You are on page 1of 2

Ang nais ipahiwatig ng tula o iparating sa atin ay malaman natin ang bagay na nangyari noon at

ngayon at makumpara natin ang bawat sitwasyon na patuloy at tuloy pa rin nagaganap sa ating

bansa. Nakasulat sa librong ito ang pamumuno ni Marcos at ni Aquino, simulan natin sa base

militar nangangahulugan na binigyan ng kapangyarihan ng Pilipinas ang Estados Unidos upang

humawak at magkaroon ng mga lupain upang gawing base militar sa Pilipinas pagkatapos

magkaroon ng kasarinlan ang Pilipinas mula sa mga Amerikano. Ang kasunduan sa base militar

ng Estados Unidos sa Pilipinas ay naganap noong 1947. Ang ilan sa mga maraming itinatag na

base militar ay ang Clark Field Air Base (Pampanga), Camp John Hay Leave and Recreation

Center (Baguio) at Subic Bay (Olongapo). Ang nais na epekto ng base militar sa Pilipinas ay ang

pagtataguyod ng kaligtasan ng mga Pilipino. Ipinapahayag sa tula hindi nagampanan o naituwid

ng maayos ang ating bansa na tinuturing nating reyna sa pamumuno ni Ninoy Aquino maraming

umasa, naniwala subalit itoy isang pagkakamali at lumubog sa kurapsyon at mga komunista

damami sa ating bansa. ang lider ay dapat marunong makinig sa taong bayan at mahalin ang

trabaho bilang tatay ng lahat sa ating bansa ngunit hindi niya ito nagawa bilang pangulo naging

kaaway pa ng masa ikaw nga sa tula, hindi mo malaman kung saan ba talaga ang pakay niya

mapaganda at maiangat sa kahirapan ang pilipinas o lumbog ito sa utang at sa pamumuno niya.

Maraming Pilipino ang nagdusa, nagtiis sa maliit na sahod upang makabili ng mga pagkain at

gamot para sa kanilang pamilya. Ang iba pa ay pananamantala sa mga kababaihan makaraos lang

ang mga maruming balak nila sa kanilang katawan at babayaran ito para makabili ng mga

kailangan sa pamilya nila. Lumalabas dito na walang pagbili ng desisyon kundi ayun ang

magagawa dahil sa kahirapan, resulta ng pamamahala ng ating lider lahat tayo ay naapektuhan.

Dumami ang mga komunista kaya sa tingin ko lang, ano man ang gawin ng pamahalaan ay hindi

matatamo ang pakikipagkasundo sa mga komunista maliban na lamang kung ang pamahalaan ay
magiging komunista. Naapektuhan lalo ang mga mahihirap daing nila ay "magtiis at maghintay".

Dito sa tula ay nagsasalita na ang taong bayan hindi na mananahimik ulit lalaban para sa

kinabukasan ng ating bansa, mag aaral, mamamayan. hunyo 12 1898 Naganap sa araw na ito ang

Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Pinagkakaabalahan at binigyan ng kahalagahan ng mga pinuno

ng pamahalaan ang pagdiriwang ng Independence Day tuwing June 12th. Halos sabay-sbay ang

mga bonggang selebrasyon na ginaganap hindi lamang sa Kawit at Luneta kundi sa mga iba’t

ibang lugar ng Pilipinas na dinadaluhan n mga pangunahing pinuno ng pamahalaan at ng mga

opisyal ng ibang bansa. Subalit, dapat nga bang kailangang ipagdiriwang natin ang kalayaan?

Tunay nga bang may kalayaan na tayo? Totoo bang naging Malaya na ang mga Pilipino mula pa

noong 1898 o noong 1946? Makatotohanan bang sabihin na tunay na nabubuhay ang mga

Pilipino sa sariling kayod, sipag at tiyaga na walang tulong sa ibang bansa? Marahil ay dapat

nating harapin na talagang hindi pa Malaya ang Pilipinas. Nakasandal pa rin tayo sa ibang bansa.

Siguro nga ay ito ang masama. Umaasa pa rin tayo sa limos ng mga makapangyarihang bansa

kung kaya’t hindi tayo makaahon-ahon sa ating sariling sakop.

You might also like