You are on page 1of 10

FILIPINO G10_MODYUL 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA

Ikalimang Linggo: Mga Arkitekto ng Kapayapaan (Sanaysay)

I. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Africa at Persia

II. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa
binasang akdang pampanitikan

III. Gradual Release of Responsibility


Unang Araw Ikalawa – Ikatlong Araw Ikaapat na Araw Ikalimang Araw
PAG-UNAWA PAG-UNAWA AT KASANAYAN BALARILA PAGLIKHA
Natutukoy ang mga Naibibigay ang kasalungat at kahulugan ng mga piling salita Nakikilala ang tuwiran at di- Nakasusulat ng isang
pangunahin at sa akda tuwirang pahayag sanaysay na may
pantulong na mga Naipaliliwanag ang mga kaisipan ng binasang akda kaugnayan sa paksa ng
kaisipan ng binasang Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay Nasusuri ang binasang akda binasang akda
akda sa ibang akdang pampanitikan batay sa mga tuwiran at di-
Nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa mga kaisipan tuwirang pahayag
ng binasang akda

IV. Scriptural Message and Fr. Al’s Message. Ang modyul na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang maunawaan at
mapagnilayan ang mga mensahe mula sa Bibliya at galing kay Venerable. Al.

SCRIPTURAL MESSAGE
Colossians 3:15 “At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Kristo, sapagkat ito ang dahilan kaya kayo
tinawag upang maging bahagi ng isang katawan. Magpasalamat kayong lagi.”

FR. AL’S MESSAGE


Week 5: “Madalas, ang mga Protestante, ang mga Fundamentalists, mga Born-Again at iba pang kalaban ng Simbahan, ay
pinupuna ang pamimintuho ng Simbahan kay Maria. Ito ay isang malaking pagkakamali nila. Ikinalulugod nang husto ni
Kristo kapag pinararangalan natin ang Kanyang Ina.” (Homily, November 24, 1991)

V. Daily Learning Log (DLL). Ang mga mag-aaral ay…


SMS-ARDC 1
FILIPINO G10_MODYUL 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA

Unang Araw Ikalawang Araw Ikatlong Araw Ikaapat na Araw Ikalimang Araw
Elemento
Pag-unawa Pag-unawa at Kasanayan Balarila Paglikha
Naihahambing ang
Naibibigay ang
pagkakaiba at
kasalungat at Nakikilala ang tuwiran at
pagkakatulad ng
Mga Natutukoy ang mga kahulugan ng mga di-tuwirang pahayag Nakasusulat ng isang
sanaysay sa ibang akdang
pangunahin at pantulong piling salita sa akda sanaysay na may
Kasanayan sa na mga kaisipan ng
pampanitikan
kaugnayan sa paksa ng
Pagkatuto Nakapagbibigay ng Nasusuri ang binasang
binasang akda Naipaliliwanag ang mga binasang akda
sariling opinyon tungkol akda batay sa mga
kaisipan ng binasang
sa mga kaisipan ng tuwiran at di-tuwirang
akda
binasang akda pahayag
Lagumang G3: Talasalitaan G5: Maikling G8: Pagtalakay G10: Paglikha
Pagsusulit (Pangklaseng Pagtatalo (Pangklaseng Gawain) (Indibidwal na Gawain)
(Indibidwal na Gawain) – 20 minuto (Pangklaseng Gawain) – 20 minuto – 50 minuto
Gawain) – 20 minuto – 30 minuto
Note: Magbibigay ng Note: Magkakaroon Note: Susulat ng
G1: Pagsusuri sa mga salita ang guro Note: Magkakaroon ng ng pagtalakay tungkol sanaysay ang mga
Video (Pangklaseng buhat sa sanaysay. maikling pagtatalo sa mga tuwiran at di- mag-aaral tungkol sa
Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain) – 15 minuto Ibibigay ng mga tungkol sa isang tuwirang pahayag. paksang


Panimula mag-aaral ang kaisipan mula sa diskriminasyon (kahit
Note: Panonoorin ng kahulugan at akdang binasa. na anong uri ng
klase ng video kasalungat ng mga diskriminasyon).
salita. Note: Magbibigay ng
panapos na pahayag Note: Kung maagang
Note: Ipagamit din ang guro sa pagtatapos matatapos sa pagsulat
sa mga mag-aaral ng pagtatalo. ang mga mag-aaral ay
ang mga salitang maaaring
binigyan ng makipagpalitan sa
kahulugan. ibang mag-aaral upang
G2: Pagtalakay sa G4: Ipaliwanag G6: Panonood ng G9: Pagsusuring maisagawa ang
Nilalaman ng Mo (Pangkatang Video (Pangklaseng Pambalarila paunang pagbibigay-
Akda (Pangklaseng Gawain) – 30 Gawain) – 10 minuto (Parehang Gawain) – puna.
Gawain) – 15 minuto minuto 30 minuto
Pang-
Note: Panonoorin ng
kasalukuya
n Note: Ibibigay ng Note: Hahatiin ang klase ang video. Note: Babalikan ng
guro ang mga klase sa walong Kung hindi naging mga mag-aaral ang
pangunahing pangkat. Bawat malinaw ang video sanaysay na binasa.

SMS-ARDC 2
FILIPINO G10_MODYUL 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA

kaisipan na pangkat ay ay maaari rin itong Sisipiin ng bawat


matatagpuan sa bibigyan ng gamitin ng guro pareha ang mga
sanaysay. Ibibigay kaisipan mula sa G7: Paghahambing tuwiran at di-
naman ng mga sanaysay na (Indibidwal na tuwirang pahayag.
mag-aaral ang mga binasa. Ipaliliwanag Gawain) – 10 minuto
pantulong na nila ang naturang Note: Magkakaroon
Karagdagang
kaisipan na makikita kaisipan sa klase. Note: Sa tulong ng ng pagwawasto sa
Gawain: Panonoorin
Panapos sa sanaysay na Matapos ang Venn Diagram, gawain pagkaraan ng mga mag-aaral
binasa. pagpapaliwanag ay paghahambingin ng ng 20 minuto. (buong baitang) ang
magpapalitan ng mga mag-aaral ang pelikulang Prince of
mga kaisipan ang katangian ng Persia.
bawat pangkat. sanaysay sa uri
Kanila rin itong maikling kuwento.
ipaliliwanag.
Lagumang Talasalitaan (FA) Maikling Pagtatalo Tuwiran at Di- Sanaysay (WW)
Pagsusulit (WW) Ipaliwanag Mo (FA) tuwirang Pahayag
Pagtataya (FA) Paghahambing (Input)
(FA) Pagsusuring
Pambalarila (FA)

Note

SMS-ARDC 3
FILIPINO G10_MODYUL 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA

Kasanayan sa Pagkatuto
Unang Araw •Natutukoy ang mga pangunahin at pantulong na mga kaisipan
Pag-unawa ng binasang akda

Iminumungkahi ang paunang pagbasa ng teksto


A. Pamagat: Mga Arkitekto ng Kapayapaan
B. Genre: Sanaysay (Timog Africa)
C. May- akda: Archbishop Desmond Tutu
D. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 (Phoenix Book) pp. 385-388

Mga Arkitekto ng Kapayapaan


Ni Archbishop Desmond Tutu

Noong ako ay maliit na bata pa lamang sa Timog Africa, nasaksihan ko ang libo-libong mga
Aprikanong itim na inaresto dahil sa nakapanlulumo at nakasusuklam na pass law system. Ang sistemang
ito ay kumitil sa kalayaang kumilos ng mga Aprikanong Itim. Kinailangan ng mga Aprikanong Itim na may
edad na labing-anim pataas na palagiang magdala ng pass sa kanilang pag-iikot sa siyudad. Maituturing na
paglabag sa batas ang paglabas na walang dalang pass. May karapatan ang sinomang pulis na arestuhin ang
mga walang dalang pass. Hindi ko malilimutan nang minsang sinasamahan ko ang aking ama na
nagtatrabaho bilang isang guro sa bayan, bigla na lamang kaming pinahinto at hinanapan ng pass kagaya ng
ginagawa sa iba pa naming Itim na kababayan. Ang hindi alam ng mga pulis ay hindi saklaw ang aking ama
ng pass law system sapagkat siya ay isang edukadong tao. Noong mga panahong iyon, ang sinomang taong
nakapagtapos ng kolehiyo ay hindi saklaw ng pass law system. Kaya nga ang aking ama ay may pribelihiyong
makabili ng alak na hindi natatakot na maaresto. Ang pagbili ng alak ay isang pribilehiyong ibinigay lamang sa
mga Puti. Ngunit nakalulungkot pa rin dahil upang malaman ng mga pulis na siya ay may ganitong pribilehiyo
ay kailangan pa niyang palagiang dalhin at ipakita ang kaniyang dokumento. Ang taglay niyang dokumento ay
hindi naman naging sanhi upang mailibre siya sa kahihiyang sitahin ng mga otoridad, kung minsan pa nga ay
may kasamang panghihiya. Itong klase ng pagtratong talaga namang yumurak sa aming pagkatao.
Nang makatapos ako ng kursong Theology sa Inglatera ay bumalik kami sa Timog Africa. Naharap ako
sa isang balintunay. Isang araw na kami ay nagpiknik ng buong pamilya sa tabing-dapat ay nakita namin ang
mapait na diskriminasyon. Ang bahagi ng tabing-dagat na nakalaan para sa mga Itim ay ang parting mabato
at pinakapangit. Sa di kalayuan ay may isang palaruan na may mga duyan. Tila ba may kung anong bato-
balani ang mga duyan at nang makita ng aking bunsong anak na ipinanganak sa Inglatera ay ninais niyang
magpunta rito. Ngunit paano mo ba sasabihin sa iyong anak na hindi siya maaaring magpunta rito?
Nagpupumilit man siya dahil may mga batang naglalaro rito ay hindi mo siya puwedeng papuntahin. Paano
mo sasabihin sa kanya na kahit bata siya ay hindi para sa kanya ang duyan na iyon, na ibang klaseng bata
siya? Ano ba ang dapat maramdaman? Ano ba ang dapat sabihin? Paano mo ba ipaliliwanag sa isang bata,
gayong siya’y musmos pa lamang? At muli, ako, bilang magulang ay nadurog ang puso. Parang ilang ulit ko
nang pinatay dahil ang pakiramdam mo ay hinubdan ka ng iyong pagkatao, napahiya nang todo, minaliit.
Naramdaman ko ang nararamdaman ng aking ama nang siya ay mapahiya sa aking harapan. Bilang
magulang hindi mo kayang tingnan ang iyong anak nang deretso sa mata.
Nang ako’t maging arsobispo ng Cape Town noong 1982 ay nagtala ako ng tatlong layunin. Dalawa ay
patungkol sa gawain ng simbahang Anglican at ang ikatlo ay ukol sa kalayaan ng lahat ng tao sa Timog Africa
maging puti man o itim. Ito ay naisakatuparan noong ika-27 ng Abril 1994 nang si Nelson Mandela ay inihalal

SMS-ARDC 4
FILIPINO G10_MODYUL 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA

na unang demokratikong pangulo ng Timog Africa. Marahil ay tumigil ang inog ng mundo noong ikasampu ng
Mayo nang itinalaga si Mandela bilang panguto. Hindi naman nakapagtataka kung ito’y tumigil sa pag-ikot
sapagkat halos lahat ng mga pinuno ng iba’t ibang bansa at maging ang iba pang mahalagang lider ay
nagtipon upang saksihan ang inagurasyong tumatak sa kasaysayan ng mundo.
Hindi maipaliwanag na damdamin ang nadama ng karamihan nang dumating si Mandela nang araw na
iyon kasama ng kanyang anak na babae at ilang pinuno ng security forces at mga pulis. Sumaludo sa kanya
ang iba’t ibang hukbo at inasistehan siya bilang pinakamataas na pinuno ng bansa. Makabagbag damdamin
ito sapagkat ilang taon pa lamang ang nakalilipas, si Mandela ay isa sa kanilang mga bilanggo. Sa kanyang
inagurasyon bilang pangulo, inanyayahan ni Mandela bilang panauhing pandangal ang kanyang puting
tagabantay sa kulungan. Ito ay una sa kanyang napakaraming hakbang upang ipakita ang kanyang kahanga-
hangang kakayahang magpatawad. Itong taong inapi, kinutya, tinugis bilang mapanganib na takas, at
ikinulong ng halos tatlong dekada ay naging simbolo ng kapatawaran at kapayapaan. Sa umpisa pa lamang
mahihinuha mong magiging isang epektibo at matapang na algad siya ng pagkakaisa.
Mula nang araw na iyon, ang bayan namin ay humanap ng iba’t ibang paraan upang mapanumbalik
ang dignidad at pagkataon ng mga taong matagal nang pinatahimik, minaliit, at binalewala. Isa ako sa
labimpitong itinalaga ni Pangulong Mandela noong Setyembre 1995, upang maging bahagi ng Komisyon ng
Katotohanan at Muling Pagkakasundo. Layunin ng komisyong tumulong sa mga taga-Timog Africa. Nag-alok
ng amnestiya ang komisyon sa mga biktima at maging sa mga nang-api noong panahon ng apartheid. Ang
aming islogan ay: Mapait ang Katotohanan, ngunit Nakamamatay ang Pananahimik Lamang.
Kasama sa aming adhikain ang paghimok sa mga taga-Timog Africa na makilahok sa komisyon at magkaroon
ng pagkakataong makiisa sa pagbuo ng mga panukala para sa paghilom ng mga sugat at muling pagkakaisa.
Sa pag-uumpisa ng pagtuklas sa katotohanan, nakagugulat na marami ang buong tapat na naglahad
ng kanilang karanasan na animo’y bangungot na tumatak sa kanilang pagkatao. Kahindik-hindik at kalunos-
lunos ang kanilang mga pinagdaanan.
Noong Enero nang taong 1997, habang ako ay aktibo sa komisyon ay ginulat ako ng isang mapait na
katotohanan, nalaman kong mayroon akong prostate cancer. Alam kong may mga bagay na nangyayari sa
kadahilanang hindi natin alam, at alam kong hindi ganoon kadaliing maghangad ng kapatawaran at
pagkakaisa. Ngunit marahil ito ang kabayaran sa pagiging tagatanggap ko ng mga hinanakit at pait ng mga
taong naglahad ng kuwento ng kanilang dinanas na pasakit.
Ang hirap na aking dinanas sa pagkakasakit ay nakatulong din sa aking baguhin ang aking pag-uugali
at pananaw sa buhay. Binuksan nito ang aking isipan at atensyon sa mga bagay na dati-rati’y binabalewala
ko. Napagtanto kong hindi ko na napagtutuonan ng pansin at oras ang aking asawa, ang aking mga apo, ang
kagandahan ng paglubog ng araw, ang dedikasyon ng aking mga katrabaho, at ang marami pang
magagandang bagay. Ang aking sakit ay nagtulak sa akin na tanggapin nang may pasasalamat ang
katotohanang ang buhay ng tao ay may hangganan. Nakamamanghang balikan ang aking mga pinagdaanan,
ang mga panahong nakipagtuos ako sa apartheid, ang panahong dumating ang kapayapaan sa aming bayan,
ang pagkakataong makabahagi sa pagtuklas sa katotohanan at sa pagkakaisa ng mga taong tinuturing na
kinabukasan ng ating bayan.

Lagumang Pagsusulit (Indibidwal na Gawain) – 20 minuto

SMS-ARDC 5
FILIPINO G10_MODYUL 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA

G1: Pagsusuri sa Video (Pangklaseng Gawain) – 15 minuto


Note: Panonoorin ng klase ang sumusunod na video:
https://www.youtube.com/watch?v=S7yvnUz2PLE
(Apartheid Explained)
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang apartheid?
2. Anong mga nilalaman nito?
3. Ano ang layunin nito?
4. Ano ang naging epekto nito sa mga Aprikanong Itim?
5. Ano ang inyong reaksyon sa batas na ito?

G2: Pagtalakay sa Nilalaman ng Akda (Pangklaseng Gawain) – 20 minuto


Note: Ibibigay ng guro ang mga pangunahing kaisipan na matatagpuan sa sanaysay. Ibibigay naman ng
mga mag-aaral ang mga pantulong na kaisipan na makikita sa sanaysay na binasa.

Mga Pangunahing Kaisipan sa Sanaysay:


 Nakapanlulumo at nakasusuklam na Pass Law System.
 Buhay na puno ng balintunay.
 Si Mandela ay isang epektibo at matapang na alagad ng pagkakaisa.
 Mapait ang katotohanan, ngunit nakamamatay ang pananahimik

Kasanayan sa Pagkatuto
Ikalawang •Naibibigay ang kasalungat at kahulugan ng mga piling salita sa
Araw akda
Pag-unawa •Naipaliliwanag ang mga kaisipan ng binasang akda

G3: Talasalitaan (Pangklaseng Gawain) – 20 minuto


Note: Magbibigay ng mga salita ang guro buhat sa sanaysay. Ibibigay ng mga mag-aaral ang kahulugan at
kasalungat ng mga salita.

Panuto: Ibigay ang kahulugan at kasalungat ng mga salita sa ibaba.


Kahulugan Kasalungat
Nakapanlulumo
Nakasusuklam
Paglabag
Pribelihiyo
Balintunay
Musmos
Itinalaga
Sumaludo
Makabagbag-damdamin
Kinutya

SMS-ARDC 6
FILIPINO G10_MODYUL 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA

Note: Ipagamit din sa mga mag-aaral ang mga salitang binigyan ng kahulugan.

G4: Ipaliwanag Mo (Pangkatang Gawain) – 30 minuto


Note: Hahatiin ang klase sa walong pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng kaisipan mula sa
sanaysay na binasa. Ipaliliwanag nila ang naturang kaisipan sa klase. Matapos ang
pagpapaliwanag ay magpapalitan ng mga kaisipan ang bawat pangkat. Kanila rin itong
ipaliliwanag.

Pangkat 1:
Nakapanlulumo at nakasusuklam na Pass Law System.
Pangkat 2:
Buhay na puno ng balintunay.
Pangkat 3:
Si Mandela ay isang epektibo at matapang na alagad ng pagkakaisa.
Pangkat 4:
Mapait ang katotohanan, ngunit nakamamatay ang pananahimik.
Pangkat 5:
Ang bayan ay patuloy na humahanap ng iba’t ibang paraan upang mapanumbalik ang
dignidad at pagkatao ng mga taong matagal nang pinatahimik, minaliit, at binalewala.
Pangkat 6: Ang hirap na dinanas ay nakatulong na baguhin ang pag-uugali at pananaw sa buhay.
Pangkat 7: Masakit ang pagtuklas sa mga katotohanan
Pangkat 8: Maaaring maging arkitekto ng kapayapaan ang kahit na sino.

Kasanayan sa Pagkatuto

Ikatlong •Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa


Araw ibang akdang pampanitikan
F •Nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa mga kaisipan ng
Kasanayan binasang akda

G5: Maikling Pagtatalo (Pangklaseng Gawain) – 30 minuto


Note: Magkakaroon ng maikling pagtatalo tungkol sa isang kaisipan mula sa akdang binasa.
Mapait nag Katotohanan, ngunit Nakamamataay ang Pananahimik Lamang
Note: Magbibigay ng panapos na pahayag ang guro sa pagtatapos ng pagtatalo.

G6: Panonood ng Video (Pangklaseng Gawain) – 10 minuto


Note: Panonoorin ng klase ang sumusunod na video:
https://www.youtube.com/watch?v=g3Qg7ytW4qs

Note: Kung hindi naging malinaw ang video ay maaari rin itong gamitin ng guro
https://www.youtube.com/watch?v=TF54e2m9ht0

Mga Gabay na Tanong:


1. Anong kwento ang inilahad sa video?
2. Paano ito maiuugnay sa nabasang sanaysay?
3. Anong uri ng akdang pampanitikan ang videong napanood?

SMS-ARDC 7
FILIPINO G10_MODYUL 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA

G7: Paghahambing (Indibidwal na Gawain) – 10 minuto


Note: Sa tulong ng Venn Diagram, paghahambingin ng mga mag-aaral ang katangian ng
sanaysay sa uri maikling kuwento.

Kasanayan sa Pagkatuto
Ikaapat na
•Nakikilala ang tuwiran at di-tuwirang pahayag
Araw •Nasusuri ang binasang akda batay sa mga tuwiran at di-
Balarila tuwirang pahayag

G8: Pagtalakay (Pangklaseng Gawain) – 20 minuto


Note: Magkakaroon ng pagtalakay tungkol sa mga tuwiran at di-tuwirang pahayag.

TUWIRAN AT DI-TUWIRANG PAHAYAG

Kadalasan ay kailangan nating magbigay ng mensahe o impormasyon mula sa ibang tao. Bilang
tagapaghatid ng mensahe ay maaari tayong gumamit ng tuwirang pahayag o di-tuwirang pahayag.
Ang tuwirang pahayag ay ang eksaktong sinabi ng nagbigay ng pahayag, walang labis walang
kulang. Ginagamitan ito ng panipi.
Sa di-tuwirang pahayag walang paniping ginagamit. Isinasalaysay lamang ang sinabi ng
nagbigay ng pahayag.

Tuwirang Pahayag Di-tuwirang Pahayag


Mariing sinabi ng Pangulo, “Walang wangwang at Mariing sinabi ng Pangulo na walang wangwang sa
ating administrasyon.” kanyang administrasyon.
“Kayo po ba gusto ninyong makulong ang lahat Tinanong ng pangulo kung gusto nilang makulong
ng tiwali?” tanong ng Pangulo. ang lahat ng tiwali.

Mapapansing may pagbabago sa mga panghalip na ginamit. Kung sa tuwirang pahayag ay ginamit
ang mga panghalip na nasa una at ikalawang panauhan, sa di-tuwirang pahayag ay gumamit ng panghalip
na nasa ikatlong panauhan.

G9: Pagsusuring Pambalarila (Parehang Gawain) – 30 minuto


SMS-ARDC 8
FILIPINO G10_MODYUL 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA

Note: Babalikan ng mga mag-aaral ang sanaysay na binasa. Sisipiin ng bawat pareha ang mga tuwiran at
di-tuwirang pahayag. Magkakaroon ng pagwawasto sa gawain pagkaraan ng 20 minuto.

Kasanayan sa Pagkatuto
Ikalimang
Araw •Nakasusulat ng isang sanaysay na may kaugnayan sa paksa ng
binasang akda
Paglikha

G10: Paglikha (Indibidwal na Gawain) – 50 minuto


Note: Susulat ng sanaysay ang mga mag-aaral tungkol sa paksang diskriminasyon (kahit na anong uri ng
diskriminasyon).

Note: Isaalang-alang ang mga sumusunod na pamantayan sa pagsulat ng sanaysay.


o Nilalaman (diskriminasyon at kung paano ito masosolusyonan)
o Kaayusan ng mga kaisipan
o Pagbibigay ng mga patunay
o Paggamit ng mga tuwiran at di-tuwirang pahayag
o Wastong gamit ng balarila

Note: Kung maagang matatapos sa pagsulat ang mga mag-aaral ay maaaring makipagpalitan sa ibang
mag-aaral upang maisagawa ang paunang pagbibigay-puna.

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay


Nangangailangan
Napakahusay Mahusay Di-gaanong Mahusay pa ng Pagsasanay
4 3 2 1
Maayos na maayos
Maayos na nailahad Hindi maayos na
na nailahad ang Di-gaanong maayos
ang isyu ng nailahad ang isyu
Nilalaman isyu ng na nailahad ang isyu
diskriminasyon at ng diskriminasyon
diskriminasyon at ng diskriminasyon at
kung paano ito at kung paano ito
kung paano ito kung paano ito
malulutas sa malulutas sa
malulutas sa malulutas sa malaking
malaking bahagi ng malaking bahagi
kabuuan ng bahagi ng sanaysay
sanaysay ng sanaysay
sanaysay
Maayos ang
Maayos na maayos Di-gaanong maayos Hindi maayos ang
Kaayusan ng paglalahad ng mga
ang paglalahad ng ang paglalahad ng naging paglalahad
mga kaisipan sa
mga kaisipan sa mga kaisipan sa ng mga kaisipan sa
Kaisipan malaking bahagi ng
buong sanaysay bahaging ng sanaysay buong sanaysay
sanaysay
Hindi kapani-
Lubos na kapani- Kapani-paniwala
Pagbibigay Di-gaanong kapani- paniwala o walang
paniwala ang lahat ang karamihan sa
ng mga paniwala ang mga pinagbatayan ang
ng patunay na mga patunay na
Patunay patunay na ibinigay mga patunay na
ibinigay ibinigay
ibinigay

SMS-ARDC 9
FILIPINO G10_MODYUL 3: MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG AFRICA AT PERSIA

Paggamit ng Maayos na maayos Maayos na nagamit Hindi maayos na


Di-gaanong maayos
mga tuwiran na nagamit ang ang mga tuwiran at nagamit ang mga
na nagamit ang mga
at di- mga tuwiran at di- di-tuwirang tuwiran at di-
tuwiran at di-tuwirang
tuwirang tuwirang pahayag pahayag sa tuwirang pahayag
pahayag sa malaking
pahayag sa kabuuan ng malaking bahagi ng sa kabuuan ng
bahagi ng sanaysay
sanaysay sanaysay sanaysay
Wastong Lampas sa apat
Walang naging May isa-dalawang
gamit ng May tatlo-apat na ang naging
kamalian sa kamalian sa
balarila kamalian sa paggamit kamalian sa
paggamit ng paggamit ng
ng balarila sa buong paggamit ng
balarila sa buong balarila sa buong
sanaysay balarila sa buong
sanaysay sanaysay
sanaysay

Karagdagang Gawain: Panonoorin ng mga mag-aaral (buong baitang) ang pelikulang Prince of
Persia.

SMS-ARDC 10

You might also like