You are on page 1of 8

Romeo at Juliet

PANG-UNA
(Ang mga montagues at capulets ay nagsisigawan sa isa’t-isa)
Montague : Kami ang mga Montague ang pinakamalakas at mga
makapangyarihan
MgaMontagues :Oo nga!!!!
Capulet : hindi, nagkakamali kayo. Kami ang pinakamalakas at
makapangyarihan at wala nang iba na mas makahihigit pa sa amin.
MgaCapulets :Oo nga!!!!
Tagapagsalaysay: lumipas ang mga taon na walang mabuting ugnayan ang
pamilyang montague at capulet. Ang pamilyang montague ay nagkaroon ng
anak na lalaki na si romeo, samantalang sa pamilyang capulet ay si Juliet.
At lumaki silang dalawa na pono ng pagmamahal at pag-aaruga ng kanilang
mga magulang.
UNANG TAGPO:
Tagapagsalaysay: sa pag-iisa ni romeo ay kinakausap niya ang kaniyang
sarili.
Romeo: ano ba itong lungkot na aking nadarama? Bakit ganito. Sana
dumating na yung araw na makikita ko na ang aking minamahal at
makakasama ko na siya habang-buhay.
Tagapagsalaysay: sa pag-iisa ni Juliet ay kinakausap din niya ang kaniyang
sarili
Juliet: ano ba ito! ako’y ikakasal ngunit hindi ko ito pinapangarap. Sino si
paris? Maiibig ko kaya ang ginoo?
IKALAWANG TAGPO:
Tagapagsalaysay: nagsimula na ang kasiyahan sa bulwagan at naroon si
Juliet na nakikipagsayawan. Darating si romeo at makikita niya si Juliet.
Romeo: oh kay ganda ng binibini at ako’y nabighani. Ako ay may
nararamdaman ngunit hindi maipaliwanag. Puso ko na ba’y mayroon ng
minamahal?
Tagapagsalaysay: makikita ni tybalt si romeo at sisitahin niya ito.
Tybalt : aba’t bakit ka naparito, Ikaw na isang montague alipin ng aking
angkan , ikay aking papatayin!
Capulet :Bakit aking pamangkin , anong nangyayari dito?
Tybalt :Tiyo siya ay isang montague ang lahing dapat lamang mamatay!!!
Capulet :Siya ba ang batang nag-ngangalang Romeo?
Tybalt :Siya nga , ang BUHONG si Romeo !!
Capulet :Siya ay isang matapat na ginoo ,pabayaan mo siya !
Tybalt : ano? Ngunit dapat lang siyang mamatay !!
Capulet : (sisigaw) Siya ay iyong pababayaan sino ba ang panginoon dito?
Tybalt : (titingin kay romeo ) tskk!!!
Tagapagsalaysay: lalabas si tybalt. Magtatagpo ang paningin nina romeo at
Juliet.
Juliet :Bakit mo ako tinititigan , may dumi ba ang aking mukha ?
Romeo :Ikaw ay nararapat lamang titigan dahil ang aking puso’y puno ng
kasiyahan
Juliet : hah?
Romeo: maaari ko bang halikan ang iyong kamay binibini?
(Hahawakan at hahalikan ang kamay ni Juliet )
(Ngingiti si Juliet pagkatapos ay tatawagin siya ng kanyang nars)
Juliet: kung gayon ay nasa aking kamay ang salang sa iyo ay nakuha
Romeo: salang buhat sa labi ko? O salang malambing ng iyong binanggit,
ang sala ko’ymuling ibalik
Tagapagsalaysay: hahalikan ulit ni romeo si Juliet sa kanyang pero sa
kanyang noo
Juliet: parang pinag-aralan mo ang paghalik
Nars: senyorita, ikaw ay ipinapatawag ng iyong ina.
Romeo: sino ang kaniyang ina? Siya ba’y isang capulet?
Nars: aba iho, ang ina niya ang ginang nitong tahanan at oo, siya ay isang
capulet
IKATLONG TAGPO:
Juliet : Romeo huwag mong isipin ang ating pangalan ,sapagkat ikaw ang
aking minamahal
Romeo : Kung gayo’y simula ngayon hindi na ako Romeo ng mga montague ,
sapagkat ang pangalan ko na ay santang mahal.
Juliet ; nga pala, paano ka naparito? , at saan kaba dumaan sapagkat
mahaba ang mga pader dito?
Romeo :Nilundag ko ang pader sapagkat ako ay nagkaroon ng pakpak ng
pagmamahal
Juliet :Kapag nalaman nila na nandito ka ikay papatayin nila!
Romeo :Tamisan mo lang ang titig , ay ligtas na ako sa galit
Juliet : Sino ang nagturo sa lugar na ito sa iyo ?
Romeo :Ang pag-ibig natin ang nagturo sa akin papunta sa iyong puso
Juliet :Nais kung ipaalam sa iyo na hindi ako madaling mahuli
Romeo : alam ko pero Sinusumpa ko sa buong mundo na malimit lamang
akong magmahal ng totoo ngunit ito ay buo.
Juliet :Paalam na aking mahal !
Romeo :Iiwanan mo ba akong di nasisiyahan ?
Juliet :Anong kasiyahan ang nais mong makamtan ?
Romeo :Tayo ay maghabilin ng tapat na sumpang pag-ibig
Juliet :Tatlong salita ang tandaan mo “paalam ng tunay”
Romeo : (nagtatampo ) Mabuhay nawa ang kaluluwa ko !
Juliet : (nagtatampo ) Adios , matamis na lungkot ng paghihiwalay ! hindi ako
titigil sa pamamaalam hanggang sa kinabukasan
IKAAPAT NA TAGPO:
Tagapagsalaysay: Sa isang simbahan si romeo ay pumunta upang makahingi
ng opinion sa kanyang pagmamahal kay Juliet Ngunit hindi alam ni Romeo na
doon din pala pupunta si Juliet
Padre : pagpalain ng langit itong banal na Gawain upang pagkatapos ang
pgsisisi’y huwag nating kamtin
Romeo : amen,ngunit padre ano mang lungkot ang darating hindi pa din ito
madadaig sa kagalakan na aking matatamo ng siya’y aking masilayan at
baling araw na magiging akin.
Padre : tandaan mo romeo, may mga bagay na hindi ka dapat magpadalos-
dalos at mahirap itong intindihin sapagkat hindi mo pa ito naranasan. Ang
marahas na ligaya ay may marahas din na hangganan.
Juliet : magandang gabi po sa mabunying kompesor ko
Padre : para sa aming dalawa, si romeo ang pasasalamat sa iyo.
Juliet: ganon din ako sa kanya. Ang pasasalamat niya ay magiging kalabisan
Romeo: oh Juliet, ibibigay ko sayo lahat ng ikaw ay aking mapaligaya
Juliet: Masaya akong marinig iyan. Nasisiguro akong tapat an gating pag-
iibigan at mas higit pa ito kaysa sa kayamanan
Padre: madali na natin itong tapusin, pagkat di kayo nararapat bayaang nag-
iisa
IKALIMANG TAGPO:
Tagapagsalaysay: pagkatapos no’ng araw ng kasalan. kasama ni romeo si
mercutio at benvolio. Dumaan si tybalt at nakita si romeo kaya sya bumalik
Tybalt :Ikaw na naman buhong Romeo ngayon na nagkita tayong muli ay
papatayin na kita!!!
Romeo: wala akong masamang intensiyon. Dapat tayo’y magkakaunawaan
at ayaw ko ng away
Tybalt: kahit kalian ay hindi tayo magkakauunawaan, lumaban ka
Mercutio: aba! Kung ayaw lumaban ni romeo, ako ang lalaban sa iyo
(naglabanan)
(nasaksak ni tybalt si mercutio)
Romeo: mercutio!!!(kay tybalt tumingin) kahit kailan ay isa kang halimaw,
dapat ka ring’ mamatay
(sumugod si romeo at napatay niya si tybalt)
Romeo: paano ko yon nagawa? (at saka tumakbo)
Tagapagsalaysay: dumating ang mga capulet, mga montague at ang prinsipe
Capulet: isang mamamatay tao ang inyong angkan!
Montague: hindi mamamatay tao ang aming anak at kung nagawa man niya
ito ay hindi niya ito sinasadya
Prinsipe: tama na! Ano ba ang puno’t dulo kung bakit si tybalt ay namatay?
Benvolio: mahal kong prinsipe, hayaan niyo po ako’y magpapaliwanag. Kami
nina romeo at mercutio ang magkakasama. Naghahamon ng away si tybalt
ngunit ayaw ni romeo kaya si mercutio ang lumaban at napaslang ito ni
tybalt. Dahil sa galit ni romeo kinuha niya ang espada at napaslang niya si
tybalt at saka tumakbo si romeo. Yun ang tunay na nangyayari
Prinsipe: dahil sa kasalanang iyan. Si romeo ay aking ipapatapon ng biglaan.
Pag siya’y bumalik at Makita, siya’y papaslangin
Tagapagsalaysay: pumunta si romeo kay Juliet
Romeo: oh aking Juliet, tayo ay hindi muna magkikita at ako’y aalis muna.
pero pangako ko sayo’y ako’y babalik
Juliet: hanggang kailan ka magtatagal doon, hindii ako mabubuhay ng wala
ka.
Romeo: napakahirap pero dapat natin itong gawin, lagi mong tatandaan na
ikaw lamang ang aking minamahal
Juliet: oh romeo!
(nagyayakapan)
IKAANIM NA TAGPO:
Tagapagsalaysay: ilang araw na ang lumipas ngunit naghihintay pa rin si
Juliet sa pagbabalik ni romeo. Lagi niya itong iniisip, dumating ang nars at
siya’y napahinto
Nars: senyorita, kayo po ay ipinapatawag ng iyong mga magulang
Juliet: susunod ako
(paghaharap ng magulang ni Juliet)
Mr. Capulet: anak, nararamdaman ko ang iyong labis na kalungkutan dahil sa
pagkamatay ng iyong pinsan. Upang ika’y aming mapaligaya at
makakalimutan mo ang nakababagot na mga pangyayari ay ika’y aming
ipapakasal.
Juliet: ano? Ako’y ikakasal sa hindi ko naman mahal?
Mrs. Capulet: pero matutunan mo naman siyang mahalin, sana naman anak
maiintindihan mo
Juliet: ayoko, ayokong magpakasal
Mr. Capulet: sa ayaw at sa gusto mo, ika’y magpapakasal. Naiintindihan mo?
Juliet: (umiiyak) hindi niyo ako mahal
( sinampal ni mr. Capulet saka tumakbo si Juliet papasok sa kanyang silid)
IKAPITONG TAGPO:
Tagapagsalaysay: pumunta si Juliet sa simbahan para maikumpisal niya ang
mga pangyayari
Padre: batid ko ang iyong paghihinagpis. Sapagkat kailan ko itong gawin na
ipakasal ka kay paris sa darating na huwebes
Juliet : Padre , gusto ko pong malaman kung dapat po ba niyo akong
tulungan na itigil ang kasalang ito
Padre :Pumayag kasa gusto nila , ngunit bukas ng gabi ay mahiga ka at
inumin mo itong garapang ito . Ikaw ay aantukin at makakatulog na walang
tibok ng pulso .Mamamlagi kang ganyan sa loob ng apatnapu’tdalawang oras
.
Juliet :Gagawin ko po padre. Maraming salamat
IKAWALONG TAGPO:
Tagapagsaalaysay: pumasok ang nars sa loob ng silid ni Juliet
Nars: binibini, nako ika’y nakabihis na ng magara ngunit nakahiga ka parin.
Binibini? (hinawakan) tulong! Tulong! Ang binibini’y wala ng buhay
(dumating si mr. And mrs. Capulet)
Mrs capulet: ang anak ko (umiiyak)
Mr. Capulet: umiiyak
IKASIYAM NA TAGPO:
Tagapagsalaysay: dumating si baltazar mula sa Verona dala ang masamang
balita
Romeo: sulat ito galing sa Verona? Wala ka bang dalang sulat buhat sa
padre? Kamusta ang aking ina’t ama? At kamusta naman ang aking
minamahal
Baltazar: mabuti naman ang iyong mga mga magulang ngunit patay na si
Juliet nakita ko siyang inilibing sa tumba ni capel
Romeo: ano? Teka, ako’y aalis ngayon din. Wala bang sulat na pinapadala
ang padre?
Baltazar: wala po mabuting panginoon
Romeo: ano ang dapat kong gawin. Teka, pupunta muna ako ng butikaryo
Tagapagsalaysay: sa may butikaryo
Romeo: tao po!
Butikaryo: sino ba yang tumatawag ng kaylakas?
Romeo: bigyan mo ako ng lason na agad nakakamatay, heto ang apatnapung
dukado
Butikaryo: mayroon akong lason ngunit parusa ng batas sa mantua’y
kamatayan sa magbili na pangahas
Romeo:ang mundo’t batas ay hindi mo kaibigan, tanggapin mo iyan at
huwag mamalagi sa hirap.
Butikaryo: ilahok mo ito sa kahit anong tunaw at inumin. Pagkatapos ay bigla
kang mamamatay
Romeo :Aalis na po ako , maraming salamat
IKASAMPUNG TAGPO:
Tagapagsalaysay: dumating si juan at kinausap ang padre sa loob ng
simbahan
Juan: kapatid ko, hindi ko nadala ang sulat para kay romeo sapagkat di kami
pinalabas. Kaya’t ang bilis ng pagtungo ko sa mantua’y napigil agad
Padre: sino ang nagdala ng sulat ko kay romeo?
Juan: wala akong mapagdala-narito muli
Padre: naku, malungkot na kapalaran. Mayroon pa naman itong nilalaman na
mahahalagang bagay
IKALABING ISANG TAGPO:
Tagapagsalaysay:nakarating na si romeo sa libingan ni Juliet
Romeo :asawa ko ! bakit sa iyo mangyayari ang masamang kapalarang ito .
Kung gayon ako ay pupunta sa iyong piling at tayo ay magsasama habang
buhay
(Hinalikan ang noo ni Juliet saka uminom ng lason)
Romeo :paalam buhay na malupit !
Tagapagsalaysay: pagkaraan ng ilang oras nagising si Juliet at sa kanyang
harapan nakita niya ang bangkay ni Romeo)
Juliet :Ano ito? Lason ? ang mahal ko, ako ay iyong patawarin sapagkat hindi
ako patay ngunit ako ay handang mamatay para saiyo!(sinaksak ang sarili)
Tagapagsalaysay: Sa pagbisitang lahat sa libingan ni Juliet ay nakita nila na
hindi na ito nag-iisa ,magkayakap kahit sila ay patay na
Prinsipe: ano naman ang mga pangyayaring ito? Alam mo ba ito padre?
Padre: sa katunayan alam ko lahat. Sila’y nag-iibigan at nagpakasal ng
palihim sa akin. Ako ang nagbigay ng lason na pampatulog kay Juliet nang sa
ganun ay makuha siya ni romeo at sila na ay magkasama. Ngunit hindi ko
inaasahan na hahantong sa ganito ang mga pangyayari
Prinsipe: sa ngayon wala natayong magagawa, sila na ay nanahimik.
Magpapatayo tayo ng istatwa bilang simbolo ng kanilang pag-iibigan ng sa
ganoon ay maalala natin sila
Babae :ito ang naging epekto ng inyong pag-aaway. Pero kung iintindihin
ninyo ang buong pangyayari ay kasing lalim pa ng karagatan ang kanilang
pagmamahalan
Tagapagsalaysay: mula noon, ang dalawang angkan ay nagkakamabutihan
na, naging matiwasay na ang kanilang buhay. Naitayo narin ang istatwa ni
romeo at Juliet sa Verona kung saan nagsisimbolo ito ng tunay nilang
pagmamahalan.

THE END

You might also like