You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO IV

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumumunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang
sagot.

I. Para sa bilang 1-5, tukuyin ang pandiwa o salitang kilos mula sa mga pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Ang mga mag-aaral ay nagpunta sa Ayala Museum.


A.mga B. mag-aaral C. nagpunta D. Ayala
2. Nagtanim ng mga punongkahoy ang mga nasa ikaapat na baitang.
A.nagtanim B. punongkahoy C. nasa D. baitang
3. Ang mga ibon ay lumilipad sa iba’t ibang direksyon.
A.ibon B. lumilipad C. mga D. direksyon
4. Nagbasa kami ng kuwentong-bayan sa aklatan.
A.nagbasa B. kami C. ng D. aklatan
5. Ang kalahati ng makakalap nilang donasyon ay ibibili ng mga aklat.
A. aklat B. kalahati C. ibibili D. donasyon

Para sa bilang 6-10, tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit na makikita sa mga sumusunod na
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa loob ng kahon

A. Naganap na
B. Nagaganap
C. Magaganap

6. Umawit ng mga awiting katutubo sina Roy at Linda sa palatuntunan.


7. Pumupunta kami sa probinsya tuwing Linggo.
8. Magbabasa kami ng kuwentong bayan sa aklatan bukas.
9. Ang mga Lopez ay nagbigay ng donasyon sa Hospicio de San Jose.
10. Nagtatakbuhan ang mga bata.

Punan ang patlang ng wastong pandiwa na bubuo sa pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
11. Si Nanay ay ___________ ng dalawang kilong manok sa palengke kaninang umaga.
A. bumili B. bumibili C. bibili D. nagbibili
12. __________ ka ba nang mabuti sa mga sinabi ng guro mo kanina?
A. makikinig B. nakinig C. nakikinig D. making
13. Hintayin muna ninyo si Luis sa sala kasi __________ pa siya ng almusal.
A. kain B. kumain C. kumakain D. kakain
14. Ako ang _________ ng mga pinggan kagabi kaya ikaw naman ang maghuhugas mamaya.
A. maghuhugas B. naghugas C. maghugas D. naghuhuga
15. Dahil anibersaryo nina Lolo at Lola sa darating na Linggo, __________ natin sila sa Antipolo.
A. magdadalaw B. dadalaw C. dadalawin D. dalaw
Para sa bilang 16-20, piliin ang pangungusap na nagpapakita ng tamang paggamit ng malalaking titik?Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

16. A,Ako ay nakatira sa brgy. san carlos, anilao, Iloilo


B. May programa sa Unibersidad ng San Agustin mamayang hapon
C. Pupunta kami sa probinsya sa susunod na lunes
D. si grace ay naglalaro sa palaruan.
17. A. Ako ay si Angelina Tolentino.
B. Ang pelikulang titanic ay napakaganda
C. Bumili si inay ng sapatos sa sm city
D. Tuwing Abril at mayo, umuuwi kami sa lalawigan ng quezon.

18. A. Sina liza at ben ay magkapatid.


B. Tuwing Linggo, kami ay nagsisimba sa Sacred Heart Parish.
C. Ang bansa ay nagdiriwang ng araw ng kalayaan.
D. Ang aking pinsan ay sina richie at Hansel.

19. A. Madalas kaming namamasyal sa Rizal Park pagkatapos namin magsimba.


B. Ang mga tao ay dapat magkaroon ng tiwala sa panginoon.
C. sina Gregori at maria tolentino angg aking mga magulang
D. Nakatira ako sa Roseville subdivision sa barangay laging saklolo.

20. A. ako ay magiging walong taong gulang sa buwan ng agosto.


B. Ang aking guro ay si Gng. Robelene F. Sazon.
C. Pumapasok ako sa mababang Paaralan ng san isidro.
D. ang maykapal ay ating sandigan sa panahon ng pangangailangan.

Para sa bilang 21-25, iugnay ang Hanay A sa Hanay B upang makabuo ng mga salitang gigamitan ng
gitling.
Isulat ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
21. kamag- A. ayon
22. ika- B. unahan
23. pag- C. anak
24. kauna- D. 9 ng Disyembre
25. sang- E. unlad

Basahin ng mabuti ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.

26. Nakadama siya ng kasiyahan nang muli niyang masilayan ang kanyang minamahal na bayan. Ano
ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A.makita B. madama C. marinig D. nalaman
27. Naging tagapakinig ang matanda sa mga hinaing ng mga makabayang Pilipino na nagnanais na
maghimagsik laban sa mga Espanyol. Alin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit
A.hinala B. hinanakit C. hinawa D. hinayang
28. Nakatakda na ang pag – iisang – dibdib nina Baleng at Arsenio, subalit hindi ito natuloy. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A.Pagpapabautismo B. pagpapakasal C. pagpapagamot D. pagtatanan
29. Isang gabi noon, ako ay nanaginip. Aling ang kasalungat ng salitang nakalimbag ng pahilis?
A.liwanag B. araw C. madilim D. maaraw
30. “Sa tindi ng amoy at kalat sa gilid.” Ano ang kasalungat ng salitang gilid?
A.tabi B. gitna C. paligid D. palibot
31. Tapat si Baleng sa kanyang pag – ibig. Ano ang kasalungat ng tapat?
A.tunay B. wagas C. taksil D. dalisay
32. Nagkasundo sila pagkatapos ng matagal na panahong pag – aaway. Ano ang ibig sabihin ng
nagkasundo?
A.nag – usap – usap C. naging magkaibigan
B. nagkahiwalay D. naging kasosyo sa negosyo
33. Huwag mong pagkaitan ng tulong ang nangangailangan nito. Ano ang katuturan o kahulugan ng
salitang may salungguhit?
A.bigyan B. pagdaramutan C. pagsisihan D. tingnan
34. Nadalian ka sa pagsagot sa inyong pagsusulit. Isa ka sa mga naunang nakatapos. Gayon
man,kasama ka sa mga nakakuha ng mababang iskor. Ano ang inyong damdamin sa pangyayari?
A.pagkabahala C. pagkasabik
B.pagtataka D. panghihinayang
35. Wala kang pambili ng aklat na ipinababasa ng inyong guro. Ipinahiram muna sa iyo ng kaibigan
mo ang kanyang aklat. Ano ang damdamin mo sa pangyayari?
A. pasasalamat C. pagtatampo
B. pagkasabik D. pagtataka
36. Ang ____________ ng pagkain na nasa mesa ay makapagpalusog sa iyo. Anong panghalip na
panaklaw ang dapat ilagay sa puwang?
A. bawat isa C. ano man
B. ilan D. lahat
37. Ang higante ay tinangay ng dambuhalang alon. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit?
A.inagos B. tinawid C. dinala D. sinagip
38. Napaidlip si Delia sa matinding pagod . Ang kasingkahulugan ng salitang napaidlip ay:
A.napaiyak B. nahimatay C. nagkasakit D. nakatulog
39. Ang babae ay mahusay umawit. Nanalo__________sa paligsahan kahapon. Ano ang angkop na
panghalip na dapat ilagay sa puwang.
A.ako B. siya C. ka D. mo
40. Pag-ibig sa bayan ang nag-udyok sa iyo na dito magtrabaho sa ating bansa. Anong panghalip na
panao ang ginamit sa pangungusap?
A.iyo B. dito C. bayan D. bansa
41. Ganito ang paggawa ng kwintas na sampagita. Alin ang panghalip patulad?
A.paggawa B. sampagita C. ganito D. kwintas
42. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng tamang paggamit ng panipi.
A. “Napakaganda pala ng Subic!”humahangang sabi ng guro.
B. “Mahuhusay po ang namumuno,”roon sabini Ann.
C. “At nagtutulungan” po ang mga tao dagdag ni Amy.
D. “Ano kung ganoon ang kailangan upang tayo ay umunlad? tanong ng guro.”
43. Si Aileen ay masipag mag-aral ng kanyang aralin. Ano kaya ang magiging bunga nito?
A. Nalimutan ni Aileen ang kanilang aralin.
B. Mataas ang mga iskor ni Aileen sa kanilang mga pagsusulit.
C. Palaging inaantok si Aileen sa klase.
D. Walang interes si Aileen sa pag-aaral.
44. Si Anica ay sumasayaw ng tinikling. Ano ang salitang kilos sa pangugusap?
A.sumasayaw B. magaling C. Anica D. tinikling

45. Ito ay mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw.


A.pangngalan B. pandiwa C. panghalip D. pang-angkop
46.Ang bituin ay maliwanag sa gabi. Ano ang kasalungat na salita ng maliwanag?
A. masaya C. madilim
B. maaliwalas D. nangingibabaw
47. Magarbo ang kasuotan ng mga maharlika. Ano ang kasalungat na salita ng maharlika?
A. mayaman C. may pera
B. mahirap D. bughaw
48. Magarbo ang kasuotan ng mga maharlika. Ano ang kasalungat na salita ng magarbo?
A. maayos C. malinis
B. simple D. Puro Burluloy
49. Si Nena ay nagtatampo sa kanyang magulang dahil hindi naibigay ang kanyang gusto sapagkat sila
ay kinapos sa pera. Ano ang maaaring gawing aksyon ni Nena bilang tanda pa din ng pagmamahal niya sa
kanyang mga magulang.
A. Uunawain ang kalagayan C. Uunawain ang kalagayan at hihingi ng sorry sa magulang.
B. Magtatampo pa. D. Magdadabog
50. Ang batang si Andy ay parating sumusunod sa kanyang magulang. Ano ang maaaring dahilan bakit
masunurin si Andy?
A. May gusto siyang ipabili. C. Trip lang niyang sumunod.
B. Mahal niya ang kanyang mga magulang. D. Mahal niya at nirerespeto ang kanyang mga magulang

You might also like