You are on page 1of 11

6

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 – MODULE 4
Panunungkulan ni Pangulong
Carlos P. Garcia
(Marso 18, 1957 – Disyembre
30, 1961)

0
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang gabayan ka na maunawaan nang husto ang
mga paksa at matuto ng mga bagong kasanayan kahit wala sa loob ng paaralan.

Binubuo ang modyul na ito ng aralin tungkol sa:

1. Programang ipinatupad ni Pangulong Carlos P. Garcia na nakapagdulot ng


kaunlaran sa lipunan at sa bansa.
2. Mga suliranin, isyu at hamon sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong
Carlos P. Garcia.

MELC (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto)

Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa


pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946
hanggang 1972

K to 12 BEC CG: (AP6SHK-IIIe-g-5)

Matapos mong basahin at sundin ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:

1. Maiisa-isa ang mga programa ni Pangulong Carlos P. Garcia na nakapagdulot


ng kaunlaran sa lipunan at sa bansa.
2. Makabubuo ng konklusyon tungkol sa pamamahala ni Pangulong Carlos P.
Garcia
3. Makapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa mga programang ipinatupad ni
Pangulong Garcia.

1
Tuklasin Carlos P. Garcia

Isang araw matapos pumanaw si Pangulong


Magsaysay, nanumpa si Pangalawang Pangulo
Carlos P. Garcia bilang Pangulo ng Pilipinas. Tinapos
niya ang panahon ng panunungkulan ni Pangulong
Magsaysay. Noong Nobyembre 12, 1957, nanalo siya
sa halalan bilang pangulo at kasabay nito ang
pagkakahalal ni Diosdado Macapagal bilang
Pangalawang Pangulo. https://www.bing.com/images/search

Pagkaluklok niya bilang pangulo ng Pilipinas sinabi niya sa kanyang Ikatlong


State of the Nation Address noong Enero 25, 1960 na dapat mga Pilipinong
negosyante ang hahawak sa ating industriya at hindi dayuhan.
https://prezi.com/fcoeeae9zhwd/mga-patakarang-ipinatupad-ni-pang-carlos-p-garcia/

Inilunsad niya ang isang programa para magkaroon ng matipid at maayos na


pamumuhay. Ang Austerity Program niya ay naglayong makapagtipid sa paggasta ang
pamahalaan, maging maayos ang paggawa, mapalaki ang pamumuhunang kapaki-
pakinabang, maging matapat at magbigay ng kasiya-siyang paglilingkod sa taong-
bayan. Inilunsad din niya ang Programa sa Pagtitipid upang sugpuin ang katiwalian sa
pamahalaan,

Iba pang Programang Ipinatupad ni Pangulong Garcia.

1. Patakarang Pilipino Muna o Filipino First Policy dahil marami ang mga dayuhang
mangangalakal sa bansa noon. Ayon sa Programang ito, dapat bigyan muna ng
lahat ng pagkakataon ang mga Pilipino na mapaunlad ang kanilang kabuhayan
bago ang mga dayuhan. Mula noong 1946 ay malaya tayo sa larangang politikal
ngunit sa larangang ekonomiko ay nananatili tayong mala-kolonyal. Isa sa mga
dahilan kung bakit mala-kolonyal ay ang Parity Rights. Isa itong halimbawa ng
patakaran na may mas malaking benepisyo para sa mga dayuhan kaysa sa atin.
2. Filipino Retailers Fund Act (1955) na nagpautang sa mga Pilipino.
3. National Marketing Corporation Act (NAMARCO): nagtustos sa maliliit na
Pilipinong mangangalakal.

2
Mahusay na palatuntunan ang inilunsad ni Pangulong Garcia, ngunit hindi rin
napigilan ang mga suliranin sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin. Hindi natamo ang
katiwasayan ng bansa, at lumaganap din ang mga katiwalian sa pamahalaan.

Ang Patakaran sa Pakikipagkalakalan sa Estados Unidos

Subic Military Base Naging suliranin ng ating bansa


noong panahon ng panunungkulan ni
Garcia ang lumalang kakulangan sa
reserbang dolyar sa bansa. Upang
maiwasan ito ipinatupad niya ang
paghihigpit sa pag-aangkat. Bunga
nito naging mahina ang kalakalan ng
Pilipinas at Amerika. Subalit ang
suliranin sa pananalapi ng bansa
http://gg.gg/nje7y ay nanatili pa rin.
https://www.bing.com/images/search?q=Subic%

Naghabol ang Pilipinas sa Estados Unidos sa pananagutan nito sa ating bansa.


Binawi ng mga Pilipino ang mga buwis na nasingil ng Estados Unidos sa Pilipinas. Ito
umano ay salungat sa kasunduan ng dalawang bansa. Tinanggihan ng Estados Unidos
ang paghahabol na ito. Sa halip, binawasan pa nila ang tulong na pnaanalapi sa
Pilipinas.

Ang mga Base Militar ng Estados Unidos

Nakapagpatupad si Pangulong Carlos Garcia ng ilang mga pagbabago:

 Ang pagtataas ng bandilang Pilipino na katabi ang bandilang Amerikano sa


mga base militar simula noong unang araw ng Mayo, 1957.
 Ang pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas ng daungang pang militar
sa Maynila na dating kontrolado nila.
 Ang pagpapaikli sa 25 taon na pag-upa sa mga base militar sa halip na 99
taon.
 Pagkonsulta ng pamahalaan ng US sa Pilipinas bago magtayo ng lunsaran
ng mga missiles.

3
 Ang pag-aalis ng karapatan ng mga Amerikano sa pagkontrol sa Olongapo.

Naging isyu ang mga base militar ng mga Amerikano noong panahon ng
panunungkulan ni Carlos P. Garcia dahil sa di-pagtaas ng bandilang Pilipino sa mga
base, pagkakaroon ng mga armas na nuclear dito at ang di-pantay na paggawad ng
katarungan sa loob ng mga base militar ng mga Amerikano.

Nagkaroon din ng mga limitasyon sa mga instalasyong militar ng Estados


Unidos sa bansa. Kabilang dito ang Clark Air Base, Sangley Point Naval Base, Subic
Base, at Camp John Hay. Napagkasunduan ng mga Pilipino at Amerikano na maglagay
ng mga missiles sa dalawang base bilang panangga sa sinumang dayuhan na sasalakay
sa dalawang bansa.

May mga suliraning naging balakid sa ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos


sa panahon ng pamamahala ni Carlos P. Garcia. Ito ang di-makatarungang pakikitungo
ng mga Amerikano sa mga manggagawang Pilipino sa mga base militar, di-pantay na
paggawad ng katarungan sa mga Pilipino at Amerikanong nagkasala sa loob ng base,
at ang pagbibintang na magnanakaw ang mga Pilipino sa mga base.

Suriin
Gawain 1:
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang Tama kung ang pahayag o
pangungusap ay nagawa ni Pangulong Carlos P. Garcia at Mali kung hindi.

______1. Pagpapatupad ng patakarang Filipino Retailers’ Fund Act (1955)

______2. Paglalagay ng limitasyon sa mga instalasyong militar ng Estados Unidos sa

bansa.

______3. Pagpapatanyag ng pagsusuot ng Barong Tagalog

______4. Pagpapatupad ng paghihigpit sa pag-aangkat.

______5. Pagpapasigla ng Agricultural Credit and Cooperative Financing

Administration

4
Gawain 2:

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang upang mabuo ang pangungusap para
matukoy ang inilalarawan. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

buwis pagtitipid limitasyon


Filipino First Policy (Pilipino Muna) National Marketing Corporation Act
(NAMARCO)

1. Sa pagnanais na masugpo ang katiwalian sa pamahalaan, inilunsad ni


Pangulong Garcia ang programa sa ________________________.
2. Ang paglalagay ng _____________________ sa mga instalasyong militar ng
Estados Unidos sa bansa ay isang pagbabagong ipinatupad ni Pangulong Garcia.
3. Ang _______________________ ay programang ipinatupad na nagtutustos sa
maliliit na Pilipinong mangangalakal.
4. Nilutas ng pamahalaan ang suliraning dumami ang mga dayuhang
mangangalakal sa bansa sa pamamagitan ng programang
__________________.
5. Salungat sa Kasunduan ng Pilipinas at United States ang pagbawi ng mga
Pilipino ng mga ____________ na nasingil ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Gawain 3:

Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat ito sa sagutang papel. Bakit ipinatupad
ang Filipino First Policy?

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

1. Paano iniwasan ang lumalalang kakulangan sa reserbang dolyar sa bansa?


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Ano ang mga suliraning naging balakid sa ugnayan ng Pilipinas at Estados


Unidos sa panahon ng pamamahala ni Pangulong Garcia?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

5
Tayahin

I. Panuto: Basahin at intindihin ang mga sumusunod na aytem. Piliin at isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Pang ilang pangulo ng Republika ng Pilipinas si Pangulong Carlos P. Garcia?

A. Pangalawa B. Pang-apat C. Pangatlo D. Panglima

2. Base sa Ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Garcia, sino ang dapat
humawak sa ating industriya?

A. Dayuhan C. Pilipinong negosyante


B. Mangangalakal D. Tsino

3. Bakit ipinatupad ang Austerity Program ng Pamahalaan?

A. Para sa matipid na paggasta at maunlad na kalakalan.


B. Para sa matipid na paggasta at matapat na paglilingkod.
C. Para sa mahigpit na pagpapatupad ng batas para sa katahimikan.
D. Para sa maluwang na pangangalakal at mahigpit na pagbubuwis.

4. Ano ang programang kanyang inilunsad na naglalayong dapat unang mabigyan ng


hanapbuhay ang mga Pilipino?

A. Filipino First Policy


B. Land Tenure Reform Law
C. Filipino Retailers Fund Act
D. National Marketing Corporation Act

5. Paano naiwasan ang lumalang kakulangan sa reserbang dolyar sa bansa?


A. Ipinatupad ang paghihigpit sa pagpapadala ng remittances.
B. Ipinatupad ang paghihigpit sa pag-aangkat ng mga produkto.
C. Ipinatupad ang mahigpit na pag-export ng mga kalakal sa bansa.
D. Ipinatupad ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa United States.

6
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging pagbabago sa mga ipinatupad ni Pangulong
Carlos P. Garcia?

A. Pagpapaigsi sa 25 taon na pag-upa sa mga base military sa halip na


99 taon.
B. Pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas ng daungang pangmilitar
sa Maynila.
C. Pagkonsulta ng pamahalaan ng United States sa Pilipinas bago
magtayo ng lunsuran ng mga missiles.
D. Pananaliksik tungkol sa makabagong sistema ng pagsasaka at
bagong uri ng binhi tulad ng Masagana 99.

7. Bakit naging isyu ang mga base militar ng mga Amerikano noong panahon ng
panunungkulan ni Pangulong Carlos P. Garcia?

A. Dahil sa pagkakaroon ng mga armas na nuclear dito.


B. Dahil sa di pagtataas ng bandilang Pilipino sa mga base.
C. Dahil sa di-pantay na paggawad ng katarungan sa loob ng mga
base militar ng mga Amerikano.
D. Lahat ng nabanggit

8. Ano ang dahilan kung bakit mala-kolonyal ang ating ekonomiya?

A. Batas Jones
B. Parity Rights
C. Global Education
D. Reparations Agreement
9. Alin sa mga sumusunod ang layunin sa pagbuo ng Association of
Southeast Asia (ASA)?
A. Mapaunlad ang mga nayon sa Pilipinas.
B. Mapalago ang pag-angkat ng bigas at iba pang pagkain sa ibang
bansa.
C. Mapaunlad ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkultura ng
magkasanib na bansa.
D. Mapatatag ang kabuhayan at mapabuti ang kalagayan ng mga
karaniwang mamamayan.

7
10. Alin sa mga sumusunod ang inilagay sa dalawang base bilang panangga sa
sinumang dayuhan na sasalakay sa Pilipinas at United States?

A. granada B. kanyon C. land mine D. missiles

II. Panuto:
Ano sa iyong palagay ang nagdulot ng malaking kabutihan sa mga programang
ipinatupad ni Pangulong Carlos P. Garcia sa kaniyang kapanahunan. Isulat ang sagot
sa sagutang papel. (5 puntos)
Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang gabay sa pagsulat ng iyong sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pamantayan Iskor
1. Nakapagbibigay ng mga 4-5 programang ipinatupad ni 4-5
Pangulong Garcia
2. Nakapagbibigay ng mga 2-3 programang ipinatupad ni 2-3
Pangulong Garcia
3. Nakapagbibigay ng 1 programang ipinatupad ni 1
Pangulong Garcia

8
Sagot sa Pagwawasto ng mga Gawain

Gawain 1: Gawain 2: Gawain 3:

Sanggunian:

A. Aklat

Antonio, Eleanor D., et.al.2017. Kayamanan .Quezon City, Metro Manila: Rex
Publisher Company Inc.

MELC Araling Panlipunan 6, Department of Education, May 2020


B. Website
https://prezi.com/fcoeeae9zhwd/mga-patakarang-ipinatupad-ni-pang-carlos-p-
garcia/

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mercedes C. Laguisma


Tagasuri:
A. Pang Distrito
Dr. Baby Jean L. Collado Marilou C. Sembran
Dr. Florence C. Mercurio Miamy P. Licudo
Frederick V. Agayo
B. Pang Dibisyon
Dr. Marilex A. Tercias Marlyne S. Asuncion
Dr. Nelda S. Rabang Luzviminda S. Dizon
Dr. Lea C. Cacayan Nida S. Bautista
Dr. Ma. Ruby L. Caballero Marissa S. Quiloto
Frederick V. Agayo Olivia L. Delos Santos
Myrna B. Paras Mary Ann L. Aglosolos
Analisa M. Mulato
Tagapamahala:
Dr. Danilo C. Sison
Mario S. Cariño
Dr. Cornelio R. Aquino
Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

9
Sagot sa Pagwawasto ng Tayahin
Tayahin I:

Tayahin II: (Pagpapasya ng guro 5 puntos)

Rubrik sa Pagsagot sa tanong sa Tayahin II tungkol sa mga programang ipinatupad ni


Pangulong Carlos P. Garcia sa kanyang kapanahunan na nagdulot ng malaking
kabutihan.

Pamantayan Iskor
4. Nakapagbibigay ng mga 4-5 programang ipinatupad ni 4-5
Pangulong Garcia
5. Nakapagbibigay ng mga 2-3 programang ipinatupad ni 2-3
Pangulong Garcia
6. Nakapagbibigay ng 1 programang ipinatupad ni 1
Pangulong Garcia

10

You might also like