You are on page 1of 1

SANAYSAY

TEMA; Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino


Ang Pilipinas ay isang bansang Malaya, meron tao, pamahalaan, teritoryo at soberanya.
Mga elemento na dapat taglayin ng isang bansa upang maging ganap ang Kalayaan nito buhat
sa pang aalipin o pananakop ng ibana bansa. Subalit alam ba ninyo na minsa’y ipinagkait ang
kalayaang ito sa atin ng mga dayuhan? Kalayaang pilit ipinaglaban ng ating mga magigiting na
bayani at Pilipinong nagbuwis ng kanilang buhay. Paano nga ba natin natamasa ang kalayaang
ito buhat sa mga dayuhang mananakop, gaya ng Kastila, Amerikano at Hapon. Ating balikan ang
kagitingan ng ating mga mamamayang nakipaglaban sa sa pwersa ng Hapon upang makamit
natin ang ating Kalayaan.
Ang ating bansang Pilipinas ay sinakop ng bansang Hapon sa panimula ng ikalawang
digmaan pandaigdig. Dahil sa kalupitan at walang awang mga Hapon, bumagsak ang Corrigidor
at Bataan na sentro ng Pwersa ng Amerika at Pilipinas. Ito ay kinubkob ng mga Hapon at
maraming mga Pilipino ang pinahirapan at pinatay. Dumanak ang dugo, maraming nagbuwis ng
buhay kahit ang mga kababaihan o mga bata ay hindi pinaligtas ng malupit na pamamahala ng
mga Hapon. Bilang tugon sa kalupitan ng mga Hapon, ang mga mamamayan ay bumuo ng
Samahan upang labanan at wakasan ang imperyong Hapon sa Pilipinas. Sumiklab ang digmaan
at bagamat maraming Pilipino ang nasawi ay nakamtan parin nila ang minimithiing Kalayaan sa
tulong narin ng hukbong sandatahan ng Amerika. Hindi matatawaran ang pinakitang tapang ng
mga Piilipino sa kabila ng kakulangan sa armas ay nagawa nilang mapagtagumpayan ang
digmaan laban sa Hapon. Sila ang mga magigiting nating mga Beterano ng digmaan. Handing
ialay ang buhay at karanganlan para sa kaligtasan ng ating bansa.
Ngayon, tunay na masasabi nating ang pagkakaisa ang magdadala sa tugatog ng
minimithing pangarap at tagumpay. Kagaya ng ating mga magigiting na beterano ng digmaan
na may pagkakaisa, pagtutulungan at may hangaring mapagtagumpayan ang anumang balakid
para sa minimithing Kalayaan. Dapat natin tularan at ipagmalaki ang kanilang ambag dahil ito
ay isang susi ng nagsarang pinto ng kahapon upang magbukas ng panibagong pag-asa at
pagkakaisa sa hinaharap. Dahil ang kagitingan ng mga Beteranong nagbuwis ng buhay ay
pundasyon nating mga Pilipino sa pagkakaisa at tagumpay.

You might also like