You are on page 1of 8

9

Araling Panlipunan
EKONOMIKS
Ikatlong Markahan
GAWAING PAGKATUTO BILANG 4
PATAKARANG PISKAL

Bumuo ng Gawain sa Pagkatuto

Manunulat: ANJO S. TOLEDANO, Teacher I (Camarines Sur National HS)


Tagalapat: JUNROY Z. VOLANTE, Master Teacher I (Camarines Sur National HS)
Tagasuri: EVANGELINE V. MAGALONA, HT VI-AP (Camarines Sur National HS)
JUNROY Z. VOLANTE, Master Teacher I (Camarines Sur National HS)
JARME D. TAUMATORGO, EPS-AP-SDO Naga City/Project Manager
1
9
ARALING PANLIPUNAN 9 – EKONOMIKS
IKATLONG MARKAHAN
GAWAING PAGKATUTO BILANG 4 – PATAKARANG PISKAL

Pangalan: _________________________________ Seksyon______________ Petsa: ___________

Pinakamahalagang
Kasanayang Pampagkatuto

Narito ang mga kasanayan na inaasahang malilinang sayo kapag iyong


isinapuso ang pagsagot sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.

Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal


Mga Tiyak na layunin:
1. Nabigyang kahulugan ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa patakarang piskal.
2. Natalakay ang mga layunin ng patakarang piskal,
3. Nasuri ang mga pamamaraang ipinatutupad ng pamahalaan kaugnay ng patakarang
piskal; at
4. Nakapagsulong ng adbokasiya hinggil sa tamang pagbabayad ng buwis.

Panimulang Pagkatuto

Sa lahat ng posisyon sa gobyerno, ang pagkapangulo na ang masasabing


pinakamahirap at komplikado sa lahat. Ito ay dahil bilang pinuno ng bansa, nakasalalay
saiyong mga gagawing desisyon ang pag-angat ng kabuuang pamumuhay at kalagayan
ng mga mamamayan at ng lipunan. Maisasakatuparan lamang ang mga proyektong
makabubuti sa bansa kung talagang paglalaanan ng matalinong pagdedesisyon at
paggastos ang mga proyektong ito.
Tingnan ang tagpo sa ibaba. Ipagpalagay na ikaw ay pinagkakatiwalaang tagapayo ng ating
pangulo. Punan ng sagot ang patlang sa dayalogong ito:

Paano ko kaya masisiguro na lahat ng proyekto ng pamahalaan


ay maisasakatuparan at mapaglalaanan ng pondo?

Para masigurong magkakaroon ng sapat na pondo at


Pinagkunan: maipatutupad ang mga nasabing proyekto, nararapat
tinyurl.com/5teapumc
na______________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
______________
Pinagkunan: tinyurl.com/aiovvayu

2
Mga Gawain

GAWAIN 1: Tukuyin kung anong gawain ng pamahalaan ang ipinapakita sa bawat


larawan. Pagkatapos ay kumpletuhin ang talata sa ibaba.

2. ___________________
Pinagkunan: tinyurl.com/dpoz36mf

1. ___________________ 3. ___________________
Pinagkunan: tinyurl.com/4al7h7rj Pinagkunan: tinyurl.com/1t6y6uda

PAMAHALAAN
Pinagkunan: tinyurl.com/199n3j9r

“Mula sa mga larawan, natukoy ko na ang mga larawang ito ay nagpapahayag ng mga gawaing
pampamahalaan na may kaugnayan sa patakarang piskal. Kaya base rito, para sa akin, ang
patakarang piskal ay tumutukoy sa ________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________”

BASAHIN MO! (Konsepto ng Patakarang Piskal)


Binabati kita sa pagkompleto mo ng talata at kung sa pagbibigay mo ng pakahulugan ng
patakarang piskal ay nasambit mo ang pagbubuwis, pagbabadyet, at paggastos, malamang ay
nakuha mo na ang ideya ng patakarang piskal. Para sa iyong karagdagang kaalaman, ang
patakarang piskal ay tumutukoy sa polisiya at paraan ng pagbubuwis, pagbabadyet, at
paggastos ng pamahalaan. Ito ay pamamaraan ng pamahalaan upang siguruhin na ang
ekonomiya ng bansa ay nasa maayos at balanseng kondisyon.

Ang pagbubuwis ay isang paraan ng paglikom ng salapi upang gamitin sa pagpapatupad


ng mga gawaing pampamahalaan. Ang salaping ito ay tinatawag na buwis, kung saan ito ay
sapilitang kontribusyon na kinokolekta mula sa mamamayan. Mula sa pondong nalikom,
ibabadyet ito ng gobyerno kung saan maglalaan ito ng pondo sa bawat sektor ng ekonomiya.
Ang nailaang pondong ito ang gagastusin ng bawat ahensya ng pamahalaan upang
isakatuparan ang mga proyekto at programang nagbibigay ng serbisyo-publiko.

3
GAWAIN 2: Alin sa mga aspektong nasa ibaba ang sa palagay mo na dapat na bigyan ng higit
na atensyon at paglaanan ng mas mataas na pondo ng pamahalaan? Sa loob ng kahon, isulat
mula 1 hanggang 5 upang ipakita ang ayos nito kung saan ang 1 ang pinakamahalaga,
samantalang ang 5 ang hindi gaanong mahalaga. Ipaliwanag ang na pili.

Pambansang Seguridad Imprastruktura Edukasyon


Pinagkunan:tinyurl.com/2nqs6cq4 Pinagkunan:tinyurl.com/34lt Pinagkunan:tinyurl.com/yxrcn45j
z7mv

Pamahalaang Lokal Kalusugan


Pinagkunan:tinyurl.com/ypyg5hel Pinagkunan:tinyurl.com/sompdqrc

Ang mga aspektong tampok sa itaas ay 2021 National Budget


ilan lamang sa mga pangangailangan (4.5 Trillion pesos)
ng lipunan at mamamayan na Government Agencies Budget
binibigyan ng halaga ng pamahalan sa 1. Education (DepEd, SUCs, P 751.7 billion
pamamagitan ng paglalaan ng pondo CHED, TESDA)
na gagastsin upanag maitaguyod ang 2. Department of Public Works P 695.7 billion
mga ito. Tingnan natin kung nagtutugma ba and Highways (DPWH)
ang iyong personal na pagtataya tungkol sa 3. Department of Interior and P 249.3 billion
Local Government (DILG)
dapat na prayoridad ng gobyerno kumpara sa
4. Department of Health (DOH) P 210.2 billion
aktwal na prayoridad ng pamahalaan sa
5. Department of National P 205.8 billion
pamamagitan ng talahanayan sa kanan. Defense
Pinagkunan: tinyurl.com/yrwndysh

Ang talahanayan sa itaas ay nagpapakita ng mga ahensiyang nakatanggap ng


pinakamalaking pondo para sa taong 2021. Sinasalamin nito ang prayoridad ng pamahalaan
hinggil sa pagbibigay serbisyo sa kanyang mamamayan.

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit kailangang paglaanan ng pondo ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4
2. Paano nakabubuti sa ekonomiya ang maayos na pagbubuwis, pagbabadyet, at paggastos ng
pamahalaan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Saiyong palagay, paano matitiyak ang maayos na paggamit ng pondo ng ating pamahalan?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

BASAHIN MO! Layunin ng Patakarang Piskal


Tama ang iyong sagot mula sa mga tanong sa itaas! Ang pamahalaan ay nagpapatupad
ng mga polisiyang may kinalaman sa pagbubuwis, pagbabadyet, at paggastos o tinatawag
na patakarang piskal. Ito ay naglalayong matugunan ang mga pangangalaingan ng mga
mamamayan at iba’t ibang sektor ng lipunan sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensiya nito.
Isa pa sa mga layunin ng patakarang piskal ay ang epektibong pangangalap ng buwis
kung saan ito ay magpapataas ng koleksyon na siya namang gagamitin para sa mga naturang
pangangailangan. Subalit bago yan maisakatuparan, nangangailangan ng maingat na alokasyon
sa mga resources na ito ng gobyerno. Sa pamamagitan ng patakarang piskal, nababayet nang
maayos ang pondo batay sa kung anong aspekto ang higit na kailangan at higit na prayoridad ng
bansa. Bunga nito ay naisasakatuparan ang layunin na magastos nang maayos ang pera ng
bayan. Bukod riyan, layunin nito na mapanatiling ligtas ang ekonomiya mula sa mga banta tulad
ng kawalan ng trabaho at iba pa.

BASAHIN MO! Pamamaraan ng Patakarang Piskal


May dalawang paraan na ginagamit ang pamahalaan sa ilalim ng patakarang piskal
upang mapangasiwaan ang paggamit ng pondo nito bilang pangangalaga sa ekonomiya
ng bansa.

A. Expansionary Fiscal Policy- Pinasisigla


ang matamlay na ekonomiya sa pamamagitan
ng pagpapababa ng buwis na hihikayat sa
mga tao na gumasta at pagdaragdag ng
paggastos ng pamahalaan sa mga proyekto
nito tulad ng “Build, Build Build” program na
naglalayong pataasin ang antas ng
imprastruktura sa bansa tulad ng
pagpapagawa ng kalsada, tulay, at iba pa.
Pinagkunan:tinyurl.com/3e4sax4f
B. Contractionary Fiscal Policy-
Pinababagal ng pamahalaan ang pagsulong
ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagbawas
ng paggastos sa mga proyekto nito at
pagtataas ng buwis na magdudulot ng
pagbaba ng paggastos sa pagkonsumo ng
mga mamamayan at pagbaba ng produksiyon
ng mga negosyo dahil sa kawalan ng incentive
at pagbawas sa demand.

Pinagkunan:tinyurl.com/2orzkmkb

5
Ipinatutupad ang Contractionary fiscal policy kung nakaamba ang pagtaas ng pangkalahatang
presyo ng mga bilihin dahil sa lubhang masigla ang ekonomiya. Kapag itinaas ang buwis,
mapipilitan ang mga tao na bawasa ang kanilang paggastos na siyang magpapabagal sa
ekonomiya at magpapababa sa presyo ng mga bilihin.

Gawain 3: Expansionary o Contractionary?


Subukan natin kung tunay mong naunawaan ang binasa. Sa bahaging ito, Ipaliwanag
kung ano ang nararapat na tugon ng atin pamahalaan sa ilang sitwasyong kinakaharap
ng ating bansa sa ngayon: Expansionary ba o Contractionary fiscal policy?
Pangatwiranan ang iyong sagot.

Pinagkunan: tinyurl.com/4ypurlw Pinagkunan: tinyurl.com/644zueu3

Sitwasyon 1: Covid Pandemic Sitwasyon 2: Mataas na presyo ng bilihin


______________________________________ ________________________________________
______________________________________ ________________________________________
______________________________________ ________________________________________
______________________________________ ________________________________________

Gawaing Pagganap at
Rubrik sa Pagmamarka

Performance Task: Pagdisenyo ng Advocacy T-Shirt tungkol sa wastong


pagbabayad ng buwis

Higit na nauuso ngayon ang pagsusuot ng mga advocacy shirt o mga damit na
nagsusulong ng mga adbokasiya o mensahe. Layunin ng mga advocacy shirt na ito
na pukawin ang kamalayan ng mga tao hinggil sa mga napapanahong isyung
nakakaapekto sa ating lipunan.

6
Ang suot ni Lebron James sa kanan ay halimbawa ng
advocacy shirt. Nagsusulong ito ng mensahe ng
pagkakapantay at katarungan sa Amerika

Sa ibaba ang blangkong T-shirt. Lapatan ito ng


disenyo at mensahe na nagsusulong sa tamang
pagbabayad ng buwis sa pamahalaan at ang
kahalagahan nito sa pagtataguyod ng mga
proyektong nakatutulong sa ating bansa.
TANDAAN. Isusumite ang pahinang ito na
naglalaman ng iyong dinisensyong advocacy shirt.

Gamiting batayan ang rubrik sa pagmamarka sa


ibaba. Pinagkunan: tinyurl.com/oxtv8r3I

Rubrik sa Pagmamarka:
Pamantayan Indikador Puntos
Akma ang kabuuan ng advocacy shirt
Kaangkupan sa Tema 10
sa hinihinging mensahe at tema.
Mahusay na nailahad ang pananaw o
Paglalahad ng Pananaw o
kaisipan gamit ang mga imahe, salita, 10
Kaisipan
simbolismo at iba pang elemento.
Masining na ipinakita ang ideya batay
Presentasyong Biswal 10
sa kabuuang disenyo.
Naipasa sa takdang panahon ang
Takdang pagpasa 5
awtput
KABUUANG PUNTOS 35

7
Susi sa Pagwawasto

PANIMULANG PAGKATUTO: (Answers vary)


UNANG GAWAIN: A: 1. Pagbubuwis, 2. Pagbabadyet 3. Paggastos
B: (Answers vary)
IKALAWANG GAWAIN: (Answers vary)
IKATLONG GAWAIN: (Answers vary)

SANGGUNIAN:
Bernard E. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De Guzman. 2015.
Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral. Pasig: Vibal Group Inc.

tinyurl.com/5teapumc Date retrieved: February 4, 2021


tinyurl.com/aiovvayu Date retrieved: February 4, 2021
tinyurl.com/4al7h7rj Date retrieved: February 4, 2021
tinyurl.com/dpoz36mf Date retrieved: February 4, 2021
tinyurl.com/1t6y6uda Date retrieved: February 6, 2021
tinyurl.com/2nqs6cq4 Date retrieved: February 6, 2021
tinyurl.com/yxrcn45j Date retrieved: February 6, 2021
tinyurl.com/34ltz7mv Date retrieved: February 6, 2021
tinyurl.com/ypyg5hel Date retrieved: February 7, 2021
tinyurl.com/sompdqrc Date retrieved: February 5, 2021
tinyurl.com/3e4sax4f Date retrieved: February 6, 2021
tinyurl.com/2orzkmkb Date retrieved: February 6, 2021
tinyurl.com/4ypurlw Date retrieved: February 5, 2021
tinyurl.com/644zueu3 Date retrieved: February 6, 2021
tinyurl.com/oxtv8r3I Date retrieved: February 6, 2021
tinyurl.com/yrwndysh Date retrieved: February 5, 2021

You might also like