You are on page 1of 1

Victoria, Noelle Angela P.

Panitikan at Lipunan
BSTM 1B

BAHAY ni Gary Granada


Sa aking pananaw kaya ganito ang naging pamagat ng awit dahil gusto iparating ng manunulat
na si Gary Granada na ang bahay ay dapat komportableng lugar ng pahingahan, tulugan, at
kainan. Ngunit sa kanyang nasaksihan ito ay malayong malayo sa depinisyon ng bahay. Sa
kanyang awit ay nabanggit na ang laki ng kaibahan ng tahanan ng mga mayayaman at mahihirap.
Sa isang malaking mansion ay walang nakatira at ang maliit na bahay na gawa sa pinagtagpi
tagping karton, yero, at mga basura na may nakatirang labinlimang katao. Isinalarawan din na
mas maganda pa at komportable ang libingan ng mga mayayaman kaysa sa bahay na tinitirhan
ng karamihan nating kababayan. Ito ay inilapit at isinangguni sa mga nakakataas ngunit sumang
ayon sila na ito ay matatawag na bahay at walang ginawang aksyon para ito ay masolusyonan. Sa
ating bansa itinuring na normal ang kahirapan dahil nanaig ang sistema sa ating bayan na
lubhang pabor sa mamayaman at malalakas na pamilya.
ANG PAGIGING BABAE AY PAMUMUHAY SA PANAHON NG DIGMA by Joi Barrios
Sa talata ay nabasa ko na ang hirap maging isang babae, ang daming tanong sa aking isip kung
bakit nga ba? Ang mga kababaihan ay laging kinukutya sa ating lipunan, minamaliit na hindi nito
kaya ang isang bagay dahil siya ay isang babae lamang. Tayo ay babae, hindi babae lamang.
Nagbubulag-bulagan ang sambayanan sa kahalagahan ng babae. Ang pagiging babae ay
pamumuhay sa panahon ng digma. Laging nangangamba sa aking buhay, iniisip kung tama ba
ang aking direksyong tinatahak. Ang isang pagiging ina ay isang pagsasakripisyo para maiahon
sa kahirapan ang kaniyang pamilya at maibigay ang lahat ng kaniyang makakaya para sa
ikabubuti ng pamilya. Kahit butas ng karayom ay kanilang papasukin para may maihain sa harap
ng hapag kainan. Ang kanilang pagsasakripsyo ay higit pa sa kahit ano sa mundo. Araw-araw
mang namumuhay sa digmaan lagi nilang naipapanalo ang buhay, mahirap man ang tinatahak
pero patuloy lang ang laban. Para sa kababaihan.
PALABOK ni Rolando Tolentino

You might also like