You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
District of Lobo
BALIBAGO-BIGA NATIONAL HIGH SCHOOL

MR. FELINO M. MAGPANTAY


Manager
Lobo Agro Industrial Development MPC
Poblacion, Lobo, Batangas

Sir,

Isang pinagpalang araw!

Nalalapit na naman ang pagbubukas ng face-to-face classes, kaya naman ngayong panahon ng Brigada
Eskwela 2022, ang Mataas na Paaralan ng Balibago-Biga ay ninanais na kayo ay aming lapitan bilang
partner namin sa aming PROJECT LODI – “Lingkod, Oras at Dedikasyon ng bawat Indibidwal para
sa paaralan” at maging bahagi ng Brigada Heroes. Kaya sa mga oras na ito, kami ay kumakatok sa
inyong ginintuang puso na gawin kayong sponsor ng dalawang stand fan na makakatulong sa
magandang daloy ng hangin sa aming silid-aklatan. Asahan ninyong ang inyong ipagkakaloob ay
iingatan namin sa abot ng aming makakaya nang sa gayon ay mapakinabangan pa ito ng maraming
mag-aaral.

Hangad namin na ang aming kahilingan ay inyong mapagbibigyan.


God bless and more power!

Lubos na gumagalang,

JEANY P. RAMIREZ
School Brigada Coordinator

LUCIA C. GARCIA
Head Teacher II

You might also like