You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
Schools Division Of Batangas City
BALAGTAS ELEMENTARY SCHOOL
Balagtas, Batangas City
_______________________________________________________________________________________________________________________
Martes Abril 11, 2023

Ikatlong Markahan
Banghay Aralin sa MUSIC 1
I. Layunin
Nailalarawan ang mabilis at mabagal na kilos sa pagsayaw na kaangkop sa tugtugin.
MU1TP-IVa-2

II. Paksa: Pagbilis at Pagbagal ng kilos.


Batayan: Most Essential Learning Competencies : p.245
Music Curicullum Guide p.13
Music teacher’s Module pah. 6-12
Kagamitan: tsart ng awit

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pangganyak:
Pag-awit na may kasamang Pagkilos “ Si Mang Donald”

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Pagmasdang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng mabilis
na kilos at mabagal na kilos sa pagsayaw?

Nakikita at nadarama natin ang ganda ng musika na kaloob sa atin ng Diyos. Makakaawit
tayo at makakakilos ng mabilis at mabagal ayon sa naririnig nating himig o tugtugin. Nakadepende
din ito sa ating damdamin. Kapag tayo ay masaya ganoon din ang aawitin natin at kung tayo ay
malungkot ang awit natin ay malungkot din.

2. Paglalahat
Tandaan:
Maipadama natin ang damdaming nais nating ihatid sa pag-awit ng mabilis at mabagal. Dito ay
maipapahayag natin ang ating tunay na nadarama kapag umaawit.
Nakakaawit tayo ng mabilis kapag tayo ay masaya at mabagal na awit kapag tayo ay malungkot.

3. Paglalapat
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Subukang awitin ng mabilis ang “ Leron Leron Sinta” habang
isinasabay ang paggamit ng kutsara at tinidor bilang pansaliw. Matapos ito, awitin naman ito ng
mabagal gamit pa rin ang pansaliw.

Building Excellence through Synergy


Address: Kalye B, Balagtas, Batangas City
Email: 109583balagtases@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
Schools Division Of Batangas City
BALAGTAS ELEMENTARY SCHOOL
Balagtas, Batangas City
_______________________________________________________________________________________________________________________

IV. Pagtataya:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawain ang panuto. Sagutin ng Opo at Hindi po
ang mga tanong sa ibaba.
____1. Nabigyan mo ba ng damdamin ang iyong pag-awit gamit ang kutsara at tinidor?
____2. Nakaawit ka ba ng mabilis?
____3. Nakaawit ka ba ng mabagal?
____4. Masaya ka ba habang umaawit ka ng masayang awitin?
____5. Malungkot ba ang naramdaman mo habang umaawit ka ng malungkot na awit?

V. Kasunduan:
Pakinggan at awitin ang awit na bahay kubo. Gawin ito sa mabilis at mabagl na himig. Ilarwan
ang isinagang pagkilos.

Building Excellence through Synergy


Address: Kalye B, Balagtas, Batangas City
Email: 109583balagtases@gmail.com

You might also like