You are on page 1of 6

BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN?

TAGAPAGSALAYSAY: Sisimulan natin ang ating storya sa bayan ng Sta. Rosa kung saan nakatira ang mag-asawang
nagngangalang Hugo at Imelda. Lagi na lang sa tuwing sila ay kakain, pinag-aawayan nila ang paghuhugas ng pinggan. Kung
tatanggi si Hugo ay papagalitan naman siya ni Imelda. Kung anu-anong pangalan ang tinatawag niya kay Hugo at kung
sasagot, tutugisin ni Imelda si Hugo ng walis tambo. Nakasanayan ng tawagin ng kanilang mga kapitbahay ang bugnuting si
Imelda na “Ka Maldang” at si Hugo na “Ka Ugong”.

Isang araw, nang malapit na silang matapos kumain. Biglang dinabog ni Ka Ugong ang lamesa sabay sinabing:

KA UGONG: Ayoko na maghugas ng mga pinggan!

KA MALDANG: At sino?!

KA UGONG: Ako, aba. Buong araw na nga akong nagtatrabaho, ayoko na maghugas ng mga pinggan.

TAGAPAGSALAYSAY: Dahil sa sinabi ni Ka Ugong, tumayo si Ka Maldang. Namaywang at hinarap si Ka Ugong, gamit ang
kanyang malaking boses tinanong niya ang kanyang asawa.

KA MALDANG: At sino, Ginoong Hugo, ang maghuhugas ng mga pinggan?

TAGAPAGSALAYSAY: Natakot si Ka Ugong. Nanginig. Nakaramdam ng kaba. Napahawak siya sa dulo ng mesa. Ni tignan ang
kanyang asawa ay hindi niya magawa, binulong niya sa ere ang mga salitang:

KA UGONG: Ikaw, ikaw ang babae. Ikaw ang dapat magtrabaho sa bahay.

KA MALDANG: At anong gagawin mo? Pagkatapos mo diyan sa computer computer mo ay hihiga ka na lang. Mahirap na ba
iyon? Ako na nga ang nagluluto naglilinis ng bahay, naglalaba, kahit mga damit mo kahit na usapan natin kanya kanyang
laba pero ano, ako pa rin gagawa! Lahat ng trabaho ng alila inaako ko na tapos ngayon ayaw mo nang maghugas ng
pinggang pinagkainan mo.

KA UGONG: Ang drama mo... ah! Basta, hindi ako maghuhugas ng mga pinggan.

TAGAPAGSALAYSAY: Dahil sa sinabi ni Ka Ugong sa mahabang monologo ni Ka Maldang, tinanaw niya ang kanyang walis.
Nakita ito ni Ka Ugong, sa pagkakataong iyon, alam niya sa sarili niyang kailangan niya nanamang ihanda ang sarili niya sa
matagal tagal na takbuhan.

Kinuha ni Ka Maldang walis, itinaas ito at hinabol si Ka Ugong!

KA MALDANG: Ikaw, tamad na lalaki!

TAGAPAGSALAYSAY: Sumuot si Ka Ugong sa ilalim ng lamesa at sinabihan ang kanyang asawa.

KA UGONG: Hintay! Huwag mo akong hambalusin!

KA MALDANG: Lumabas ka diyan, duwag! Labas!

KA UGONG: Sandali lang, huwag mo akong paluin. Makinig ka. May naisip akong paraan na makakalutas sa problema ng
paghuhugas ng pinggan.

TAGAPAGSALAYSAY: Ang sabi ni ka Ugong, na nakatago pa rin sa ilalim ng lamesa. Dahil sa sinabi ni Ka Ugong ay napaisip saglit
si Ka Maldang.

KA MALDANG: Lumabas ka muna riyan at ipakilala mo ang iyong pagkalalaki. Hindi ‘yang para kang pusang nagngingiyaw sa
ilalim ng mesa.

KA UGONG: Itabi mo muna ang iyong walis.

KA MALDANG: Sige, sige. Wala na.

TAGAPAGSALAYSAY: Lumabas mula sa ilalim ng mesa si Ka Ugong. Nang makita niya ang kanyang asawa na may hawak na walis
sa kanyang likuran ay nag umpisa nanaman itong makaramdam ng kaba.

KA UGONG: Akala ko ba...

KA MALDANG: Upo!

TAGAPAGSALAYSAY: Gamit ang walis, tinuro ni Ka Maldang ang upuan at doon naman takot na takot na umupo si Ka Ugong.

KA MALDANG: O, anong sasabihin mo?


KA UGONG: Huwag na nating pag-awayan ang paghuhugas ng pinggan. Magkasundo tayo. Ang unang magsalita, pagkatapos
kong sabihin ang ( ). Siya na ang maghuhugas ng pinggan parati.

KA MALDANG: Ganoon lang?

KA UGONG: Oo, ganoon lang!

KA MALDANG: Ang unang magsalita ang siyang maghuhugas palagi?

KA UGONG: Oo, palagi!

KA MALDANG: Ng mga pinggan?

KA UGONG: Ng mga pinggan.

KA MALDANG: Pati mga palayok?

KA UGONG: Pati mga palayok!

KA MALDANG: Kahit mga malalaking kawali?

KA UGONG: Kahit pinakamalaking mga kawali!

KA MALDANG: Pati mga mamantikang tupperware?

KA UGONG: T-tupperware?

TAGAPAGSALAYSAY: Panandaliang nanahimik si Ka Ugong. Nagdalawang isip bigla sa kasunduan.

KA MALDANG: Ano? Hindi mo kaya?

KA UGONG: Hindi, hindi. Kaya ko. Kahit mga mamantikang tupperware! Ganito, ha. Kapag nagsalita ka isa mang kataga sa akin,
o kanino man o alin man, matapos kong sabihin ang ( ). Ikaw ang palaging maghuhugas ng pinggan.

KA MALDANG: Madali iyan. Maisasara ko ang aking bibig kahit isang linggo. Eh ikaw—

KA UGONG: ( )!

TAGAPAGSALAYSAY: Sila’y kapwa tumahimik. Nagtitigan sila sa harapan ng mesang may di pa nahuhugasang mga pinggan,
baso at kutsara. Ayaw nila iwanan ang isa’t isa sa takot na baka magsalita ang isa man sa kanila. Nagtitigan lamang sila. Di
nagtagal, ngumiyaw ang pusa na tila naghahanap ng pagkain. Sino man kina Ka Ugong at Ka Maldang ay di angbigay pansin
sa kanyang ngiyaw. Lumundag ang pusa sa mesa at dinilaan ang maruming pinggan. Hindi ito binugaw ng dalawa. Marami
nang nagawa ang pusa, tumalon sa kalan, dinilaan ang mga tupperware, nahulog pa nga ang kawali at natapon ang laman
ngunit nagpanggap si Ka Ugong na walang nangyari! Nanatili siyang nakaupo at ganoon din si Ka Maldang. Unti unting
lumubog ang araw ngunit patuloy pa rin silang walang kibuan. Halos nagmumugto na ang kanilang mga mata sa
pagtititigan. Aba, biglang naluha ang dalawa! Basang basa na ng pawis ang kamiseta ni Ka Ugong. Pinagpapawisan na rin
ang noo ni Ka Maldang, tumulo sa kanyang pisngi at pumatak sa kanyang dibdib.

Ilang sandali ay biglang tumawag ang kanilang kapitbahay.

KAPITBAHAY: Mareng Maldang! Tao po!

TAGAPAGSALAYSAY: Ka Ugong?

TAGAPAGSALAYSAY: Hindi rin sumagot si Ka Ugong.

KAPITBAHAY: Makikilaba ulit ako, ha!

KAPITBAHAY: Siguro walang tao.

TAGAPAGSALAYSAY: Nagtaka ang kapitbahay nang makita niyang nakabukas ang pinto ng bahay ng mag-asawa.

KAPITBAHAY: Nakabukas ang pinto?

TAGAPAGSALAYSAY: Sinamaan ng tingin ni Ka Maldang si Ka ugong. Dahil sa siya ang huling pumasok sa bahay, tinatanggi
naman ito ni Ka Ugong. Nag away ang dalawa ngunit walang boses na lumalabas mula sa mga bibig nila.

KAPITBAHAY: Dati rati naman ay sinasarado nila ito kung lalabas sila ng bahay... Ah—dito na lang ako maglalaba. Aayusin ko na
lang pag-alis ko.
TAGAPAGSALAYSAY: Pumasok ang kapitbahay sa loob ng bahay ng mag asawang Ka Ugong at Ka Maldang. Nang siya ay
tuluyang makapasok, nagtaka siya sa kanyang nakita—sina Ka Ugong at Ka Maldang na para bang mga estatwa na hindi
gumagalaw at magkatitigan lamang sa harap ng lamesang puno pa ng mga platong hindi pa nahuhugasan.

Nilapitan ng kapitbahay ang dalawa at nagpalipat lipat ang tingin nito sa dalawa.

KAPITBAHAY: Andito lang pala kayo. Hindi niyo ba ako naririnig kanina?

TAGAPAGSALAYSAY: Hindi gumalaw o nagsalita ang dalawa.

KAPITBAHAY: Anong nangyari sa inyo?

TAGAPAGSALAYSAY: Niyugyog niya ang balikat ni Ka Ugong. Hinayaan naman ni Ka Ugong na siya ay yugyugin at lalo pang
itinikom ang bibig. Sunod na lumapit ang kapitbahay kay Ka Maldang.

KAPITBAHAY: Magsalita ka naman, kumare. Anong nangyari?

TAGAPAGSALAYSAY: Niyugyog din niya ang balikat ni Ka Maldan hanggang sa itinulak siya ni Ka Maldang nang walang sabi sabi.

KAPITBAHAY: May nakain ba kayong nakalason sa inyo o nakapagpapipi kaya?

TAGAPAGSALAYSAY: Sinubukan muli ng kapitbahay na yugyugin ang balikat ng dalawa ngunit isa man sa kanila’y di tumayo o
nagsalita. Dahil dito, nahintakutan ang kapitbahay. Sa halip na maglaba ay tumakbo siya ng dali dali palabas ng bahay.
Ibinalita niya sa mga kapitbahay na may masamang nangyari kina Ka Ugong at Ka Maldang. Nagtipon tipon ang lahat sa
bahay ng mag-asawa.

KUMPARE: Anong nangyari?

KAPITBAHAY: Makikilaba lang sana ako dito kina Ka Maldang pagdating ko ayan na napipi na.

ASAWA: Delikado tayo diyan, pare! Ano na, Ka Ugong? Pano na tayo makakapuntang sabungan niyan mamayang gabi?

TAGAPAGSALAYSAY: Dahil sa narinig, uminit ang dugo ni Ka Maldang. Sinamaan ng tingin si Ka Ugong na takot na takot dahil
nabuko siya sa kanyang pinaplano.

ASAWA: Oh ano ka naman diyan, Ka Maldang? Ano pagsasabihan mo nanaman ‘tong asawa mo na gusto lang naman sa buhay
ay maging malaya? Tapos ikaw, inuunder mo masyado. Buti pa kami ni pareng (KUMPARE). Chill chill lang~

TAGAPAGSALAYSAY:Habang patuloy na ginagalit ng asawa ng kapitbahay si Ka Maldang ay siya naming pumasok ang isang
binibini. Nakasuot ng simpleng bestida ngunit may dala dalang mamahaling bag, na galing lang naming Divisoria.

BINIBINI: Oh... what’s happening?

KAPITBAHAY: Ay shala, English spokening!

BINIBINI: Hugo? Hugo? Mylabs!

TAGAPAGSALAYSAY: Alalang alala na nilapitan ng binibini si Ka Ugong. Tinapik tapik ang pisngi nito. Niyakap... ng higpit, na
siyang ikinainit pa lalo ng dugo ni Ka Maldang. Kung kanina ay galit na ito, lalo pa itong nagalit sa mga ikinilos ng binibini.

BINIBINI: Ano na ang nangyayari sayo? Bakit hindi ka nagsasalit? May pinakain ba siya sayo? (tinuro si Ka Maldang) Ito na nga
ba ang sinasabi ko, eh! Bebe ko, sinasabi ko sayo, kapag ako ang naging asawa mo, hindi kita papakainin ng kahit anong
nakakalason na pagkain! Hindi lang ‘yon, buong umaga, tanghali at gabi, makakapagsalita ka, kahit sa pagtulog ay magsasalita
ka pa rin sa piling ko~ (eew cringe pls change this)

ASAWA: Umalis ka na nga diya, hindi ka nakakatulong eh! Iba na ang nangyayari sa dalawang ‘to, ilang oras na tayo nandito,
nag aaway, nag uusap hindi pa rin sila nagsasalita.

KUMPARE: Tama ka diyan pare, iba na ‘to. Kailangan na natin ng seryosong tulong. Mabuti pa’t tawagin natin ang kakilala kong
albularyo diyan sa kabilang bayan.

BINIBINI: Albularyo? Eew, cheap! We better call the ambulance na lang!

TAGAPAGSALAYSAY: Kinuha ng binibini ang kanyang cellphone sa minamahal niyang bag. Tatawag na sana siya sa ospital nang
biglang hablutin ng kapitbahay ang cellphone ng binibini at tinapon ito kung saan!

BINIBINI: Why did you throw it?! Ang mahal mahal nun eh! My iphone...

TAGAPAGSALAYSAY: Kinuha muli ng kapiybahay ang cellphone at binigay ito sa binibini.

KAPITBAHAY: Oh ayan, saksak mo sa baga mo ‘yang iphone mong dual sim.


TAGAPAGSALAYSAY: Kahit anong pagsisikap nilang lahat para amakapagsalita ang mag-asawa ay wala pa ring nangyayari.
Binalaan ni Ka Maldang si Ka Ugong at pagkaraa’y pumikit. Batid ni Ka Ugong na pumikit si Ka Maldang upang maiwasan ang
mga kapitbahay kung kaya’t ipinikit din niya ang kanyang mga mata.

KUMPARE: Walang mangyayari kung tutunganga lang tayo dito. Teka lang, tatawagin ko na ang albularyo.

BINIBINI: *pabulong* eew. Cheap talaga ng mga neighbors ko.

TAGAPAGSALAYSAY: Walang pumansin sa sinabi ng binibini. Hindi rin nagtagal at bumalik na ulit si kumpare ngunit wala ang
albularyo.

KAPITBAHAY: Oh asan na ang albularyo?

KUMPARE: Andun, parating na.

TAGAPAGSALAYSAY: Hindi nagtagal at sa wakas ay dumating na rin ang albularyo mula sa kabilang bayan na si Mang Tomas
(hindi yung sauce ha). Medyo may katandaan na rin ito at may dala dalang bayong (o kahit anong lalagyan). Inilapag niya ito sa
harap ng mag-asawa.

ALBULARYO: Unang kita ko pa lang sa dalawang ito, alam ko at sigurado na ako... kinukulam sila! Isa itong kulam!

KAPITBAHAY: Manong, ano pong gagawin natin para gumaling sila?

ALBULARYO: Minamanong mo ba ako? Hindi ako isang manong! Master. Master ang itawag niyo sa akin.

BINIBINI: Arte naman nitong albularyo na ‘to. Master? Ano siya? May superpowers?

ASAWA: Manahimik ka na nga. Wala ka naman natutulong dito!

BINIBINI: Hugo, mylabs oh... inaaway ako!

TAGAPAGSALAYSAY: Sandaliang nanahimik ang albularyo. Tila ba ang iisip ng paraan kung paano mapapagaling ang mag-
asawa. Maya maya ay bigla siyang napasigaw! Dahilan para lahat ay magulat.

ALBULARYO: Kailangan ko ng tulong niyo, oo kayong lahat. Kasama kayo! (tinuro yung audience idk kung pwede to) Dahil
malakas... malakas ang sumapi sa dalawang ‘to!

KUMPARE: Eh Mang Tomas...

ALBULARYO: Master.

KUMPARE: Eh Master, ano pong gagawin natin para mapagaling natin sila?

ALBULARYO: Ah! Ganito... ganito, ang lahat ng gagawin ko, ay gagayahin niyo. Gagayahin niyo lang ha, pati kayo. Pati ikaw, ikaw
at ikaw!

TAGAPAGSALAYSAY: Nagsimula ang ritwal ng albularyo. Pinaghawak hawak niya ng kamay ang lahat. Ang lahat ng sasabihin ng
albularyo ay siyang gagayahin din ng lahat.

*adlib*

TAGAPAGSALAYSAY: Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, ay wala pa ring nangyari kina Ka Ugong at Ka Maldang. Napagod na’t
lahat lahat ang albularyo ngunit sadyang malakas talaga ang sumanib na espiritu sa mag-asawa.

ALBULARYO: Sa pagkatagal tagal ng ginawa nating ‘yon, wala pa ring nangyari!

KAPITBAHAY: Paano ‘yan, may pag asa pa bang maibalik sila?

BINIBINI: Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Pinagloloko lang tayo niyan!

ALBULARYO: Ngunit wag kayong mag-alala! Hindi ako padadaig sa masasamang espiritu na yan.

TAGAPAGSALAYSAY: Mayroong inilabas ang albularyo mula sa bayong na kanyang dala dala. Inialis niya ang mga platong
nakalagay sa lamesa sa harap ng mag asawa at inilapag ang lahat ng mga kagamitan niya. Nilabas niya isa isa ang lahat ng
laman ng kanyang bayong.

*adlib part idk ano pa magiging laman non eh*

ALBULARYO: Ito... ito ang kaluluwa ng mag-asawa.

TAGAPAGSALAYSAY: Sinimulan muli ang ritwal. Pero ngayon, habang isinasagawa ang ritwal, isinawsaw niya ang kanyang
hintuturo sa gamot na kanyang ginawa at minarkahan ng krus ang noo ni Ka Ugong, na tila ay walang naramdaman. Sunod
naman kay Ka Maldang, na hinila ang hintuturo ng albularyo at pinilipit!

Paulit ulit na tinawag ng albularyo ang pangalan ng dalawa, hanggang sa sumapit ang gabi sa nahihintakutang bayan.

ALBULARYO: Masama ito. Gabi na ngunit ganito pa rin sila. Posibleng mailipat sa kahit na sino ang sumpa kung hindi natin ito
masosolusyunan.

*nagreact ang lahat, natakot basta ganon*

TAGAPAGSALAYSAY: Muling tinawag ng albularyo ang mag-asawa. Sa umpisa’y mahina... hanggang sa lumakas ito... palakas..
ng palakas... ng palakas.

Ngunit, wala pa ring nangyari.

ALBULARYO: Sa tinagal tagal ng panahon na naging albularyo ako ay ngayon lamang ako nakasaksi ng ganitong klaseng sumpa.
Sa aking pakiwari, sila’y wala na. Tuluyan na iniwan ng kanilang espiritu ang katawang lupa. Ang tanging magagawa na lang
natin upang maiwasan kumalat ang sumpa ay ilibing silang dalawa.

TAGAPAGSALAYSAY: Hindi maiwasan ng mga kapitbahay na mabigla sa sinasabi ng albularyo. Tinanong pa ito kung nagbibiro
lang ba ngunit desidido talaga ito sa kanyang sinabi. Kaagad niyang iniutos sa mga kapitbahay na gumawa ng ataul bago
kumalat ang kulan. Hindi nagtagal ay natapos ang dalawang ataul.

ALBULARYO: Sila’y ating ililibing pagsikat ng araw. Ang iba’y kailangang magbantay ngayong gabi. Buhatin niyo na ‘yan (tinuro si
Ka Ugong).

TAGAPAGSALAYSAY: Binuhat ng mga kapitbahay si Ka Ugong na kalmado lamang sa mga nangyayari. Hindi siya natatakot na
mailibing! Lalabas siya sa hukay pagkaalis ng mga kapitbahay. Aba, at tuwang tuwa pa nga si Ka Ugong sa mga mangyayari.
Iniisip niya na ang takot sa mukha ng kanyang mga kapitbahay sa oras na makita nila siya na bumalik mula sa libingan.

TAGAPAGSALAYSAY: Samantala, matamang nakikiramdam naman si Ka Maldang sa mga nangyayari kahit nakapikit ang
kanyang mga mata. Natatakot siya na ipagpilitan ng albularyo na siya’y ilagay sa ataul kung hindi pa rin siya magsasalita, pero
ayaw niya pa ring magsalita. Kahit anong mangyari ay hindi siya papayag na matulog sa ataul. Sa kanyang kaalaman ay alam
niyang hindi papayag ang kanyang asawa na matulog sa ataul ngunit ni isang reklamo ay wala siyang narinig mula kay Ka Ugong.

TAGAPAGSALAYSAY: Bubuhatin na sana siya ng kanyang mga kapitbahay nang bigla siyang dumilat.

KA MALDANG: Mga pakialamera kayo! Mga walang hiya! Magsilayas kayo! Layas!

TAGAPAGSALAYSAY: Bakas sa mukha ng mga kapitbahay ang takot at gulat, takot sa sigaw ni Ka Maldang at gulat. Gulat na sa
wakas ay nagsalita na rin si Ka Maldang. Maya maya pa...

KA UGONG: Aha! Aha! Ikaw ang unang nagsalita! May kasunduan kami! Mula ngayon siya na ang palaging maghuhugas ng mga
pinggan!

TAGAPAGSALAYSAY: Lalo pang nagalit si Ka Maldang sa inasal ng kanyang asawa kaya kinuha niya ang walis upang ihambalos
sa mga kapitbahay at ganun din sa kanyang asawa, na abot langit ang tuwa.

KA UGONG: Haha! Yes! Sa wakas! Hindi na ako maghuhugas ng mga pinggan kahit kailan!

TAGAPAGSALAYSAY: FREEZE! At dahil doon sa kasunduan ng mag-asawang Ka Ugong at Ka Maldang, atin natunghayan kung
bakit ang mga babae ang naghuhugas ng mga pinggan. At diyan nagtatapos ang ating storyahan. Maraming salamat!

** WAKAS **

You might also like