You are on page 1of 20

COMPASSION

COMMUNITY CHURCH

LIFE CONNECT
TABLE OF CONTENTS

Table of Contents…………………………………………………………… i
1 - Life Connect: “Bagong Nilikha” ………………………………………………..… 1

2 - Life Connect: “Panginoon” ………………………………………………….…….. 4

3 - Life Connect: “Magsisi” ……………………………………………………………. 6

4 - Life Connect: “Bautismo sa Tubig”……………………………………………… 8

5 - Life Connect: “Italaga” ……………………………………………………………... 10

6 - Life Connect: “Iglesiya” ……………………………………...................................... 14

7 - Life Connect: “Testimonya” ………………………………………………………. 16


Gawin ng TAMA

2 Timoteo 3:16-17

Ang lahat ng mga kasulatan ay ihininga ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa


16 

pagsaway, pagtutuwid, at pagsasanay sa katuwiran, 17 upang ang lingkod ng Diyos ay maging


karapat-dapat at lubusang maihanda sa lahat ng mabubuting gawa.

Ang pagsisimula ng “TAMA sa pagsunod sa Dios ay makakatiyak kang matatapos mo ng


TAMA”, apat na gabay sa TAMAng pagsunod kay Cristo.

Talikuran ang dating Gawain na hindi nakakalugud sa pagsunod sa Panginoon.


Mateo 3:2

Ganito ang kanyang sinasabi, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat

malapit nang dumating ang kaharian ng langit!”

Araw-arawin ang pagbabasa ng Bibliya at sundin ang mga nakasulat dito.


Josue 1:8

Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at

gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito.
Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay.
Maglingkod ng buong puso, lakas at kaluluwa at pag-iisip, mamuhay ng may banal na
pagkatakot sa Dios.

Lucas 10:27

Sumagot ang lalaki, “Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong
27 

kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip.[a] At mahalin mo ang iyong kapwa tulad
ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”[b]

Akayin at abutin ang mga taong hindi pa nkakakilala kay Jesu-Cristo.


Lucas 6:39

Sinabi pa niya sa kanila ang isang talinghaga, “Maaari bang akayin ng bulag ang kapwa bulag?
39 

Hindi kaya sila kapwa mahulog sa hukay?

1
BAGONG NILIKHA
BUHAY KAY CRISTO

17 
Kaya't ang sinumang nakipag-isa na kay Cristo ay isa nang bagong nilikha. Ang mga lumang
bagay ay lumipas. Masdan ninyo, ang lahat ay naging bago.

2 Corinto 5:17

Isang bagong nilikha. Isang bagong buhay kay Cristo. Taglay nito ang pagkakataong ang isang
katotohanan na tanging si Jesu-Cristo lang ang nakakapagpabago ng ating mga buhay.

Mabuting balita ng kaligtasan na ang ating Panginoong Jesu-Cristo ay nag-alay ng kanyang


buhay para sa lahat ng gusting makipagisa sa Kanya.

Ano ang dahilan kung bakit may bagong pagkalikha?

ANG PAGLIKHA:

Ang ugnayan ng Diyos at ng tao noon ay subrang lapit at maayos.

Kaya nilikha ng Dios ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya.
27 

Genesis 1:27

Ngunit dahil sa kasalanan ng pagsuway ng tao sa kanyang lumikha, nahiwalay ang tao sa Diyos.

2
ANG KASALANAN:

Ang kasalanan ang naglayo sa Diyos at tao sa pamamagitan ng pagsuway ng tao s utos ng Diyos.
Ang Diyos kailanma’y hindi magkakasala.

23 
Sapagkat ang lahat ay nagkasala at hindi naging karapat-dapat sa paningin ng Dios.

Roma 3:23

Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan …


23 

Roma 6:23

PAG-IBIG NG DIYOS:

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang
16 

kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak,
kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Juan 3:16

PAGTUBOS:

Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo at pinatawad ang ating mga
kasalanan. Ganoon kasagana ang kanyang kagandahang-loob

Efeso 1:7

Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil pinag-isa niya ang mga
14 

Judio at ang mga Hentil. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, giniba niya ang pader ng alitan
na naghihiwalay sa atin.

Efeso 2:14

KALIGTASAN:
na kung ipapahayag mo na si Jesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na

muli siyang binuhay ng Dios, maliligtas ka. 10 Sapagkat itinuring ng Dios na matuwid ang taong
sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niya na siyaʼy
sumasampalataya, maliligtas siya.

Roma 10:9-10

Dahil sa biyaya ng Dios, naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Cristo. Kaloob ito ng

Dios, at hindi galing sa inyo. 9 Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, para walang
maipagmalaki

Efeso 2:8-9

KALOOB NG DIYOS:

… ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na
ating Panginoon.

Roma 6:23

PAANO TANGGAPIN SI JESU-CRISTO BUHAY KO?

 Amining ako’y makasalanan.


 Maniwala at Manampalatay kay Jesu-Cristo.
 Ipahayag na si Jesus ay Panginoon sa buhay ko.

PANGINOON
BUHAY NG PAGSUNOD
Roma 10:9

na kung ipapahayag mo na si Jesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na
muli siyang binuhay ng Dios, maliligtas ka.

Ang Bibliya ay nagpapakilala na si Jesus ay ating Panginoon at dapat sundin. Ang Bagong Tipan
ay puno ng pagpapakilala kay Jesus na higit pa sa 700 na beses. Ibig sabihin ay hindi lang bilang
taga-pagligtas ang ginawa ni Jesu-Cristo sa krus, ipinakita niya sa buong mundo na siya ay
Panginoon at dapat nating sundin.

“Panginoon” taga-panguna, makapangyarihan, taga-pagdesisyon, taga-pagpatupad ng kautusan.

PANGINOON JESU-CRISTO, DAPAT SUNDIN

Dahil si Jesu-Cristo ang nagligtas sa atin ayun sa Bibliya at sa ating unang napag-aralan,
nararapat lang na tayo ay sumunod sa ating Panginoon Jesu-Cristo sa lahat ng kayang pinag-
uutos sa ating lahat.

Kasama ng ating pananampalataya na may kasamang gawa dapat ay nakikita ang ating pagsunod
sa ating Panginoong si Cristo.

Mateo 7:21
21 
“Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng ‘Panginoon, Panginoon’ ay papasok sa kaharian ng
langit, kundi yaon lamang nagsasagawa ng kagustuhan ng aking Amang nasa langit.

Deuteronomio 27:10
10 
Kaya sundin ninyo ang PANGINOON na inyong Dios at tuparin ang lahat ng utos at tuntunin
niyang ibinibigay ko sa inyo ngayon.”

Kung paano natin tinanggap sa ating puso si Jesu-Cristo bilang tagapagligtas, ang pagsunod sa
Kanya ay kailangan magsimula rin sa ating mga puso.

Awit 119:1-3
Mapalad ang taong namumuhay nang malinis, na naaayon sa utos ng PANGINOON.

Mapalad ang taong sumusunod sa mga katuruan ng Dios, at buong pusong hinahanap ang
kanyang kalooban.

Hindi sila gumagawa ng masama kundi sumusunod sa mga pamamaraan ng Dios.

ANG PAGSUNOD SA PANGINOON AY PANGHABANG BUHAY

Awit 119:4-8

PANGINOON, ibinigay nʼyo sa amin ang inyong mga tuntunin upang itoʼy matapat naming

sundin.

Labis kong ninanais na maging tapat sa pagsunod sa inyong mga tuntunin.

At hindi ako mapapahiya kapag sinunod ko ang inyong mga utos.

Akoʼy magpupuri sa inyo nang may malinis na puso,
    habang pinag-aaralan ko ang inyong matuwid na mga utos.

Susundin ko ang inyong mga tuntunin,
    kaya huwag nʼyo akong pababayaan.

Buong puso nating pagsumikapang sumunod sa ating Panginoong Jesu-Cristo ng walang pag-
aalinlangan.

Mga katanungan?

 Saang aspeto ng iyong buhay nahihirapan kang sumunod kay Cristo?


 Nakakapa-bigay kaba ng tamang oras ng iyong pagsunod kay Cristo?
 Ang iyo bang relasyon at pananalapi ay nasa tamang pagsunod kay Cristo?

MAGSISI
PAGTALIKOD SA KASALAN

Gawa 2:38
Sumagot si Pedro sa kanila, “Magsisi ang bawat isa sa inyong mga kasalanan at
38 

magpabautismo sa pangalan ni Jesu-Cristo,[a] at mapapatawad ang inyong mga kasalanan at


matatanggap ninyo ang regalo ng Dios na walang iba kundi ang Banal na Espiritu.
Ang paglabag sa Batas trapiko o panlansangan ay tiyak na napakapanganib at delekado na
pwedeng ikapahamak. Ang iba sa mga nakakagawa nito ay walang alam o kaya naman ay
nagdudung-dunungan.

Katulad ng ating buhay kristiyano ang walang alam at nagdudunong-dunongan ay nasa tiyak na
kapamahakan lagi at patuloy na paglayo sa Diyos.

MAGSISI, LUMAPIT AT DIKA MAPAPAHAMAK

Ang magsisi ng buong puso at katotohanan ay hindi gumagawa ng anumang dahilan, bagkus ay
umaako ng responsibilidad, at hindi nanunumbat sa ibang tao sa lipunan, o sa mga pangyayari sa
buhay.

Ang magsisi sa kasalanan ay pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos na si Jesu-Cristo ang tunay na


tagapagligtas.

Gawa 3:19
19 
Kaya ngayon, kailangang magsisi na kayo at lumapit sa Dios, para patawarin niya ang inyong
mga kasalanan,

2 Pedro 3:9

Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan.
Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila,
dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.

MAGSISI AT PATUNAYAN

Mateo 3:8

Kung tunay na nagsisisi kayo sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo ito sa inyong mga
gawa.

Ang katotohanan sa mga taong totoong magsisi ay hindi lamang sa salita ngunit ito ay kaya
nilang patunayan.

MAGSISI AT MAGPATAWAD

Lucas 17:3-4

Kaya mag-ingat kayo.

“Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo siya. At kung magsisi siya, patawarin
mo. 4 Kahit pitong beses pa siyang magkasala sa iyo sa maghapon, kung pitong beses din siyang
hihingi ng tawad sa iyo ay patawarin mo.”

Ang Diyos ay nagpatawad sa ating mga kasalanan, kaya dapat tayong magpatawad.

Mateo 18:21-22
Lumapit si Pedro kay Jesus at nagtanong, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin
21 

ang kapatid na laging nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?” 22 Sumagot si Jesus, “Hindi
lang pitong beses kundi 77 beses.

MGA KATANUNGAN
 May mga bagay kabang hindi pinagsisihan sa buhay?
 Ano ang pinaka matinding pagsisi na ginawa mo sayong buhay?
 Anong kasalanan sa buhay mo na tinalikuran muna ngunit lagi mo paring naiisip?

1 Juan 1:9
Ngunit kung ipinagtatapat natin sa Dios ang ating mga kasalanan, maaasahan nating

patatawarin niya ang ating mga kasalanan at lilinisin tayo sa lahat ng uri ng kasamaan dahil
matuwid siya.

BAUTISMO SA TUBIG
BINUHAY KASAMA NI CRISTO

Colosas 2:12
Inilibing kayong kasama ni Cristo nang bautismuhan kayo. At dahil nakay Cristo na kayo, muli
12 

kayong binuhay na kasama niya, dahil nananalig kayo sa kapangyarihan ng Dios na bumuhay sa
kanya.

Si Jesu-Cristo mismo ay binautismohan sa tubig at nagpakita ng isang pagsunod sa Ama na nasa


langit.

Si Jesu-Cristo ay hindi binautismohan sa tubig nung Siya ay sanggol ngunit nung Siya ay nasa
tamang gulang ay saka SIya binautismohan sa tubig.

ANG BAUTISMO SA TUBIG


Bago tanggapin ang pagbautismo sa tubig kailangan muna ang kapahayagan ng Salita ng Diyos
na maipaliwanag ang kahalagahan nito.

Dito ipinapakita ang Apat ng kahalagahan ng bautismo sa tubig:

MAGSISI

Gawa 2:38
“…Magsisi ang bawat isa sa inyong mga kasalanan at magpabautismo sa pangalan ni Jesu-
Cristo… “

PANANAMPALATAYA KAY CRISTO

Marcos 16:16
16 
Ang lahat ng sasampalataya at magpapabautismo ay maliligtas, ngunit ang hindi
sasampalataya ay parurusahan.

MALINIS NA BUDHI

1 Pedro 3:21
Ang tubig na iyon ang inilalarawan ng bautismong nagliligtas sa inyo ngayon. Hindi ito
21 

paglilinis ng dungis ng katawan kundi bilang paghiling sa Diyos ng isang malinis na budhi, sa
pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Cristo.

MAGING DISIPULO

Mateo 28:19
“…Kaya puntahan ninyo ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod ko.”

KAMATAYAN – PAGKALIBING – PAGKABUHAY MULI

Roma 6:1-4
Ano ngayon ang masasabi natin? Magpapatuloy ba tayo sa kasalanan para lalong madagdagan
ang biyaya ng Dios sa atin? 2 Aba, hindi maaari! Hindi maaari na magpatuloy pa tayo sa
pagkakasala dahil ang kasalanan ay wala ng kapangyarihan sa atin. 3 Hindi ba ninyo alam na
noong binautismuhan tayo kay Jesu-Cristo, nangangahulugan ito na kasama tayo sa kanyang
kamatayan? 4 Kaya noong binautismuhan tayo, namatay tayo at inilibing na kasama niya. Kung
paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin
ay mamuhay sa bagong buhay.

Ipinapakita sa bautismo sa tubig na ating tinatalikuran ang dati nating buhay para simulant nating
mamuhay na may pagsunod kay Cristo.

MGA KATANUNGAN
 Na bautismohan kana bas a tubig mula ng ikaw ay nagsisi?
 Handa kana bang tanggapin ang bautismo sa tubig?
 Ikaw ba ay seryosong susunod sa kalooban ng Diyos?

10

ITALAGA
DEBOSYON SA BUHAY

Leviticus 20:7-8
Italaga ninyo ang inyong sarili para sa akin at magpakabanal kayo dahil ako

ang PANGINOON na inyong Dios. 8 Sundin ninyo ang aking mga tuntunin dahil ako
ang PANGINOON na nagtalaga sa inyo para maging bayan ko.

Ang Iglesya na malakas, buhay na buhay, masigla at mapagmahal dahil sa knilang debosyon sa
ating Diyos. Hindi sila nakaklimot sa mga pagtitipon, pag-aaral ng salaita ng Diyos.

Gawa 2:42
Naging masigasig sila sa pag-aaral ng mga itinuturo ng mga apostol, sa pagtitipon bilang
42 

magkakapatid, sa paghahati-hati ng tinapay, at sa pananalangin.

Maaari nating italaga ang ating mga sarili sa buhay debosyon ayon sa Gawa 2:42 may tatlong
bagay ang pwede nating sundin;

SALITA NG DIYOS
Ang Bibliya ay higit pa sa lahat ng libro sa mundo, pinaka mabenta, pinaka sikat at higit sa lahat
nakakapagpabago ng buhay. Dahil ito’y kinasihan ng Panginoon Diyos.

Job 23:12
12 
Sinusunod ko ang kanyang mga utos, at iniingatan ko ito sa aking puso. Pinahahalagahan ko
ang mga salita niya ng higit pa sa pang-araw-araw na pagkain ko.

Ang Salita ng Diyos ay makapangyarihan upang baguhin an gating mga buhay. Ngunit kailangan
natin itong sundin at ipamuhay.

Santiago 1:22
22 
Huwag lang kayong maging tagapakinig ng salita ng Dios kundi sundin nʼyo ang sinasabi nito.
Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang sarili ninyo.

11

Ang Bibliya ang tamang sandata para sa ating espirituwal na buhay upang ito ay lumago.
Nakakatulong ang Salita ng Diyos upang tayo ay manalo laban sa tukso, maging matagumpay sa
buhay, at matutunang sundin ang mg autos ng Diyos para sa ating mga buhay.

1 Pedro 2:2,3

Gaya ng sanggol na bagong panganak, manabik kayo sa dalisay na gatas na espiritwal, upang
lumago kayo hanggang makamtan nʼyo ang ganap na kaligtasan 3 ngayong naranasan na ninyo
ang kabutihan ng Panginoon.

Salmo 119:9,11

Paano mapapanatili ng isang kabataan na maging malinis ang kanyang buhay?
    Mamuhay siya ayon sa inyong mga salita.
11 
Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.

Josue 1:8
Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at

gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito.
Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay.

Roma 12:2
Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong

baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo
ang kalooban ng Dios – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

PANALANGIN
Ang ating pagiging kristiyano ay isang relasyon sa ating Diyos na lumikha sa atin. Ito ay
napapalooban ng lagiang pakikipag-usap sa isat-isa.

Sa maayos na pakikipag-usap ay nabubuo ang isang matatag na relasyon. Ang pakikipag-usap


natin sa Diyos ay dahil sa magandang ugnayan natin sa Kanya. Ang Diyos ay maraming paraan
para kausapin Niya tayo, ngunit pangunahin padin dito ay ang Bibliya.

Ang lagian nating ginagamit sa pakikipag-usap sa Diyos ay “Panalangin”


Si Jesu-Cristo ang ating pinaka magandang halimbawa sa Pananalangin.

12

Lucas 11:1
Minsan ay nananalangin si Jesus sa isang lugar. Pagkatapos niyang manalangin, sinabi sa
1

kanya ng isa sa mga tagasunod niya, “Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, katulad
ng ginawa ni Juan sa mga tagasunod niya.”

PANALANGIN NA HINDI DAPAT

Mateo 6:5, 7-8



“Kapag nananalangin kayo, huwag kayong tutulad sa ginagawa ng mga pakitang-tao. Mahilig
silang manalangin nang nakatayo sa mga sambahan at sa mga kanto ng lansangan para makita
ng mga tao. Ang totoo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.

“At kapag nananalangin kayo, huwag kayong gumamit ng maraming salita na wala namang
kabuluhan, tulad ng ginagawa ng mga taong hindi kumikilala sa Dios. Akala nila ay sasagutin
sila ng Dios kung mahaba ang kanilang panalangin. 8 Huwag nʼyo silang gayahin, dahil alam na
ng inyong Ama kung ano ang kailangan ninyo bago pa man ninyo ito hingin sa kanya.

ANG TAMANG PANALANGIN AY SA AMA

Mateo 6:6

Sa halip, kung mananalangin kayo, pumasok kayo sa inyong kwarto at isara ang pinto. At saka
kayo manalangin sa inyong Ama na hindi nakikita. At ang inyong Ama na nakakakita sa
ginagawa ninyo nang lihim ang magbibigay ng gantimpala sa inyo.

1 Timoteo 2:5
Sapagkat iisa lang ang Dios at iisa lang ang tagapamagitan sa Dios at sa mga tao. Itoʼy walang

iba kundi ang taong si Cristo Jesus.

Juan 14:6

Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa
Ama kung hindi sa pamamagitan ko.
13

GABAY SA PANALNGIN

Mateo 6:9-13

Kaya manalangin kayo ng katulad nito:

‘Ama naming nasa langit,


    sambahin nawa kayo ng mga tao.[a]
10 
Nawaʼy magsimula na ang inyong paghahari,
    at masunod ang inyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
11 
Bigyan nʼyo po kami ng aming pagkain sa araw-araw.
12 
Patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan,
    tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin.
13 
At huwag nʼyo kaming hayaang matukso
    kundi iligtas nʼyo po kami kay Satanas.[b]

TIYAK NA PANALANGIN, TIYAK NA KASAGUTAN

1 Juan 5:14-15
At may kapanatagan tayo sa paglapit natin sa Dios, dahil naniniwala tayong ibibigay niya sa
14 

atin ang anumang hilingin natin na ayon sa kanyang kalooban. 15 At kung alam nating nakikinig
sa atin ang Dios, alam nating tinatanggap na natin ang hinihiling natin sa kanya.

MGA KATANUNGAN

 May oras kabang kayang ilaan sa pagbabasa ng Bibliya?


 May oras kabang kayang ilaan sa pananalangin sa Diyos?
 Ikaw ba ay bahagi ng isang Bible study or Life Connect group?
14

IGLESYA
TOTOONG TAHANAN NG DIYOS

Mateo 16:18-19
At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro,[a] at sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya,
18 
[b]
 at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan.[c] 19 Ibibigay ko sa iyo ang
kapangyarihan[d] sa kaharian ng Dios.[e] Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal din
sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.”

Ang isang matagumpay na Iglesya na inilarawan ni Cristo ay magwawagi laban sa kaharian ng


kadiliman. Ginamit ni Jesus at ni Pablo ang salitang iglesya bilang pagtukoy sa mga mamayan ng
Diyos.

Ang iglesya ay hindi kaylanman tumutukoy sa gusali.

Kahalagahan ng iglesya:

TUNAY KAIBIGAN

Kawikaan 17:17
17 
Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at nagkaroon tayo ng kapatid upang sa
kagipitan ay tumulong.

Kawikaan 18:24
24 
May mga pagkakaibigang hindi nagtatagal, ngunit may pagkakaibigan din na higit pa sa
magkapatid ang pagsasamahan.

MAGANDANG PAGSASAMAHAN

Gawa 2:42, 44-46


Naging masigasig sila sa pag-aaral ng mga itinuturo ng mga apostol, sa pagtitipon bilang
42 

magkakapatid, sa paghahati-hati ng tinapay, at sa pananalangin. 44 Maganda ang pagsasamahan


ng mga mananampalataya, at pinag-isa nila ang kanilang mga ari-arian para makabahagi ang
lahat. 45 Ipinagbili nila ang kanilang mga lupa at mga ari-arian, at ang peraʼy
15
ipinamahagi nila sa kanilang mga kasama ayon sa pangangailangan ng bawat isa. 46 Araw-
araw, nagtitipon sila sa templo at naghahati-hati ng tinapay sa kanilang mga bahay. Lubos ang
kagalakan nila sa kanilang pakikibahagi sa pagkain,

TUNAY NA SUMASAMBA

Juan 4:23-24
Tandaan mo, darating ang panahon, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay
23 

sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan. Ganito ang uri ng mga sumasamba na hinahanap
ng Ama. 24 Ang Dios ay espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa
pamamagitan ng espiritu at katotohanan.”

MAGDISIPULO

Isa sa mga pinag-utos ni Jesus ay ang pagpunta sa lahat ng lahi at gawin silang tagasunod
(disipulo) ni Cristo, bautismuhan sila at turuanang sumunod sa Salita ng Diyos.

Mateo 28:19-20
19 
Kaya puntahan ninyo ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod ko.
Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. 20 Turuan
ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: lagi ninyo akong
kasama hanggang sa katapusan ng mundo.”

MGA KATANUNGAN

 Ikaw ba ay handang maging tagasunod ni Jesus?


 Nais mo bang maibahagi o magturo patungkol sa pagsunod kay Cristo?
 Ikaw ba ay aktibong kasapi ng isang local na simbahan?

16

TESTIMONYA
BAGONG BUHAY NA KAAYA-AYA
Marcos 5:18-19
18 
Nang sumasakay na si Jesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang lalaking gumaling na isama
siya. 19 Pero hindi pumayag si Jesus. Sa halip, sinabi niya sa lalaki, “Umuwi ka sa pamilya mo at
sabihin mo sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at kung paano ka niya
kinaawaan.”

Kung ikaw ay isang tao na gumaling mula sa sakit na dulot ng pandemya at merong personal na
kaalaman paano nagtagumpay sa sakit, ito ba ay iyong sasarilinin o iyong ipapaalam upang
saganoon ay makatulong sa mga dumadanas ng sakit?

Ang iyong testimonya ay mahalaga at maaring makatulong sa mga taong makakarinig nito na
nawalan nan g pag-asang gumaling.

MGA GABAY SA PAGBAHAGI NG IYONG TESTIMONYA

Una, ibahagi ang iyong dating buhay na wala pa si Cristo.


Ikalawa, ibahagi kung paano mo nikilala si Jesus.
Ikatlo, ibahagi ang buhay mo ng pagsunod kay Jesu-Cristo.

Ayusin at iwasto ang pagbabahagi ng iyong buhay na may tagal na 3 hanagang 5 minuto.

PAANO MAGBAHAGI NG MAGANDANG BALITA

Ang ebanghelyo ni Cristo.

Wag mong ikahiya ang Magandang Balita

Roma 1:16
Hindi ko ikinakahiya ang Magandang Balita tungkol kay Cristo, dahil ito ang kapangyarihan
16 

ng Dios sa ikaliligtas ng lahat ng sumasampalataya – una ang mga Judio at gayon din ang mga
hindi Judio.
17

PAANO MAG DISIPULO

Mateo 28:19-20
19 
Kaya puntahan ninyo ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod ko. Bautismuhan
ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. 20 Turuan ninyo silang
sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: lagi ninyo akong kasama hanggang sa
katapusan ng mundo.”

2 Timoteo 2:2
Ituro mo rin sa mga mapagkakatiwalaang tao, na makakapagturo rin sa iba, ang mga aral na

narinig mo sa akin sa harapan ng maraming saksi.

MGA KATANUNGAN

 Handa mo bang ipakita na ang buhay mo ay isang saksi kay Cristo?


 Ibahagi mo ang iyong testimonya sa mga mahal mo sa buhay.
 Humayo ka at gumawa ng mga tagasunod ni Cristo gaya mo.

You might also like