You are on page 1of 43

1|Page

The transferability of the truth applies only within the context of teaching
processes and not by illegal reproduction and distribution of this E-Book.
Therefore, I subscribe to the written policy of Emmanuel Ministry Institute
that I will not allow my personal copy to be illegally copied, reproduced
and/or shared in any form – SIGNED.

2|Page
SOLA FIDE
THE GIFT OF FAITH
By Bishop Emi Domingo

3|Page
FAITH PLUS NOTHING

ANO ang ibig sabihin ng “Sola Fide”? Literally,


it means FAITH ALONE. Sa mabilis na kaisipan,
pananampalataya lang at walang kasama, faith
alone. Hindi “faith + something” kundi, “faith +
nothing.”

Ang kampanyang ito ay bahagi sa limang sigaw


ng Reformation na nagsimulang umugong noong
ika-15 siglo, limang daang taon na ang
nakakalipas. Ang mga sigaw na ito ay higit na
kilala sa pahina ng kasaysayan as the five Solas:

1. Sola Scriptura (Scripture alone)


2. Sola Fide (Faith alone)
3. Sola Gratia (Grace alone)
4. Solus Christus (Christ alone)
5. Soli Deo Gloria (Glory to God alone)

Ang diin ng Sola Fide ay nasa kaisipan na ang


pananampalataya ay kaloob – faith is a gift.
Maging noong unang panahon hanggang ngayon
ay mayroong naniniwala na ang pananampalataya
ay gawa ng tao at bahagi niya ito sa equation ng
kaniyang salvation.
4|Page
“GRACE” PLUS “FAITH”

Mayroong mga pastor at simbahan na nagtuturo


na ang “grace” ay hiwalay sa “faith” — ang
“grace” ay God’s part, at ang “faith” naman ay
man’s part. Ganito ang kanilang equation:

GRACE + FAITH = SALVATION


(GOD’S PART) + (MAN’S PART) = PARTNERSHIP
50% + 50% = 100%
HALF GRACE

Sa equation na ito ang parte ng Diyos ay kalahati


lang, at ang kalahati naman ay parte ng tao. Sa
ganitong turo, ang kaligtasan ay partnership ng
Diyos at ng tao. Pansinin mong maigi, ang biyaya
o grace ay kalahati lang — half grace. At isa pa,
kapansin-pansin na ang “faith” ay considered
man’s part. Sa ganitong turo, ang Diyos ay nasa
awa ng kakayahan ng taong manampalataya, at
ang tao naman ay nasa awa ng kaunting biyaya
para maligtas.

Kung ang “faith” ay considered as man’s part,


then it becomes man’s work. Anumang bagay na
lehitimong galing sa tao ay itinuturing na gawa
5|Page
ng tao o man’s work. Anumang hindi sa iyo at
natanggap mo, ito’y biyaya. Anumang sa iyo na
hindi galing sa iba ay premyo ng iyong gawa.

Alam mo bang hindi mo maaaring regaluhan ang


iyong sarili? Maaari mong premyuhan ang iyong
sarili pero hindi mo maaaring regaluhan. Ang
regalo sa kaniyang dalisay na kahulugan ay dapat
galing sa iba, at wala kang anumang bahagi dito.
Madalas, sinasabi ng iba, “Reregaluhan ko nga
ang aking sarili ng bago at mamahaling relos
kapag natanggap ko na ang aking suweldo.” Ang
bago at mamahaling relos ay hindi regalo, kundi
premyo mo sa iyong sarili matapos kang
magtrabaho.

Isinulat ni Apostol Pablo, “Now when a man


works, his wages are not credited to him as a gift,
but as an obligation”(Romans 4:4, NIV).

Ang regalo ay natatanggap nang hindi


pinagtatrabahuhan o pinaghihirapan. Ang regalo
ay walang bayad. Ang regalo ay walang kapalit.
Ang regalo ay hindi pinaghihirapan. Ang regalo
ay tinatanggap lang nang may pasasalamat, at
walang hinihintay na kapalit. Ang response sa
regalo ay kusang loob at hindi sapilitan.
6|Page
Ang kaligtasan ba ay regalo o premyo? O kaya’y
pinagsamang regalo at premyo?

Sa katuruan ng “HALF GRACE” or by grace


plus works, ang kaligtasan ay magkahalong
regalo at premyo. Ang sentro at diin ng katuruang
ito ay nasa kaunting biyaya ng Diyos at dagdag
na gawa ng tao. Ipinahihiwatig ng katuruang ito
na hindi sapat ang biyaya lang, dapat may
kasamang gawa. Madalas sinasabi nila, “Nasa
Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Sa Ingles,
“God helps those who help themselves”
Nothing could be further from the truth. This is
absolutely wrong. Minahal tayo ng Diyos mula
sa bagsak nating kalagayan na hindi natin
matulungan ang ating sarili bilang makasalanan.

Isinulat ni Apostol Pablo, “But God demonstrates


his own love for us in this: While we were still
sinners, Christ died for us” (Romans 5:8, NIV).

Ang equation na ito ay mali:

GRACE + FAITH = SALVATION


(GOD’S PART) + (MAN’S PART) = PARTNERSHIP
50% + 50% = 100%
HALF GRACE
7|Page
THE DOCTRINE OF
THE POISONED TREE

The doctrine of the poisoned tree will help us see


the error of the “Half Grace” teaching. The basic
notion of this doctrine is, if the tree is poisoned,
so is the fruit. Kapag ang puno ay may lason, ang
bunga ay may lason. Ang kaisipan na ito ay
sinusugan mismo ng Panginoong Jesus, ang sabi
Niya:

Likewise every good tree bears good fruit, but a


bad tree bears bad fruit. A good tree cannot bear
bad fruit, and a bad tree cannot bear good fruit
(Matthew 7:17-18, NIV).

Ang kaisipang ito ay nasa hibla ng kasabihan ng


mga matatanda, ang sabi nila, “Kung ano ang
puno, siyang bunga.” Samakatuwid, kung ang
puno ay masama, masama rin ang bunga. Ang
puno ay ang tao, ang bunga ay ang kaniyang mga
gawa. Kung ang pananampalataya ay bungang
galing sa tao, ito’y masama dahil ito’y nanggaling
sa punong masama – gaano man ito kaganda sa
paningin ng tao. Tandaan, a bad tree cannot bear
good fruit.
8|Page
Ang sabi mismo ng Panginoong Diyos sa
pamamagitan ni Propeta Jeremias, “Can the
Ethiopian change his skin or the leopard its
spots? Neither can you do good who are
accustomed to doing evil” (Jeremiah 13:23,
NIV).

What made it worst is that even our righteous


acts are considered dirty rags. Whoah! This is
adding insult to injury, so to speak.

Ganito mismo ang isinulat ni Propeta Isaias, “All


of us have become like one who is unclean, and
all our righteous acts are like filthy rags;” (Isaiah
64:6, NIV).

Again, if the tree is poisoned, so is the fruit. Ang


lason ay kumapit sa puno ng ating pagkatao nang
magkasala si Adan. Isinulat ni Apostol Pablo,
“Therefore, just as sin entered the world
through one man, and death through sin, and in
this way death came to all men, because all
sinned—” (Romans 5:12, NIV).

Ang tao ay naging makasalanan hindi dahil sa


kaniyang ginawa, kundi dahil sa ginawa ni Adan.
9|Page
Dahil sa ginawa ni Adan, ang tao’y naging
makasalanan, at dahil ang tao’y naging
makasalanan, siya’y nagkakasala. You are
already a sinner long before you ever committed
your first sin. Makasalanan ka na bago mo pa
nagawa ang iyong unang kasalanan. Kumapit sa
hibla ng sangkatauhan ang kamandag ng
kasalanan, kaya ang buong mundo ay naging
alipin ng kasalanan. Nakasulat, “But the
Scripture declares that the whole world is a
prisoner of sin,” (Galatians 3:22a, NIV).

THE SIN NATURE

The problem is not what we do, but what we are.


We do what we do because we are what we are.
Dahil ang tao ay makasalanan kaya siya
nagkakasala. The real problem is not “sin
practice” but rather, “sin nature.” Si Jesus ay
hindi nagkasala dahil wala siyang minanang sin
nature. Ang lumason sa puno ng ating pagkatao
ay ang sin nature, kaya nga anumang bunga na
manggagaling sa punong ito ay may lason. Kaya,
kung ang faith ay galing sa tao, at ang tao ay
poisoned tree, ang faith na galing sa tao ay
poisoned fruit.
10 | P a g e
THE SINFUL MAN

Dahil sa sin nature na minana natin kay Adan,


ang tao’y naging makasalanan o sinful. Naging
natural sa tao ang kasalanan dahil naging bahagi
na ito ng kaniyang naturalesa.

BIBLICAL DESCRIPTIONS OF A SINFUL MAN

SPIRITUALLY DEAD

As for you, you were DEAD in your


transgression and sins, (Ephesians 2:1, NIV).

SPIRITUALLY LOST

For the Son of Man came to seek and to save


what was LOST (Luke 19:10, NIV).

SPIRITUALLY BLIND

The god of this age has BLINDED the minds of


unbelievers, so that they cannot see the light of
the gospel of the glory of Christ, who is the image
of God (2 Corinthians 4:4, NIV).

11 | P a g e
SPIRITUALLY DARKENED AND HARDENED

They are DARKENED in their understanding


and separated from the life of God
because of the ignorance that is in them
due to the HARDENING of their hearts
(Ephesians 4:18, NIV).

SPIRITUALLY ALOOF

He who belongs to God hears what God says. The


reason you DO NOT HEAR is that you do not
belong to God (John 8:47, NIV).

With these Biblical descriptions, it is very clear


that man in his predicament as fallen and sinful is
a POISONED TREE, and there is no way man
can produce a good fruit of FAITH in his own.
Sa bagsak na kalagayan ng tao bilang
makasalanan, siya ay punong may lason at hindi
maaaring magbunga ng mabuting bunga ng
pananampalataya, na maaari niyang i-contribute
sa equation ng kaniyang salvation.

Ang diin ng punto ay ito: Ang faith ay hindi likas


sa tao at hindi galing sa tao. Ngayon, saan ito
nanggaling?
12 | P a g e
FAITH IS A GIFT

Ang pananampalataya ay kaloob ng Diyos, hindi


gawa ng tao. Ang “faith” ay kaloob ng Diyos o
gawa ng tao, pero hindi puwedeng parehas. Kung
kaloob ng Diyos (God’s gift), hindi ito gawa ng
tao (Man’s work) — vice versa.

CONTEXTUAL ANALYSIS

Ephesians 2:8-9 NKJV


8
For by grace you have been saved through
faith, and that not of yourselves; it is the gift of
God, 9 not of works, lest anyone should boast.

Look at the context:

Ephesians 2:1 NKJV


1
And you He made alive, who were dead in
trespasses and sins,

Sa context ng Ephesians 2:8-9, inilarawan muna


ng Apostol ang kondisyon ng tao bilang
espirituwal na patay — dead in trespasses and
sins. Kung ang tao ay espirituwal na patay,
paano siya nagkaroon ng “faith”? Saan siya
13 | P a g e
kumuha ng “faith”? Ang “faith” ay espirituwal at
hindi natural. Ang taong espirituwal na patay ay
walang kakayahang mag-produce ng espirituwal
na bagay. Hindi kaya ng katawan o ng kaluluwa
mag-produce ng “faith” dahil ito’y hindi natural
kundi espirituwal. Ang espirituwal na patay ay
walang “faith” at walang anumang kakayahang
espirituwal.

Isinulat ni Apostol Pablo, “The man without the


Spirit [spiritually dead] does not accept the things
that come from the Spirit of God, for they are
foolishness to him, and he cannot understand
them, because they are spiritually discerned” (1
Corinthians 2:14, NIV).

Ang salitang “dead” ay galing sa orihinal na


salitang Griyego na nekro/$ (nekros), na ang
literal na ibig sabihin ay completely dead. Ang
salitang ito sa Greek grammar ay “no degree” na
ang ibig sabihin ay no in between. This means
that either you are dead or alive, no in between.
If you are dead, you are not alive. If you are
alive, you are not dead. Ang ibig sabihin walang
partially dead, either you are completely dead or
completely alive.

14 | P a g e
THE LAW OF NATURAL ATTRACTION

Kung ang tao ay may natural na “faith” gaya ng


sinasabi nila, bakit hindi ang tao ang humanap sa
Diyos? Sa law of natural attraction, dapat ang
“faith” ay may attraction sa Diyos, katulad ng
metal na may natural attraction sa magnet. Pero,
ang sabi ni Apostol Pablo, “No one seeks God.”

Sa totoo lang, hindi ang tao ang naghanap sa


Diyos, ang Diyos ang naparito upang hanapin ang
tao. Ang sabi mismo ng Panginoong Jesus, “For
the Son of Man came to seek and to save what
was lost” (Luke 19:10, NIV). Sinabi pa Niya,
“You did not choose me, but I chose you and
appointed you to go and bear fruit — fruit that
will last” (John 15:16, NIV). Tandaan, hindi tayo
ang pumili sa Diyos, tayo ang pinili ng Diyos.
Ang tao sa patay na kalagayang espirituwal hindi
makakalapit sa Tagapagligtas, ang Panginoong
Jesu-Cristo, maliban ilapit siya ng Ama. Sinabi
mismo ng Panginoong Jesus, “No one can come
to me unless the Father who sent me draws him,”
(John 6:44a, NIV). Idinagdag pa Niya, “This is
why I told you that no one can come to me unless
the Father has enabled him” (John 6:65, NIV).
15 | P a g e
GRAMMATICAL ANALYSIS

Isa sa mga pangunahing batas ng Hermeneutics


ay nagsasabi: Interpret the text according to its
grammatical structure. Ang analysis na ito ay
mas mainam mula sa orihinal na salitang ginamit,
at hindi sa mga salin o mahinang salin ng Biblia.
Again, let’s look at the text:

Ephesians 2:8-9 NKJV


8
For by grace you have been saved through
faith, and that not of yourselves; it is the gift of
God, 9 not of works, lest anyone should boast.

τῇ γὰρ χάριτί ἐστε σεσῳσμένοι διὰ τῆς πίστεως·


καὶ τοῦτο οὐκ ἐξ ὑμῶν θεοῦ τὸ δῶρον· οὐκ ἐξ
ἔργων ἵνα μή τις καυχήσηται.

Ang Greek text na ito ay hango sa “Textus


Receptus” — kopya noong 1550 na pinagbasihan
ng salin ng King James Version noong 1611.
Mataas ang reputasyon ng KJV dahil sa bansag sa
kanya na “Transliteration” — ang ibig sabihin
ang salin na ginawa ay word for word. Ang
tanging kahinaan lang nito kung mayroon man ay
ang yaman ng salitang Ingles noong panahong

16 | P a g e
ginawa ang pagsalin — availability of English
words. Kaya, ang ginawang salin sa Ingles ay
kung ano lang ang most available English words
noong panahong iyon. Admittedly, mas mayaman
na ang salitang Ingles ngayon kaysa noong 1611.
Nonetheless, we still have the original copy of the
Greek text, “Textus Receptus” — we can always
go back and refer to the original Greek.

GRAMMATICAL OBSERVATIONS

GRACE AND FAITH ARE BOTH NOUNS,


THE SAME “GENDER” AND “NUMBER”

Ang mga salitang xa/ri$ (charis) o “GRACE” at


pi/sti$ (pistis) o “FAITH” ay parehas na “NFS”
— Noun; Feminine; Singular.

Ito’y malakas na patunay na sila’y magkauri. This


is a strong evidence that both have the same
origin — the same “gender” — both feminine;
same class; same entity. Isa lang ang kanilang
pinanggalingan. Ang ang biyaya (grace) ay galing
sa Diyos, gayundin ang pananampalataya (faith).

17 | P a g e
GRACE AND FAITH ARE DIFFERENT IN “CASE”

Ang mga salitang xa/ri$ (charis) o “GRACE” at


pi/sti$ (pistis) o “FAITH” ay magkaiba ang
“CASE” — ang “CASE” ng xa/ri$ (charis) ay
“Dative” at ang “CASE” naman ng pi/sti$
(pistis) ay “Genitive.”

Ano ba ang function ng “CASE”? Bukod sa iba


pang gawain nito ang pangunahin ay malaman
kung ano at sino ang tinutukoy ng salita sa
nasabing bersikulo. Dahil sa general rule ng
Greek grammar, words must agree grammatically
in case. Ang “CASE” ay parang road map na
gagabay sa nag-aaral upang matuntun niya kung
saan patungo ang talata ng Kasulatan.

At dahil ang xa/ri$ (charis) ay “Dative,” ang


lahat ng “Dative” sa verse ay tumutukoy sa
grace. At dahil ang pi/sti$ (pistis) ay “Genitive,”
ang lahat naman ng “Genitive” sa verse ay
tumutukoy sa faith.

Napakasimple di ba? Hindi mo kinakailangang


manghula kung ano at sino ang tinutukoy ng
verse — all you have to do is an honest textual
analysis. Remember, words must agree in case.
18 | P a g e
“THAT” IS A DEMONSTRATIVE PRONOUN

We need to look at the verses again:

Ephesians 2:8-9 NKJV


8
For by grace you have been saved through faith,
and that not of yourselves; it is the gift of God,
9
not of works, lest anyone should boast.

Pansinin mong maigi ‘yung salitang “THAT” —


ito ay demonstrative pronoun. As we all know the
basic rule of English 101 — a pronoun is a word
that takes the place of a noun. Here the function
of the “CASE” plays a very important role para
malaman mo kung ano o sino ang tinutukoy ng
“panghalip” o pronoun. Madali mong matutukoy
kung ano at sino ang tinutukoy ng pronoun dahil
kailangan parehas sila ng “CASE.”

Ano ang tinutukoy ng panghalip na pamatlig o


demonstrative pronoun na “THAT”? At dahil ang
pronoun ay pamalit sa noun, kaya ang suspect
natin ay ang dalawang nouns. Ano ang tinutukoy
ng “THAT”? Grace or faith? Hindi puwede na
pareho, dahil singular lang ang pronoun.

19 | P a g e
Ano ang tinutukoy na “THAT NOT OF
YOURSELVES”? Ang mabilis na hinala ng iba
ay “grace” — grace is not of yourselves.

Madali naman natin itong matatanggap dahil


obviously, grace is not of ourselves. For practical
purposes, we just close this case and just accept it
as it is. Tanggapin na lang natin ang itinuturo sa
atin ng pastor na hindi rin naman nagsuri.

Ang problema kapag tinanggap natin na “grace”


ang tinutukoy ng “that not of yourselves” — hindi
tumutugma sa grammar. Remember, Greek words
must agree in case. Ang “CASE” ng xa/ri$
(charis) ay “Dative” — ang “CASE” naman ng
“OF YOURSELVES” e)k u(mw=n ay “Genitive.”

Therefore, the phrase “that not of yourselves”


does not refer to grace, but rather to faith. Ang
pananampalataya o “faith” ay hindi sa atin — faith
is not of yourselves.

Ang kaisipang ito ay umaayon sa context na ang


taong espirituwal na patay ay walang sariling
pananampalataya, ito’y kaloob ng Diyos.

20 | P a g e
IT IS THE GIFT OF GOD, NOT OF WORKS

Ephesians 2:8 NKJV


8
For by grace you have been saved through faith,
and that not of yourselves; it is the gift of God,

You may want to verify this, but you’ll find it to be


accurate. Ang linya na “IT IS” ay wala sa orihinal
na Griyego. Ito ay supplied ng mga translators
para sa madulas na pagbasa o smooth reading. Ito
ay hindi makakaapekto sa kahulugan ng teksto.

At dahil ang salitang dw=ron (doron) o “GIFT” ay


neuter (walang kasarian) at walang sariling
panghalip o pronoun, ito ay kailangan ikapit sa
nag-iisang panghalip na pamatlig o demonstrative
pronoun na “THAT” na ang tinutukoy ay faith.
Samakatuwid, sa dahilan ng grammar, ang
tinutukoy na “GIFT OF GOD” ay ang faith.

Ephesians 2:9 NKJV


9
… not of works, lest anyone should boast.
Kaparehas na tanong, ano ang tinutukoy na “NOT
OF WORKS” Ano ‘yung tinutukoy ng verse na
hindi sa pamamagitan ng mga gawa… not of
works?
21 | P a g e
Again, we need to apply “the same case”
principle. Ang “CASE” ng linyang “OF WORKS”
e)k e&rgon (ek ergon) ay “Genitive” — therefore,
it refers to faith. You don’t have to be a genius to
figure this out. It takes a confused pastor to
confuse us, but it only takes a hungry heart to
know the grace of God.

There are a lot of New Testament verses


contrasting “works” and “faith” — of course,
faith is not works — vice versa — works are not
faith. It is always “faith” or “works” but never
ever faith and works. These two are opposite and
irreconcilable.

LEST ANYONE SHOULD BOAST

Ephesians 2:8-9 NKJV


9
not of works, lest anyone should boast.

For all practical purposes if faith is man’s part


then, we have something to boast about. Sinadya
ng Diyos na ang kaligtasan ay purong biyaya o
pure grace upang walang sinumang magyabang.
Likas sa bagsak na kalagayan ng tao ang maging
mayabang. Madalas nga, kahit hindi naman niya
22 | P a g e
gawa, inaagaw at ipinagyayabang na parang siya
ang may gawa, lalo pa kaya kung siya ang may
gawa. Ang kasalanan ay nanggaling sa pinaka-
prinsipe ng kayabangan, si Lucifer (Isaiah 14:12-
14).

For by grace you have been saved through


faith, and
▪ that not of yourselves;
▪ it is the gift of God,
▪ not of works,
lest anyone should boast (Ephesians 2:8-9).

WHERE DOES FAITH COME FROM?

Faith come from hearing the word of Christ


(Romans 10:17). Christ is the grace of God (John
1:14, 17). The word of Christ can also be
identified as the word of grace. The Apostle Paul
calls it “the gospel of grace” (Acts 20:24).
Minsan tinawag niya itong “the gospel of Christ”
(Romans 1:16) may pagkakataon namang
tinawag niya itong “the message of the cross” (1
Corinthians 1:18). This is the only legitimate
source of faith – wala nang iba pa.

23 | P a g e
The Apostle Paul writes,

13 for, “Everyone who calls on the name of the


Lord will be saved.”
14 How, then, can they call on the one they have
not believed in? And how can they believe in the
one of whom they have not heard? And how can
they hear without someone preaching to them?
15 And how can they preach unless they are sent?
As it is written, “How beautiful are the feet of
those who bring good news!”
16 But not all the Israelites accepted the good
news. For Isaiah says, “Lord, who has believed
our message?”
17 Consequently, faith comes from hearing the
message, and the message is heard through the
word of Christ (Romans 10:13-17, NIV)

LOOK AT THE PATTERN

▪ GOD SENDS A PREACHER


▪ PREACHER PREACHES THE W ORD OF G RACE
▪ YOU HEAR THE THE W ORD OF G RACE
▪ YOU RECEIVE FAITH FROM THE W ORD OF G RACE
▪ YOU CALL ON THE LORD
▪ YOU ARE SAVED
24 | P a g e
Kailan ka naligtas?
Nang ikaw ay tumawag.

Kailan ka tumawag?
Nang ikaw ay sumampalataya.

Kailan ka sumampalataya?
Nang marinig mo ang Salita ng Biyaya.

Kailan mo narinig ang Salita ng Biyaya?


Nang mangaral ang mangangaral.

Kailan nangaral ang mangangaral?


Nang isugo siya ng Diyos.

Samakatuwid:

Kung walang isinugo ang Diyos, walang


mangangaral.

Kung walang mangangaral, hindi mo maririnig


ang Salita ng Biyaya.

Kung hindi mo narinig ang Salita ng Diyos, hindi


ka magkakaroon ng pananampalataya.

Kung wala kang pananampalataya, hindi ka


tatawag.
25 | P a g e
At kung hindi ka tatawag ng may
pananampalataya sa pangalan ng Panginoon hindi
ka maliligtas – for “whoever calls on the name
of the Lord shall be saved.”

Ultimately, salvation from start to finish is a sole


act of God – we are just recipient of God’s saving
grace.

YOU HAVE THE FAITH OF GOD

Naroon sa loob ng iyong born again spirit ang


pananampalataya ng Diyos o the faith of God.
Ito’y hindi ayon sa pakiramdam kundi ayon sa
pananampalataya sa katapatan ng Salita ng Diyos.
Whether you feel this or not – it doesn’t matter. It
is not a matter of feeling but a matter of biblical
fact – YOU HAVE THE FAITH OF GOD
INSIDE YOUR BORN AGAIN SPIRIT.

WHAT IS THE FAITH OF GOD?

Kadalasan ang maling paliwanag hinggil sa


pananampalataya ay nagdudulot ng kalituhan o
maling pagka-unawa sa tunay na kahulugan nito.
26 | P a g e
Minsan, ipinapaliwanag ito ng mga pastor ng
ganito: Ang pananampalataya di-umano ay
katulad ng pag-upo sa ibabaw ng upuan. Kapag
naniniwala ka eka na kaya kang saluhin ng upuan
– uupo ka at ibibigay mo sa upuan ang buo mong
bigat.

Ang problema sa ganitong pilay na paliwanag ay


lumalabas na ang pananampalataya ay nagiging
pangkaraniwan lang – kasi, ang basihan ng iyong
pag-upo sa upuan ay nakikita mo na mayroong
apat na paa at kalkulado mo ang posibleng
mangyari.

HINDI GANITO ANG PANANAMPALATAYA


ng Biblia – ang pananampalataya ay hindi ayon
sa nakikita ng mata. Ang sabi ni Apostol Pablo,
we walk by faith and not by sight (2 Corinthians
5:7).

KUNG GAGAMITIN RIN LANG ANG PAG-


UPO BILANG HALIMBAWA – DAPAT
GANITO:

Ang pananampalataya ay kakayahang maka-upo


kahit walang upuan. Sobrang lakas ng reaksyon
27 | P a g e
mo, – dinig-na-dinig ko dito, ANG SABI MO,
IMPOSIBLE YAN! Paano ka makaka-upo kung
walang upuan? That is exactly what I’m saying
about faith – it is extraordinary. It’s
impossible! It’s incredible! Yeah! The faith of
God is miraculous! Ito ay lagpas sa saklaw na
batas ng natural na pandama o natural senses.

Tandaan, nasa loob ng iyong born again spirit


ang faith of God. Kailangan mabago ang iyong
kaisipan (ANAKAINOO – Renewing of the Mind)
upang ang kapangyarihan ng pananampalatayang
ito ay mahayag sa pisikal na katawan at natural
na buhay.

Isa sa dapat mabago sa iyong kaisipan ay ang


wastong kaunawaan na mayroon tinatawag sa
Biblia na THE FAITH OF GOD.

Isinulat ni Apostol Pablo,

For what if some did not believe? shall their


unbelief make the faith of God without
effect? (Romans 3:3, KJV).

28 | P a g e
Maging mapanuri sa pagkakasulat, hindi faith in
God kundi faith of God. Magkaiba ang dalawang
ito – sa wikang Pilipino, hindi pananampalataya
sa Diyos kundi pananampalataya ng Diyos.

Sa orihinal na Griyego, ang literal na nakasulat ay


teen pistin tou Theou – the faith of God - not
faith in God or faithfulness of God but the faith
of God.
Bagama’t aminado ako na ang kapitulo tres ng
Roma ay hindi buong diskusyon tungkol sa faith
of God, pero hayagang nabanggit ang ideya ng
faith of God hindi lang sa transliteration ng King
James Version [KJV] kundi mismo sa orihinal na
teksto ng Griyego.

Ang ideya ng the faith of God ay mahalaga


sapagkat sa ibang sulat ni Apostol Pablo kanya
namang tinawag itong the faith of Jesus Christ.

Knowing that a man is not justified by the


works of the law, but by the faith of Jesus
Christ, even we have believed in Jesus
Christ, that we might be justified by the faith
of Christ, and not by the works of the law:

29 | P a g e
for by the works of the law shall no flesh be
justified (Galatians 2:16, KJV).

Napansin mo ba? The faith of Jesus Christ – not


faith in Jesus Christ – sa wikang Pilipino, ang
pananampalataya ni Jesus-Cristo – at hindi
pananampalataya kay Jesu-Cristo.

Mayroong ibang salin ng Biblia na ang nakasulat


dito ay faith in Jesus Christ … by faith in Christ
(NIV). Ang ganitong salin ay hindi tugma mula
sa orihinal ng Griyego at sa salin ng Greek
Interlinear. Ang mas tugmang salin ay the faith
of Jesus Christ … the faith of Christ.

Sa Galatians 2:20, ay nabanggit muli ni Apostol


Pablo ang ideya ng the faith of Jesus Christ – the
faith of the Son of God.

I am crucified with Christ: nevertheless I


live; yet not I, but Christ liveth in me: and
the life which I now live in the flesh I live by
the faith of the Son of God, who loved me,
and gave himself for me (Galatians 2:20,
KJV).

30 | P a g e
Ang mga ito: the faith of Jesus Christ; the faith
of Christ – ay tumutugma sa ideya na nabanggit
sa Romans 3:3 na the faith of God.

Ang ideya na ito ay lubhang mahalaga sapagkat


ito ay nagpapatingkad ng katotohanan na ang
faith na nasa atin ay hindi natin sariling
pananampalataya kundi ito’y pananampalataya ng
Diyos na nasa atin. Ito ay kaloob sa atin ng Diyos
– faith is a gift.

Ang faith ay dumating sa atin kasabay ng word of


grace (Romans 10:17). Ang pananampalatayang
ito ay hindi likas sa atin – ito’y galing sa Salita ni
Cristo, ang Salita ng Biyaya o Word of grace –
ito ay galing mismo sa Diyos. Ang tawag dito ni
Apostol Pablo ay the faith of God (Romans 3:3);
tinawag din niyang the faith of Christ (Galatians
2:16).

THE PROBLEM OF UNBELIEF

Ang tunay na problema ay hindi kawalan ng


faith. Dahil kapag ikaw ay born again na, you
have the faith of God inside your born again
spirit. Ang problema ay hindi rin kahinaan o
31 | P a g e
kakulangan ng faith. Madalas, ang kawalan ng
sapat na kaalaman ay humahantong sa maling
panalangin. Mayroong mga Christians na ganito
manalangin: “Lord, give me faith…” ang iba
nama’y “Lord, increase my faith…” at meron
naman ganito, “Lord, give more faith…” Ang
mga panalangin na ganito may sound humble and
very spiritual, and yet very wrong.

Pag-isipan mo ito: Why would you ask God to


give you something He already given you. Bakit
mo hihilingin sa Diyos na bigyan ka ng faith,
gayung kung ikaw ay born again meron ka ng
faith. Dahil sa totoo lang, hindi ka puwedeng ma-
born again kung wala kang faith. At ang faith na
ito ay kaloob sa iyo ng Diyos galing sa word of
grace. Ito ay hindi mo faith. Ito ay faith of God.
At dahil ito ay faith of God, hindi ito kulang, at
lalong hindi ito mahina.

Samakatuwid, it is wrong to ask God to give you


faith or give you more faith or increase your
faith. You have faith. You have the faith of God. It
is more than enough. You just need to know how
to unleash your faith that you have inside you.

32 | P a g e
FAITH AND UNBELIEF

Narito ang kalituhan ng iba, madalas sinasabi nila,


kapag may faith, walang unbelief. Ang katuwiran
nila ay ganito: Hindi maaaring magsama ang
liwanag at dilim. Ang faith ay liwanag, at ang
unbelief naman ay dilim – according to them they
cannot co-exist in one room at the same time.

Agree in one room but not in a house. Tama,


hindi maaaring magsabay ang liwanag at dilim sa
isang silid, pero puwede sa isang bahay na may
dalawang silid – sa isang silid may ilaw, sa
kabilang silid naman ay madilim. Ang tao ay
katulad ng isang bahay na mayroong tatlong silid
– the spirit, the soul and the body (1
Thessalonians 5:23). Ang na-born again sa iyo
ay ang iyong spirit (John 3:6).

Your born again spirit:


▪ Is a new creation (2 Corinthians 5:17);
▪ Righteous and perfect like God (Ephesians
4:24);
▪ Does not sin and cannot sin (1 John 3:9);
▪ Is one with Christ (1 Corinthians 6:17);
▪ Is like Christ (1 John 4:17);
▪ Has the mind of Christ (1 Corinthians 2:16).
33 | P a g e
Sa silid ng iyong espiritu ay maliwanag, in this
room you have the faith of God.

Sa kabilang silid, ang iyong kaluluwa (the soul),


this is where you can find the unbelief. Sa silid na
ito medyo madilim. Kailangan siyang liwanagan
ng salita ng Diyos – renewing the mind
(ANAKAINOO).

Ang unbelief ay nasa natural na kaisipan, at ang


faith naman ay nasa kaisipan ng espiritu.
Ang dalawa ay maaaring magsabay sa loob ng
isang bahay. Ganito ang sabi mismo ng
Panginoon Jesus, “I tell you the truth, if you have
faith and do not doubt …” (Matthew 21:21,
NIV).

Think with me, if having faith clearly means not


having doubts, why then Jesus said, ‘and do not
doubt’? Kung ang ibig sabihin ng may faith ay
walang pagdududa – dahil may liwanag, dapat
walang dilim – bakit Niya pa sinabi, “… and do
not doubt.” Ang simpleng paliwanag nito ay you
can have faith in your spirit and doubt in your
mind (soul) at the same time.

34 | P a g e
Ganito naman ipinaliwanag ito ni Santiago,

6 But when he asks, he must believe and not


doubt, because he who doubts is like a wave of
the sea, blown and tossed by the wind.
7 That man [he who doubts] should not think he
will receive anything from the Lord;
8 he [who doubts] is a double-minded man,
unstable in all he does (James 1:6-8, NIV
[Brackets are mine]).

Napansin mo ba, isang tao pero dalawang


kaisipan? A double-minded man. Samakatuwid,
puwedeng magsabay ang faith and unbelief sa
isang bahay na magkahiwalay na silid.

UNBELIEF IS NOT THE ABSENCE OF FAITH,


BUT RATHER, A COUNTERFORCE AGAINST FAITH

Ang unbelief o pagdududa ay hindi kawalan ng


pananampalataya, kundi, isang kalabang-puwersa
ng pananampalataya. Saan nanggagaling ang pag-
aalinlangan?

Ang unbelief ay nanggaling sa mga sumusunod:

35 | P a g e
1. NO KNOWLEDGE

You simply cannot exercise faith beyond your


actual knowledge of the word of God. Ang sabi sa
Biblia, “My people are destroyed for lack of
knowledge” (Hosea 4:6, KJV).

You cannot exercise faith on healing if you do not


know a verse on healing. Do you remember the
woman with an issue of blood in Mark 5? The story
tells us, when she heard about Jesus … she thought
… she acted … she got healed. Nag-start sa narinig
niya ang patungkol kay Jesus. Mayroon siyang
kaalaman patungkol kay Jesus na nagpapagaling.
Nagkaroon siya ng faith, inaktuhan niya ito, siya
ay gumaling. Ang wika ni Jesus, “Daughter, your
faith has healed you…” (Mark 5:34).

2. WRONG KNOWLEDGE

Ang maling kaalaman ay nagdudulot din ng pag-


aalinlangan. Paano ka mag-exercise ng faith para
sa iyong healing kung ang turo na iyong
natanggap ay galing sa Diyos ang sakit at ito ang
kalooban Niya sa iyo? Paano ka mag-exercise ng
faith para sa iyong pag-unlad at pagginhawa sa

36 | P a g e
buhay kung ang turo sa inyong simbahan ay
kalooban ng Diyos na ikaw ay maghirap.

I need to say this, and I believe God wants me to


say this: If you are in a local church that does not
teach the full benefits of the finished work of
Christ, GET OUT! Get out as fast as you can.

Hindi ka lalago sa pananampalataya at sa biyaya


ng Diyos. Humanap ka ng local church na
nagtuturo ng full grace – buong biyaya ng Diyos
sa pamamagitan ng tinapos na gawa ni Cristo sa
krus. Kasama sa binayaran ni Cristo sa krus ang
iyong kagalingan (1 Peter 2:24); pag-unlad at
kaginhawaan (2 Corinthians 8:9); pagpapala at
pabor ng Diyos araw-araw (Ephesians 1:3, 6).

3. NATURAL KNOWLEDGE

Ang natural knowledge ay kaalaman na


sumasaklaw ng iyong limang pandama o five
natural senses. Ang sabi sa Biblia, “Walk by faith
[spiritual sense] ang not by sight [natural sense]
(2 Corinthians 5:7, NKJV).

37 | P a g e
Ang integridad ng Salita ng Diyos ay hindi
pinakikiramdaman, kundi pinaniniwalaan.
Maaaring iba ang sinasabi ng iyong feeling kaysa
sinasabi ng word of God. Make a conscious
choice to believe rather than to feel. Maaaring
hindi mo nararamdaman na ikaw ay magaling na,
pero ang sabi sa Biblia pinagaling ka na (1 Peter
2:24). Piliin mong maniwala. Maaaring hindi mo
nakikita na ikaw ay maunlad at pinayaman na ng
Panginoon, pero ang sabi sa Biblia, si Cristo ay
naghirap upang ako ay yumaman (2 Corinthians
8:9). Piliin mong maniwala. Ang paglakad sa
pananampalataya ay piliing ipikit ang mata at
tanggihan ang pakiramdam at maniwala lang.

Nang dumating si Jesus sa bahay ni Jairus,


naabutan Niya na nagiiyakan ang mga tao dahil
ang bata ay patay na. Inilayo ni Jesus si Jairus sa
mga tao, sa anumang kaniyang makikita o
maririnig (natural senses) at sila’y pumasok sa
loob at sinabi Niya kay Jairus, “Be not afraid,
ONLY BELIEVE” (Mark 5:36). Alam mo kung
ano ang nangyari sa istorya. Ang kaniyang anak
ay nabuhay at gumaling. Miraculous, isn’t it?
Miracles only happen to those who BELIEVE.
Do you believe? (You need to say, “Lord, I
believe).
38 | P a g e
THERE IS ONLY ONE FAITH

Isinulat ni Apostol Pablo, “There is one body


and one Spirit— just as you were called to one
hope when you were called— one Lord, one
faith, one baptism; one God and Father of all,
who is over all and through all and in all”
(Ephesians 4:4-6, NIV).

Ang faith na galing sa message of grace (Romans


10:17) na ginamit para maligtas (Verse 13), ay
parehas na faith na gagamitin mo para sa iyong
healing (1 Peter 2:24); para sa iyong blessing (2
Corinthians 8:9) – parehas naka-ayon sa tinapos
na gawa ni Cristo.

SOLA FIDE IS BASED ON SOLA SCRIPTURA

Ang gamit ng faith ay napapaloob sa parisukat ng


kapamahalaan ng Kasulatan. Ang sabi ni Pablo,
“Do not go beyond what is written” (1
Corinthians 4:6). Remember, the Scripture is the
final authority. Ang gamit ng iyong faith ay
kailangan nakaayon sa Kasulatan. Kapag may
verse maaari mong gamitan ng faith.

39 | P a g e
THE VERSE IS THE VOICE OF GOD

Mayroon bang verse na nagsasabi na kay Cristo


ikaw ay pinagpala na? YES! Ephesians 1:3

Mayroon bang verse na nagsasabi na kay Cristo


ikaw ay blessed and highly favored– CHARITOO?
YES! Ephesians 1:6

Mayroon bang verse na nagsasabi na sa biyaya


ikaw ay ligtas na? YES! Ephesians 2:8

Mayroon bang verse na nagsasabi na kay Cristo


ikaw ay pinagaling na? YES! 1 Peter 2:24

Mayroon bang verse na nagsasabi na kay Cristo


ikaw ay pinayaman na? YES! 2 Corinthians 8:9

Mayroon bang verse nagsasabi na kay Cristo


ikaw ay may buhay na walang hanggan na? YES!
1 John 5:13

Iakap mo ang iyong faith sa mga bersikulo ng


Kasulatan sapagkat ito mismo ang tinig ng Diyos.
Tandaan, sola Fide is based on sola Scriptura.

You can never be wrong if you walk by faith in


the light of God’s word – the Scripture.
40 | P a g e
NAIS MO BANG TANGGAPIN ANG BIYAYA NG DIYOS?
B ASAHIN MO ANG PANALANGIN NA ITO :

Panginoong Jesu-Cristo, ako po ay makasalanan.


Inaamin ko po na hindi ko kayang iligtas ang
aking sarili at ako’y mapapahamak ng hiwalay sa
Inyo. Patawarin Nyo po ako sa lahat ng aking
mga kasalanan. Ako po ay naniniwala na ikaw
ay namatay at muling nabuhay, umakyat sa langit
at muling babalik. Tinatanggap kita sa aking
puso bilang aking Panginoon at sariling
Tagapagligtas. Amen.

Kung tinanggap mo ang Panginoong Jesus sa


iyong puso sa pamamagitan ng E-Book na ito
– kagalakan naming ito’y malaman.
Maaari mong itawag o i-text sa 0922-8620829
o sumulat sa e-Mail bishopemi@yahoo.com

41 | P a g e
E-BOOKS WRITTEN BY BISHOP EMI
B I SHOP EM I HAS WR I TTEN OV ER A HUN DR ED E- B OOK S.

F OR ON L I N E OR DER S PL EASE CON TACT CHAR I TOO SHOP


https://web.facebook.com/charitooshop/

©
THIS BOOKLET IS PROTECTED BY THE COPYRIGHT LAW
OF THE EIGHTH COMMANDMENT.
YOU SHALL NOT STEAL (EXODUS 20:15)

The transferability of the truth applies only within the context of teaching
processes and not by illegal reproduction and distribution of this E-Book.
Therefore, I subscribe to the written policy of Emmanuel Ministry Institute
that I will not allow my personal copy to be illegally copied, reproduced
and/or shared in any form – SIGNED.
42 | P a g e
Bishop Emi Domingo, D.D.

The Senior Pastor of The LORD’s Community (TLC)


with over a thousand members.

The Executive Director of Emmanuel Ministry Institute (EMI)

The Founder of Charitoo Generation (CG)

The Overseer of Full Grace Pastors Fellowship (FGPF)


and Pastors Academy (PA)

A Radio Broadcaster over DWBL 1242 kHz; KCIF 90.3


Hawaii, USA; FB LIVE (RADYO EMI)

Author of more than a hundred booklets

MA in Christian Leadership (ISOT-Asia)

Doctor of Divinity (TECU)


Doctor of Theology (Honoris Causa, TU)

Married to Pastora Jo and they have two lovely daughters,


Jezreelle and Jerahmeel

GROW WITH US every Sunday in one of our 6 services, 6:00am; 8:00am;


10:00am; 3:00pm; 5:00pm & 7:00pm and also every Thursday, 7:00pm at
EMI Center, NLEX Valenzuela Exit, Paso de Blas, Valenzuela City.

LIKE & FOLLOW US on Facebook https://www.facebook.com/EMI.0550/


JOIN GRACE 300 https://www.facebook.com/groups/157439434826367/

43 | P a g e

You might also like