You are on page 1of 13

4

Homeroom Guidance
Unang Markahan – Modyul 3:
Handa, Itakda, Tara!
Homeroom Guidance – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan– Modyul 3: Handa, Itakda, Tara!
Unang Edisyon, 2021

The Intellectual Property Code of the Philippines states that “No copyright shall subsist
in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment
of royalties.”
Borrowed materials (e.g., texts, illustrations, musical notations, photos, and other
copyrightable, patentable contents) included in this learning resource are owned by their
respective copyright and intellectual property right holders. Where applicable, DepEd has
sought permission from these owners specifically for the development and printing of this
learning resource. As such, using these materials in any form other than agreed framework
requires another permission and/or licensing.
No part of this material, including its original and borrowed contents, may be reproduced in
any form without written permission from the Department of Education.
Recommended Entry
Department of Education. Homeroom Guidance Grade 4 Self-learning Modyul 3: Handa,
Itakda, Tara!
Manila: Department of Education Central Office, 2021.
Published by the Department of Education, Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio, Assistant Secretary: Alma Ruby C. Torio
Development Team Mga Bumubuo ng Nakontekstwal na Modyul
Writer: Vigiline A. De Vera Sta Cruz (Annex) Elementary School
Manunulat: Angelica V. Sunga
Grade Level Coordinator: Laila C. Aniciete
Cleopatra Daisy T. Aguinaldo Virgilo N. Guinto Jr.
Tagalapat: Angelica V. Sunga
Editors: Mark Anthony
Tagasuri at Editor ng Nilalaman:
Bercando, Jona
Angelica V.Sunga
Kirsten Valdez,
Tagasuri ng Wika: Angelica V. Sunga
Melynda Andres
Masantol North District
Illustrator: Jerichko Bauer L. Laroco Tagalapat:
Arnel Q. Mendoza
Layout Artist: Cathyrine B. Homecillo Tagasuri at Editor ng Nilalaman:
Language Editor: Rowena M. Duero Lourdes C. Fajardo
Tagasuri ng Wika:
Michael Q. Manansala
Management Team:
Tagapamahala:
- Bureau of Curriculum
Renato B. Canilao
Development: Jocelyn DR. Public Schools District Supervisor
Andaya, Director IV, Ma. Isabel A.
Jerome N. Manansala
Victorino, CSDD Chief, Mark P-I, Sta Lucia Elementary School
Anthony V. Bercando,
Ma. Theresa Q. Saclao
Supervising EPS, Jona Kristen P-III, Masantol Elementary School
Valdez, Senior EPS Melynda Lourdes C. Fajardo
Andres, Senior EPS MT-II, HGP Coordinator
- Bureau of Learning Resource
Homeroom Guidance – Ikaapat na Baitang
Unang Markahan – Modyul 3:
Handa, Itakda, Tara!

Gabay sa Magulang/ Tagapag-alaga

Tutulungan ng modyul na ito ang mga mag-aaral upang


magkaroon sila ng tamang desisyon at maging responsable.

Makatutulong ang araling ito upang magkaroon sila ng


ideya sa mga hakbang na dapat gawin tungo sa angkop na
desisyon, hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi para sa
pamilya, at maging para sa ibang tao. Maaaring may mga
pagkakataong humingi ng tulong ang mag-aaral sa pagsunod sa
mga tagubilin at pagsagot sa mga tanong sa bawat bahagi ng
mga gawain. Hinihiling ng Kagawaran ang inyong suporta at
pakikiisa upang matagumpay niyang maisakatuparan ang
bawat bahagi tulad ng mga sumusunod:

1. Maaaring gawin ng mag-aaral sa loob ng apat na linggo


ang mga gawaing nakapaloob dito.
2. Mangangailangan ng panulat at papel ang mag-aaral
upang masagutan ang mga gawain at katanungan sa
Processing Questions. Kung makapagbibigay ng
worksheet ang paaralan, maaaring ito ang gamitin
para sa anumang ipinagagawa.
3. Kailangan din ng pangkulay para sa unang bahagi ng
gawain sa pagguguhit ng Outfit Of the Day (OOTD).
4. Tiyaking sasagutin niya ang bawat bahagi nang tapat.
May limang gawain at tatlong set ng Processing
Questions ang modyul na ito.
5. Pagsama-samahin sa isang folder na may fastener ang
mga gawaing isinulat niya sa papel. Ito ang
magsisilbing portfolio niya sa Homeroom Guidance.
6. Siguraduhing maipapasa niya ang kaniyang portfolio
sa petsang itinakda ng kaniyang gurong-tagapayo.
Introductory Message
For the learner:

This module is designed for you to learn how to make


a sound decision in life. These decisions do not only affect
you, but others as well. It is important to make good
decisions because it can affect your relationship with your
family members and the people around you. There are six
interactive activities provided for you to practice and
complete, namely:

Let’s Try This – which will help you to get ready to learn;

Let’s Explore This – which will guide you towards what


you need to learn;

Keep in Mind – which will give you the lessons that you
need to learn and understand;

You Can Do It – which will help you apply the lessons


learned in daily activities;

What I Have learned – which will test and evaluate your


learning; and

Share Your Thoughts and Feelings – which will help you


express your thoughts, opinions and feelings.

You can ask help from your parent or guardian if you need
some clarifications about the activities.

Have fun learning! Stay safe and healthy!


MODYUL
Handa, Itakda, Tara!
4
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. natutukoy ang mga magandang dulot ng pagkakaroon ng
mga mabisang gawi sa pag-aaral;
2. napahahalagahan ang importansya ng kakayahang
makapag-aral nang nakadepende sa sariling kakayahan;
at
3. nakagagawa ng sariling “study plan”.
Itinakdang Araw ng Pagsagot:
Ikaapat na Linggo ng Unang Markahan

Itinakdang Oras ng Pagsagot: 60 minuto

Mga Kailangan Kagamitan: papel, krayola, lapis

Panimula

Ang iyong paglalakbay bilang mag-aaral ay iba sa


paglalakbay ng iyong mga kamag-aral. Bawat mag-aaral ay
mayroong kakaibang paraan sa pagsukat ng tagumpay. Ang iba
ay nakararamdam ng tagumpay sa pagkamit ng pefect attendance.
Ang iba naman ay iniisip na ang tagumpay ay ang pagkamit ng
medalya at karangalan.

Higit sa lahat ng pagkilala, kailangan mong maintindihan na


ang tagumpay sa paaralan ay nakasalalay sa mga gawi sa pag-
aaral na iyong nahubog sa pagdaan ng panahon. Bilang mag-aaral
sa elementarya, hindi pa huli para mas mapabuti ang iyong mga
gawi sa pag-aaral. Hayaan mong gabayan ka ng modyul na ito sa
iyong paglalakbay tungo sa matagumpay at masayang buhay
bilang isang mag-aaral. Pangunahing layunin nito na matulungan
ka sa pagbuo ng mabisang gawi sa pag-aaral at kayang mag-aaral
na nakadepende sa sariling kakayahan.
Gayundin, matututuhan mong bumuo ng positibong
saloobin na makakatulong sa iyo sa bawat kahirapan na iyong
pagdadaanan habang ikaw ay natututo, pagbutihan, magsikap
ka, at unahin ang pag-aaral. Maging masaya habang natututo!

Balik-aral

Sa ikalawang modyul, naiugnay mo ang iyong sarili sa iba.


Napatunayan mong kaya mong ibigay ang panggalang sa iba sa
pamamagitan ng pakikitungo nang maayos sa kanila.

Subukin Natin

Itinakdang Oras nang Pagsagot: 10 minuto

Ano ang Naaayon sa Akin?


Ang bawat indibidwal ay natututo sa iba’t ibang paraan.
Mayroon tayong sari-sariling istilo sa pag-aaral. Para makapag-
aral nang mabuti, mahalagang maintindihan kung ano ang
naaayon sa iyo at kung ano ang hindi.
Mula sa mga gawi sa pag-aaral na nakalista sa ibaba,
kilalanin ang mga naaayon sa iyo. Kopyahin ang talahanayan at
lagyan ng tsek ang mga pahayag na tugma sa iyo. Pagkatapos,
sagutan ang mga pamprosesong katanungan.
Kasanayan sa Pag-aaral na Naaayon sa Akin!
1 Ako ay nagtatakda ng mga layunin para sa aking
sarili.
2 Ako ay nagpaplano ng tiyak na oras ng pag-aaral sa
bawat araw.
3 Ako ay mayroong maikling pahinga habang nag-
aaral.
4 Ako ay naglaan ng lugar para sa aking pag-aaral.
5 Ako ay nag-aaral sa tahimik na lugar kung saan wala
gaanong istorbo.
6 Ako ay nagsusulat ng mahalagang detalye sa bawat
paksa.
7 Ako ay nagsusulat ng mga gawaing kailangan kong
gawin araw-araw.
8 Ako ay nagsisimula ng mag-aral ilang araw bago ang
itinakdang pagsususlit.
9 Ako ay nag-aaral kasama ng aking mga kapatid,
kaibigan o magulang.
1 Ako ay nag-uumpisang gumawa ng mga aralin mula
0 sa pinakamadali bago ang pinakamahirap.

Pagprosesong Katanungan:
1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong kasanayan sa pag-aaral?
2. Paano makatutulong ang mga kasanayang ito sa pagtapos ng
mga gawain sa paaralan?
3. Paano mo mapagbubuti ang iyong kasanayan sa pag-aaral?
Tuklasin Natin
Itinakdang Oras ng Pagsagot: 15 minuto
Ako at ang Aking Lugar sa Pag-aaral
Ang iyong lugar sa pag-aaral ay nakaaapekto sa kakayahan
mong makapag-aral nang maayos. Sa kasalukuyang sitwasyon,
isa sa mga hamon na dapat mong isaalang-alang ay ang paghanap
ng maganda at komportableng lugar para mag-aral.
1. Para sa gawaing ito, gumuhit ng aktuwal na larawan ng iyong
sarili na nasa bahagi ng inyong bahay kung saan ka nag-
aaral.
2. Isaalang-alang ang mga sumusunod sa pagguhit ng
larawan.
a. Ano ang itsura ng lugar kung saan ka nag-aaral?
b. Saang parte ito ng inyong bahay?
c. Ano ang mga bagay na iyong ginagamit sa pag-aaral?
3. Gumamit ng bond paper at mga kagamitan sa pagguhit.
Pamprosesong Katanungan:
Isulat ang mga sagot sa parehong papel na ginamit sa naunang
gawain.
1. Ano ang iyong pakiramdam habang ginagawa ang gawain?
2. Ano ang mga bagay na kailangan mo pang ayusin sa iyong
sariling lugar sa pag-aaral ?
3. Paano nakatutulong sa iyong pag-aaral ang pagkakaroon ng
magandang lugar sa pag-aaral?
Itanim Sa Isip

Itinakdang Oras nang Pagsagot: 15 minuto


Handa?
Ang paggawa sa iba’t ibang gawain sa paaralan ay isang
paghahanda tungo sa pagkamit ng iyong mga hangarin sa buhay.
Upang maisakatuparan ito, kinakailangan mong magkaroon ng
mga plano at handa kang kumilos. Sa kasalukuyang sitwasyon,
kailangang isaalang-alang ang mga gawain naiatas sa iyo at ang
mga inaasahang output dito. Ang pagiging handa ang susi upang
maisakatuparan ang mga gawaing naiatas sa iyo.
Itakda
Napakahalagang maitakda natin ang ating mga prayoridad
at ang oras na ilalaan sa pagsasakatuparan ng bawat tungkulin.
Ito ay makatutulong sa pamamahala ng iyong oras at sa pagtuon
ng atensyon upang tiyaking makapaghatid ng mga makabuluhang
output.
Tara!
Upang maging matagumpay ka sa iyong pag-aaral,
kinakailangang maging responsable ka sa iyong sariling
pagkatuto. Sa iyong murang edad, kailangang matuto kang mag-
aral at matuto nang mag-isa.

Subukin at gawin ang mga sumusunod na gawi sa pag-aaral.


Itakda ang iyong oras sa pag-aaral
Isulat ang mga mahahalagang detalye
Unawain ang sariling istilo sa pagkatuto
Magkaroon ng sariling lugar sa pag-aaral
Ihanda ang lahat ng kagamitan sa pag-aaral
Magpokus sa pag-aaral
Iayon ang iskedyul sa iyong mga prayoridad
Huwag susuko sa iyong mga nais makamit.

Iwasan ang mga bagay na nakagagambala

Ang pagsasanay sa mga kasanayang ito sa pag-aaral ay


makatutulong sa iyo lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ang
iyong guro at magulang/tagapangalaga ay nariyan upang ikaw ay
gabayan sa iyong pagsagot sa mga gawain. Subalit, kailangan
mong matutuhan na maging responsable sa iyong sariling
pagkatuto sa pamamagitan ng pagawa ng mga nakatakdang
gawain nang mag-isa. Kaya mo ito!

Kaya Mo Ito!

Itinakdang Oras nang Pagsagot: 10 minuto

Maliban sa pagkakaroon ng maayos na lugar sa pag-aaral,


ang pagbuo ng plano sa pag-aaral ay isa ding mabisang kasanayan
sa pag-aaral na makakatulong sa iyo sa pagtuon ng pansin sa
iyong mga gawaing pampaaralan. Ito ay makatutulong din para
masusubaybayan mo ang iyong mga gawain. Kopyahin ang mga
sumusunod na talahanayan sa malinis na papel o gumamit ng
worksheet kung meron. Ang mga halimbawa ay ibinigay para
maging gabay mo.
Pangalan:____________________________________________
Ang Aking Gabay sa Pag-aaral
Mga
araw Miyerk Huweb Biyerne
Lunes Martes Sabado Linggo
ng ules es s
Linggo
Mga Mag- Sagu- Magbas Magsag Pagsas Pag- Pag-
Aktibid basa tan ang a ng ot ng a-nay aralan aralan
ad na ng Eng- lahat bahagi mga sa ang ang
Gagawi lish na ng tak- ng Math ispeling mga mga
n libro dang- diyaryo Proble naka- naka-
aralin . m raang raang
aralin aralin

Libro Papel, Diyaryo Libro Spelling Libro at Libro at


Mga sa Eng- kwa- sa book talaan talaan
Kinaila lish derno, Math,
ngang at lapis calculat
Kagami or,
tan papel
at lapis

Mga Natutuhan Ko

Itinakdang Oras nang Pagsagot:5 minuto


Kumpletuhin ang mg pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa malinis
na papel.
Ang pagkakaroon ng maayos na gawi sa pag-aaral ay susi sa
________________________________________________________________
Para sa akin, ang ibig sabihin ng pag-aaral nang mag-isa ay
_______________________________________________________________
Pagbabahagi ng Kaisipan at Saloobin

Itinakdang Oras nang Pagsagot: 5 minuto


Ako ay Handa at Nakatakda na

Binabati kita at umabot ka hanggang dito! Ang iyong huling


pagsubok ay pagnilayan ang iyong mga gawi sa pag-aaral. Itala
ang (a) mga gawi sa pag-aaral na iyong ginagawa at nais
ipagpatuloy; (b) mga gawi sa pag-aaral na nais mong tutukang
mapabuti; (c) mga gawi sa pag-aaral na iyong natutuhan sa
modyul na ito na nais mong gawin. Gawin ito sa malinis na papel.
===================

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Office Address: Ground Floor, Bonifacio building, DepEd Complex Meralco
Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1074 o 634-1054; 631-4985
E-mail Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like