You are on page 1of 4

Region VIII (Eastern Visayas)

Schools Division of Leyte


Babatngon I District
BABATNGON CENTRAL SCHOOL
SCHOOL ID: 121005
-oOo-

PERIODICAL TEST
EPP ICT 5
TALAAN NG ISPESIPIKASYON

Mga Layunin CODE Bahagdan Bilang ng Kinalalagyan ng


Aytem Bilang
naipaliliwanag ang kahulugan at EPP5IE- 0a-2 10% 5 6-10
pagkakaiba ng produkto at serbisyo

natutukoy ang mga taong EPP5IE - 0a-3 10% 5 11-15


nangangailangan ng angkop na produkto
at serbisyo

nakapagbebenta ng 20% 10 16-25


natatanging paninda
EPP5IE- 0b-5

naipaliliwanag ang mga panuntunan sa EPP5IE- 0c-8 20% 10 1-5, 26-30


pagsali sa discussion forum at chat

nakasasali sa discussion forum at chat sa EPP5IE- 0c-9 10% 5 31-35


ligtas at responsableng pamamaraan

natutukoy ang angkop na search EPP5IE- 0d- 10% 5 35-40


engine sa pangangalap ng 11
impormasyon

nakagagamit ng mga basic function at EPP5IE- 0f-16 10% 5 41-45


formula sa electronic spreadsheet upang
malagom ang datos
nagagamit ang word processing tool EPP5IE- 0j-21 10% 5 46-50
Kabuuan 100 50 1 – 50
Prepared by:

HAYDELYN C. DEL VALLE


EPP-ICT and Entrepreneurship
Noted by:

ROSEMARIE S. BOBARES
School Head/Principal III
Region VIII (Eastern Visayas)
Schools Division of Leyte
Babatngon I District
BABATNGON CENTRAL SCHOOL
SCHOOL ID: 121005
-oOo-

PERIODICAL TEST
EPP-ICT 5
Name:___________________________________________________________Score:______________________
Basahin ang bawat aytem. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang netiquette ay makatutulong sa iyo upang __________________.
a. maiwasan ang mga hindi kanais-nais na pag-uugali (online)
b. maging mahusay sa iyong mga kaibigan
c. maging mapanuri
d. gumaling sa paggamit ng internet.
2. Dapat sumagot sa lahat ng email ____________.
a. nang mabilis hangga’t maaari c. pagkatapos ng tamang agwat
b. kapag may nakuhang pagkakataon d. pagkatapos maghintay ng pitong araw
3. Ang pag-type ng isang mensaheng email sa lahat ng nasa malaking titik ay nangangahulugang
________________.
a. wala c. ikaw ay naninigaw
b. ang mensaheng ito ay nakapahalaga d. Okay na ipasa ang mensaheng ito sa iba
4. Ang paggamit ng smiley-faces sa isang mensahe ay ______________.
a. ganap na katanggap-tanggap
b. pampalibang sa makatatanggap ng email
c. parang bata at hindi kailanman dapat gawin
d. gumamit lang nito kung kailangan o angkop sa pinag-usapan
5. Sa kasalukuyan, maaari ka lang magpadala ng file na hanggang ___________MB ang laki gamit ang email.
a. 40 c. 25 b. 30 d. 50
Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita o grupo ng mga salitang may salungguhit ay produkto o serbisyo. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.
______________6. Si Maria ay pumunta sa Puerto upang mamasyal sa loob ng isang araw. Sa huling araw ng
kanyang pananatili, pumunta siya sa pamilihan at bumili ng peanut butter, mansanas at banana chips.
______________7. Nasira ang kable ng kuryente sa bahay nila Boyong, tumawag ang kanyang ina ng electrician
upang palitan at ayusin ang sira nito.
______________8. Nagkaroon ng isang sunog sa malaking bahagi ng pamilihang bayan, tumawag si Dan ng
bumbero upang patayin ang apoy na likha ng pagsabog ng tangke ng gasul.
______________9. Malapit na ang kaarawan ng kapatid ni Lolo kaya minabuti niya na bumili ng isang bag na mataas
ang kalidad bilang regalo.
______________10. Bilang isang propesyonal, pagtuturo sa mga mag-aaral ang palaging iniisip ni G. Mante tuwing
siya ay papasok sa paaralan.
Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng bawat pangungusap at Mali kung ito ay hindi wasto.
______ 11. Lahat ng tao ay maaring maging entrepreneur.
______ 12. Maka-Diyos, makatao, at makakalikasan ang mga katangiang dapat taglayin ng isang entrepreneur.
______ 13. Anumang negosyo ang maisipang simulan dapat ito ay rehistrado sa Department of Trade and Industry o
DTI.
______ 14. Gumawa ng protoype o halimbawa ng naiisip mong produkto at subuking gamitin nang malaman kung
gumagana ito.
______ 15. Kapag may naiisip kang produkto, tiyak na maibebenta ito.
______ 16. Ugaliin ang mabilis na pagsagot sa chat.
______ 17. Maging malinaw sa pagpapahayag upang maunawaan nang lubos ng kausap.
______ 18. Magpaliguy-ligoy sa pagsagot sa chat o forum.
______ 19. Hindi na kailangang magpaalam sa kausap bago magoffline.
______ 20. Ang chat ay isang pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao gamit ang computer at konektado
sa internet.
______ 21. Gumawa si Luisa ng isang mensahe na ibig nya ipost sa instagram tungkol sa kayang kamag-aral dahil sa
kanyang pagkainis at sobrang galit.
______ 22. Nagkaroon ang grupo ng mag-aaral ng isang discussion forum. Isa sa mga ito ang nagtanong na malayo sa
pinag-uusapan.
______ 23. Tiningnan muna ni Alberto ang thread ng usapan bago sya muli magpost upang maiwasan ang pagkadoble
nito.
______ 24. Nagpost ng isang advertisement si Jenny sa isang chat na sinalihan nya.
______ 25. Sa halos isang buwang pagsali ni Carlo sa isang discussion forum, kailanman hindi nya ginawang magpost
ng mga sensitibong mensahe.
______ 26. Ang No Flaming ay isang mahigpit na panuntunan sa paggamit ng chat o discussion forum upang
maiwasan ang negatibong emosyon na nakadirekta sa sinuman at iba pang mga taga-ambag.
______ 27. Iwasan ang pakikilahok sa chat dahil sapat na ang mag-login at basahin lamang ang mga discussion
thread ng iba.
______ 28. Basahin muna ang lahat ng mga bagay sa discussion thread bago tumugon dahil ito ay makakatulong sa
iyo na maiwasan ang pag-uulit ng isang bagay sa ibang tao at mahalagang kilalanin ang mga puntos na ginawa na
kung saan sumasang-ayon ka at magmungkahi ng alternatibo para sa mga hindi mo gusto.
______ 29. Ang social networking at text messaging ay may nailalarawan na malawakang linguistic shortcut na hindi
bahagi ng akademikong dialogue.
______ 30. Ang paggamit ng naka-bold letter upper-case ay magandang porma at ito ay nagpapahayag ng pagsang-
ayon sa lahat ng mga bagay.
______ 31. Maging mahinahon sa pakikipag-usap sa chat at iwasang gumamit ng mga masasamang salit.
______ 32. Gamitin ang tunay na pangalan sa discussion forum o chat.
______ 33. Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng diskriminasyon, pang-aabuso at bastos.
______ 34. Ingatan ang mga personal na impormasyon.
______ 35. Iwasan ang paggamit ng “caps lock” o malalaking titik sa pakikipag-chat.
______ 36. Mag-offline kaagad kung may mahalagang gagawin.
______ 37. Sumagot kaagad dahil tiyak na naghihintay ng mabilis na sagot ang kausap.
______ 38. Ugaliin ang pagbabahagi ng mga personal na impormasyon sa kausap.
______ 39. Palagiang isa-isip at isagawa ang mga panuntunan sa kagandahangasal sa paggamit ng internet.
______ 40. Iwasan ang paggamit ng ALL CAPS upang hindi mapagkamalang naninigaw sa kausap.
______ 41. Formatting Toolbar ang tawag sa isang tila maliit na bintana sa bandang kanan ng Excel; ang mga
nakadisplay ay napapaliit depende sa ginagawang dokumento.
______ 42. Menu Bar ang tawag sa titik at numero na nagbibigay ng eksaktong lokasyon ng hilera at hanay ng cell sa
isang spreadsheet.
______ 43. Ang Formula ay nagpapakita ng relasyon ng iba’t ibang variable sa isang mathematical equation.
______ 44. Ang Column ay hanay ng mga cells sa worksheet ng spreadsheet na nakahilira ng pababa. Ito ay may titik
sa itaas.
______ 45. Dito sa Table inilalagay ang mga impormasyong tekstuwal o numero.
______ 46. Ang paggamit ng iba’t-ibang disenyo sa paggawa ng dokumento ay hindi pinapayagan sa Microsoft
Office.
______ 47. Sa pamamgitan ng Diagram nasisira ang plano o balangkas ng isang dokumento.
______ 48. Ang paggamit ng Microsoft Word ay nakatutulong para mapadali ang paggawa ng isang dokumento.
______ 49. Ang Fishbone Diagram ay nagpapakita ng sanhi at epekto ng mga pangyayari.
______ 50. Gumamit ng Word Processing Tools para makalikha ng isang makahulugan at maliwanag na mga datos sa
isang dokumento.

You might also like