You are on page 1of 2

SECOND SUMMATIVE TEST

KOMUNIKASYON 11
SECOND QUARTER
First Semester S.Y. 2021-2022

Pangalan:___________________________________ Y/S:___________ Iskor:_____________


I. Maramihang Pagpipilian: Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.25 puntos
___1. Ano ang tawag sa barayti ng wika kung saan gumagamit ng code ang mga tao sa pakikipagtalastasan?
A. Dayalek B. Idyolek C. Register D. Sosyolek
Para sa bilang 2-4, ibigay ang hinihingi ng bawat bilang, kunin ang sagot sa loob ng kahon.
A. Etnolek B. Moda C. Pidgin D. Tenor
___2. Ano ang tawag sa pansamanatalang barayti na mas mahigpit ang tuntuning gramatikal sa pasulat kaysa sa pasalita?
___3. Sa pansamantalang barayti, ano ang tawag kung ang antas ng pormalidad ay nagbabago batay sa kausap o okasyon?
___4. Tinatawag itong “nobody’s native language, ano ito?
___5. Ano ang tawag sa kakayahan ng isang tao na sumasakop sa mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura?
A. Barayti B. Diskorsal C. Komunikatibo D. Pragmatik
___6. Ano ang tawag sa isang tao kung may pagkaunawaan nang lubos ang dalawang taong nag-uusap, magamit ang wika ng
wasto
sa angkop na sitwasyon at maipahatid ang tamang mensahe sa taong kinakausap?
A. Komyunikeytor B. Mensahero C. Tagapagpadala D. Tagatanggap
___7. Sino ang nagpakita ng konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo na nakaaapekto nang Malaki sa mundo ng
lingguwistika?
A. Charles B. Chomsky C. Halliday D. Hymes
___8. Ayon kay Otanes, saan nakapokus ang paglinang ng wika?
A. Dulot na pakinabang sa mga mag-aaral B. Paghubog sa buhay ng mga mag-aaral
C. Negatibong epekto ng wika sa mga mag-aaral D. Paglinang sa kakayahang pagkomunikatibo ng mga mag-
aaral
___9. “You buy this? (Will you buy this?)”, anong barayti ng wika ang tinutukoy ng pahayag?
A. Creole B. Etnolek C. Moda D. Pidgin
___10. Ano ang pagkakaunawa mo sa pahayag na “ homogenous ang isang wika”?
A. Magkakaiba ang wika ng mga taong nag-uusap.
B. Bilingguwal ang wika ng mga naninirahan sa isang bansa.
C. Multilingguwal ang wika ng mga tao na nasa isang lipunan.
D. Pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika.
___11. Isa ang register sa barayti ng wika na nagagamit sa ating lipunan, ano ito?
A. Wika sa isang partikular na pangkat ng mga tao na may sariling ponolohiya.
B. Anyo ng wika na nakabatay sa propesyon, uri, paksa at larangang pinag-uusapan
C. Ginagamit ito ng mga tao kung saan pansariling paraan lamang sa pakikipag-usap
D. Tipikal na wika ng mga tao na ginagamit sa pang-araw-araw na talakayan o usapan
___12. Sa pagtamo ng kakayahang pangkomunikatibo, ano ang dapat na magkapantay at isaalang-alang?
A. Pagtalakay sa porma at ayos ng gramatika.
B. Pagtalakay sa gramatika at nakapaloob na mensahe.
C. Pagtalakay sa mensaheng mauunawan ng tagabasa at tagapakinig.
D. Pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian.
___13. Sa kakayahang gramtikal, ano ang pokus ng sintaks?
A. Paggamit ng grafema, mga bantas, at titik/di-titik
B. Nakapokus sa diin, intonasyon at hinto ng mga salita
C. Pagkilala sa mga content, function words at kalokasyon
D. Pagkakasunod-sunod ng mga salita sa loob ng isang pangungusap
___14. Kung ikaw ay laking probinsya at ang kausap mo ay nagsasalita ng wikang bernakular, ano ang gagamitin mong barayti ng
wika sa pakikipag-usap sa kanila? Bakit?
A. Pidgin ang gagamitin ko dahil iba ang lahi ko sa kanila.
B. Register ang gagamitin ko sapagkat ako ay may pinag-aralan
C. Dayalek ang gagamitin kong barayti upang lalo kaming magkaintindihan.
D. Sosyolek ang gagamitin ko dahil iba ang katayuan ng buhay ko sa kanila
___15. Paano ginagamit ng mga tao ang sosyolek na barayti ng wika sa pakikipag-usap?
A. Batay sa kung anong propesyon ang kanilang natapos.
B. Ginagamit ito batay sa katayuan o estado nila sa buhay.
C. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga wikang magkaiba ang kahulugan
D. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kauri o kaparehong antas ng pamumuhay.
___16. Bilang isang lingguwistika, paano binigyang diin ni Dell Hathaway Hymes sa kanyang mga katrabaho?
A. Pag uugnay ng kultura sa wika. B. Pag uugnay ng paniniwala sa wika
C. Pag uugnay ng pamumuhay sa wika D. Pag uugnay ng iba't ibang rehiyon sa wika
___17. Bakit nararapat malaman ng tao ang paraan ng paggamit ng wika ng lingguwistikang komunidad?
A. Upang maipahayag ang suliranin.
B. Upang maipadama sa tao ang kaniyang nararamdaman.
C. Upang maipakita ang kaniyang kakayahan sa pakikipagtalastasan.
D. Upang matugunan at maisagawa niya nang naaayon sa kaniyang layunin.
___18. Bakit mahalagang pag-aralan mo ang kakayahang gramatikal partikular na sa ponolohiya?
A. Upang makabuo ng isang maayos na pangungusap.
B. Upang maisaayos ang baybay at grammar ng isang pangungusap.
C. Upang higit na maipahayag ang saloobin, opinion o nararamdaman.
D. Upang matukoy kung ano ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.
___19. Alin sa mga pagpipilian ang higit na ginagamit sa mas malawak na larangan?
A. Creole B. Jargon C. Jejemon D. Moda
___20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa Morpolohiya?
A. Pagbuo ng salita B. Mahahalagang bahagi ng salita
C. Pagpapalawak ng pangungusap D. Prosesong derivational at inflectional
___21. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa Sintaks?
A. Konotasyon B. Mga salita o bokabularyo
C. Pagkilala sa mga content at function words D..Pagsama-sama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap
___22. Sa mga halimbawang pangungusap, alin sa mga ito ang halimbawa ng sosyolek?
A. Wer na u? B. “aQcKuHh iT2h C. You go back when? D. Umay kan ta mangan tayon.
___23. Alin sa mga pahayag mula sa loob ng pangungusap na nasalungguhitan ang nagpapamali sa pangungusap?
Ang mga teachers ay nagdaos ng “World Teachers Day” sa Aringay noong Octobre 5, 2018.
A B C D
Para sa bilang 24-25. Btaay sa mga salita o termino sa loob ng kahon, ayusin ang pagkakasunod-sunod, pagkatapos masuri
ihanay ang mga ito sa larang na nasa bawat bilang.
I. Kometa II. Prosa III. Memory IV. Asteroid V. Teller
VI. Epiko VII. Planeta VIII. Meteor IX. Savings X. Hardware
XI. Motherboard XII. Monitor XIII. Tula XIV. Mito XV. Deposit
___24. Panitikan
A. II,VI,XIII,XIV B. II,I,V,VIII C.VI,XII,XV,I D.III,IV,X,IX
___25. Agham
A. XI, III, X,XI B. VII,VIII,IX,X C. XII, I,II,IV D.I,IV,VII,VIII

You might also like