You are on page 1of 2

Bullet 3:

Ang dula ay maihahalintulad sa imperyalismo at colonyalismo na tunay na nangyari

sa Pilipinas noong unang panahon. Ang Pilipinas ay sinakop ng Espanya, Amerika at Hapon.

Gaya sa dula, si Inangbayan (Pilipinas) ay gustong sakupin nila Dilatnabulag (Espanya) at

Bagonsibol (Amerika). Ang Pilipinas ay nagsikap na makamit ang demokrasiya sa kabila ng

maraming paghihirap at pasakit na dala ng mga dayuhan. Maraming taon ang nakalipas na

naging alila at naging sunud-sunuran ang mga Pilipino at ito ay maihahalintulad sa dula kung

saan ibibigay ni Inangbayan ang lahat upang mapalaya lamang si Tagailog. Maraming

karakter din sa dula na pinapakita ang personalidad ng mga Pilipino noong panahon ng

imperyalismo, gaya ng pagiging matapang, pagpapakita ng kabayanihan, makatao,

makatarungan at higit sa lahat ay may pagpapahalaga sa inang bayan at sa kanilang mga

kababayan.

Hanggang ngayon ay marami pa ring mga balakid o suliranin na nangyayari sa ating

kasaysayan na sadyang maihahalintulad natin sa dulang “Kahapon, Ngayon at Bukas.” Isa na

rito ay ang problema natin sa kung paano natin kikilalanin o bibigyan ng tamang suweldo

ang ating mga magsasaka. Kung saan sa panahon natin ngayon ay hindi lubos na nabibigyan

ng atensyon ang mga magsasaka sa serbisyo na kanilang inihahatid sa ating mga Pilipino.

Maihalintulad ko ito sa dula noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa atin sapagkat

kahit na ikinukulong ng gobyerno ang karapatan ng mga magsasaka at pinapatay natin

saating isipan ang kanilang malaking tulong ating buhay ay hindi pumasok sa kanilang isipan

na sumuko at itigil ang patuloy na pagyaman sa ating ipinagmamalaking agrikultura. Ang

kahapon ngayon at bukas ay nag-papakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng


kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at

Naka-pokus ang tagumpay ni Inang Bayan laban sa mga nangliliit sakanya. Kasama na dito si

Asal hayop nanakipag-sabwatan kay Haringbata upang igipagbigay alam na Sila Tagailog ay

may balak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni

Inangbayan at sinabing dakpinsiya dahi lipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan.

Katulad sa mga balita ngayon na malapit ang ating Presidente sa pangulo ng Tsina. Dikit

ngayon at malalim ang relasyon ng ating bansa at ang Tsina. Para na tayong sinasakop ng

paunti-unti imbes na tayo ay tumayo sa sarili nating mga paa. Unti - unti nilang binibili ang

mga property sa Boracay para pagtayuan ng kanilang mga negosyo imbis na dapat mga

Pilipino ang namumuno nito.

You might also like