You are on page 1of 1

Pasasalamat sa ating mga bagong bayani ng mga OFW’s

Sa ating mga OFW na isa sa mga kinikilalang bayani,hinahangaan po naming kayong


lahat. Mga bagong bayani,mga pilipinong mas pinili ang makipagsapalaran sa ibang
bansa upang ihango sa kahirapan ang kani-kanilang mga pamilya pati na ang
ekonomiya ng sariling bansa. Kadahilanan sa mga ofw na nilisan ang pilipinas at
nagdesisyon na mangibang bansa ay sa kadahilanang ang desisyong ito ay
kinakailangang gawin, hindi dahil ang desisyong ito ay kagustuhan nilang gawin. Ang
kanilang pagpapagod at pakikipagsapalaran sa ibayong dagat ay hindi lamang
pakinabang sa kanilang mga pamilya kundi maging sa ating bansa. Hindi biro ang
mamuhay na malayo sa pamilya, ang mamuhay nang mag -isa para mabigyan ng
maayos na buhay ang kaniyang naiwang pamilya dito sa pilipinas. Mga hirap na
dinanas nila sa tuwing sila’y nagkakasakit, walang mag-aalga sa kanila at hindi pa sila
pwedeng huminto og magpahinga sa kanilang ginagawa. Ilan taon nilang di alintana
ang pagod at hirap. Pinipilit ngumiti sa gitna ng pagkukunwaring masaya sila.
Haharapin ang lahat maiahon lang ang pamilya sa hirap at magkaroon ng magandang
kalagayan ang kanilang pamilya. Ang ofw ay tunay ngang bayani sapagkat sila ay
sumusulong sa isang labanan na ang sandata ay tanging luha. Ang tanging lakas nila
ay nagmumula sa pamilya. Pahalagahan ang bawat sentimo na pinapadala ng ating
mga ofw. Pahalagahn ang sakripisyo at paghihirap nila para maibigay ang ating
pangangailangan. Dahil ang tanging hangad ng isang ofw na nakikipasapalaran sa
ibang bansa ay ang kaginhawaan ng kanilang pamilya. Sa bawat paglayo ng ofw,
nawa’y hindi ito masayang,upang matupad din ang pangarap ng bawat minamahal nito
sa buhay. Hiling ko para sa ating mga bayaning ofw, sana dumating ang araw na wala
ng dapat mangibang bansa upang wala ng luha na tutulo dahil sa lungkot na dahilang
malayo sa pamilya, wala ng magsasakripisyo na lumayo sa pamilya para mabigyan ng
magandang buhay ang kanilang pamilya. Sana malapit na ang araw na inaasam-asam
ng bawat pilipinong nasa ibang bansa at mga pamilyang naiwan sa pilipinas na takam
SA MULING PAGKIkita NG kanilang pamilyang malayo sa kanila. Saludo ako sa ating
mga kababayan na nasa ibang bansa.

The best ka kabayan!

Ikaw,kayo ang bayani ng ating bansa.

You might also like