You are on page 1of 2

Pangalan ________________________________________

Baitang at Pangkat: ______________________________

QUIZ #2 SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat aytem. Isulat ang titik ng tamangsagot sa
guhit na nakalaan sa bawat bilang.

 ______ 1. Ano ang dapat isaisip kapag kailangang gumawa ng isang desisyon opagpapasya?
A. pansariling kapakanan lamang  C. sasabihin ng iba
B. makabubuti para sa iyo at sa lahat  D. kapakanan lamang ng iba 
______ 2. Kung gagawa ng pagpapasya sa isang bagay o sitwasyon
na kinakaharap dapat na ________________.
A. suriin ang mga impormasyon na kailangan bago magpasya
B. madaliin ang pagpapasya
C. ipaubaya ang pagpapasya sa iba
D. huwag nang makialam sa pagbibigay ng pasya
______ 3. Bakit kinakailangan na suriin muna ang mga bagay-
bagay at pangyayari bagomagdesisyon?
A. upang hangaan ng iba C. upang maging sikat sa lahat 
B. upang makapagbigay ng tamang pasya D. upang maging mananaliksik
______ 4. Ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng pagkakataon ay tanda ng
pagiging________.
A. matapat  C. masipag
B. magalang  D. Matulungin 
_______ 5. Makakamit mo ang iyong pangarap kung ikaw ay magigin _____________.
A. magalang  C. sikat
B. matiyaga  D. mabait 
_______ 6. Ang pagharap sa problema ng buong tapang at may pananalig sa Diyos ay tanda ng
pagkakaroon ng _______________.
A. katatagan ng loob  C. kahinaan ng loob
B. kayabangan  D. kawalan ng pakialam 
_______ 7. Ang pagiging kalmado at pag-iwas sa anumang uri ng gulo ay tanda ng ______.
A. pagkamatiyaga  C. pagkakaroon ng bukas na isipan
B. pagmamahal sa katotohanan  D. pagkamahinahon 
_______ 8. Ang pagtanggap ng anumang uri ng pagbabago sa buhay nang maluwagsa
kalooban ay nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng _______________.
A. bukas na isipan  C. mapanuring pag-iisip
B. tiyaga  D. Kahinahunan
_______ 9. Ang ___________ ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang yunit ng lipunan.
A. pamayanan  C. pamilya
B. simbahan  D. pulitika 
_______10. Ang pasya ng nakararami ay maaaring sang-ayunan kung ito ay ___________.
A. para sa sarili lamang  C. para sa kabutihang panlahat
B. para sa mga pinuno lamang  D. para sa iilang tao lamang

II. Panuto: Ano ang pagpapahalagang ipinahahayag ng bawat salawikain at kawikaan. Piliin sa loobng kahon
ang tamang sagot. Isulat ito sa nakalaang guhit sa bawat bilang.

Pagkamatapat Pagmamahal sa katotohanan

Pagkamatiyaga Pagkamapagtiis

Katatagan ng loob

 _______ 11. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama nang maluwag. 


_______ 12. Pagmaiksi ang kumot matutong mamaluktot 
_______ 13. Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga 
_______ 14. Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw 
_______ 15. Kapag may katuwiran ipaglaban mo. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.
III. Panuto: Isulat sa linya ang SA kung sang-ayon ka sa ipinapahayag ng bawat pangungusap at HS kung
hindi ka sang-ayon.
 __________ 16. Ang telebisyon, radyo, dyaryo at internet ay mga pangunahing pinagkukunan ng
iba’t ibang uri ng impormasyon na dapat nating paniwalaan kaagad.
 __________ 17. Pinaninindigan mo kung ano ang tama at sinasabi mo ang katotohan kahit
namapagalitan ka pa dahil alam mong ito ay makabubuti para sa lahat. 
__________ 18. Nawalan ng trabaho ang nanay at tatay mo. Nais nilang huminto ka sa iyong pag-
aaral ngunit ayaw mo. Kinausap mo ang tita mo na bigyan ka niya ng baon araw-
araw kapalit ng pag-aalaga mo kanyang mga anak pag-uwi mo galing sa eskwela. 
__________ 19. Pinagpapasensyahan mo ang kaklase mong nang-aasar sa iyo. 
__________ 20. Pumapasok ka sa eskwela kahit walang baon dahil gusto mong matuto
atmagkaroon ng mataas na marka. 
__________ 21. Sa oras ng recess tinatapon mo lang sa sahig ang balot ng iyong pinagkainan
sahalip na ilagay ito sa basurahan. 
__________ 22. May proyekto kang dapat bayaran sa TLE. Sinobrahan mo presyo na hiningi mo
sananay mo dahil may laruan kang gustong bilhin. 
__________ 23. May group presentation kayo sa klase kinabukasan kaya kailangan
ninyongmagpraktis. Napag-usapan ninyong umuwi muna sa kanya-kanyang bahay
atmagpaalam sa inyong mga magulang upang hindi sila mag-alala sa inyo. 
__________ 24. Tatawid ka sa daan. May nakasabay kang matanda. Binitbit mo ang kanyang
dala-dala at inalalayan mo siya sa pagtawid papunta sa ligtas na daan. 
__________ 25. May bago at usong damit ngayon. Gusto mong bumili. Nag-ipon ka ng limang
pisoaraw-araw upang mabili ito para iregalo sa kaarawan ng iyong nanay.

You might also like