You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS

GREEN GLAM GUILD


BARANGAY HALL, 282 ELCANO STREET, PHILIPPINES

KATITIKAN NG PAGPUPULONG NG GREEN GLAM GUILD

Ika-28 ng Nobyembre, 2022


Ika- 10 ng umaga
Sa Room #302, Raja Soliman Science and Technology High — Senior High Building

Mga Dumalo:

Flaviano, Baby Boy Pangulo


Guiama, Raymon Pangalawang Pangulo
Villanueva, John Zechariah Kalihim
Provedincia, Jesica Ingat-yaman
Matibag, Lorea Jane Miyembro
Ganibe, Nenita Miyembro
Calda, Mariel Miyembro
Garcia, Angeline Miyembro
Villanueva, Mailes Miyembro
Perez, John Edward Miyembro
Dayao, Eduardo Miyembro

I. Pagsisimula ng Pulong

Ang pagpupulong ay sinimulan ni G. Raymon Guiama, ang Pangalawang


Pangulo ng Green Glam Guild sa ganap na ika-10:00 ng umaga, at ito ay
pinasimulan sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan naman ni Bb. Lorea
Matibag. Kasunod ay ang pambungad na pananalita ng Pangulo ng Green Glam
Guild na si G. Baby Boy Flaviano.

II. Pagbalik-tanaw sa Nakaraang Pagpupulong

Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni G. Zechariah Villanueva, ang


Kalihim ng Green Glam Guild sa katitikan sa nakalipas na pagpupulong noong
Nobyembre 24, 2022. Iniulat niya ang mga problemang kinakaharap ng ating
kalikasan.

III. Naisip na Solusyon

Ibinahagi ng Pangulo ng Green Glam Guild na si G. Baby Boy Flaviano, ang


naisip niyang solusyon hinggil sa patuloy na lumalalang problema ng ating bansa
sa plastic. Ayon sa kanya, ang Vendo-Plastic Machine ay maaaring maging
solusyon dito.
IV. Mga Layunin

Ibinahagi rin ng Pangulo ng Green Glam Guild ang mga layunin ng proyektong ito.

1. Makatulong sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagbabawas ng plastik.


2. Magbigay ng kamulatan sa mga tao sa pagkakaroon ng kaalaman sa mga
nagbabadyang epekto ng plastic pollution.
3. Makatulong sa mga nangangailangan ng pera kapalit ng mga plastic bottles.

V. Mga Hakbangin

Ibinahagi ni Bb. Ganibe, Bb. Provedincia, Bb. Villanueva, at Bb. Calda ang mga
hakbangin na magiging gabay sa pagtatayo ng proyektong Vendo-Plastic Machine.

1. Maghanap ng tamang lugar kung saan itatayo ang mga Vending machines.
2. Gumawa ng liham na isusumite sa punong baranggay upang ipaalam ang
panukalang proyekto.
3. Tiyaking ligtas at maayos ang mga makina na itatayo sa nasabing lugar.
4. Magbigay ng gabay kung papaano ito gamitin nang sa gayon ay maiwasan ang
pagkasira ng mga ito.

VI. Mga Benepisyo/Kapakinabangan

Huli, ibinahagi nina Bb. Garcia, G. Dayao, G. Perez ang mga benepisyo ng
proyektong ito.

1. Makatutulong ito sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating kapaligiran.


2. Ang mga tao ay magkakaroon ng disiplina sa proper waste segregations at
management.
3. Ito ay ika-liligtas at ika-giginhawa ng ating buhay.

VII. Pagwawakas ng Pagpupulong

Sa pagwawakas ng pagpupulong, ang bawat isa ay tinanong kung sang-ayon ba


sila sa proyektong ito at nang magkasundo na ang lahat ay ganap nang inaprubahan
ang proyekto.

You might also like