You are on page 1of 15

Filipino

Kuwarter 2 - Linggo 4
3
Pagbasa at Pag-unawa ng Tula

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


Filipino - Grade 3
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 - Linggo 2: Pagbasa at Pag-unawa ng Tula
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work of profit. Such agency
or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every
effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Division of Malaybalay City

Development Team of the Module

Authors: Rosaliie C. Suerte Flodeliza L. Lumactod

Editors: Armando A. Agustin Maria Luz G. Pama Vilma T. Fuentes


Valerie S. de Leon Guillerma S. Fortin Jeremy G. Lagunday
Lourdes O. Ducot Abel P. Galer Berna G. Bateriza
Leny G. Ama Zelda T. Arceno Jay Martin L. Dionaldo
Armand Anthony S. Valde Sr. Cosjulita K. Olarte Nairobi Jose B. Baja

Illustrator: Vanessa Joy D. Mirafuentes, Christian Jay M. Dela Torre


Layout Artist: Manuel D. Dinlayan II, PDO II
Management Team:

Chairperson: Dr. Victoria V. Gazo, CESO V


Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Sunny Ray F. Amit


Asst. Schools Division Superintendent

Ralph T. Quirog
CES, CID

Members: Purisima J. Yap


EPS-LRMS

Maria Concepcion S. Reyes, EPS-Filipino


Printed in the Philippines by Department of Education
Division of Malaybalay City
Office Address: Sayre Highway P-6, Casisang, Malaybalay City
Telefax: (088) 314-0094
Email Address: malaybalay.city@deped.gov.ph
3
Filipino
Kuwarter 2 - Linggo 4
Pagbasa at Pag-unawa ng Tula

Ang instruksyunal na materyal na ito ay kolaboratibong nabuo at sinuri ng


mga dalubhasa mula sa Sangay ng Lungsod Malaybalay. Hinihiling namin ang
mga guro, administrator at stakeholders ng edukasyon na magbigay ng puna,
komento at suhestiyon at ipadala o email sa malaybalay.city@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan po namin ang inyong feedback at rekomendasyon.

Sangay ng Lungsod Malaybalay • Kagawaran ng Edukasyon


Paunang Salita Para Sa Mga Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ikatlong Baitang, modyul sa


Pagbasa at Pag-unawa ng Tula.

Ang modyul na ito ay ginawa ng mga guro sa Sangay Lungsod ng


Malaybalay ayon sa Kurikulum ng K – 12 ginagabayan ng mga punong-guro,
tagamasid pampook at tagamasid pansangay . Ginawa rin ito bilang tugon sa iyong
pangangailangan sa gitna ng pandemya (Covid-19).

Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob


ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Paala-ala Sa Mga Guro:

Nakapaloob nito ay ang mga pamamaraan para matuto ang mga


mag-aaral. Inaasahang magagabayan ninyo ang mga mag-aaral sa paggamit nito.

Paala-ala Sa Mga Mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo upang maintindihan mo ang


mga competency na dapat mong matutunan.

Pinaalalahanan din kayo sa mga sumusunod:

1. Huwag dumihan at sulatan ang modyul. Ang inyong mga sagot sa mga gawain
ay isulat lamang sa aktibiti notbok sa Filipino.
2. Isunod-sunod and pagsagot sa mga gawain.
3. Ibalik ang modyul na maayos ayon sa petsa na napagkasunduan ng iyong
guro.
4. Kung merong mga tanong at alinlangan, huwag mag-atubiling magkonsulta
sa iyong guro.
5. I teks o tumawag sa numerong ito ____________.
Alamin
Magandang araw sa iyo! Kumusta ka ?

Ako’y lubos na nasisiyahang ipaalam sa araling ito, Maisasakilos mo


ang tulang napakinggan.Matutukoy ang mga salitang
magkakatugma.Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman
ang kahulugan ng mga salita tulad ng katuturan at kahulugan
nito.Magagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa
pagsulat ng mga parirala/ pangungusap at magagamit ang iba’t
ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon.

Subukin
Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang sumusunod na
tanong. Isulat ang titik sa patlang.

PERA SA BASURA
Ako’y munting bata ng aming bayan.
Ngunit maaasahan sa kasinupan at kalinisan.
Tamang pagtatapon ng mga basura,
Lagi kong isinasagawa at tunay kong pinahahalagahan.
Nabubulok at di nabubulok aking pinaghihiwalay,
Bote, plastik at papel, puwede pang pakinabangan.
Baka pagdating ng araw ako ay yumaman,
Nang dahil sa basura na aking pinagtiyagaan.
1. Ano ang pamagat ng tula ?
a.Pera sa bulsa b.Pera sa basura c.Pera sa bankod.Pera sa pitaka
2.Bakit sinasabi sa tula na may pera sa basura?
a.dahil pweding ibenta ang mga bote,plastik at papel.
b. may mapulot na pera sa basura
c.mga basurang hindi nabubulok ay pwede pang
pakinabangan at pagkikitaan
d.a at c
3.Alin ang salitang katugma sa tasa?
a. mesa b. tala c.ibon d. pinto
4.Sa bawat tagumpay, kaakibat nito ay ang pagsisikap at
pagdarasal. Ano ang ibig sabihin ng kaakibat ?
a.tabing-ilog b.nakikita c.umaga d.kaagapay
_____ 5. Ito ay ang bahagi ng aklat, kung saan makikita ang
pamagat ng aklat, may akda at ang naglimbag ng aklat .
a.talahulugan b. pabalat
c.talaan ng nilalaman d. paunang salita
Unang Araw Pagsasakilos ng Tulang Binasa

Balikan
Hanapin sa crossword puzzle ang mga sumusunod na bahagi ng
katawan na matatagpuan sa kaliwa
1. binti

2. paa

3.tainga

4.mata

5. daliri

Tuklasin

Bakit sinasabi sa tula na may pera sa basura ? Kopyahin ang


saknong na nagsasabi na may pera sa basura.
Pera sa Basura
Ako’y munting bata ng aming bayan.
Ngunit maaasahan sa kasinupan at kalinisan.
Tamang pagtatapon ng mga basura,
Lagi kong isinasagawa at tunay kong pinahahalagahan.

Nabubulok at di nabubulok aking pinaghihiwalay,


Bote, plastik at papel, puwede pang pakinabangan.
Baka pagdating ng araw ako ay yumaman,
Nang dahil sa basura na aking pinagtiyagaan.

2
Suriin
Paano mo maisasakilos ang tula?

Basahin nang mabuti ang tula at tingnan sa diksyunaryo ang mga


salitang hindi naiintindihan.
Intindihin ang bawat linya upang mas madaling maisakilos ito.

Pagyamanin
Bigkasin at isakilos ang tulang Pera sa Basura.

Ikalawang Araw Pagtukoy sa Salitang Magkatugma

Balikan
Basahing muli ang tulang Pera sa Basura

Tuklasin
Sa tulang Pera sa Basura, anu-ano ang mga salitang
magkatugma? Ano ang ibig sabihin ng magkatugma?
➢ Nagiging magkatugma ang mga salita,kung
magkapareho ang tunog nito sa hulihan .
Halimbawa:
bayan - maasahan
kasinupan - kalinisan
bote - puwede
Tingnan mo ang mga larawan

Mikropono tabo

3
Suriin

Bumuo ng salitang magkatugma mula sa salitang nasa kahon.

pananampalataya
Halimbawa: lata - yata
1. _______________ _________________
2. _______________ _________________
3. _______________ _________________
4. _______________ _________________
5. _______________ _________________

Pagyamanin

Hanapin sa loob ng kahon ang salitang magkatugma na nasa


ibaba.
tanging sandok lasap
mukha pinto

1.bundok ___________ 4. ginto ___________


2.gising ___________ 5. dukha ___________
3.ulap ___________
Ikatlong Araw Pagbibigay Kahulugan ng mga Salita

Balikan
Hanapin sa hanay B ang salitang magkatugma sa Hanay
A
A B
__1. sabado a. pagdating
__2. Lahat b. kidlat
__3. Tatay c. kayo
__4. umiling d. paligid
__5. bukid e. bahay

4
Tuklasin
Sa tulang Pera sa Basura , ano ang kahulugan ng
kasinupan at pinagtiyagaan?

Narito ang mga kahulugan ng mga salitang nasa ibaba:

kasinupan - organisado, malinis,maayos


pinagtiyagaan -pinagtiisan

Gamitin ang mga kahulugan nito sa pangungusap.


1.Organisado ang mga gamit ni Madel.
2. Pinagtiisan niyang mamulot ng basura para magkaroon ng pera.

Suriin
Panuto: Pagtambalin ang mga salitang magkasingkahulugan
A B
1. magaling a. munti
2. maliit b. maligaya
3. payapa c. mahusay
4. malinis d. tahimik
5. masaya e. Dalisay

Pagyamanin

Isulat sa inyong aktibiti notbuk ang kahulugan ng


sinalungguhitang salita at piliin ang iyong sagot sa loob
ng kahon.
tabing-ilog umaga kaagapay
nakikita konti lang
1.Sa bawat tagumpay, kaakibat nito ay ang pagsisikap at
pagdarasal.
2.Namasyal sila sa dalampasigan.
3.Ang kakarampot na kita ni Mang Juan sa pagtitinda ng taho ay
pilit na pinakakasya ng kanyang pamilya.
4.Nakarating ang mga estudyante sa kanilang paroroonan bago
magbukang-liwayway.
5.“Nababanaagan ko na ang lagusan palabas”, sabi niya.
5
Ikaapat na Pagsulat ng Parirala at Pangungusap
Araw

Balikan
Mga bata, basahin ang tulang ating napag-aralan kahapon.
Pera sa Basura
Ako’y munting bata ng aming bayan.
Ngunit maaasahan sa kasinupan at kalinisan.
Tamang pagtatapon ng mga basura,
Lagi kong isinasagawa at tunay kong pinahahalagahan.
Nabubulok at di nabubulok aking
pinaghihiwalay,
Bote, plastik at papel, puwede pang pakinabangan.
Baka pagdating ng araw ako ay yumaman,
Nang dahil sa basura na aking pinagtiyagaan.
Tuklasin
Maligayang pagbabasa at pag-aaral
Alamin kung ano ang pangungusap at parirala
A. Pangungusap
Ang pangungusap ay isang salita o lipon ng mga salita na
nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan.
Halimbawa:Si Itay ay pumunta sa doktor upang magpagamot.
B. Parirala
Ang parirala ay isang salita o lipon ng mga salita na hindi
nagpapahayag ng buong diwa.
Halimbawa:paglipas ng panahon
Panuto: Isulat kung ito ay pangungusap o parirala
____________1. Ang guro kong mahal may bilin sa akin.
____________2. ang bilin sa akin.
____________3. Sumunod sa magulang.
____________4. Alintuntunin sa paaralan ay dapat sundin.
____________5. Nina tatay at nanay.

Suriin

Sa pagsulat ng parirala, ito ay nagsisimula sa maliit na


titik, wala itong bantas at hindi ito nagbibigay o nagsasaad
ng buong diwa at ang pangungusap naman ay
nagsisimula sa malaking titk, nagtatapos ito sa bantas at
nagsasaad ito ng buong diwa.

6
Pagyamanin
Sumulat ka ng dalawang parirala tungkol sa katangian ng
kaibigan na nais mo. Isulat ninyo ito sa aktibiti notbuk

Ikalimang Paggamit ng mga Bahagi ng Aklat


Araw

Balikan
Ano ang pagkakaiba ng pangungusap at parirala?

Tuklasin
Ang Mga Bahagi ng Aklat
Ang aklat ay isa sa kaibigan natin. Sa bawat pagbuklat ng
pahina nito, dinadala tayo sa iba’t ibang lugar at ipinapakilala sa iba’t
ibang tao.
1. Talaan ng Nilalaman- ay ginagamit upang malaman ang nilalaman
ng aklat at ang mga pahina nito.
2. Pabalat- dito makikita ang pamagat ng aklat at ang may akda at
ang naglimbag ng aklat.
3. Katawan ng Aklat- dito makikita ang lahat ng seleksyon na nakatala
sa talaan ng nilalaman.
4. Karapatang-ari- dito makikita ang taon kung kailan at saan inilimbag
ang aklat.
5. Paunang salita- dito nakasaad ang layunin ng may-akda kung bakit
isinulat ng may akda ang aklat.

Suriin

Punan ang bawat patlang.Piliin ang tamang salita sa loob ng kahon.


Pabalat Pahina ng Karapatang-ari
Pahina ng Pamagat
Talaan ng Nilalaman Paunang Salita

7
1.______________ ito ang takip ng aklat. Karaniwan itong may
matingkad na larawan upang makatawag pansin sa mambabasa.
2._______________ nakasaad dito ang pamagat ng aklat at pangalan
ng may-akda nito.
3.________________makikita sa bahaging ito kung sino ang
nagpalimbag ng aklat at kung kailan ito ipinalimbag.
4.________________ nakasaad dito ang dahilan kung bakit isinulat ng
may-akda ang aklat kasama ang paliwanag sa paggamit nito.
5._________________makikita rito ang pahina ng bawat paksang
tinatalakay sa aklat.

Pagyamanin
I sulat ang pangalan ng iyong tatlong kaibigan .Sa tapat
nito ,sumulat ng parirala o pangungusap tungkol sa kanya.Isulat
ito sa aktibiti notbuk.

Isaisip
Mas madali ang pagbibigay kilos sa tulang napakinggan
kapag naiintiindihan mo nang mabuti ang bawat saknong. Bawat
linya ng tula ay nag sisimula sa malaking titik at ating nakita na
ang bawat saknong ay may salitang magkatugma. Nagiging
magkatugma ang mga salita kung magkapareho ang huling
tunog ng mga ito. Sa pagbasa ng tula, unawaing mabuti ang
bawat linya upang maintindihan at masagot ang mga tanong.

Isagawa
Kumuha ng aklat na makikita sa inyong bahay at sagutin ang
mga sumusunod na tanong.Isulat sa aktibiti notbuk.
1.Ano ang pamagat ng aklat?
2.Sino ang may akda ng aklat?
3. Isulat ang unang aralin na nakasulat sa talaan ng
nilalaman.

8
Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot . Isulat sa
aktibiti notbuk
1. Alin ang salitang magkatugma?
a.bituin-mahirap b.ginto-pinto c. parke- pulis d.baboy-tala
2. Sa tulang Pera sa Basura, ito ay pagpapahalaga sa ating ____.
a.kapayapaan b.kagalingan c.kapaligiran d.kalikasan
3. Namasyal sila sa dalampasigan. Ano ang kahulugan ng
salitang sinalungguhitan?
a.tabing-ilog b.tabing-daa c.tabing bahay d.tabing kalye
4. Ano ang dapat tandaan kung sumulat ng pangungusap?
a.ito ay nagsisimula sa malaking titik at nagsasaad ito ng
buong diwa.
b.may tuldok ang bantas
c.nagtatapos ito ng bantas
d.wala itong bantas at hindi ito nagbibigay nang buong
diwa.
5.___________ dito makikita ang pamagat ng aklat at may akda
at naglimbag ng aklat.
a.pahina ng pamagat b.talaan ng nilalaman
c.paunang salita d.pabalat

Karagdagang gawain
Sumulat ng tatlong pares ng magkatugmang salita at
dalawang pangungusap o parirala mula sa tulang “Pera sa
Basura”.

9
www.google.com
https://bit.ly/2YcHisY
Pintig ng Lahing Pilipino 3, p. 99-100
Batayang Aklat :Pag-unlad sa Pagbasa 3 p. 89
Kagamitan ng mag-aaral pp.26-28, 49-50
Lesson Exemplar pp.68-70
K to 12 Curriculum Guide ( MELC )
Sanggunian
Subukin p. 3 Suriin p.5 Suriin,p.3 Pagyamanin,p.5
1.b 1. C 1.pala-tala 1.kaagapay
2.d 2. a 2.mata-lata 2.Tabing-ilog
3.a 3. D 3.patay-palay 3.Konti lang
4.d 4. E 4.mapa-papa 4.umaga
5.c 5. B 5.apat-tapat 5.nakikita
Pagyamanin p.4 Tuklasin p.6
1.sandok 1.Pangungusap
2.tanging 2.Parirala
3.lasa 3.Parirala
4.pinto 4.Pangungusap
5.mukha 5.Parirala
Suriin,p. 7 Tayahin, p.8
1.Pahina ng pamagat 1.b
2.Pabalat 2.d
3.Karapatang-ari 3.b
4. paunang salita 4.a
5. talaan ng nilalaman 5.d
Susi ng Pagwawasto

You might also like