You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391 / (047) 307 2076
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.ph
________________________________________________________________________________________________________________

LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 3


Ikalawang Markahan

I. Layunin
National Competency
Nasusuri ang katangian ng populasyon ng iba’t ibang pamayanan sa sariling
lalawigan batay sa edad, kasarian, etnisidad at relihiyon.

Community Competency
Nailalarawan ang populasyon ng mga pamayanan gamit ang bar graph.

Indigenized Competency
Nabibigyang halaga ang katangian ng populasyon sa pamayanang
kinabibilangan.

II. Paksa
Populasyon sa Aking Pamayanan
Tema: Paglalarawan ng populasyon ng pamayanan
Nilalaman: Populasyon ng pamayanan
Sanggunian: K to 12 Learning Competencies AP1PAM-Iia-b pahina 15

Buod ng Paglalarawan sa Konteksto


Ang populasyon ay tumutukoy sa kabuuang dami ng mga tao na naninirahan sa
isang tiyak na lugar o pamayanan. Ang pamayanan ay isang lugar kung saan sama-
samang naninirahan ang mga tao. Binubuo ito ng pamilya.

Kagamitan: puppet sticks


Pagpapahalaga: Pagkabuklod- buklod

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Magkaroon ng pagbabalik aral sa nakaraang leksyon tungkol sa kinalalagyan
ng mga lalawigan gamit ang pangunahing lokasyon

2. Pagganyak
Paggamit ng diyalogo sa isang puppet show.
Pangyayari: Dalawang mag-aaral ang nagsasaliksik tungkol sa dami ng taong nakatira sa
ilang barangay sa kanilang bayan.
Mag-aaral 1: Kumusta ang pangangalap mo ng impormasyon?
Mag-aaral 2: Heto, nakakuha na ako ng mga impormasyon tungkol sa ilang barangay sa
Botolan.

Populasyon ng Ilang Barangay sa Botolan (mula sa 2010 Cenus Population and Housing)
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391 / (047) 307 2076
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.ph
________________________________________________________________________________________________________________

Barangay Populasyon
Belbel 460
Burgos 1605
Nacolcol 1119
Moraza 1018
Villay 2306

Mag-aaral 1: Magaling, nakakuha na rin ako ng ilang datos para sa edad at kasarian ng mga
barangay na iyan.

Bilang ng Babae at Lalaki sa Ilang Barangay sa Botolan (mula sa 2010 Cenus Population and
Housing)
Barangay Babae Lalaki Kabuuan
Belbel 220 240 460
Burgos 816 789 1605
Nacolcol 569 550 1119
Moraza 505 513 1018
Villay 1136 1170 2306
Bilang ng Bata at Matanda sa Ilang Barangay sa Botolan (mula sa 2010 Cenus Population and
Housing)
Barangay Bata Matanda Kabuuan
Edad 18- pababa Edad 19-pataas
Belbel 188 272 460
Burgos 723 882 1605
Nacolcol 557 562 1119
Moraza 563 455 1018
Villay 941 1365 2306
Mag-Aaral 2: Magaling! Tara ipasa na natin sa guro natin.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pagpapakita ng larawan ng dami ng tao noon at ngayon.

2. Pagtalakay
Base sa inyong nakita,
- Ano ang napansin niyo sa dami ng tao noon at ngayon?
Ilahad ang kahulugan ng populasyon at ang mga bumubuo rito.
- Bakit dumarami ang tao sa isang pamayanan?
Balikan ang datos sa puppet show at ilarawan ito sa isang bar graph. Ilahad ang
kahulugan ng Bar graph.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391 / (047) 307 2076
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.ph
________________________________________________________________________________________________________________

Populasyon ng Ilang Barangay sa Botolan (mula sa 2010 Cenus Population and


Housing)

2500

2000

1500

1000

500

0
Belbel Burgos Nacolcol Moraza Villar

Populasyon
-Anong barangay ang may malaking populasyon?
-Anong barangay ang may maliit na populasyon?
Bilang ng Babae at Lalaki sa Ilang Barangay sa Botolan (mula sa 2010 Cenus Population and
Housing)
1400

1200

1000

800

600

400

200

0
Belbel Burgos Nacolcol Moraza Villar

Babae Lalaki

-Anong Barangay ang may maraming kababaihan ang nakatira?


-Anong Barangay ang may kokonting kalalakihan?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391 / (047) 307 2076
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.ph
________________________________________________________________________________________________________________

Bilang ng Bata at Matanda sa Ilang Barangay sa Botolan (mula sa 2010 Cenus Population and
Housing)

1600
1400
1200
1000
800
600
400
200
0
Belbel Burgos Nacolcol Moraza Villar

Bata (Edad 18-pababa) Matanda (Edad 19- pataas)


-Anong barangay ang may malaking populasyon ng matatanda?
-Anong barangay ang may kakaunting popolasyong ng mga bata?

-Anong barangay ang maraming makikitang tindahan at bakit?


-Anong barangay naman ang sa tingin niyo ay mas magkakakilala ang mga taong
nakatira rito? At bakit?
-Sa barangay na marami ang bata, anong pasilidad ang dapat na may marami sa kanila?
-Sa barangay na marami ang matatanda, anong pasilidad ang dapat na mayroon sila?
-Bakit kaya mayroong pamayanan o barangay na may marami at kakaunting
populasyon?

3. Paglalahat
-Sa tingin niyo, ano ang epekto ng malaki at kakaunti na populasyon sa isang
pamayanan?

4. Paglalapat
Ilarawan sa bar graph ang mga sumusunod na datos.
Populasyon
Taugtog 5500
Carael 3000
Paco 2500
Batonlapoc 2200
Tampo 2800

IV. Pagtataya
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391 / (047) 307 2076
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.ph
________________________________________________________________________________________________________________

Populasyon ng babae at lalaki sa Barangay


7000

6000

5000

4000

3000

2000

1000

0
San Miguel Santiago San Isidro San Juan Bancal

Populasyon

1. Ilang barangay ang kinuhaan ng datos tungkol sa populasyon ng babae at lalaki?


2. Kung ikaw ay nakatira sa pinakamaraming populasyon, anong barangay ito ayon sa
graph?
3. Ang mga kaibigan mo ay nakatira sa pinaka kakaunting populasyon, anong barangay
ito?
4. Kung ang bahay ng tita mo ay matatagpuan sa ikalawa sa pinakamalaking
populasyon, anong barangay ito?
5. Mayroon bang barangay ang magkasindami ng tao?

V. Takdang Aralin
Magsaliksik tungkol sa populasyon ng iyong pamayanan batay sa mga katangian ng
populasyon gaya ng edad at kasarian.

You might also like