You are on page 1of 7

Tristan T.

San Buenaventura

SCRIPT 1_SILSOT

SLUG: PULIS, KINUYOG

LEAD IN:

PULIS BUGBOG-SARADO MATAPOS KUYUGIN NG LIMANG LASING NA KALALAKIHAN SA PACO,

MAYNILA.

NARITO ANG ULAT NI TRISTAN SAN BUENAVENTURA.

TRISTAN:

(ANCHOR) PUNO NG SUGAT AT PASA SI PO1 CHRISTOPHER PIZZARO MATAPOS KUYUGIN NG

LIMANG LALAKI SA PACO, MAYNILA KANINANG MADALING ARAW.

KWENTO NG BIKTIMA, PAPAUWI NA SANA SIYA MULA SA KANYANG DUTY NANG BANGGAIN AT

HARANGIN SIYA NG DALAWANG RIDING-IN-TANDEM AT ISA PANG LALAKI BAGO SIYA

PAULANAN NG MGA SIPA AT SUNTOK NG MGA ITO.


NAHINTO LAMANG ANG GULO NANG MADATNAN AT MA-HULI CAM ITO NG MEDIA NA AGAD

NAMANG HUMINGI NG TULONG.

NAKATAKAS AGAD NGUNIT SUMUKO RIN SA MGA AWTORIDAD ANG MGA LALAKI MATAPOS

ANG ILANG ORAS.

NAGPALIWANAG NAMAN ANG ISANG SUSPEK.

TRISTAN:

SIR, BAKIT NIYO NAISIPANG PAGBUBUGBUGIN SI PO1?

SUSPEK:

EH, KASI PO NAGLABAS PO SIYA NG BARIL EH. PERO ’DI PO NAMIN SIYA ALAM NA PULIS KASI

NAKA-CIVILIAN PO SIYA. NAKAINOM LANG PO.

TRISTAN:

DEPENSA NI PIZZARO, MAGWAWARNING SHOT LAMANG DAW SIYA AT IMBIS NA SA TAAS, SA

BABA PUMUTOK ANG BARIL MATAPOS SUBUKANG AGAWIN ITO NG MGA LALAKI.
NAHAHARAP SA PATONG-PATONG NA KASO ANG MGA SUSPEK.

ANG PAYO NG PULISYA, ISUMBONG SA PINAKAMALAPIT NA BARANGAY O POLICE STATION ANG

KAHIT SINONG PULIS NA LABIS NA MANGGIGIIT GAMIT ANG KANILANG BITBIT NA ARMAS.

PARA SA BAYAN, TRISTAN SAN BUENAVENTURA, NAGBABALITA.


Tristan T. San Buenaventura

SCRIPT 2_SILENT (FILIPINO)

SLUG: ELEKSYON SA LAGUNA 2022

LEAD IN: INAASAHANG MAGIGING MAHIGPIT ANG LABAN PARA SA PAGKAGOBERNADOR SA

PROBINSYA NG LAGUNA.

PARA SA MGA DETALYE, NARITO ANG DZUPB CORRESPONDENT NA SI TRISTAN SAN

BUENAVENTURA.

TRISTAN:

(ANCHOR) HALOS SABAY NA NAG-ANUNSYO NG KANILANG KANDIDATURA BILANG

GOBERNADOR NG LAGUNA ANG NAKAUPONG SI RAMIL HERNANDEZ AT KASALUKUYANG

KONGRESISTA NG IKATATLONG DISTRITO NA SI SOL ARAGONES PARA SA DARATING NA

HALALAN 2022 NOONG HUWEBES.

INANUNSYO NI ARAGONES SA ISANG FACEBOOK LIVE ANG KANYANG KANDIDATURA.


IPRINISENTA NIYA ANG KANYANG MGA PROGRAMA, ILAN NA RITO ANG PAGPAPALAKAS NG

TURISMO, PAGPAPATAYO NG MGA OSPITAL, AT ANG ADHIKAING GAWING IKA-NGA’Y “SILICON

VALLEY” ANG PROBINSYA.

IBINIDA RIN NIYA ANG KANYANG KATANDEM NA SI JERICHO EJERCITO, ANAK NG AKTOR AT

DATING GOBERNADOR NA SI ER EJERCITO.

BITBIT NAMAN NG KASALUKUYANG GOBERNADOR NA SI HERNANDEZ SA KANYANG FACEBOOK

POST ANG “LAGUNA, GAME NA PO AKO!” BILANG SIMBOLO UMANO NG PAGPAPATULOY NG

TAPAT NA SERBISYO NA KANIYA NANG NAIHATID SA PROBINSYA.

INANUNSYO NIYA NA KASAMA NIYA SA ELEKSYON ANG INCUMBENT VICE GOVERNOR NA SI

KAREN AGAPAY.

IKAHULING TERMINO NA NI ARAGONES BILANG KONGRESISTA, HABANG SI HERNANDEZ

NAMAN AY LALABAN PARA SA KANYANG HULING TERMINO.

PARA SA BAYAN, TRISTAN SAN BUENAVENTURA, NAGBABALITA.


Tristan T. San Buenaventura

SCRIPT 2_SILENT (ENGLISH)

SLUG: LAGUNA ELECTIONS 2022

LEAD IN: GUBERNATORIAL RACE IN THE PROVINCE OF LAGUNA EXPECTED TO BE TIGHT.

HERE IS DZUPB CORRESPONDENT, TRISTAN SAN BUENAVENTURA FOR THE DETAILS.

TRISTAN:

(ANCHOR) INCUMBENT GOVERNOR RAMIL HERNANDEZ AND INCUMBENT THIRD DISTRICT

CONGRESSWOMAN SOL ARAGONES ANNOUNCED THEIR CANDIDACY FOR LAGUNA GOVERNOR

FOR THE 2022 ELECTIONS ON THE SAME DAY LAST THURSDAY.

ARAGONES ANNOUNCED HER INTENT TO RUN ON A FACEBOOK LIVE.

SHE HIGHLIGHTED HER PROGRAMS, SOME OF THESE ARE BOOSTING TOURISM, BUILDING

HOSPITALS, AND ESTABLISHING THE PROVINCE AS A QUOTE, “SILICON VALLEY.”

SHE ALSO PRESENTED HER RUNNING MATE, JERICHO EJERCITO, SON OF FORMER ACTOR AND

GOVERNOR ER EJERCITO.
ON THE OTHER HAND, CURRENT GOVERNOR RAMIL HERNANDEZ ANNOUNCED HIS CANDIDACY

VIA A FACEBOOK POST SAYING, “LAGUNA, GAME NA PO AKO!” WHICH HE SAYS IS A SYMBOL OF

THE CONTINUITY OF BRINGING ABOUT HONEST SERVICE FOR THE PROVINCE.

HE SAID THAT HE WILL BE RUNNING WITH INCUMBENT VICE GOVERNOR KAREN AGAPAY.

ARAGONES IS CURRENTLY ON HER LAST TERM AS CONGRESSWOMAN, WHILE HERNANDEZ IS

FIGHTING FOR ONE LAST YEAR IN HIS GOVERNOR POST.

FOR THE NATION, TRISTAN SAN BUENAVENTURA REPORTING FOR DZUPB.

You might also like