You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Schools Division of Agusan del Norte
BUENAVISTA III DISTRICT
RIZAL CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN IV


Quarter 1 Week 5
Date: ______________________

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pang-unawa sa
pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga katangiang heograpikal
gamit ang mapa.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay naipamamalas ang kasanayan sa paggamit
ng mapa sa pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon ng
bansa.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nailalarawan ang pagkakakilanlang heograpikal ng
(Isulat ang code ng bawat Pilipinas:
kasanayan) (a) Heograpiyang Pisikal (klima, panahon, at anyong lupa at
anyong tubig)
(b) Heograpiyang Pantao (populasyon, agrikultura, at
industriya)
II. NILALAMAN Ang Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian K-12 MELC, Page 37
B. Iba pang Kagamitang Laptop,Tsart, mga larawan. Plaskard, kahon
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang Kilalanin ang mga larawan sa pamamagitan ng
aralin at o pagkompleto sa mga nawawalang letra.
pagsisimula ng bagong
aralin

T A G - __ L __ N T A G – A R__ W

A N __ Y__N G
L __ P __
A N __ Y__N G
__U __ I __

P __ P U __ A S Y __ N

A G __ I K U __ T U __ A

I __ D U S __ R I Y __

B. Paghahabi sa layunin ng Basahin ang mga salitang nakasulat sa plaskard. Ilagay ang
aralin mga plaskard sa mga kahon na kakulay nito.

Anyong Tubig Agrikultura

Populasyon Klima
Panahon Anyong Lupa

C. Pag-uugnay ng mga Ang pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas ay


halimbawa sa mailalarawan sa pamamagitan ng Heograpiyang Pisikal at
bagong aralin Heograpiyang Pantao.
Ano nga ba ang kahulugan ng heograpiya?
Ang heograpiya ay isang larangan ng agham kung saan
pinag-aaralan ang pisikal na kaanyuan ng daigdig. Kasama sa
pinag-aralan ang mga lupain at mga katangian nito, ang mga
naninirahan dito pati narin ang kakaibang bagay na
matatagpuan lamang sa daigdig.

D. Pagtatalakay ng bagong Ipabasa ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto pahina 1-


konsepto at paglalahad ng 4.
bagong kasanayan #1
Ang inyong binasa ay tungkol sa Heograpiyang Pisikal ng
Pilipinas. Batay sa inyong binasa:
Anong klima ang nararanasan ng Pilipinas?
Bakit tayo nakakaranas ng ganitong klima?
Anong uri ng panahon mayroon ang Pilipinas?
Anu-ano ang mga salik na may Kinalaman sa klima ng
Bansa?
Anu-ano ang mga anyong lupa na matatagpuan sa
Pilipinas? Ilarawan ito.
Sabihin ang mga anyong tubig na makikita sa ating bansa.

E. Pagtalakay ng bagong Ipabasa ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto pahina 4.


konsepto at
paglalahad ng bagong Isa ang populasyon na tumutukoy sa Heograpiyang Pantao.
kasanayan #2 Dito malalaman natin kung gaano kadami ang mga taong
nakatira sa isang lugar.
Ano ang pangunahing salik na nakaapekto sa paglaki ng
populasyon ng isang lugar?
Anong rehiyon ang may pinakamaraming populasyon?
Bakit kaya ito ang may pinakamaraming populasyon?
F. Paglinang sa Kabihasnan Gawin ang mga gawain sa Pilyego na nasa pahina 5-6.
(Tungo sa Formative Gawain 1: Piliin Mo ang Tama!
Assessment) Gawain 2: Itama Mo ang Mali Ko!
G. Paglalapat ng aralin sa Paano naging bahagi sa pamumuhay ng mamamayan ang
pang-araw-araw na buhay klima at panahon sa kanyang lugar?
Value Integration: Bilang isang mag-aaral, paano mo
mapapangalagaan ang mga anyong lupa at anyong tubig ng
inyong lugar?
H. Paglalahat ng Aralin Ang pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas ay
mailalarawan sa pamamagitan:
Heograpiyang Pisikal – klima, panahon, anyong lupa at
anyong tubig
Heograpiyang Pantao - populasyon, agrikultura, at industriya
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng
wastong sagot. Isulat ang sagot sa iyong sulatang papel.

1. Aling rehiyon sa bansa ang may pinakamaraming


naninirahan?
a. CALABARZON c. National Capital Region
b. Caraga d. Cordillera Administrative
Region

2. Anong uri ng agrikultura ang mainam sa mga bukid?


a. Pagtatanim ng gulay
b. Pagpapatayo ng Pabrika
c. Pag-aalaga ng hayop
d. Pagtatanim ng iba’t ibang uri ng bulaklak

3. Ano ang ginawa ng pamahalaan sa mga anyong lupa at


anyong tubig na may taglay na ganda?
a. Ginawang atraksiyon sa mga turista.
b. Ginawang sentro ng kalakalan sa bansa.
c. Ginawang kanlungan ng mga ligaw na hayop at halaman.
d. Hindi binubuksan sa publiko upang hindi masira ang ganda
nito.

4. Bakit mas malamig sa Claveria kaysa ibang lugar gaya ng


Butuan?
a. dahil kakaunti lang ang naninirahan dito
b. dahil palaging umuulan dito
c. dahil isa itong mataas at magubat na lugar
d. dahil nasa mataas na ito at may mga puno pa sa paligid

5. Paano naging pakinabang ang mga kabundukan sa


pamayanan?
a. Pinagkukunan ng enerhiya.
b. Pinagkukunan ng mga yamang mineral.
c. Nagsisilbing harang sa mga bagyong dumaraan.
d. Lahat sa nabanggit.
J. Karagdagang Gawain Gumuhit sa bondpaper ng mga anyong lupa at anyong tubig na
para sa takdang- aralin at makikita sa inyong lugar.
remediation
V. MGA TALA
Prepared by:
EVANGELINE Y. LACARAN
Master Teacher II
Noted:
TERESA D. SUMALPONG
Principal II

You might also like