You are on page 1of 1

FILIPINO 6-QUARTER 3

PANGALAN: ________________________________________________________

Paksa: Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan.

Ang KATOTOHANAN ay tiyak na nangyari o may pangyayari. Hindi nag-iiba o nagbabago kundi tinutuklas
ang ugat ng pangyayari. Tooo at may basehan.

Ang OPINYON ay palagay lamang batay sa paniniwala tungkol sa tao, hayop o pangyayari. Maaaring totoo o
hindi totoo sa iba dahil ito ay depende sa paniniwala at prinsipyo ng maysabi.

GAWAIN 1: Panuto: Lagyan ng √ ang kahong katapat ng K at O.

K O
1. Ang panganay ang unang anak ng mag-asawa.
2. Mayaman sa protina ang karne samantalang sa carbohydrates ang kanin.
3. Kayumanggi ang kulay ng mga Pilipino.
4. Ang gupit na crew cut ang pinakabagay kay Billy.
5. Sa aking palagay, mas malakas sumuntok si Pacquiao kaysa kay Marquez kahit tabla
sila sa labanan.
6. Ang trumpet, trombone at bassoon ay mga wind instrument.
7. Mas masarap ang mango juice kaysa sa pineapple juice.
8. Marami nang Pilipinong OFW sa iba’t ibang panig ng mundo.
9. Kung ako ang tatanungin ang Boracay ang may pinkamagandang beach sa buong
mundo.
10. Ang pansit, chopsuey at mami ay mga pagkaing pamana ng mga Instik sa Pilipino.

Gawain 2:Panuto: Isulat sa patlang ang titik K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan. Isulat ang O kung
ito ay isang opinyon.

1. ____ Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw,pula, puti, at dilaw.
2. ____ Ang paboritong kulay ko ay bughaw.
3. ____ Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.
4. ____ May pitong araw sa isang linggo.
5. ____ Kulay itim, tuwid, at mahaba ang buhok ni Petra.
6. ____ Ang tuwid na buhok ay mas maganda kaysa sa buhok na kulot.
7. ____ Maraming Pilipino ang magaling magsalita at magsulat sa wikang Ingles.
8. ____ Hindi tunay na Pilipino ang mga taong laging nagsasalita at nagsusulat sa wikang Ingles.
9. ____ Ang Jollibee at McDonald’s ay parehong may pritong manok.
10. ____ Higit na mas masarap ang pritong manok sa Jollibee kaysa sa McDonald’s.
11. ____Ang mga nars na umaalis sa Pilipinas ay yumayaman lahat.
12. ____ Ang mga batang iyakin ay may pinagmanahan daw, sa nanay o sa tatay.
13. ____ Ang paghahandog ng paboritong pagkain ng namatay sa kanyang puntod ay isang ritwal.
14. ____ Ang Pilipinas ay may iba-ibang relihiyon._
15. ____ Ang pagdiriwang ng pista ay bahagi ng kulturang Pilipino.

You might also like