You are on page 1of 1

Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli me tangere. Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P.

Rizal ang mga

unang bahagi ng “Noli MeTangere” noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng

medisina. Nangmakatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy

angpagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.Ang pagsusulat ng

“Noli Me Tangere” ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa “UncleTom’s Cabin” ni Harriet Beacher

Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mgaaliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting

Amerikano. Inilarawan ditoang iba’t ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim.

Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Sa simula,

binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na

nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon aypagsasama-samahin niyang upang maging

nobela. Ngunit hindi ito nagkaroonng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya

ang pagsulat nangwalang katulong. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang

kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang “Noli.”

Anglahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.Ang pamagat ng

“Noli Me Tangere” ay salitang Latin na ang ibig sabihin saTagalog ay “Huwag Mo Akong

Salingin” na hango sa Ebanghelyo ni San . Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na

nagpapahirap sa buhayng isang tao.

You might also like