at tamang pag-uugali
d. ritwal at pagkamagalang
Aralin
1
Mga Diyosa sa Asya

Tuklasin

Naniniwala ang ating mga ninunong Asyano sa papel ng


kababaihan bilang mga diyosa.

Babylonia

Tiamat – isang diyosang pinaniniwalaang pinagmulan ng lahat ng mga


diyosa ayon sa mga Babylonian
- Nagmula kay Tiamat ang iba pang diyos tulad ni Marduk.

Marduk – pumatay kay Tiamat at ang kanyang itinapong mga labi ay


siyang pinaniniwalaang naging langit.
- Pinaniniwalaang nagmula kay Tiamat.

Mesopotamia

Nammu – ang diyosa ng tubig. Naging mahalaga sa paglikha ng tao


dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng luwad sa
paglikha ng tao.

Inanna – diyosa ng pag-ibig at digmaan


-- May mabait at malupit na katangian
-- Marami siyang naging anyo ngunit ang pinakamahalaga ay
ang pagiging diyosa ng lupa. Bilang diyosa ng lupa, sa kanya nagmula ang
lahat. Sa hanay ng mga Semitic, si Inanna ay binansagan na Ishtar

Dravidian

Ang grupong Dravidian sa Timog Asya ay naniniwala sa mga diyosa at


isa rito ang diyosa ng Buwan.

Ngunit noong dumating ang Indo-Aryan, naging lalaki ang kanilang


diyos. Pangunahing diyos ay si Indra, ang diyos ng panahon.
Japan

Amaterasu O-mi-ka-mi - diyosa ng araw ng mga Hapones


- Pinaniniwalaang sa kanya nagmula ang mga emperador ng Japan.
- Pinahahalagahan siya ng mga Hapones. Makikita ito sa bandila ng
Japan kung saan prominente ang sagisag ng araw.

Ang Kababaihan Ayon sa Batas ni Hammurabi


Noong panahon ng mga Babylonian sa Kanlurang Asya, isinabatas ni
Haring Hammurabi ang maraming kaugalian na umiiral sa lugar.

Sinalamin ng ilang probisyon ng Batas ni Hammurabi ang mababang


pagturing sa kababaihan. Ilan ay ang mga sumusunod:

• Ang mga babae ay itinuturing na bagay na maaaring ikalakal.


Kaya’t ang pag-aasawa ay maituturing na isang transaksyong pananalapi.

• Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at


dote. Madalas na sa pagkabata pa lamang ay inaayos na ang
pagkakasundong magpakasal ang isang babae at lalaki.

• Ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay paparusahan ng


kamatayan. Sa oras na mahuli ang babaing nagtaksil sa kanyang asawa,
pareho silang ihahagis sa malalim na bahagi ng ilog o dagat.

• May lubos na kapangyarihan ang mga lalaki sa tahanan at


maaari niyang ipagbili ang kanyang asawa at mga anak.

• Ipinagbabawal ang paglahok ng mga kababaihan sa kalakalan.

Ang Kababaihan Ayon sa Code of Manu

Kung may Batas ni Hammurabi ang Kanlurang Asya, ang Timog Asya
ay may katumbas ding Kodigo ng mga batas. Ito ay ang Code of Manu na
sinasabing nabuo noong huling bahagi ng unang siglo B.C.E

Hindi malinaw ang posisyon ng Code of Manu sa pagturing sa babae.


Sinasabi ng Kodigong ito na sa oras na ang isang brahmin o pari sa Hinduism
ay nakikipagrelasyon sa isang mababang uri ng babae, tiyak na siya ay
pupunta sa impiyerno.

• Ang lahat ng ritwal na walang paggalang sa babae ay walang


saysay.
• Ang amang ayaw pang ipakasal ang anak na nagdalaga na ay
nakagagawa ng isang paglabag sa batas na kasing-sama ng pagpapalaglag ng
bata. Ito ay sa dahilan na dapat na nagluluwal na ng saggol ang anak na
babae.

• Ang huwarang agwat ng edad ng mag-asawa ay tatlong beses ang


tanda ng lalaki sa kanyag asawang babae.

• Ang ama ng isang babae na tumanggap ng dote ay


maihahalintulad sa sa isang tao na nag-aalok ng babae sa lalaki.

Ang Babae sa mga Relihiyon at Pilosopiya ng Asya

Buddhism
• Pinayagan ang mga kababaihan na maging mongha. Ngunit
ipinagkait ng relihiyon ang pagkilala na ang mga babae ay pantay sa lalaki
kaya nakapailalim pa rin ang mga mongha sa mga monghe.

• Ipinagkait din ng Buddhism ang pagtatamo ng nirvana sa mga


babae. Ang tanging pag-asa na lamang ng isang babae ay maisilang siya
bilang isang lalaki sa susunod na buhay at makatamasa ng nirvana.

Confucianism
• Pinapahalagahan ang anak na lalaki kaysa mga anak na babae.
Ito ay dahil ang mga babae ang nagbibigay ng dote. Tinitingnan ang mga
babae na nagbabawas sa kaban ng pamilya samantalang ang mga lalaki ang
nagdaragdag dito. Bukod dito, itinuring na ang mga anak na lalaki ang siyang
magpapatuloy ng pangalan ng pamilya.

• Ang halaga ng babae ay ibinatay sa kakayahan niyang


magkaroon ng anak at kung hindi man ito mangyari, ang babae ay maaring
idiborsyo ng kanyang asawa.

Suriin
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong
kwaderno.

1. Ano ang kalagayan ng kababaihan sa sinaunang lipunan?


2. Ano ang bahaging ginagampanan ng kababaihan sa sinaunang lipunan?
3. Bakit limitado ang karapatan ng kababaihan sa lipunan?
4. Sa kabila ng mababang pagtingin ng mga kababaihan sa lipunan, paano
sila nagiging makabuluhang bahagi sa pagbuo at pagpapayaman ng
sibilisasyong Asyano?
5. Nangyayari pa ba sa ngayon ang hindi pagpapahalaga ng mga kababaihan?
Pagyamanin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang


salitang “tama” kung ang sinasabing pahayag ay tama at “mali” naman kung
hindi. Gawin ito sa kwaderno.

______1. Kinikilala ng relihiyong buddism na ang mga babae ay pantay sa


lalaki.
______2. Ang grupong Dravidian sa Timog Asya ay naniniwala sa mga diyosa
at isa rito ang diyosa ng Buwan.
______3. Ipinagbabawal ang paglahok ng mga kababaihan sa kalakalan.
______4. Ang huwarang agwat ng edad ng mag-asawa ay dalawang beses ang
tanda ng lalaki sa kanyag asawang babae.
______5. Ang amang ayaw pang ipakasal ang anak na nagdalaga na ay
nakagagawa ng isang paglabag sa batas na kasing-sama ng pagpapalaglag ng
bata.
______6. Si Tiamat ay kinikilalang diyosa ng Mesopotamia.
______7. Ang babaeng hindi tapat sa kanyang asawa ay paparusahan ng
kamatayan.
______8. Pinapahalagahan ang anak na lalaki kaysa mga anak na babae.
______9. Marami ang naging anyo ni Nammu ngunit ang pinakamahalaga ay
ang pagiging diyosa ng lupa.
_____10. Ipinagkait din ng Buddhism ang pagtatamo ng nirvana sa mga
babae.
_____11. Tinitingnan ang mga babae na nagbabawas sa kaban ng pamilya
samantalang ang mga lalaki ang nagdaragdag ditto.
_____12. Itinuring na ang mga anak na babae ang siyang magpapatuloy ng
pangalan ng pamilya.
_____13. Pinayagan ang mga kababaihan na maging mongha sa relihiyong
Buddhism.
_____14. Ang isang brahmin o pari sa Hinduism ay nakikipagrelasyon sa isang
mababang uri ng babae, tiyak na siya ay pupunta sa impiyerno.
_____15. Amaterasu O-mi-ka-mi - diyosa ng araw ng mga Dravidian.

Gawain

Gawain 1

Punan ang talahanayan na nasa ibaba.


Katayuan ng mga Ano ang mga pagbabago sa
kababaihan noon katayuan ng mga kababaihan
na iyong nakikita sa ngayon?

Halimbawa: Halimbawa:
Batas ni Pagbabawal sa paglahok Papayagan na magkaroon ng
Hammurabi ng babae sa kalakalan. negosyo ang mga babae para
makatulong sa asawa at
pamilya.

Code of Manu

Gawain 2

Piliin sa ibaba at isulat sa patlang ang kinabibilangang bansa o kabihasnan


ng mga sumusunod na diyos o diyosa.

Japan Dravidian Mesopotamia Babylonia

_________________1. Tiamat
_________________2. Inanna
_________________3. Marduk
_________________4. Amaterasu O-mi-ka-mi
_________________5. Indra
_________________6. Nammu
_________________7. Diyosa ng uwan
Isaisip

Punan ang patlang ng mga salitang matatapuan sa loob ng kahon


upang mabuo ang konseptong nais ipahayag.

Diyosa Batas ni Hammurabi pilosopiya

Code of Manu papel hari

Sumasamba sa mga 1) ________ ang mga Asyano. Mahalaga ang


2)___________ na ginagampanan ng mga sinaunang kababaihan sa Asya.
Nababanggit ang papel ng kababaihan sa lipunan sa 3)__________________ at
4)______________________. Pinairal ng relihiyon at 5)_____________ ng Asya ang
mababang tingin sa kababaihan.

Tayahin

Panuto: Isulat sa inyong activity notebook ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI itinuturing na diyosa ng mga


Asyano?

a. Nammu b. Indra c. Tiamat Marduk

2. Sinasamba si Nammu, ang diyosa ng tubig ng Mesopotamia. Bakit


mahalaga sa paglikha ng tao ang tubig?

a. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng


kalawakan.
b. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng
kalangitan.
c. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng
kapaligiran.
d. dahil sa naging mahalagang sangkap ang tubig sa pagbuo ng luwad
sa paglikha ng tao.
3. Ang mga Dravidian ay sumasamba sa diyon ng buwan ngunit noong
dumating ang Indo-Aryan, naging lalaki ang kanilang diyos. Sino ang diyos
ng panahon ng mga Dravidian?

a. Nammu b. Amaterasu c. Indra Marduk

4. Sino ang diyosa ng pag-ibig at digmaan ng Mesopotamia?

a. Inanna b. Amaterasu c. Indra Marduk

5. Sino ang diyosang pinaniniwalaang pinagmulan ng lahat ng mga diyosa ayon


sa mga Babylonian?

a. Nammu b. Indra c. Tiamat Marduk

Karagdagang Gawain
Sa isang buong papel, sumulat ng editorial tungkol sa sinaunang
kababaihan sa Asya.
Rubrics:
Nilalaman – 10
Kaugnayan sa paksa - 10
Paggamit ng salita - 10
Kabuuan 30
pp.250-253
Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Grace Estela C. Mateo et al •
Sanggunian:
Gawain 2 Isaisip Tayahin
1. Babylonia 1. diyosa 1. b
2. papel
2. Mesopotamia 3. Batas ni 2. d
3. Babylonia Hammurabi
4. Code of Manu 3. c
4. Japan 5. pilosopiya
4. a
5. Dravidian
5. c
6. Mesopotamia
7. Dravidian
Pagyamanin Balikan
1. mali 1. b
2. tama 2. a
3. tama 3. c
4. mali 4. d
5. tama 5. b
6. mali
7. tama
8. tama
9. mali
10 tama
11 tama
12 mali
13 tama
14 tama
15 mali
Susi sa Pagwawasto
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Here the Badjaos roam the seas
Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!
1

You might also like