You are on page 1of 78

Why you?

The series
EPISODE 1

"Hello Roommate"
1. EXT. PARK - DAY - RUNNING

Pawisang nag jo-jogging si TRISTAN 23, Moreno may magandang


pangangatawan. Kahit na pawisan na sa pag takbo ay lutang na
lutang parin ang kagwapuhan nito. sa likuran naman ay kasunod
niya ang matagal ng kaibigan at partner sa Photography business
na si RICO 27, Hingal na humahabol ito kay Tristan. Mapapahinto
ang dalawa upang saglit na uminom ng baong tubig.

TRISTAN

(Mang aasar)

Ano na? Wala kanaman eh, ang bilis mong mapagod!

RICO

Oh, eh di ikaw na, ikaw na matibay! Alam mo naman na hindi ko 'to


hilig sumama lang ako kasi nag pasama ka.

TRISTAN

Aba so nangongonsensya ka? Haha sabihin mo tumatanda kana talaga!


Kaya ang bilis mo ng mapagod!

RICO

Wow ha! Hahaha

TRISTAN

Haha sus tama na pahinga takbo ulit!


Aktong muli ng mag sisimula si Tristan sa pag takbo ng may
biglang bumunggo sa kanya sa harapan. Mararamdaman nito ang
malamig na likido mula sa bitbit ng nakabunggo sa kanya na aagos
sa parteng dibdib nito.

TRISTAN

Oh shit! Hoy ano ba?! Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?

Matataranta si Harvey 21, ng makita nitong natapunan niya ng iced


coffee ang nabunggo nitong si Tristan.

HARVEY

Nako pasensya na hindi ko sinasadya.... sorry... sorry...

Wala itong ibang naisip gawin kundi punasan ang parteng dibdib ni
tristan gamit ang panyo nitong mula sa bulsa.

TRISTAN

Oh, ano ginagawa mo! tigilan mo ngayan, lalo mo lang kinakalat


eh! (Tatapikin ang kamay ni Harvey)

RICO

Ahh Tristan... ok na.. tama na relax lang.

TRISTAN

Relax? Paano ako mag rerelax tinapunan ako ng kape oh?!


RICO

calm down, pwede ka namang mag palit! (Sisingit si Harvey)

HARVEY

(Ibaba ang bitbit na bag)

Sorry talaga hindi ko sinasadya hindi kita napansin agad may


kausap kasi ako sa cellphone, pasensya na talaga...

TRISTAN

Sa susunod, ‘wag tatanga tanga sa pag lalakad!

HARVEY

(Maiinis sa narinig)

Sumosobra kanaman na ata?

TRISTAN

Oh, bakit totoo naman ah? Kung dika tatanga tanga hindi mo ako
mabubunggo!

HARVEY

Oo kasalanan ko pero wag mo ako tatawaging tanga!

TRISTAN

Wow, so ikaw pa ngayun ang galit?

HARVEY

Eh, sumusobra kana eh!


Gigitna si Rico sa dalawang nag uumpisa ng mag kainitan.

RICO

Oh, oh guys kalma lang! Ang iinit agad ng ulo nyo!

TRISTAN

Eh mas galit pa sya saken eh!

HARVEY

Eh hindi naman ako papayag na tawaging tanga!

RICO

Pwede ba hinaan nyo lang mga boses nyo?! Baka masita na tayo dito
oh,nag sisigawan na kayo eh!

(Haharap kay Harvey)

Pasensya kana sa nasabi ng kasama ko nabigla lang 'to kaya nya


nasabi yun.

HARVEY

Grabe naman kasi yang kasama mo mag salita, hindi naman tama na
pag salitaan nya ako ng ganun.

TRISTAN

So ano paawa effect?

RICO

Tristan pls lang!


HARVEY

(pilit na kakalma)

Ok. Ok para lang matapos na, sige na kasalanan ko, pasenya na


nabunggo kita at natapunan pa ng kape, kasi HINDI AKO NAKATINGIN
SA DINADAANAN KO! Ano masaya kana?

(Dadamputin ang bag at aalis)

TRISTAN

Tumingin ka sa dinadaanan mo ng hindi ka makapurwisyo (pasigaw)

Hindi na papansinin ni Harvey ang pahabol na sigaw ni Tristan at


tuloy-tuloy na itong lalayo.

RICO

Grabe ka, maling mali ka dun

TRISTAN

Ako na nga na purwisyo ako pa mali?

RICO

Ibig ko sabihin, mali na pag sabihan mo sya ng ganun

TRISTAN

Teka nga, ako ang kaibigan mo kaya dapat ako ang kampihan mo!

RICO

Exactly kaibigan kita kaya pinag sasabihan kita na mali ginawa


mo, Hay nako tama na nga 'to baka ako pa awayin mo.
TRISTAN

Mabuti pa nga! Umuwi na tayo nawalan na ako ng gana.

2. INT. ROOM - DAY

Patuloy parin ang pag rereklamo ni Tristan patungkol sa nangyari


hanggang pag pasok nito sa kwarto kasama ni Rico.

TRISTAN

Bwisit talaga! Ka badtrip!

RICO

Oh hindi ka parin tapos?

TRISTAN

Bwisit talaga kasi! Sinira nya araw ko! Imbes na nasa labas tayo
ngayon at nag papapawis heto tayo ngayon nandito sa bahay.

RICO

Well, pabor din naman yun para sakin, mas gusto ko 'to na nandito
at nag papalamig.

TRISTAN

Ewan ko sayo!

RICO
Haha so pati ako aawayin mo na? Mabuti pa maligo kana ng lumamig
na yang ulo mo.

TRISTAN

Hays sana talaga yun na huling beses na mag kukrus landas namin!

RICO

Malay natin hindi... baka yun pa pala ang simula?

TRISTAN

Pinag sasabi mo dyan!

RICO

Wala! Sige na maligo kana maya maya aalis nadin ako.

Papasok si Tristan sa kwarto para kumuha ng mga gagamitin nito sa


pagligo samantalang si Rico ay igagala ang paningin sa apartment
at may mapapansin.

RICO

Alam mo nakailang balik na ako dito pero pansin ko lang wala ka


ni isang picture mo na naka display?

TRISTAN

Para saan? Hindi naman kailangan ng picture ko as validation na


ako ang nakatira dito.

RICO

Sa bagay, pwede din pala yun no? Ang isang taong mahalig sa
Photography eh wala sariling picture sa bahay.
TRISTAN

Sus, dami mo sinasabi, sige na maliligo na ako. (Papasok sa


bathroom)

RICO

Oh sige aalis nadin ako, Kailangan ko pang i edit yung mga raw
pictures natin kahapon, malapit na deadline nun.

TRISTAN

Ok, sige email mo nalang sakin after.

Pag kaalis ng kaibigan ay agad ng papasok sa bathroom, mukhang


ang malamig na tubig ang nag paalis ng bad mood ni Tristan, ini-
enjoy ang pag agos ng tubig sa toned body nito. Maging ang pag
sasabon ay kanya naring ini-enjoy. Mag-iisang oras din siyang
nanatili sa loob ng bathroom.

3. INT. ROOM - NIGHT

Abalang nakatutok sa laptop at inaasikaso ni Tristan ang mga


edited photos na sinend sa kanya ni Rico. Maya-maya ay mag riring
ang cellphone, saglit nya itong titingnan at ng makitang ang
landlady ng inuupahang apartment ang tumatawag ay agad nyang
sasagutin.

TRISTAN

Hello? Good evening,

Landlady:
Hello Tristan, sensya na at napatawag ako ng ganitong oras,

TRISTAN

Wala po yung kaso, napatawag po kayo? (Magbibiro) sisingilin mo


na ba ako sa renta? Hehe

Landlady

Hindi panaman saka alam ko namang hindi kana kailangang singilin


dahil good payer ka, anyway na patawag ako to inform you na meron
ka ng makakasama sa room mo, as you requested.

TRISTAN

Oh, talaga po? Kelan po lipat nya?

Landlady

Bukas na ang dating nya, mabait naman kaya siguradong mag


kakasundo kayo

TRISTAN

Ayos po yan,

Landlady

Oo kaya sinabihan lang kita para aware ka na dadating na sya


bukas

TRISTA

O sige salamat po,

Landlady
Alright, yun lang naman... o sya sige be ready nalang,

TRISTAN

Sige Salamat.

4. INT.INFRONT OF APARTMENT’S DOOR - DAY

Bitbit ni Harvey ang ilang bag at mga kahon na nag lalaman ng mga
gamit nito. Ngayon ang araw ng paglipat niya sa bagong apartment.
Nakatayo sa harap ng pinto at ilalapag sandali ang mga bitbit na
kahon. Aware naman siya na wala ang magiging roommate at meron
itong sariling susi kaya dirediretsyo na itong bumukas ng pinto
at pumasok. Pag ka pasok ay agad mapapansin na malinis ang
paligid.

HARVEY

Nice mukhang makakasundo ko sya, malinis sa kwarto.

Ilalapag ang mga bitbit na gamit at ilalapag ang ilang kahon sa


mesa. Pag mamasdan nito ang buong kwarto at titingnan ang ilang
gamit na nasa mesa.

HARVEY

Ano kaya pangalan niya? Wala manlang mga pictures...

Muli nitong lalapitan ang mga bag at mag uumpisa ng ayusin ang
kanyang mga gamit. Isa-isang inilalabas ang mga gamit mula sa mga
bag at kahon at ilalagay sa bakanteng closet. Mauupo ito saglit
at hahanapin ang cellphone sa bag, nang makita ay tatawagan ang
mama nitong nasa probinsya.
Harvey

Hello ma?

Mama

Oh anak ano balita?

Harvey

Nandito na po ako sa bago kong apartment, mag isa lang ako ngayon
kasi wala pa po yung ka roommate ko,

Mama

Mabuti kung ganun... wag mong kakalimutan ang bilin ko ha?

Harvey

Opo ma, don't worry hindi ko po nakakalimutan lahat ng mga bilin


mo sa akin.

Mama

Kaya naman proud na proud ako sayo eh, kasi napaka bait mong
bata.

Harvey

Nambola pa oh. O sige ma, itutuloy ko lang po pag aayos ko ng mga


gamit ko, update po kita after

Mama
Ah… anak, nakapag usap na ba kayo ng kapatid mo?

Harvey

Sinubukan ko po syang tawagan kanina pero hindi nya sinasagot eh.

Mama

Hay sana anak mag kausap na kayo ng maayos nyo na yan..

Mapapa hinga ng malalim si Harvey bago muling mag sasalita.

Harvey

Sana nga po… anyway ma tuloy ko lang po itong ginagawa ko ha?


Tawag nalang po ako ulit after.

Mama

O sige anak, mag iingat palage ha?

Harvey

Opo, Ma... mag iingat ka po palage dyan ha? Wag mong papabayaan
sarili mo...

Mama

Wag mo akong alalahanin anak, ang intindihin mo yung sarili mo,


ikaw lang ang mag aalaga sa sarili mo dyan...

Harvey

Basta ma tiis lang po muna tayo... pangako ko po sayo mag aaral


ako mabuti dito! Hindi ko po sasayangin yung panahon ko dito.
Para sa ating dalawa ma.
Mama

Maraming salamat anak,

Harvey

O sige na ma baka mag kaiyakan pa tayo eh, hehe ingat po palage.


I love you!

Mama

I love you too anak.

Muling itinuloy ni Harvey ang pag aayos ng mga gamit ng matapos


ang kanilang pag uusap.

Aabutin din ng ilang oras ang pag aayos nito ng muling mag ring
ang cellphone at sa pag kakataong ito ay ang bestfriend na si
CLAIRE, edad 20 ang tumatawag na agad niyang sasagutin.

Claire

Hooyy bes ano na?!

Harvey

Ito buhay panaman.

Claire

Nasaan kana?

Harvey

Nandito na ako sa bagong apartment

Claire
Really? Oh ano balita? Sa roommate mo? Pogi ba? Yummy ba?

Harvey

Hoy! Ano ba pinag sasabi mo dyan?

Claire

Echosera!! Hay nako since mag kakalapit na tayo ngayun ng


apartment, mag kita tayo today!

Harvey

Ha? Eh di pa ako tapos mag ligpit eh

Claire

Hay nako! Makakapag hintay yan besh! Lika na wait ka namin ni


SEB! Kita-kits ha? Bye!! (Ibaba ang tawag)

Harvey

Uy wait lang.... hay nako

Mapipilitang ihinto ni Harvey ang ginagawa para mag bihis ng


mapansin ang dalawang maliit na tupper ware sa loob ng bag,
mangingiti ito ng makitang ang paborito Biko ang laman at alam
niyang mama nito ang nag luto at palihim na inilagay sa bag.
Maiisip niyang ibigay bilang pasalubong sa hindi pa nakikilang
roommate ang isa. Kukuhain nito ang STICKY NOTE sa bag at mag
susulat

"Hello roommate Harvey here! Sayang hindi pa tayo nag papang


abot, anyway ito nga pala Biko pasalubong galing probinsya! Luto
ng Mama ko kaya sana magustuhan mo see you later"
Ididikit sa takip ng tupperware at ipapatong sa mesa.

5. EXT KALSADA. DAY - WALKING

Nag lalakad si Tristan habang kausap sa cellphone si Rico,


nakasukbit sa leeg nito DSLR at bitbit sa balikat ang isang bag.
Pinag uusapan ng dalawa ang mga pictures sa pinang galingang
event.

TRISTAN

O sige bro basta email mo nalang saken after mo ma edit, by


Wednesday ang deadline natin dyan.

RICO (Nasa kabilang linya)

Copy!

Tuloy-tuloy si Tristan ng hindi nakatingin sa dinadaanan ng bigla


itong mabunggo sa taong nasa harapan nito.

Tristan

Ouch! Ahh sorry bro... hindi ko.... (manlalaki mata ng makita ang
nabungo)

Teka.... ikaw nanaman??

Muling magagalit si Tristan ng makitang si Harvey ulit ang naka


bunggo nito.
HARVEY

So ano, ako nanaman may kasalanan?

TRISTAN

Sa dinami dami ng pwede kong makasalubong ikaw talaga?

HARVEY

Wow nakaka hiya naman sayo diba?

TRISTAN

Dapat lang na mahiya ka! Dahil binunggo mo nanaman ako!

HARVEY

Remind ko lang sayo ha? Ikaw itong hindi nakatingin sa dinadaanan


at ikaw ang bumunggo sa'ken!

TRISTAN

Ah ewan humanap ka ng ibang kausap! (Mag lalakad palayo)

HARVEY

Tsk tsk Kakaiba talaga ugali! (Pag mamasdan lang si Tristan na


palayo)

Hindi pa nakakalayo si Tristan ng dumating sina Claire at SEB, 21


cute na nerd,

Claire

Hello beshy!! Finally nag kita ulet tayo!! (Yayakap at bebeso kay
Harvey)

(Mapapatingin sa palayong si Tristan)

Sino yung kausap mo besh? Infairness ha kahit nasa malayo ang


gwapo! Boylet mo?

SEB

Grabe talaga yang bibig mo claire hindi mo mapigilan no?

Claire

Bakit masama bang mag tanong?

HARVEY

Yun? Gwapo? Nako kung alam nyo lang, napaka bastos ng ugali!

SEB

Bakit ano ginawa sayo?

CLAIRE

Ay beast mode Seb?

HARVEY

Wag na nga natin pag usapan yun nasisira lang araw ko.

CLAIRE

Ay ok go!!

Mauupo ang tatlo sa isang simentadong silya na marami sa paligid


ng mini park na kinaroroonan nila.
CLAIRE

So ano na besh?? Ano balita sa roommate mo? Pogi ba? Jowable?

SEB

Relax Claire haha

HARVEY

Ewan ko nga dito kanina pa excited eh

SEB

Sabik na sabik sa tsismis haha

CLAIRE

So ano 'to pinag tutulungan ninyo ako? Ganon?

SEB

Eh bakit ba kasi interesado ka sa roommate ng tropa naten (aakbay


kay Harvey)

CLAIRE

Eh bakit ba? Syempre kailangan natin kilalanin makakasama ng


kaibigan naten!

SEB

Talaga ba?
HARVEY

Nako ewan ko sa inyong dalawa hehe,

CLAIRE

So ano nga?

HARVEY

Wala

CLAIRE

Huh? Anong wala? Eh akala ko ba may roommate ka?

HARVEY

Ang ibig kong sabihin... wala... wala akong masasagot sa tanong


mo...

CLAIRE

Ang gulo mo besh

HARVEY

Wala ako masasabi kasi hindi ko pa sya na mi-meet! Nung pag


dating ko wala sya, then bago ako umalis papunta dito wala parin
sya.

CLAIRE

Ay ganun? So, pa mysterious?

HARVEY

Hindi naman, talagang hindi pa kami nag kikita, yun lang


SEB

So ano clear naba Claire? Mabuti pa mag meryenda na lang tayo,


try natin yung bagong bukas na Milktea shop malapit sa apertment
ko, tara? My treat!

CLAIRE

Ahhh kung treat mo wala ng tanong tanong lets gow!!

6. INT. Apartment Day

Pag kapasok ni Tristan sa apartment ay ilalapag lang nito ang mga


bitbit at diretsyong mahihiga sa sofa sa pagod nito mula sa isang
event na kung saan sila ang nag photo coverage. Mula sa
kinahihigaan ay mapapansin niya ang mga gamit ng bagong roommate.
At isa na nga rito ay ang tupper ware na nakalagay sa mesa na may
nakadikit na sticky note, babangon sa pag kalahiga at lalapitan
ang nakita sa mesa.

TRISTAN

Ano 'to? (Babasahin ang nakasulat sa sticky note)

Naks may pasalubong! Ano kaya to?

(Bubukasan ang tupperware, mangingiti ng makitang ang paboritong


biko ang laman)

Wow biko! Ang tagal ko ng hindi nakaka kain nito!

Agad na titikman ni tristan ang bikong pasalubong ng bagong


roommate. Habang sarap na sarap ito sa pag kain ay maiisipan din
nitong mag sulat sa stickynote na nakita nito sa higaan ng
roommate.

"Hey roommate! Salamat sa pasalubong! Sakto pang paborito ko ang


biko! Tristan here"

Ididikit sa tupperware.

7. INT. Apartment- Night

Papasok si Harvey sa apartment na pagod, didiretsyo sa kusina at


kukuha ng maiinom. Mangingiti ito ng makita ang tupperware na i
iwan niya sa mesa bago umalis kanina. Lalapitan at babasahin ang
sticky note na iniwan ng roommate.

HARVEY

Mabuti naman at nagustuhan (nakangiti habang binabasa ang sticky


note)

Igagala ni Harvey ang paningin sa buong silid, makikita nito ang


bag sa gilid ng higaan at sapatos na nakatabi sa gilid, maririnig
din nito na bukas ang shower sa loob ng bathroom, pala tandaan na
nandoon ang roomate nito.

8. INT BATHROOM - NIGHT

Tristan's POV

Pag katapos ni Tristan mag shower ay lalabas ito ng bathroom ng


naka boxer shorts lang at walang suot pang itaas. Dahan dahan
nitong bubuksan ang pinto habang pinupunasan ng towel ang basang
buhok. Magugulat ito ng makita kung sino ang kasama nito sa loob
ng apartment.
TRISTAN

Ha? Ikaw? Anong ginagawa mo dito??!!

Mabibigla si Harvey ng makita si Tristan sa harap nito na naka


boxer lang, agad itong mapapatingin sa mga abs at paakyat sa
chest ng kaharap, na agad ding mamapapansin ni Tristan, mag
papanic ito ng maalalang boxer shorts lang ang suot nya. Agad
nyang itatapis ang tuwalyang kanina'y ginagamit nito pamunas sa
basang buhok.

TRISTAN

Hoy! Tinatanong kita! Ano ginagawa mo dito!

Biglang mahihimasmasan si Harvey at babawiin ang malagkit na


tingin nito sa katawan ni Tristan.

HARVEY

Ha? Ahh ano... wait, ako ang dapat na mag tanong sayo nyan? Ano
ginagawa mo dito sa apartment ko??

TRISTAN

Apartment mo? Ano pinag sasabi mong apartment mo eh dito ako


nakatira?! ..... oh shit!! Don't tell me......

HARVEY

Ha... ahhh .... (muling titingnan ang mga gamit ni tristan sa


paligid)

Ikaw si Tristan???

TRISTAN

Ikaw si Harvey......??!!!
HARVEY

So, it means....

Harvey & Tristan

Ikaw ang roommate ko??!!!

Y.U? The series

Episode 2

9. INT. APARTMENT- NIGHT

Kausap ni Tristan ang landlady sa cellphone.

TRISTAN

Wala na po ba talagang paraan na magagawa?

Landlady

Wala na talaga Tristan, and parang ang unfair naman ata na


papaalisin ko sya ng dahil lang sa 'di mo sya gustong kasama?
Tristan

Pero...

Landlady

Pasensya na talaga. O sige may gagawin pa ako ha?

Tristan

O sige po, salamat

Harvey

So ano? Sino pa tatawagan mo? (Nang aasar)

Tristan

Wala kang pakialam kung sino gusto kong tawagan!

Basta! Hindi ka pwede dito! Mag hanap ka ng ibang apartment wag


dito!

Harvey

Bakit naman kita susundin? Sino ka ba? Ikaw ba may ari nitong
apartment?

Tristan

Nauna ako sayo dito?!

Harvey

Nakapag bayad na ako!

Tristan
Ibabalik ko sayo binayad mo!

Harvey

Kahit bayaran mo pa ako hindi ako aalis dito! Kung ayaw mo ako
kasama eh di ikaw ang umalis?

Tristan

Aba!... ako pa talaga paalisin mo? Tindi mo din eh no?

Harvey

Well you have no choice! Ayaw mo umalis at mas lalong ayoko!


Mukhang matagal tagal tayong mag titiisan dito.

Tristan

No!

Harvey

Yes (mang aasar)

So ano tapos kana mag tantrums? Maliligo na ako ha? (Pupunta ng


Bathroom)

Tristan

Aba! Haaaaay! 'Di 'to pwede!

10. EXT. LOBBY. DAY – WALKING

Naglalakad sila Rico at Tristan papunta sa apartment.

RICO
Grabe naman yun, napakaliit ng mundo! At sya pa talaga magiging
roommate mo?

TRISTAN

Ewan ko nga eh 'bat sya pa!

RICO

Eh ano na plano mo? Sabi mo nga ayaw pumayag na ibalik mo nalang


yung dineposit nya? Hindi mo naman sya pwedeng pwersahin na
umalis?

TRISTAN

Kailangan makaisip ako ng paraan eh... naiisip ko palang na


makakasama ko sya araw-araw na babadtrip na ako! Kaya kailangan
makagawa ako ng paraan para kusa syang umalis.

RICO

Seriously? Pag aaksayahan mo yan ng panahon?

TRISTAN

Oo! Gagawin ko lahat wag lang sya ang maging roommate ko!

11. INT APARTMENT Day

SEB

Hindi ko alam kung pinag lalaruan kayo ng pag kakataon pero


nakakatawa lang talaga.

CLAIRE

True! Like what the?! Sya talaga? As in yung taong kinaiinisan mo


eh roommate mo na?

HARVEY

Unbelievable diba?

CLAIRE

But wait, sure kabang ok lang na nandito kami? I mean, baka


magalit yun?

SEB

Kahit hindi nya tayo trip makita dito wala sya magagawa! Wala
namang rules dito na bawal ang bisita

HARVEY

Hayaan nyo sya,

Kumportableng nag ku kwentuhan ang tatlo ng biglang bumukas ang


pinto ng apartment at dire-diretsyong pumasok sila Tristan at
Rico na mabibiglang may mga ibang tao sa loob.

RICO

Ha? Ahh tristan mukhang may mga bisita...

Maiinis si Tristan ng makitang may mga ibang tao sa loob ng


apartment. Pakiramdam nito ay na i invade ang kanyang privacy
ngunit walang ibang magagawa kundi tingnan ng masama si Harvey,
nang mapansin ito ni Harvey ay susuklian nito ng pang aasar na
ngiti si Tristan.
RICO

Hi, Harvey? Nabanggit na saken ni Tristan name mo, I’m rico i


hope naalala mo pa ako?

Agad na mapapansin ni Claire si Rico. Tatayo ito lalapit para


ipakilala ang sarili.

CLAIRE

Ah, hello Rico, (hahawakan ang kamay ni rico at makikipag shake


hands) I'm claire, beshy ni Harvey

RICO

Ah hi...

HARVEY

oo naman naalala kita.... ikaw yung umaawat sa pag ta tantrums


ng isa dyan.

Tristan

Ha? Ano sabi mo?

Hindi papansinin ni Harvey si Tristan.

Harvey

Anyway, sila pala mga kaibigan ko si Claire and Seb!

(Tatanguhan lang ni seb) nang galing lang kami ng school kaya nag
stay lang muna yung dalawa. I hope ok lang sayo Tristan (may tono
ng pang aasar)

Tristan
Gawin nyo gusto nyo wala ako paki alam, basta wag kayo mag
kakalat! (Didiretsyo sa kusina)

CLAIRE

Ayy award (pabulong kay seb)

SEB

Totoo ngang ang yabang!

RICO

Ahh pag pasensyahan nyo na'yun pagod lang siguro. O sige


punatahan ko lang ha?

Harvey

It's ok, sige lang...

SEB

(lalapit kay Harvey at magsasalita ng mahinang boses) Sure ka


bang gusto mong makasama sa isang bubong yung mayabang nayun?

CLAIRE

True! Gwapo sana kaso may attitude.

HARVEY

Wala naman akong ibang choice, ok na ako dito sa apartment,


malapit sa school... mag kakalapit tayo.

CLAIRE
Sa bagay...

HARVEY

Pero seriously willing naman ako mag adjust sa ugali nya,


naniniwala naman ako na mag kakasundo din kami.

SEB

Sana nga... pero pag kailangan mo ng resbak tawagan mo lang kami!

CLAIRE

Gosh ang OA mo talaga kahit kailan seb! Ewan ko sayo! Haha

12. INT APARTMENT NIGHT

Abalang nag babasa ng libro si Harvey sa table ng umpisahan ni


Tristan ang plano nitong pang iinis sa roommate! Bubuksan nito
ang radyo at mag papatugtog ng malakas.

HARVEY

Tristan, pwede paki hinaan nag babasa ako oh?

TRISTAN

(Mag papanggap na hindi naririnig)

Ha? Ano? Sorry dikita marinig... Ano sabi mo?

HARVEY

Nag babasa ako pls paki hinaan, or gamit ka ng earphone.


TRISTAN

Sorry hindi kita maintindihan? Pero kung gusto mo mag basa pwede
ka dun sa cr tahimik dun.

Ma ge-gets ni Harvey na sinasadya ito ni tristan ngunit mas


pipiliin nito kumalma at Kukuhain ang librong binabasa at pupunta
sa cr.

TRISTAN

Tingnan natin kung hanggang kelan ka makakatiis dito!

13. INT Bathroom NIGHT

HARVEY

Haist nako!! Napaka talaga ng ugali!! Pero hindi! Hindi ako


bibigay sa laro mo! Mag matigasan tayo pareho.

Matagal tagal ding mananatili si Harvey sa bathroom at ipinag


papatuloy ang pag babasa. Maya-maya ay kakatok si Tristan

TRISTAN

(Kakatok)

Hey.... labas ka muna sandali...

Naririnig ni Harvey si Tristan pero hindi nya papansinin

TRISTAN

Harvey! Buksan mo 'to! Hoy ano ba!


HARVEY

(Hindi parin bubuksan ang pinto)

Bakit?

TRISTAN

Basta! Buksan mo 'to labas ka muna saglit!!

HARVEY

Mamaya kana mang asar, nag aaral ako!

TRISTAN

(Mapipikon)

Ano ba?! CR yan hindi yan library!

HARVEY

Eh diba ikaw nag sabi na dito ako mag basa?

TRISTAN

Oo na sige na! Ako na may sabi kaya pwede ba lumabas kana!! (Nag
pipigil sa ihi)

HARVEY

(Bubuksan ng bahagya ang pinto)

Sabihin mo muna kung bakit?

TRISTAN

Ano bang klaseng tanong yan?! Ano ba ginagawa pag nag pupunta ng
cr?? Lumabas ka nga muna.. (pipiliting makapasok sa loob ng cr
pero haharangan ni Harvey)

HARVEY

Oh oh sandale... excited ka naman masyado eh...

TRISTAN

Ano ba?? Puputok na pantog ko! ihing-ihi nako!

HARVEY

Hmmm ok, patayin mo muna yung radyo mo? Para dyan nako mag
babasa!?

TRISTAN

Ha ewan ko sayo bahala ka sa buhay mo! Lumabas ka dyan (hihilain


nya si harvey palabas ng cr at agad syang papasok sa loob)

Makakaramdam ng ginhawa si Tristan matapos itong maka ihi.. saka


nito ma re- realize na naisahan sya ni Harvey.

TRISTAN

Pucha! Naisahan ako nun ah!..

14. EXT. Hallway – DAY

Nag lalakad sila Tristan at Rico mula sa isang event na sila ang
nag photo coverage bitbit ang mga kanya kanyang bag.

RICO

Kanina ko pa napapansin parang wala ka sa sarili mo


Parang ang lalim ng iniisip? Ano ba problema?

TRISTAN

Hays badtrip lang ako...

RICO

Huhulaan ko... si Harvey?

TRISTAN

Hay!! Badtrip kasi naisahan nanaman ako nung isang gabi! Ilang
beses na ako gumagawa ng paraan para kusa na syang umalis pero
ang ending sya parin nanalo.

RICO

Alam mo sa tingin ko? Dapat mo ng tigilan yan si Harvey...


masyado ka ng apektado, na hindi naman dapat.. napakabait ni
Harvey..

TRISTAN

Sandali palang kayo nag kakasama mabait na agad?

RICO

Oo, ramdam ko sa kanya yun.. saka ano ba.. wag mo ng pag


aksayahan ng energy yung pag papaalis sa kanya..

TRISTAN

Sana nga ganun lang kadali yun...Hindi ko alam pero everytime na


nakikita ko sya kumukulo dugo ko!

RICO
Hindi ko alam kung ano pinang gagalingan mo nyan pero kung dahil
lang dun sa ilang beses kayong nag kabungguan sa kalye? Aba
napaka babaw na dahilan yun...

Mapapaisip si Tristan sa mga nasabi ng kaibigan.

15. INT. APARTMENT - NIGHT

Abalang nakatutok si Harvey sa mga notes and aklat nito.


Natataranta sa kabilaang aklat na binabasa at humaharap sa laptop
nito ang nag ta type. Maya maya ay dadating si Tristan. Diretsyo
itong hihiga sa kama nito na agad mapapansin ni Harvey.

Harvey

Pls lang, kung plano mong mambwisit, wag muna ngayon..

Tristan

Ako ba ang nambubwisit? Eh ikaw nga itong ayaw umalis dito!

Harvey

Hanggang ngayon yan parin issue mo? (Kalmado nito sagot habang
nakatutok parin sa laptop at hindi manlang nililingon ang kausap)

Tristan

Hanggat nandito ka hindi matatapos yang issue nayan na sinasabi


mo..

Harvey

Ok bahala kang mamroblema..


Bahagyang mapipikon si tristan sa narinig. Babangon ito at
pupunta ng CR.

Tristan

Hayy ewan ko sayo! (Pupunta ng cr)

Nakatapos ng maligo si Tristan samantalang si Harvey ay abala


parin sa harap ng laptop. Lalapit na si Tristan sa higaan nito
para mag pahinga na ng hindi sinasadyang masagi ng mga paa nito
ang wire ng charger ng laptop ni Harvey at mahuhugot sa pag
kakasaksak dahilan para mamatay ang laptop.

Harvey

Oh my gosh ano nang yare bakit namatay? (Natataranta)

Tristan

Ha? Ahhh.... ewan ko sayo ikaw 'tong gumagawa dyan ako tatanungin
mo!

Ikagagalit ni Harvey ng makita nitong natanggal sa pag kakasaksak


ang charger ng laptop nito dahil sa naka apak si tristan sa wire!

HARVEY

Anong ewan mo?!! Eh tinapakan mo yung wire kaya nahugot eh!!!

TRISTAN

Huh??? Anong pinag sasabi mo? (Titingnan nito ang natatapakan at


makikitang tama ang sinabi ng kausap)
Harvey

Ayan oh naka apak kapa!! Ano ba naman tristan! Sira battery ng


laptop ko kaya namamatay yan pag hindi nakasaksak!

TRISTAN

Aba malay ko sayo! Saka pwede ba wag mong isisii saken! Bakit
kasi nakaharang yang wire ng laptop mo! Paano kung napatid ako at
nadapa......at ano... tumama yung ulo ko sa sahig.... oo ganun...
pano...

HARVEY

Diba nakiusap naman ako sayo ng maayos na kung mang bubwisit ka


wag muna ngayon?? Maayos na pakiusap yun!! Tingnan mo ginawa mo!!
Hindi pa nakasave yun! Mag hapon kung tinrabaho yun at bukas ang
pasahan nun! Sa isang iglap na bura lahat!!

TRISTAN

Bakit ba ako sinisisi mo?! Hindi ko naman kasalanan kung sira


yang battery ng laptop mo!!

Harvey

Haaayy napaka unreasonable mo!! Alam mo ba yun? Alam ko naman na


isa nanaman yan sa mga laro mo para mapa alis ako dito eh! Hindi
ko alam kung bakit ka galit na galit sa akin at gusto mo akong
paalisin dito! Pero sana naman alamin mo limitasyon mo!

Lalapit sa laptop at muling bubuksan! Manlulumo ito bahagyang


maluluha sa inis ng makitang burado na lahat ng tinayp nito!

Harvey
Ayan wala na lahat! Burado na!! Bukas na pasahan nito.... paano
na 'to....

TRISTAN

Wala akong kasalanan dyan wag mo sakin isisi! (Lalabas ng


apartment)

16. EXT GARDEN NG APARTMENT- NIGHT

TRISTAN

Sa akin nya talaga sinisisi yung nangyari! Kasalanan ko ba kung


sira yung laptop nya...... na namamatay pag hindi nakasaksak....
(kausap si Rico sa cp)

RICO

Wait bat ba kasi nahugot?

TRISTAN

Ha... ano.... kasi nakakalat yung wire sa dadaanan ko.... pero


hindi ko yun kasalanan!!

RICO

Ok, nakakalat tapos?

TRISTAN

Oo nakakalat...... tapos... ano.... natapakan ko.... kaya


nahugot....

RICO

Oh yun naman pala eh! Kasalanan mo naman pala!


TRISTAN

Hindi ko nga kasalanan!! Kung inayos nya sana at hindi nakaharang


sa dadaanan ko yung wire eh di hindi ko sana naapakan.... hindi
sana mabubunot......

RICO

Mabuti pa wag ka ng mag matigas dyan. bumalik ka dun sa loob, mag


sorry ka at mag offer ka ng tulong.

TRISTAN

No way! Hinding hindi ako mag sosorry sa kanya....

17. INT. APARTMENT- NIGHT

Pag pasok ni Tristan ng apartment ay makikita nitong abalang


abala si Harvey sa harap ng laptop!

TRISTAN

Ahhh... kailangan .... mo ba ng tulong......

Hindi papansinin ni Harvey

TRISTAN

Medyo mabilis akong mag type.... baka makatulong ako....

HARVEY

leave me alone! Yan yung tulong na pwede mong maibigay saken pls
lang!!

TRISTAN

(Mapipikon)

Ang yabang mo ah?! Ikaw na nga 'tong tutulungan eh! Kung ayaw mo
eh di wag!! (Didiretsyo sa higaan at matutulog)

Ilang oras ding makakatulog si Tristan. Bahagya itong magigising


at pasimpleng sisilipin si Harvey na patuloy parin sa ginagawa
nito. Makakaramdam ng pangongonsensya si Tristan sa
nangyari...muli itong babalik sa pag tulog.

18. INT. Apartment Day

Sa pag kagising ni Tristan sa pag kakatulog ay agad nitong


mapapansin ang makalat na table ni Harvey, nakakalat ang mga
aklat, papel, pens at kahit mga balat ng pinag kainan nito na
hindi na naligpit ni Harvey sa pag mamadaling pumasok. Habang
pinag mamasdan nya ito ay tutunog ang cellphone.

Tristan

Hello, oh rico napatawag ka?

Rico

Gusto ko lang i remind sayo yung meeting natin sa client natin


for pre nup shoot!

Habang may kausap sa cellphone ay nasa makalat na table ni Harvey


ang atensyon nito.

Rico

Hello? Bro nandyan ka pa ba?

Tristan

Ah yes! Sorry... may iniisip lang ako...

Rico

Ano ba yang nasa isip mo? Sobrang aga pa parang akupado kana...

Tristan

Ah... favor naman... pwede bang ikaw muna humarap sa clients


natin? Baka hindi ako maka attend ng meeting.

Rico

Huh? Bakit? May problema ba?

Tristan

Meron lang akong aasikasuhin.. bawi ako sayo after neto.

Rico

Ahh oh sige ok lang... balitaan mo nalang ako.

Tristan

Ok bro! Thanks!

Rico
Alright!

Pag katapos mag usap ng dalawa ay agad ng nag simula si Tristan


sa plano nito. Sinimulan nitong linisin ang mga kalat na iniwan
ng roommate. Isa-isang ibinalik ang mga aklat sa tamang pwesto,
ang mga balat ng pinakainan ay inilagay sa supot ng basura.
Habang abala ito sa pag lilinis ay mamapansin ang isang maliit na
picture frame. Kukunin nya ito at pag mamasdan, picture ito ni
Harvey kasama ang mama nito. Bahagyang mangingiti si Tristan at
ibabalik ang picture frame sa pwesto nito.

19. EXT. School Garden- DAY

CLAIRE

Hayy finally! Natapos din yung project na 'yun! Kaloka ilang araw
kung pinag puyatan yun... nag labasan tuloy mga eye bags ko...

SEB

Kahit naman dati pa may eyebags kana eh!

CLAIRE

Ayy wow hiyang hiya naman ako sayo!

SEB

Hahaha pero tama kanaman kahit papano normal na ulit pag tulog
natin nito.

Habang nag sasaya sila Claire at Seb mapapansin nila si Harvey na


bagsak na bagsak at maya't mayang humihikab.

SEB
Uyy

(tatapikin sa balikat si Harvey)

Ayos ka lang ba?

CLAIRE

Oo nga besh masama ba pakiramdam mo?

HARVEY

Haysss hindi naman.. wala pa kasi akong tulog.. nag habol ako ng
oras para matapos yung pinasa natin kanina..

CLAIRE

Seriously?? Si Harvey Mendoza nag cramming? Is this for real?

SEB

Oo nga usually pag may ganyan tayo few days bago ang deadline
tapos kana.. kami ni Claire ang madalas nag hahabol..

HARVEY

Nag karoon lang ako ng problema kagabi...

SEB

Si Tristan nanaman ba?

HARVEY

Mmm hindi naman.. alam nyo naman sakit ng laptop ko diba?


Namamatay pag hindi nakasaksak.. hindi ko lang na save yung
revision na ginawa ko kaya yun nung nahugot namatay kaya burado
halos kalahati..

CLAIRE

Pero bat ganun, parang may part sa beautiful braincells ko na nag


sasabing may kinalaman yung roommate mo? Hmmm

HARVEY

Wala naman.... pero...

SEB

Pero?

HARVEY

Naapakan nya kasi yung wire ng charger ng laptop kaya nahugot...

SEB

Yun!! Yun nangaba sinasabi ko eh! Ano ba naman klaseng tao yang
si Tristan! Sumusobra na!

HARVEY

Ramdam ko naman na hindi nya sinadya...

SEB

Nako wag mo ng ipag tanggol yun! Talagang masama lang ugali nun!
Ewan ko nga kung paano mo natatagalan yun eh...

CLAIRE

Ayy ang harsh mo naman kay pogi... baka naman hindi nga sinadya..
SEB

Kahit anong sabihin nyo masama talaga ugali nun! Isip bata!

HARVEY

Oh relax lang... hehe sinadya man nya o hindi ayoko ng isipin


pa.. O sya sige maiwan ko na kayo ha? Gusto ko ng umuwi..

SEB

Mabuti pa nga! Para makapag pahinga ka muna.. bumawi ka ng


tulog.. gusto mo ihatid ka namin?

HARVEY

Ahh wag na, i can manage.. saka baka gusto nyo din na mag
pahinga.. ok lang ako salamat.

CLAIRE

Are you sure besh?

HARVEY

Oo guys. im ok... thank you...

Mag lalakad na palayo si Harvey habang sinusundan ng tingin ni


Seb na tila nag aalala na agad namang mapapansin ni Claire.

ClAIRE

Ay oh... hmmm yung mga tinginan ha


SEB

Ha? Ano sinasabi mo dyan?

CLAIRE

Nako Seb wag ako! Alam ko yung mga tinginan na yan.. hmmm nako
ha.. ayoko nalang mag salita.

SEB

Haha ewan ko sayo claire masyadong malakas yang imagination mo..


mabuti pa tara na at umuwi na tayo gusto ko ding matulog muna..

20. INT Hallway Afternoon

Mabagal na nag lalakad si Harvey sa hallway ng apartment. Iniisip


padin nito yung mga nasabi nito kay Tristan noong isang gabi. Pag
katapat nito sa pinto ay mapapabuntong hininga ito at inihahanda
ang sarili sa posibleng pang gugulo nanamn ulit ni Tristan.
Dahan-dahan nitong bubuksan ang pinto. Pag kapasok ay agad nitong
mapapansin ang malinis na nitong study table.

HARVEY

Ganoon na ba ako kaantok kanina at hindi ko na matandaan kung


nalinis ko ito bago ako umalis?

Bahagya itong mapapaisip at maaalalang iniwan nya ito kanina ng


magulo.

HARVEY

Hindi eh sigurado akong hindi ko ito naligpit kanina..

(Uupo sa harap ng mesa at pag mamasdan ang mga aklat na nasa


tamang pwesto)
Hmmm sino kaya nag ligpit... imposible namang si.....

Hindi nito mapapansin na nasa likuran na nito si Tristan.

TRISTAN

Bakit naman imposible? Marunong naman ako mag ligpit...

HARVEY

Ahh, nakakagulat kanaman! Kanina ka pa andyan?

TRISTAN

Hindi naman kararating ko lang..

Mapapansin ni Harvey na may itinatago si Tristan sa likuran


nitong plastic.. na agad din nyang i aabot kay Harvey.

TRISTAN

Oh! (Iaabot ang bitbit)

HARVEY

Ah.. ano 'to

(Aabutin at agad na bubuksan, matutuwa ito mg makitang ang


paborito nitong crinkles ang laman)

Wow paborito ko 'to! Pero wait...

(Mang aasar)

Ano to peace offering?


TRISTAN

Eh di kung ayaw mo wag na!

(Akmang babawiin ang binigay)

HARVEY

(Hihilain pabalik ang plastic)

May sinabi ba akong ayaw ko? Favorite ko nga diba?

Pero may gusto ka ba munang sabihin?

TRISTAN

Ha? Ano ibig mong sabihin?

(Magegets nito ang ibig sabihin ni Harvey)

Ha? Ang dami mo namang gusto eh, ayan na nga oh nilinis ko na


yang mga kalat mo... binilhan pa kita ng meryenda kulang pa ba
yun?

Titingnan lang sya ni Harvey at hindi sasagot.

TRISTAN

Hayss.... ok! Ok! So... (agad na sisingit si Harvey)

HARVEY

Apology accepted!

Magtitinginan ang dalawa na mauuwi sa ngitian. Babalik si Harvey


sa pag kakaupo nito at bubuksan ang bigay ni Tristan. Pag ka
bukas ay agad na kukuha ng isa si Tristan.

HARVEY
Hoooy akala ko ba akin to??

TRISTAN

Sharing is caring remember?

HARVEY

Mautak ka talaga! Haha o sige hati na tayo dito marami naman 'to
eh.

Tatayo si Harvey para kumuha ng maiinom.

TRISTAN

Payag na ako na dito ka na muna

Y.U? The Series

Episode 3

21. EXT. Garden- DAY


Masayang nag kukwento si Harvey sa mga kaibigan nito ang tungkol
sa naging pag uusap nila ni Tristan.

CLAIRE

Sa wakas naman no! Sana ito na yung start ng pag hinto ng pang
aasar sayo ni Tristan.

HARVEY

Sana nga besh.. sa totoo lang nakakasawa nadin kasi!

SEB

Sus, dahil lang sa crinkles bumigay kanaman agad? Malay ba natin


kung pakitang tao nya lang yun!

CLAIRE

Ayyy saan galing yang bitterness mo Seb? Grabe sya oh...

SEB

No, ang ibig ko lang sabihin is wag kayong nag papadala sa


pakitang tao nun. Remember gusto ka nung paalisin.. paano kung
isa yun sa mga strategy nya..

HARVEY

Ewan.. Hindi ko na alam... pero mas gusto ko yung ganun sya...


para peaceful.

CLAIRE

Exactly!
SEB

basta ako hindi kumbinsido dyan!

CLAIRE

Nako seb lumayo layo ka nga! Full of negativity!

Harvey

Nako, bahala kayong dalawa dyan hehe

Claire

(Mapapansin si Tristan mula sa malayo)

Wait... diba si tristan yun besh?

Harvey

Huh? (Lilingon sa direksyon ni tristan)

Oo nga no? Ang alam ko gagabihin sila ni Rico sa event ngayon ah?

Claire

Ehh mukhang hindi, kasi ayan oh nandun sya..

Harvey

(Mag mamadaling ipapasok sa bag ang mga gamit)

Ok, ok, o sya sige guys... mauna na ako ha? Sasabay na ako kay
Tristan...

Claire

Ha? O sige besh bilisan mo para maabutan mo pa.


Seb

O saglit... akala ko ba tutulungan mo kami sa assignments natin


para bukas?

Harvey

Ahh oo nga pala.. o sige mamya mag zoom tayo tulungan ko kayo
online! O sige guys una na ako ha? Bye!

Seb

Hays kita mo yun, iniwan tayo para kay Tristan..

Claire

Oh eh ano naman? Mag hapon naman na natin sya kasama! Saka


narinig mo naman diba? Sasabay sya kay Tristan? Ano problema dun?

Seb

Eh parang kelan lang galit na galit sya dun tapos ngayon biglang
isang iglap mag kasabay na silang umuwi?

Claire

Oh anong problema? Ikaw ha! Ang weird na ng mga kinikilos mo


lately.. nag sisimula na akong mapaisip na may gusto ka sa besh
naten!

Seb

(Matataranta)

Huh? Hoy ano ba yang pinag sasabi mo dyan!

Claire
Ang weird na kasi ng mga ikinikilos mo.

Seb

Nako, ewan ko sayo! Kung ano-ano pinag sasabi mo! Bahala ka na


nga dyan, Alis nako!

(Iiwan si claire mag isa)

Claire

Ayy walk out ang drama? Nako ewan ko sa inyo! Gugulo nyo....

Kairita ha! Iwan daw ba ako mag isa.. kaloka!

Mapapansin nito sa Rico na papalapit mula sa di kalayuan.

CLAIRE

ayy wait naman hindi ako prepared... (pasimpleng matataranta)

Rico

Hi Claire, oh mag isa ka ata?

Claire

Ha.. ahh oo nga eh... ang init ng ulo ni Seb eh nag walkout.. si
harvey ayun hinabol si Tristan sabay na daw sila uuwi..

Rico

Ahh i see... mukhang nag work yung binigay mong tip about dun sa
favorite ni Harvey, mag kasabay na sila umuwi eh.

Claire
Ah oo sabi ko naman sayo eh, isa sa mga favorite ni besh ang
crinkles. isa yan sa mga nag papa happy sa kanya.

Rico

Mukhang tapos ng gyera nung dalawa. Anyway, may pupuntahan ka pa


ba?

Claire

Ahh. wala naman na.. actually, dapat may group study kami now
pero hindi na natuloy.

Rico

Good! Ahhh i mean good na wala ka ng lakad...

Claire

Bakit mo pala natanong?

Rico

Ahhh.... gusto lang sana kita invite mag snack? Milktea?

Claire

Ahh (kinikilig) ahh... sure. sure...

Rico

So tara?

Claire

G!
22. INT. APARTMENT- DAY

Pag kapasok nina Tristan at Harvey kanya kanyang lapag ng gamit


at pupwesto si Tristan sa higaan nito at uupo naman si Harvey sa
silya na malapit sa mesa.

Tristan

Hayy... buti nalang maagang natapos yung event ngayong araw.


hindi kami masyado napagod.

Harvey

Ayos yan. may time to rest ka pa.

Tristan

Yup! (I checheck ang cellphone nito at mag bubukas ng social


media accounts) ohh kelan pa naging close 'tong dalawa na 'to?

Harvey

Huh? Sino? (Lalapit kay tristan)

Tristan

(Babangon at ipapakita kay harvey ang picture nina Rico at Claire


na naka post sa Instagram ni rico)

Tingnan mo.

Harvey

Patingin nga? (Hahawak sa cellphone ni Tristan) hahaha mukhang


nag milktea date ah?

Tristan
(Hahawak din sa cellphone nya kung saan din naka hawak si Harvey)

Mukhang nag kakamabutihan ah.

Bahagyang kakabahan si Harvey ng maramdaman nito ang kamay ni


Tristan na nakahawak sa kanya..

Harvey

Oo ngapala birthday ni Claire sa susunod na araw, naisip ko lang


na pwede naman na dito nalang tayo mag bonding diba? Isama mo din
si Rico?

(Haharap kay Tristan)

Hindi sasagot si Tristan, tititig lang ito kay Harvey,

Tristan

Ang ganda pala ng mga mata mo no? (Lalapit ang mukha kay Harvey)

Lalo na sa malapitan... nangugusap... parang may mga sikretong


gustong isumbong... (bahagya pang lalapit ang mukha)

Makakaramdam ng kaba si Harvey sa paunti-unting pag lalapit ng


kanilang mga mukha.. sunod-sunod na malalalim na hininga na
parang nag nag hahabol.. nang halos mag kadikit na ang mga mukha
nila ay mapapapikit si harvey..

Tristan

(pipitikin noo ni harvey)

Hoy! 'Bat ka pumikit tinitingnan ko nga mga mata mo eh...

Harvey

(Mahihimasmasan)

Ha? Ahhh... ano kasi.... ahh napuwing ako... kung ano ano kasi
pinag sasabi mo...

Tristan

Photographer ako kaya mabilis akong maka appreciate ng uniqueness


sa mukha ng mga kaharap ko..

Harvey

Ahh.. ganun pala...

Tristan

Bakit ano ba inisip mo at napapikit ka?

Harvey

Napuwing nga ako! Dyan kana nga muna maliligo muna ako... (mag
mamadaling papasok ng bathroom)

Tristan

Ang weird.

23. INT. Bathroom - Day

Harvey

Behave harvey! Behave! (Natataranta)

Hayy nakakahiya bakit kasi ako napapikit.... ang tanga ko talaga


nakakainis!! (Haharap sa salamin at kakausapin ang sarili)

Wala yun Harvey! Para sa kanya wala lang yun... wag kang mag isip
ng kung ano-ano...
Tristan

Harvey! Matagal ka pa dyan? Tara kain na tayo.. nakapag handa na


ako...

Harvey

Oo sige patapos na ako..

Lalabas ng bathroom si Harvey at disiretsyo sa upo sa silya nito


sa harap ng mesa. Nakapag handa na si Tristan ng pag kain nila.

Tristan

Ok kalang ba? Bat parang na munutla ka? Nagulat kaba dun sa


picture nung dalawa?

Harvey

Ha.... hindi naman pagod lang siguro ako..

Tristan

Yung tungkol pala sa sinasabi mo kanina? Bonding na kasama sila


dito? Game ako dyan!

Harvey

Sure ka ha? Sila Claire at Seb yun alam mo naman si claire...

Tristan

Yup no problem! Medyo hindi rin naging maganda first encounter


namin din kasi nung nakaraan.

Harvey
Ayos! Siguradong matutuwa nito si Claire.

Mag papatuloy sap ag kain ang dalawa.

Tristan

Pwedeng mag tanong?

Harvey

Huh? Oo naman,

Tristan

Mag isa kalang ba talaga dito sa Manila?

Harvey

Ah, oo, taga Bulacan talaga ako, lumuwas ako para dito mag
collage, naiwan sa Bulacan mama ko,

Tristan

Eh kapatid?

Harvey

Meron, isa, hindi ko lang sigurado kung nasaan sya ngayon, hindi
kasi ako kinakausap nun eh, hindi nya tanggap pagiging ganito ko.

Tristan

Pagiging ganyan mo? What do you mean?


Harvey

Ha ahhh wala, kalimutan mo na yun, ikaw? Bakit mag isa kalang


dito?

Tristan

Halos parehas tayo ng sitwasyon, mag isa lang akong tumataguyod


sa sarili ko

Harvey

Bakit? Nasaan pamilya mo?

Tristan

Parehong nasa Canada mom and dad ko, pareho silang doctor doon,
and gusto nila maging tulad din nila ako,

Harvey

Oh bakit ayaw mo? Okay naman maging doctor ah?

Tristan

Yeah, okay naman talaga, kaso wala dun ang puso ko eh,,
photography kasi ang passion ko, Hindi nga nila suportado ‘tong
Photography business namin ni Rico.

Harvey

Ganun ba? Hayaan mo someday maiintindihan Karin ng parents mo,


pakita mo lang na mahal mo ginagawa mo, magulang yun eh hindi ka
nila matitiis.

Tristan

Sana nga ganun,


24. INT APARTMENT - NIGHT

Claire’s Birthday;

Masayang nag tatawanan habang nag kukwentuhan ang lahat.

Claire

Uyy grabe guys ha? Salamat talaga sa bonding na 'to. sobrang


saya.

Harvey

Im happy na nagustuhan mo, kahit simple celebration lang.

Claire

Oo naman no! Basta kasama kita at si Seb, happy na ako dun! Tapos
may add ons pang dalawang pogi...

Seb

Sus ang sabihin mo basta may pogi sa paligid kahit hindi mo


birthday masaya kana!

Claire

Alam mo ikaw seb wala ka talagang patawad eh no? Kahit birthday


ko binubwisit mo parin ako!

Seb

Eh totoo naman eh hahaha

Harvey

Oh oh.. tama na yang asaran.. nandito tayo para i celebrate ang


birthday ni claire, isa namang cheers dyan!

Mag chi-cheers.

Claire

Thanks guys! at oo nga pala salamat Tristan at pumayag ka na dito


kami mag celebrate at hindi ka nag susungit ngayon hehe

Tristan

Ah oo naman walang problema, and gusto ko lang din mag pasalamat


at humingi ng pasensya. Salamat kasi kahit hindi naging maganda
una nating encounter eh sinama nyo parin ako dito sa bonding
ninyo.. at pasensya na sa naging ugali ko.

Seb

Hmm dapat lang,

Harvey

Ahh.. ok na yun.. mababait naman tong mga tropa ko (aakbay kanila


claire at seb) for sure wala lang din yun sa kanila.. diba
guys...

Claire

Oo naman no. kalimutan na natin yun.

Rico

Ohh ohh ngayung ok naman na pala ang lahat mabuti pa mag laro
nalang tayo! Sumiseryoso na kayo eh..

Harvey
Ahh po nga mabuti pa!

Rico

Ok! G naman ang lahat diba? (Mag lalagay ng bote sa gitna) bagong
bagong spin the bottle! Pero ang twist lahat tayo ay sasagot sa
iisang tanong na.... Ano ang kaya nyong gawin para sa love!

Claire

Ayy bet ko yan. game game!

Rico

Ok! Dahil birthday mo ngayon claire ikaw ang unang mag paikot!

Tutuk ang lahat sa pag ikot ng bote. Unang hihinto kay Rico.

Rico

Haha ako na nakaisip ako pa bwena mano..

Claire

So rico ano ang kaya mong gawin para sa love!

Rico

Hmm Para sa love... kaya kong mag ala superman! Susuungin ko ang
lahat para sa taong mahal ko!

Tristan

Talaga ba? Superman? Kaya pala halos hindi mo gustong i meet yung
pulis na tatay ng ex-girlfriend mo kasi takot ka?
Rico

Oh wala namang basagan ng moment.

Mag tatawanan ang lahat.

Rico

Ok, ako naman mag papaikot

Tuturo kay Claire

Claire

Ako.. hmmm kaya kong maging female version ni santa! Kasi araw-
araw pasko para sa taong mahal ko...

Magtatawanan ang lahat (adlib) susunod na hihinto ang bote kay


Tristan.

Tristan

Ng dahil sa pag ibig... kinaya kong maging tanga! Kinaya kong


ipag palit ang lahat para sa taong akala ko mahal ako...
(tatahimik ang lahat)

Muling pa iikutin ang bote at hihinto kay Seb

Seb

Kaya kong manakit para sa love...ayaw na ayaw ko yung may ibang


taong umi eksena sa taong mahal ko... dahil ang akin ay akin!
(Titingin ng diretsyo kay Tristan)

Rico
Ahh ok ok sige lang haha oh dahil ikaw na lang hindi sumasagot
harvey ikaw na ang next wag na tayo mag pa ikot ng bote..

Harvey

Ako talaga ang huli? Ok hmmm ano nga ba.... hirap naman..

Tristan

Bakit nahihirapan ka sumagot? Hindi kapaba na iinlove?

Harvey

Ha.... ahhh (may kakatok sa pinto)

Claire

Oh wait may in expect pa ba kayong bisita? Ako na mag bubukas.

Lalapit si claire sa pinto at bubuksan ito. Si Zoe ang nasa


labas..

Claire

Ahh guys? (Bahagyang bubuksan ang pinto para ipakita ang taong
nasa labas)

Zoe

Love? (Naka diretsyong tingin kay tristan)

Tristan

Zoe...

Mag tataka at matatahimik ang lahat.


Tristan

Anong ginagawa mo dito?

Zoe (Papasok)

Love.... can we talk? Privately?

Rico

Ahh guys... i think kailangan muna nating lumabas... tara


pahangin muna tayo sa labas at mag palipas ng amats..

Nag tatakang susunod sila Harvey, Claire at Seb kay Rico palabas
ng apartment.

Zoe (lalapit kay tristan)

Love.... i miss you so much!

Tristan (lalayo kay zoe)

Anong ginagawa mo dito?

Zoe

Love.. pls wag ka naman ganyan saken oh.. nandito na ako oh..

Tristan

Talaga?... ganun lang yun? Dapat ba akong matuwa na nandito kana


sa harap ko ngayon pag tapos mo akong iwan?

Bahagya pang lalayo at tatakikod si Tristan na agad namang


lalapitan at yayakapin ni Zoe sa likuran.

Zoe

Love... i'm sorry... hindi ko naman ginusto na gawin yun.. pls


i'm so sorry...

Tristan

(Kakalas sa pag kakayakap ni Zoe)

Hindi mo ginusto? 'Di ba ikaw yung nag desisyon na makipag


hiwalay saken? Ikaw yung nang iwan.. tapos sasabihin mo ngayon na
hindi mo ginusto?

Zoe

Love, alam mo naman na nung una palang kung ano pangarap ko diba?
Pag mag kasama tayo walang pag kakataon na hindi ko sinasabi sayo
yun..

Tristan

Oo nandun na tayo Zoe! Pangarap mong mag aral at mag trabaho sa


ibang bansa! alam na alam ko yan! Kaya nga sinuportahan kita
diba? Pero anong ginawa mo? Na kesyo hindi ka naniniwala sa Long
distance Relationship kaya bigla mo nalang akong inawan? Zoe ang
tagal kong nag hintay... kahit email manlang wala kang paramdam..
so ano inexpect mo?

Zoe

That's why I'm here now... Kahit natupad ko na 'yong mga pangarap
ko... kulang parin eh.. kulang kasi wala ka!

Lalapit kay Tristan at yayakap.

Zoe
Tristan I love you so much... please give me second chance. give
us a second chance...

25. EXT Lobby NIGHT

Claire

Ohh so sya pala yung sinasabi ni Tristan kanina sa game...

Rico

Oo.. nag aalala ako para sa kaibigan ko.. ang tagal nyang
nalugmok nung iwan sya ni Zoe.. lately ko na ngalang sya ulit
nakikitang ngumingiti tapos ito bumabalik nanaman sya.

Harvey

Ano na kaya pinag uusapan nila ngayon...

Seb

Baka nag kabalikan na sila!

Claire

Pag katapos ng pang iiwan ni girl balikan talaga?

Seb

Eh base sa kwento ni Rico mahal na mahal ni Tristan yung Zoe.. so


ayan bumabalik na palalagpasin pa ba nya?

Rico

Hindi ko rin alam kung ano pwede mangyare.. pero sana maging ok
lang si Tristan.
Matatahimik ang lahat.

Seb

So ano na? Tapos na ba ang birthday celebration natin para kay


Claire? Siguro naman labas na tayo dun sa eksena nila Tristan...
baka pwedeng ituloy na natin 'to?

Claire

Parang ok na siguro guys..

Seb

Ha? Tapos na? ang kj naman oh..

Claire

Parang nakakawala na sa mood mag party eh..

Rico

Kahit ako din eh,

Mapapansin ni Claire ang pagiging tahimik ni Harvey

Claire

Besh are you ok?

Harvey

Huh...ahh oo ok lang ako..iniisip ko lang si Tristan..


Rico

I think guys bigyan nalang muna natin si Tristan ng space and


privacy! Kilala ko 'yun for sure ayaw nung makakita ng ibang tao
ngayon.

Seb

Sandali,, paano si Harvey?

Rico

Advice ko lang sayo Harvey pag kaakyat mo 'wag mo nalang muna sya
siguro tanongin kung ano nangyari..

Harvey

Ok..

26. INT. Apartment- bed -Night

Dahan-dahang papasok si Harvey. Makikita nito si Tristan na


nakahiga na sa higaan at nakatalukbong ng kumot. Dahan-dahang
mauupo sa higaan.

Tristan

Nasaan na sila?

(Nakahiga, nakatalukbong ng kumot at hindi nililingon si Harvey)

Harvey

Ahhh... umalis na.. ahhh Tristan...

Tristan

Ayokong pag-usapan matulog kanalang.


Hindi na iimik si Harvey.

27. INT - Apartment - Day

Magigising si Harvey sa pag ring ng cellphone nito. Kakapain nya


ito sa kanyang uluhan ng makita ay sasagutin.

Harvey

Hello...

Rico

Good morning! Sensya na ha napatawag ako ng ganitong kaaga..

Harvey

Oh rico.. ok lang, bakit?

Rico

Paki gising naman si Tristan oh kanina ko pa kasi sya tinatawagan


pero naka off ata cellphone nya?

Titingin si Harvey sa pwesto ng tulugan ni Tristan. Nang makitang


wala si Tristan ay babangon ito hahanapin sa cr.

Harvey

Wait lang ha? Check ko lang sa cr..

Rico

Ok thank you
Harvey

Wala dito eh.. mukhang maagang umalis wala yung sapatos nya dito
eh.

Rico

Ha? Eh saan naman kaya nag punta yun? Meron kasi kaming client
meeting today. kaya ko sya tinatawagan kasi nakalimutan kong
sabihin sa kanya meeting place.

Harvey

Ha? Eh di kung ganon imposible naman na papunta na sya dyan..


saan kaya yun?

28. EXT. School Grounds- Day

Claire

Saan naman kaya nag punta yun?

Harvey

Yung nga ang hindi namin alam..pag kagising ko wala na sya eh..

Seb

'Wag nyo na problemahin yun! Ibigay nyo na sakanya 'tong moment


na 'to.

Harvey

What do you mean?


Seb

Sigurado ako na sinadya talaga nun umalis. Gusto lang mapag-isa.


Mag muni-muni. Yaan nyo na. Alam naman nun pauwi..

Claire

Kung sa bagay may point ka dun Seb.

29. INT. Apartment - Day

Nasa silid si Harvey at nag babasa ng mga aklat. Hindi mapakali


at iniisip kung nasaan si Tristan.

Harvey

Nasaan kaya yun?

Kukunin ang cellphone at tatawagan si Rico.

Tristan

Hello, Rico? Ano natawagan mo na ba?

Rico

Ahh hindi eh.. kanina ko padin tinatawagan pero naka off talaga
ang cellphone..

Harvey

Ganun ba? Nasaan kaya yun?

Rico

Oo nga eh.. pero sige susubukan ko parin tawag-tawagan, update


update nalang tayo.. ok?

Harvey

Ok sige salamat.

Pag katapos ng pag uusap nila ay may roong kakatok at agad na


tatayo si Harvey upang buksan ang pinto at umaasang si Tristan na
iyon.

Harvey

Tristan saan ka ba galing? (Mahihinto ng makitang si Seb ang nasa


labas)

Seb

Tama nga kutob ko at sobrang nag aalala kana..

Harvey

Ikaw pala seb.. pasok... hindi mo ba kasama si Claire?

Seb

Hindi eh.. hindi nya alam na dadaanan kita. Ito nga pala dinalhan
kita ng snacks.

Harvey

Uyy salamat .. Sige upo ka muna..

Seb

Alam mo nag aalala din ako sayo..


Harvey

Ha? Bakit naman?

Seb

Nararamdaman ko lang yung sobra mong pag aalala kay tristan.. Nag
tataka lang ako kasi dati halos isumpa nyo isat-isa pero ngayon
ganyan na pag aalala mo sa kanya.

Harvey

Iba na kasi ang sitwasyon ngayon seb. Oo hindi naging maganda


simula namin..naten sa kanya.. pero ngayon kasi kaibigan na natin
sya eh' roommate ko pa kaya hindi mo talaga maiaalis saken na mag
alala..

Seb

Ok.. sige sabi mo eh.. ahh pwede bang samahan muna kita dito?
Para lang may kausap ka habang hinihintay mo si Tristan.

Harvey

Oo naman.. salamat ha?

Seb

Wala yun..

Mag tutuloy tuloy ang kwentuhan ng dalawa. Hanggang sa maisipan


ni Harvey na ayaing kumain si Seb

Harvey

Kanina pa tayo nag kukwentuhan kain muna tayo? Kainin natin 'tong
dala mo..
Seb

Para sayo yan eh..

Mag riring ang cp ni Seb.

Seb

Wait lang ha sagutin ko lang 'to.

Harvey

Sige lang.

Seb

Hello? Oh napatawag ka?

Lalabas ng kwarto si Seb para kausapin ang tumawag habang patuloy


na inaayos ni Harvey ang mga dalang food ni Seb. Maya-maya ay
babalik na si seb.

Seb

Ahh Harvey pasensya na i have to go? Tumawag yung roommate ko may


problema daw sa apartment.

Harvey

Ahh ganun ba? Sige ok lang puntahan mo na yan mukhang emergency


eh.

Seb

Oo sige bawi ako next time.. kumain kana ha?


Harvey

Oo sige salamat.

Nag mamadaling lalabas si ng apartment si seb. Muling mauupo si


Harvey at itutuloy ang pag kain.

30. INT. APARTMENT. NIGHT

Magigising sa pag kakaidlip si Harvey sa malalakas na katok sa


pinto. Agad itong babangon at bubuksan ang pinto. Magugulat ito
ng makita si Tristan na may pasa at sugat sa mukha. Dumudugo ang
bibig at mukhang nakainom.

You might also like