You are on page 1of 4

Karen Joy A.

Kirit
BEED-1
MODYUL 4
BATAYANG KAALAMAN SA TALUMPATI; PAGTATALUMPATI AT ETIKA SA PAMPUBLIKONG
PAGSASALITA
Paksa 7: Pagkakaiba ng Talumpati, Pagtatalumpati at Mananalumpati
Mga Bahagi ng Talumpati
Publikong Pagsasalita: Panimula, Kalikasan, at Layunin
Mental na Ugnayan ng Tagapagsalita at Tagapakinig

PAGSASANAY
Sumulat ng isang talumpati mula sa mga sumusunod na paksang mapagpipilian:
1. Okasyon
a. Pagtatapos 2021 b. Papuri sa isang matagumpay na tao o namatay
c. Pampinid na Pagdiriwang sa Buwan ng Wikang Pambansa 2020
(Para sa Tema sa Pagtatapos: Kalidad ng Edukasyon Lalong Patatagin sa Gitna ng
Pandemya; Para sa Tema sa Buwan ng Wikang Pambansa: “Wika ng Kasaysayan,
Kasaysayan ng Wika” Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Konta
Pandemya)
2. Mga Isyung Panlipunan
a. Pandemyang Covid c. Extra Judicial Killing
b. Kahirapan d. Modular na Pagkatuto
(Maari rin kayong gumamit/pumili ng iba pang mga isyung panlipunan bilang paksa)
Ang Pag-usbong ng Diskriminasyon sa Lipunan
Ang mundo ay binubuo ng maraming bansa na sinasakupan ng mga taong may iba't
ibang pagkakakilanlan. Mayroong mga taong iba ang kanilang lahi at kulay ng balat.
Mayroon din namang kulot at tuwid ang buhok, manipis at makakapal na labi, mataba at
payat, singkit at malaking mga mata, matangkad at pandak, at higit sa lahat, may pango at
matatangos na ilong. Lahat ng iyon ay taglay ng iba't ibang mga tao. Ngunit, bakit nga ba
dito nagsisimula ang pag-usbong ng diskriminasyon? Ano nga ba ang mga sanhi nito at
mga batas na magpoprotekta laban dito?
Ayon sa encyclopedia-titanica.com, ang diskriminasyon ay tumutukoy sa sosyolohikal
na kababalaghan sa mga tao na lumalabag sa pagkakapantay-pantay. Ito rin ay ang hindi
patas na pagtrato sa ibang tao at mga grupo batay sa isang katangian na taglay nila tulad
na lamang ng kanilang lahi, kulay ng balat, edad, kasarian at sekswal na oryentasyon. Dahil
sa kaibahang taglay ng isang tao ay doon umuusbong ang diskriminasyon.
Base sa aking nagawang pananaliksik, ang mga sanhi ng diskriminasyon ay ang
kaibahan ng kultura, lahi, relihiyon, estado sa buhay, pisikal na anyo, at sekswal na
oryentasyon. Ating umpisahan ang kultura bilang sanhi ng diskriminasyon. Sa maraming
kultura, ang mga babae ay karaniwang itinuturing na mas mababa kaysa sa mga lalaki. Ito
ay isang kultura kung saan ang mga lalaki ang karaniwang namumuno. Mayroon ding mga
kultura na hindi tumatanggap ng anumang uri ng oryentasyong sekswal o miyembro ng
LGBTQ. Ang mga taong lumalayo sa tradisyonal na paniniwala na dalawa lamang ang
angkop na oryentasyong sekswal ay nakakaranas ng diskriminasyon. Ngunit dahil sa Batas
Republika 1910 o kilala bilang “Magna Carta for Women” na isinabatas noong ika-8 ng Hulyo
sa taong 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa
halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay.
Narito rin ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality Bill, na mas kilala
natin sa tawag na SOGIE Bill kung saan ito ay isang panukalang batas na iminungkahi ng
Kongreso ng Pilipinas upang maiwasan ang iba't ibang pang-ekonomiya at pampublikong
aksyon na may kinalaman sa diskriminasyon laban sa mga tao batay sa kanilang
oryentasyong sekswal, at pagkakakilanlang pangkasarian o ekspresyon.
Sa kabilang banda, ang diskriminasyon sa lahi, relihiyon, estado sa buhay, pisikal na
anyo at sekswal na oryentasyon ay karanasang nangyayari sa ating lipunan. Ang mga ito
ay sanhi ng diskriminasyon na sadyang nakakaapekto sa kalagayan ng tao. Ang
pagkakaroon ng ganitong sitwasyon sa lipunan ang siyang dahilan ng paglaganap ng
diskriminasyon. Talagang hindi makatarungan ang walang patas na pagtrato ng ibang tao
sa kanilang kapwa sapagkat malaki ang dulot nito sa karapatang pantao.
Ang pag-usbong ng diskriminasyon ay sanhi ng iba't-ibang mga salik na
nakakaapekto sa karapatan ng bawat tao . Ang kaibahan sa lahi, kultura, relihiyon, pisikal
na anyo, sekswal na oryentasyon at estado sa buhay ang puno't dulo ng diskriminasyon sa
lipunan. Ang mga ito ay sadyang nakakaapekto hindi lamang sa kalagayan ng tao kundi
pati na rin sa pananaw ng mga ito. Ngunit, dahil sa pagkakaroon ng mga batas republika na
nagpoprotekta sa karapatang pantao ay nagkaroon ng pagkakapantay-pantay ang bawat
isa. Sa kabuuan, ang diskriminasyon ay hindi man lubusan pang napuksa ay mayroon
namang mga batas na magtatanggol alang-alang sa karapatan ng bawat mamamayan sa
lipunan.

TAKDANG-ARALIN:
REPLEKSYON O PAGNINILAY-NILAY
1. Ano-anong mga kahirapan ang iyong nararanasan habang isinagawa mo ang pag-
aaral at pagsagot sa modyul na ito?
Ang mga kahirapang aking naranasan habang isinagawa ko ang pag-aaral at
pagsagot sa modyul na ito ay ang paghahanap ng aking sariling paksa sa talumpati
at ang pagsusulat ng panimulang talata nito. Ako ay nahirapan doon sapagkat
maraming mga paksang pagpipilian at naghahanap ako ng isang paksa na siyang
makakapukaw sa aking atensyong sumulat. Hindi rin ako lubusan pang handa sa
pagsulat ng talumpati sapagkat maraming negatibong bagay ang pumapasok sa
aking isipan na hindi ko kayang gumawa nito. Ngunit dahil sa aking pagpupursigeng
makasulat ay napagtagumpayan kong makalikha ng aking sariling talumpati.
Masasabi kong mahirap sa umpisa ngunit kapag ikaw ay may dedikasyong matapos
ang iyong naumpisahan ay magpupursige ka talaga itong tapusin.
2. Ano-anong mga kawili-wiling mga bagay ang iyong natuklasan habang inaral mo
ang modyul na ito?
Ang mga kawili-wiling mga bagay na aking natuklasan habang inaaral ko ang
modyul na ito ay ang pagtukoy kung paano ang tamang pagsulat ng isang talumpati
at kung ano ang mga uri na naaayon sa layuning tinataglay nito. Nawili ako dito
sapagkat nasubok ang aking kakayahan sa pagsulat at paghahanap ng
mapagkakatiwalaang impormasyon ukol sa paksang aking napili. Inaamin kong
mahirap at nakakapagod mag-isip at maghanap ng mga detalyeng magpapatunay
sa aking napiling paksa, ngunit sa paglubog ng araw ay napagtanto ko na ang mga
ganitong aktibidades ay makakatulong upang mahasa ang aking kakayahan sa
pagsulat. Kaya imbes na sumuko ay mas minabuti kong isipin ang mabuting dulot
nito sa akin bilang isang guro sa hinaharap.
PAKSA: 8 – Etika sa Pampublikong Pagsasalita
Pagtatalumpati
Mga Dapat Isalang-alang sa Pagtatalumpati
PAGSASANAY 1
Ngayong napagtagumpayan mo ang pagsulat ng talumpati ay dadako na tayo sa
paglalahad nito sa pamamagitan ng video recording. Mamarkahan ang inyong
naipadalang talumpati gamit ang mga sumusunod na pamantayan.
Huwag masyadong habaan 3-4 minuto lamang ang gagawing pananalumpati.
TAKDANG-ARALIN:
REPLEKSYON O PAGNINILAY-NILAY
1. Ano-anong mga kahirapan ang iyong nararanasan habang isinagawa mo ang pag-
aaral at pagsagot sa modyul na ito?
Ang mga kahirapang aking naranasan habang isinagawa ko ang pag-aaral at
pagsagot sa modyul na ito ay ang pagtukoy sa mga dapat isaalang-alang sa
pagtatalumpati at ang uri ng talumpati/pagtatalumpati. Ako ay nahirapan dito
sapagkat hindi ko lubusang nabatid ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa
aking ginawang pagtatalumpati. Ako rin ay nalito kung anong uri ng pagtatalumpati
ang aking dapat gawin. Ngunit sa kabila ng kahirapang aking naranasan ay unti-unti
akong naliwanagan kung paano at ano ang dapat kong gawin tungo sa tagumpay
ng aking pagtatalumpati.
2. Ano-anong mga kawili-wiling mga bagay ang iyong natuklasan habang inaral mo
ang modyul na ito?
Ang mga kawili-wiling mga bagay na aking natuklasan habang inaaral ko ang
modyul na ito ay ang pag video ko ng aking ginawang talumpati at paano gawin ang
pagtatalumpati ng matagumpay. Nawili ako sa pag video sapagkat nag eensayo ako
kung ano ang nararapat kong gawin at ang tamang pagbigkas ng mga salita. Ako rin
ay nawili dahil parang nahasa ang aking kakayahan sa pagsasalita na naaayon sa
mensaheng gusto kong iparating sa aking ginawang pagtatalumpati. Mahirap at
nakakapagod man ay masaya pa rin ako sa resulta sapagkat ginawa ko ang lahat
ng aking makakaya at nagkaroon din ako ng kaalaman ukol dito.

You might also like