You are on page 1of 2

 

Mataas na Paaralang Nasyunal ng Lungsod ng Santiago


Calaocan, Lungsod ng Santiago

Pagsusulit sa Filipino 8 (8)/7

Pangalan at Seksyon: ___________________________________________ Iskor: ________________


Panuto: Basahin ang bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat bago ang bilang.
A14 – Ang Pinakamamahal na Bayan ng Albanya
_____1. Ayon kay Florante sa saknong 259, ang namumuno raw sa hukbong kumakalaban sa Crotona ay isa ring lider
Persyano na nagngangalang _____.
a. Haring Linceo b. Konde Sileno c. Heneral Osmalik d. Menandro
_____2. Nang sabihin ni Florante sa saknong 260 na an glider Persyano ay pangalawa ni Prinsipe Alading bantog sa
buong mundo, ang sagot ng gererong Moro sa saknong 263 ay nagpapahiwatig na ito ay ________.
a. mayabang b. maunawain c. mapagpakumbaba d. matapang
_____3. Sa saknong 267, nang Makita ni Haring Linceo si Florante sa unang pagkakataon, ang may edad nang lider ay
a. lungkot na lungkot b. tuwang-tuwa c. galit na galit d. alalang-alala
_____4. Sa saknong 269, itinalaga ni Haring Linceo si Florante bilang _____ ng lalabang hukbo.
a. sundalo b. kanang kamay c. tagapamalita d. heneral
_____5. Binigyang-diin ni Haring Linceo sa saknong 267 na si Florante ay nakita niya sa ______.
a. digmaan b. panaginip c. pagtitipon d. pulong
_____6. Batay sa saknong 272, tanging problema ni Florante sa paglaban sa digmaan ang kamuraan ng gulang at kawalan
ng ____.
a. katuwaan b. karunungan c. kamaharlikahan d. karanasan
_____7. Nang itindig ni Haring Linceo si Florante matapos umakmang hahalik sa mga yapak ng Kaniyang Kamahalan,
ipinahihiwatig ng mahal na hari ang kaniyang _____.
a. kayabangan b. kaluhuan c. kababaan d. kaselanan
_____8. Sa saknong 274, naupo si Florante, Haring Linceo at Duke Briseo upang _______.
a. magpahinga b. magbalak c. magkwentuhan d. magkainan
A15 – Pag-ibig sa Unang Pagkikita
_____9. Mula sa saknong 275-278, inilalarawan kung gaano kaganda si _______.
a. Venus b. Laura c. Jocasta d. Floresca
_____10. Sa saknong 280, sinisisi ni Florante ang Diyos at binigyan siya ng pagkakataong _______ si Laura.
a. maawitan b. Makita c. makasayaw d. makausap
_____11. Sa saknong 280 at 281, sinasabing ang magandang si Laura ay anak ni __________.
a. Haring Linceo b. Konde Sileno c. Marte d. Aladin
_____12. Sa saknong 282, sa pagsasabi ni Florante na “Hindi katoto ko’t si Laura’y di taksil,/ aywan ko kung ano’t
lumimot sa akin!” mahihinuhang siya ay _________.
a. nagagalit b. natutuwa c. nagseselos d. nagtataka
A16 Ang Pangako ng Puso
_____13. Sa saknong 286, sa pagsasabi ni Florante na sa pagkakita pa lamang niya kay Laura ay inagaw na kaagad ang
puso niya na dati’y nagmamahal lamang sa ina. Ito’y nagpapatunay ng isang _________.
a. pag-ibig na pinag-aralan c. pag-ibig sa unang pagkikita
b. pag-ibig na dakila d. pag-ibig na sapilitan
_____14. Sa saknong 287, sa pagsasabi ni Florante nab aka ang pag-ibig niya kay Laura ay “di marapat sa gayong
alindog” ay pagpapatunay na ang binata ay ________.
a. natutuwa b. nagagalit c. nagseselos d. nag-aalangan
_____15. Sa pagsasabi ni Florante sa saknong 288 na matapos mapagmasdan si Laura at bumalik sa siya sa pakikipag-
usap sa hari at ama, napansin niyang siya ay __________.
a. takang-taka b. litung-lito c. takot na takot d. lunkot na lungkot
_____16. Sa saknong 289, sinasabi ni Floranteng nawala ang kamaharlikahan niya nang umibig kay Laura sapagkat
maituturing siyang isang _______.
a. sundalo b. arkitekto c. mangingisda d. alipin
_____17. Sa saknong 290 – 292, inilalarawang ang sobrang paghihirap ni Florante ay nadama niya nang di niya makita si
Laura nang _____.
a. isang araw b. tatlong araw c. limang araw d. pitong araw
_____18. Sa saknong 292, sinasabing nakita lang ni Florante si Laura nang aalis na siya upang makipagdigmaan sa _____.
a. Albanya b. Ilog Cocito c. Crotona d. Persya
_____19. Sa pagtatapat ni Florante na iniibig niya si Laura, ang dalaga ay __________.
a. tuwirang tumanggi b. tuwirang umoo c. nagpahiwatig na umoo d. nagpahiwatig na umaayaw
_____20. Sa saknong 296, naipahayag ni Laura ang damdamin niya kay Florante sa pamamagitan ng mga ____.
a. ngiti b. ingos c. luha d. tango
_____21. Sa saknong 295, sa pahayag ni Floranteng, “naliwangan din sintang nagdirimlan,/ at sa pagpanaw ko ay
pinabaunan”, ang makata ay gumamit ng tayutay na ______.
a. simile b. oksimoron c. aliterasyon d. pangitain
A17 – Ang Magiting na Mandirigma
_____22. Sa saknong 300, sa pagbanggit ni Florante sa “malaking makinang talagang pangwalat”, napansin niyang ang
mga kalaban ay nakakalamang sa _________.
a. dami b. lakas c. sandata d. motibasyon
_____23. Mula saknong 301 hanggang 303, kapansin-pansin ang hukbo ni Florante ay _________.
a. nananalo b. natatalo c. tumatabla d. lumulusob
_____24. Sa mga saknong 302 at 303, naghamong makipaglaban si ______ .
a. Florante b. Duke Briseo c. Haring Linceo d. Heneral Osmalik
_____25. Sa saknong 304, sa limang oras na pagtutunggali ng magkalaban, napatay ang lider _______.
a. Kristiyano b. Persyano c. Australyano d. Tsino
_____26. Sa saknong 305, inilalarawang sa dagdag na tulong ni Menandro, naipanalo ang ________.
a. Albanya b. Crotona c. Persiya d. Espanya
_____27. Sa saknong 306, inilalarawang sa pagbubukas ng pinto ng kaharian, madarama ang lubos na _______.
a. kalungkutan b. kayamanan c. kasayahan d. kahirapan
_____28. Sa saknong 307, sinalubong si Florante ng kaniyang _______.
a. ama b. lolo c. tiyo d. bayaw
_____29. Sa saknong 312, kapansin-pansin sa damdaming nadarama ni Florante at ng Hari ng Crotona, naaalala nila si
a. Prinsesa Laura b. Prinsesa Floresca c. Aurora d. Reyna Jocasta
_____30. Sa saknong 313, na tumutukoy sa pagsasalit-salit ng katuwaan at kalumbayan, may katotohanan ang kasabihang
a. Kumatok ka at ikaw ay bubuksan c. Ang buhay ay parang umiikot na gulong, minsan nasa taas minsan nasa ibaba
b. No man is an island d. Huwag hushagahan ang aklat sa kaniyang pabalat
_____31. Ayon sa saknong 316, sinalakay at nagapi ang Albanya batay sa nakita ni Floranteng ______.
a. espadang medialuna c. banderang medialuna
b. trumpetang medialuna d. kabayong medialuna
_____32.. Sa saknong 317, dinala ni Florante sa paanan ng bundok ang hukbo niya bilang _________.
a. paghahanda b. pagmamanman c. pag-iwas d. pagsalakay
A18 – Ang Bayaning Iniibig
_____33. Sa saknong 318 at 319, nilusob ni Florante ang mga Moro nang matanaw niyang isang babae ang isinasama nila
upang ___.
a. ikulong b. lunurin c. pugutan d. ipatapon
_____34. Sa saknong 321, ang masakit na parusa ay ibibigay sana kay Laura mattapos ayawan ang pag-ibig ng isang ___.
a. Emir b. Konde c. Hari d. Duke
_____35. Sa saknong 323, matapos makalag ni Florante ang lubid na nakatali kay Laura, nadama niya ang ligaya nang
marinig mula sa dalaga ang mga katagang ______.
a. giliw ko b. sintang Florante c. ikaw na pag-asa d. prinsipeng hirang
_____36. Sa saknong 324 at 325, sinasabing muling nabawi ni Florante ang Albanya at napakawalan ang mga bilanggo
kasama sina Adolfo, Duke Briseo at ____.
a. Konde Sileno b. Haring Linceo c. Haring Edipo d. Heneral Osmalik
_____37. Sa saknong 327, nagselos si Adolfo nang tawagin ng Hari ng Albanya si Florante bilang ________.
a. Sundalo ng Masa b. Tanggulan ng Syudad c. Patnubay ni Adolfo d. Gabay ni Laura
_____38. Sa saknong 328, nadarama ni Florante na gusto ni Adolfong magtagumapay sa ________.
a. kayamanan at pag-ibig c. pag-ibig at kapayapaan
b. kapangyarihan at pag-ibig d. katahimikan at kapayapaan
_____39. Sa pagsasabi ni Floranteng, “Aking dali-daling kinalag sa kamay, ang lubid na walang awa at pitagan”, ang
makata ay gumamit ng tayutay na _______.
a. simile b. metapora c. personipikasyon d. pagmamalabis
A20 Ang Pananalakay ng mga Moro
_____40.Sa saknong 333, ipinagtanggol at naipanalo ni Florante ang Albanya laban sa ______.
a. China b. Korea c. Turkiya d. Romanya

Panuto: Piliin ang letra ng salitang hindi kasingkahulugan.


_____41. a. linamnam b. maasim c.malasa d. masarap
_____42. a. tarok b. batid c. alam d. maliban
_____43. a. tumulo b. lumuha c. bumalisbis d. umagos
_____44. a. kataksilan b. kaliluhan c. kasuwapangan d. katampalasan
_____45. a. himutok b. pighati c. dusa d. sigla
_____46. a. pagdaralita b. pagsasalat c. paghihikahos d. pag-andukha
Panuto: Punan ng nawawalang letra ang patlang upang mabuo ang kahulugan ng mga salita.

47. banayad - M __ H __ N A __ __N


48. bumugso - D __ M __ T __ N G
49. bangis - __ __ P __ N G
50. pangingilagan - __ I W __ S __ N

You might also like