You are on page 1of 3

 Sagutin ang mga Gawain sa iyong kwaderno.

 Ipasa ito sa susunod na linggo (ika-6 ng Marso taong 2023)

UNANG GAWAIN
PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at ipaliwanag ang mga ito. Isulat ang sagot sa
talahanayan sa bawat titik.(15 puntos)

a. Mahalaga ang pagsusukta ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran. Marami silang


pormulang nadiskubre para sa mga kaangkinang metriko (metric property) ng mga hugis
na ito gaya ng:

Pythagorean Theorem
Sa isang right triangle, ang sukat ng pinakamahabang bahagi nito na tinatawag na
hypotenuse ay katumbas ng square root ng suma ng square ng 2 sides.

a c
𝑐 = √ 𝑎 2 + b2

b
Halimbawa, ang Egyptian Triangle ay may side na 3, 4, 5. Ito ay isang right triangle
dahil ang square ng 5 na 25 ay katumbas ng suma ng square ng 3 na 9 at ng square ng 4
na 16.

Pangunahing kaisipan: ____________________


Pagpapaliwanag:
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

b. Batay sa kasalukuyang kaalaman, may dalawang paraan ng pag-clone ng mga mammal.


Ang unang pamamaraan ay maituturing na artipisyal na pagpapakambal. Sa sistemang
ito, ang mga cell na bumubuo ng isang murang embrion ay pinaghihiwalay upang maging
dalawa o higit pang indibidwal. Sa ganitong proseso, kinakailangan munang maganap
ang fertilisasyon, nagsasagawa ng teknolohikal na interbensiyon ang mga siyentista
upang gawing kambal (o higit pa) ang nabuong embrion. Ang proseso ay walang
ipinagkaiba sa pagkakabuo ng kambal na natural na nangyari sa kaso ng identical twins.
Kaya lamang gumagamit ang tao ng ganitong uri ng cloning ng interbensiyong
teknolohikal ay upang mapuwersa ang pagkakambal.
Pangunahing kaisipan: ____________________

Pagpapaliwanag:
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

c. Lumabas sa Sansinukob ang mga unang atom pagkatapos ng humigit-kumulang na 300


libong taon pagkatapos ng Big Bang. Nang bumaba ang temperature ng Sansilukob sa
5000K ang pinakamagaan at pinakasimpleng atom, ang hydrogen, ay naiporma na rin. Sa
pamamagitan ng komplikasdong interaksyon at pagsasalpukan ng iba’t ibang partikulo at
atom, unti-unting sumipot ang Sansinukob na ating ginagalawan ngayon.
Mga sampu hanggang dalawampung bilyong taon na ang nakaraan pagkatapos ng Big
Bang, ang ating Sansinukob ay may temperaturang humigit-kumulang sa 3K. Ang
Sansinukob ay hindi na symmetrical at ang dating iisang puwersa ay naging apat na
interaksyon na, at wari bang sadyang naiiba sa isa’t isa.

Pangunahing kaisipan: ____________________


Pagpapaliwanag
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

d. Pahalikan ito sa barnis bago ipiit.


Sa apat na sulok ng sinasalaming kahoy
Saka isabit sa dingding
Upang tingalain
Habang marahang dinadapuan
Ng sampal ng alikabok,
Paminsan-minsang alalahaning
Alayan ito ng dampi ng mamasa-masang basahan

Pangunahing kaisipan: ____________________


Pagpapaliwanag
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

e. Mabuhay nang masaya


Mag-enjoy sa swimming pool,
Palaruan, piknikan, hardin,
Parke, basketbolan
Maging bahagi ng
Komunidad na kumpleto
Sa modernong mga
Pasilidad!
Pangunahing kaisipan: ____________________

Pagpapaliwanag:
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

IKALAWANG GAWAIN
PAGTUTUKOY
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pahayag at tukuyin kung anong Kohesyong
Gramatikal/Cohesive Device (Anapora, Substitusyon, Ellipsis, Pang-ugnay, o Repetisyon) ang ginamit.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang tambilang.

____________________ 1. Nakita mo ba ang aksidente? Oo, nakita ko…


____________________ 2. Kailangang ingatan ang mga balotang gagamitin sa halalan. Talaga siyang
kailangan.
____________________ 3. Mayaman si Sam samantalang si Kyle ay mahirap. Kapwa sila kandidato
sa Student Council.
____________________ 4. Sumali si Sam at Kyle sa halalan. Naniniwala sila na mananalo si Kyle.
____________________ 5. Maraming bumuto kay Ding ngunit bakit siya natalo?

IKATLONG GAWAIN

Gamit ang Venn Diagram, tukuyin ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga uri at paraan ng
paglalarawan batay sa iyong naunawaan sa bagong aralin tungkol sa tekstong deskriptibo. (10 puntos)

You might also like