You are on page 1of 2

Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan

Amado V. Hernandez

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha

Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:


Ang bahaging ito ay nagpapahayag na mapait ang sinapit ng bansang Pilipinas sa kamay
ng mga dayuhang mananakop, kaya naman ang kapalaran ng lupaing ito ay talagang
masasabing kaawa-awa. Nang dahil sa pananakop, pang-aalipin, at pagpatay sa kalayaan ng
bayan, tila ba'y hindi na makikita pa ang inaasahan na magandang kapalaran para sa bansang
Pilipinas, bagkus ito'y magiging mahirap at kawawa.

Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,


Ipinapahayag ng ikatlong taludtod na kahit pa may sarili tayong pagkakakilanlan tulad ng
watawat o bandilang sagisag, nasasapawan pa rin ito ng mga sa ibang lahi sapagkat ang kanila
ay mas napapaboran. Kaya naman, nananatili tayong nasa anino nila at ang sariling atin ay
natabunan na. Isa pa, sa linyang ito mawawaksi na ang pakikipaglaban para sa bansang
nagbibigay ng pagkakakilanlan, kalayaan, demokrasya, kultura, at tradisyon laban sa mga
dayuhang mananakop ay mahalaga. Nararapat lang na ipagmalaki ang bansang nagbigay sa’yo
ng buhay na puno ng dignidad at kahulugan.

Pati wikang minana mo'y busabos ng ibang wika,


Sa bahaging ito ay nagpapayahag na ang bansang Pilipinas ay nakaranas ng mapait na
karanasan sa kamay ng mga dayuhan. Isinasalaysay rito na ang wikang ating ginagamit ay
natabunan na dahil sa pananakop ng mga dayuhan, hindi na masyadong nagamit ng
mamamayan ang sariling wika dahil sa pangbubusabos ng ibang bansa. Mas napahalagahan
ang wika ng mga dayuhan kung kaya’t nakalimot naman ang ating mamamayan sa sariling
wika.

Ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya,


Ito ay nakakonekta sa kasunod na taludtod na pumapatungkol sa ika-labintatlo ng
Agosto, sapagkat ito ang simula ng kolonisasyon ng mga Amerikano matapos manalo laban sa
mga Espanyol. Ang buong kaisipan din ng piyesang ito ay isang pagsisiwalat ng katotohanan,
ang pagsagot sa tanong na “Malaya na ba talaga tayo?” Kung kaya ay mapapansin ang ilang
mga salita na mahihimigan ng pangamba o takot na maulit ang naging pangyayari noon.

Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila…


Noong labintatlo ng Agosto, 1898, nagkaroon ng digmaan ang mga Amerikano at
Kastila. Naglaban sila para sa sentro ng Manila. Ngunit, nagkaroon din ng lihim na usapan ang
mga Amerikano at Kastila. Ang mga Kastila ay susuko basta’t pipigilan ng mga Amerikano ang
mga Katipunero na mapalibutan sila. Pagkatapos nito, nasakop ng mga Amerikano ang
Intramuros.

You might also like