You are on page 1of 3

Noong unang panahon sa bayan ng Masinloc, Isang lalaki.

Siya ay isang
simpleng mangingisda. Si Marco mabait at masipag. Tuwing kabilugan
ng buwan, maagang umuuwi si Marco dahil alam niyang kakaunti lang
ang mahuhuli niyang isda. “Celia? Celia?” patanong na sabi ni Marco.
Nag ikot-ikot si Marco sa kaniyang tahanan nagbabasakaling matagpuan
niya ang kaniyang asawa. Naghintay si Marco , naglinis na rin siya at
nagayos ng bahay habang wala pa si Celia. Isang oras ngunit wala pa rin
si Celia. Pangalawa, pangatlo, at pang apat na oras, wala pa rin si Celia.
Hapon nang lumabas si Marco upang hanapin si Celia. Hanap dito, hanap
doon. Nakarating si Marco sa harap ng Simbahan kaya nagpasyang itong
magdasal para sa kaligtasan ng kaniyang asawa. Sa paglabas ni Marco sa
simbahan natagpuan ni Marco ang kaniyang Lola at tinanong niya ito
kung sakaling Nakita niya si Celia. “Ay naro oo Nakita ko siya kanina.
Nasa tabing dagat siya, bumili pa nga siya ng paninda kong manga”
Nasiyahan si Marco dahil baka makita niya na ang minamahal niyang
asawa. Tumungo si Marco sa tabing dagat at doon naghanap, kahit pagabi
na patuloy na hinanap ni Marco si Celia. Sa paghahanap nakita ni Marco
ang isang puting head band tiyak si Marco na kay Celia ito kaya siya ay
patuloy na naghanap. Maya maya may narinig si Marco ngunit hindi ito
ang kaniya asawa, inembestigahan ni Marco ang tunog at natagpuan niya
isang “Sirena!?” sabi ni Marco. Napansin ng sirena si Marco kaya ito ay
agad agad na umalis. Natagpuan ni Marco si Celia sa wakas, ngunit wala
na ito kundi isang bangkay. Umiyak at nagalit si Marco sa Sirena at
kaniyang sarili, binuhat niya si Celia patungo sa bayan. “Pinatay ng mga
Sirena ang aking asawa” patuloy na paiyak nitong pagsabi. Nandidiring
tumingin ang mga tao kay Marco, “Marco ano ang ginawa mo kay
celia!?” Tanong ng isa “Pinatay ng mga Sirena si Celia!” sabi ni Marco.
Maya maya may dumating na mga pulis at inaresto si Marco at
inembestiga ito, ngunit wala silang makita kaya’t pinalaya nila ito. Nag
lunod si Marco sa alak at sigarilyo at tinawag siyang baliw ng iba dahil
patuloy nitong sinasabi na may mga sirena. Isang taon na ang lumipas
dumating ang mga trop ani Marco upang bisitahin siya. Si Marcelino,
Antoni, Narcisso at Filipe. Ngunit natagpuan nila si Marco sa kaniyang
tahanan, Malamig ang katawan ni Marco kaya agad agad nilang tinakbo si
Marco sa Hospital. Nag “Overdosed sa Alcohol” si Marco at kailangan
niyang manatili sa hospital sabi ng doctor. “Ano na kaya ang nangyari ka
Marco” sabi ni Filipe, “May nakita ako sa kaniyang kwarto mga Artikulo,
Dyaryo, at mga data. Mga data ng kamatayan dito sa Masinloc. At may
mga libro din tungkol sa mga Sirena. At lahat ng kamatayan ay lagging
nasa tabi ng dagat” sabi ni Antonio . “Sanabi rin ni Marco na mga Sirena
ang pumatay kay Celia” dagdag ni Marcelino.
“ Mag imbestiga tayo” sabi ni Narciso. Sumang-ayon ang lahat kaya’t nag
tanong tanong sila sa mga tao. Ang mga tao naman ay bukas-loob na
sumagot sa kanilang tanong “ Mabait si Marco kaya nabigla ako nung
nakita ko si Marco bitbit ang bangkay ni Celia. Alam ko na hindi niya
magagawang patayin si Celia” sabi ng isang manggagawa.

“Sang-ayon ako sa kaniya mabait si Marco at marami ang mga kamatayan


ngayon dito parang nagkakatotoo ang mga sinabi niya.” Sabi rin ng isa.
Nag tanong tanong din sila kung may nakakaalam sa mga sirena, “Meron,
may matanda nagbebenta siya ng mga dyaryo lagi siyang nag-kwekwento
tungkol sa sirena” Hinanap nila itong matanda na sinasabing may alam sa
mga sirena. Naghanap-hanap at nag tanong-tanong din sila kung may
nakakakilala dito “Ay oo si Mang Melchor? Andoon siya yun sa harap ng
simbahan.” At sa nakuhang impormasyon sila ay tumungo sa simbahan at
kanilang natagpuan si Mang Melchor. “Totoo ba ang mga sirena?”
Tanong ni Filipe, “Imposible, kung totoo man sila dapat natagpuan o may
nakita na tayong mga ebidensiya na nagpapatunay na totoo nga sila.” Sabi
ni Antonio. “Wala ka bang imahinasyon? Hindi lahat ng bagay ay
pwedeng mapatunayan” Sabi ni Mang Melchor, “Kung totoo ang mga
Sirena bakit wala itong mga labi o Fossils na dapat ngayon nakita na
natin, at imposimbleng ang anatomiya ng mga sirena kung sinasabi ng iba
na kalahating tao at kalahating isda ang sirena. Ang mga Sirena ay
nanggagaling sa Greek mitolohiya maaring napasa ng mga Greek ang
kwentong ito sa ibang bansa dahil sa kalakalan at napunta saatin. Walang
ebidensiya na nagpapatunay sa mga sirena dahil mitolohiya nga ito.
Walang mga records sa mga alamat, Kwento o anumang pagsusulat dito
sa pilipinas before or after ng mga kolonisasyon ng kastilla, Japanese at
iba pa.” sabi ni Antonio. “Alam ko ngunit may bagay na “Mahika” at
kung aaralin mo ang mga bangkay ng mga nasawi mapapansin mo ang
mga marka ngunit binabalewala lang ito ng mga pulis dahil? Sa mga
taong katulad mo” Sabi ni Mang Melchor, “Pero ito libro, mga data,
documentaryo, at mga biktima na alam ko pinatay ng mga sirena.
Pumunta kayo sa ilog yung tulay ng bani at collat. 3 sa umaga makikita
mo sila.” Dagdag ni Mang Melchor. Bumalik na sila sa Hospital at nakita
na gising na si Marco. Kwinento ni Filipe ang mga bagong kaalaman na
nalaman niya kay Marco. “Aatake kami Mayo 15, 1950, Lokasyon nalang
kailangan ko. Salamat”, “At sinong kayo?” Tanong ni Marcelino. “Hindi
lang ako ang may galit sa mga Sirena” sabi ni Marco. “Sasama ako” sabi
ni Antonio. “Hindi.”, “Sasama kami” sabi ni Antonio “Natandaan mo ba
nung nasa UP ako ikaw nag-ligtas saakin? Isasauli ko lang ang
kagandahang loob”

Tatlong araw na ang nakalipas, Mayo 15,1950

You might also like