You are on page 1of 3

ASSIGNMENT

IN
FILIPINO

RHIAN YSABELLE B. ARAO


PAGBIBIGAY DEPINISYON

Ang katagang “Eid” ay nangangahulugan ng pagdiriwang o


piging. Ito ay literal na inilalarawan ang kaganapan ng
pagdiriwang.

“Eid ul Fitr” na nangangahulugan ng “Pagdiriwang ng


Pagtatapos ng Pag-aayuno” na ipinagdiriwang matapos ang
pag-aayuno sa buong buwan ng Ramadan.

“Eid-ul-Adha”, nangangahulugang “Pagdiriwang ng Pag-


aalay” at ipinagdiriwang kaagad matapos maisagawa ang
Hajj, ang taunang pagdalaw sa Makkah.

WASTONG PAGKAKASUNOD NG MGA PANGYAYARI

Ang una ay tinatawag na “Eid ul Fitr” na nangangahulugan ng


“Pagdiriwang ng Pagtatapos ng Pag-aayuno” na
ipinagdiriwang matapos ang pag-aayuno sa buong buwan ng
Ramadan. Sa panahon ng Ramadan, ang mga Muslim ay nag-
aayuno para dalisayin ang kanilang mga sarili at para
mapalapit sa Diyos. Ang Ramadan ay parang isang bakasyon;
isang panahon para iwanan ang lahat ng ating mga
makamundong alalahanin at pagtuunan ang espiritwal at
pagyabongin ang ating ugnayan sa Kanya na nagbigay ng
buhay sa atin at sa lahat ng mga biyaya na mayroon tayo.
Pagkatapos sumailalim sa isang mahabang bakasyong
espiritwal na pinakamahaba na ay 30 araw, makatuwiran
lang na isang piging ang isagawa bilang tanda ng pagtatapos
ng buwan

 Ang pangalawa, kilala bilang “Eid-ul-Adha”,


nangangahulugang “Pagdiriwang ng Pag-aalay” at
ipinagdiriwang kaagad matapos maisagawa ang Hajj, ang
taunang pagdalaw sa Makkah. Ang Hajj ay isang pagdalaw sa

1
Makkah na isinasagawa ng milyon-milyong Muslim ng
magkakasabay nang isang beses kada taon. Sa pamamagitan
ng Eid Ul Adha, ang pag-aalay ni Abraham na handang gawin
para sa Diyos at ang awa ng Diyos ay sumakanya na
ipinagdiwang at naihayag. Ipinadiriwang ng mga Muslim ang
araw sa pag-aalay ng isang tupa at pamamahagi nito hindi
lamang sa mga kapamilya at kaibigan, bagkus ganundin sa
mga kapus-palad.

You might also like