You are on page 1of 5

School PEDRO ACHARON SR.

CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL Grade: 3


Daily Lesson Teacher CHRISNA FAYE DUGOS Learning Area: MTB
Log Date / Time: April 4 & 6-2023/TUESDAY AND THURSDAY Quarter: THIRD /WEEK 8
K -12 9:25-11:40 A.M.
TUESDAY THURSDAY

I OBJECTIVES

A. Content Standard The learner demonstrates communication skills in talking about variety of topics using The learner demonstrates communication skills in talking about variety of topics using
expanding vocabulary, shows understanding of spoken language in expanding vocabulary, shows understanding of spoken language in
different contexts using both verbal and non-verbal cues, vocabulary and language different contexts using both verbal and non-verbal cues, vocabulary and language
structures, cultural aspects of the language, and reads and writes literary and structures, cultural aspects of the language, and reads and writes literary and
informational texts. informational texts.

B. Performance Standard Demonstrates communication skills in talking about variety of topics. Demonstrates communication skills in talking about variety of topics.
Write to communicate knowledge,ideas experiences,goals Write to communicate knowledge,ideas experiences,goals

C. Learning Competency/s Identifies author’s purpose in writing a selection


(MT3LC-IIIh-4.6)
II CONTENT Pagtukoy sa Layunin ng may Akda sa Pagsulat ng Seleksiyon “HOLIDAY”

III. LEARNING RESOURCES

A. References

1. Teacher’s Guide Pages MELC p.132 of 723

2. Learner’s Materials pages SLM Q3 week 6

3. Text book pages

4. Additional Materials from Laptop, pictures,power point presentation


Learning Resources
B. Other Learning Resources
IV. PROCEDURES

A. Reviewing previous lesson or Panuto: Tukuyin ang layunin ng manunulat sa mga sumusunod na
presenting the new lesson pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
1. Isa sa mga pamantayan ng wastong nutrisyon ang pagkain ng gulay at prutas, subalit
maraming Pilipino ang hindi nakakakain ng tamang dami ng mga ito.
A. Nagbibigay aliw B. Nang-eengganyo C. Nagbibigay impormasyon
2. Iboto ninyo sa darating na eleksiyon si G. Mariano de Jose bilang isang Gobernador
dahil siya ay magaling mamuno at marunong tumupad sa pangako.
A. Nagbibigay aliw B. Nang-eengganyo C. Nagbibigay impormasyon
3. Ugaliin natin na magsepilyo ng ngipin tatlong beses sa isang araw. Ang toothpaste na
ito ang siyang tutulong sa - o mainam mong gamitin upang puputi ang iyong ngipin.
A. Nagbibigay aliw B. Nang-eengganyo C. Nagbibigay impormasyon
B. Establishing a purpose for the Panuto: Basahin ang talata na isinulat ni Katherine Fe M. Almeranes.
lesson Isang napakagandang araw ang bumungad sa pamilya nina Marlon. Sabik ang bawat isa
na magbakasyon sa kanilang lolo at lola. Dali-dali nilang kinarga ang kanilang mga
bagahe sa kanilang sasakyan. Habang sila ay naglalakbay, masaya silang
nagkukuwentuhan. Pagdating nila doon, pumunta kaagad sila sa sapa at namingwit ng
napakaraming isda. Pagkatapos nilang namingwit, pumunta sila sa napakalawak na hardin
na may sari-saring magagandang bulaklak. Namasyal din sila sa bukid upang makita ang
mga iba’t ibang hayop.
C. Presenting Sagutin
Examples/instances of new 1. Tungkol saan ang talata?
lesson 2. Saan pumunta ang mag-anak?
3. Ano-ano ang kanilang ginawa?
4. Sa palagay mo ano ang layunin ng manunulat bakit isinulat niya ang talatang ito?
D. Discussing new concepts and May kanya-kanyang layunin ang mga manunulat sa pagsulat ng isang seleksyon o talata.
practicing new skills #1 Ang pagtukoy sa layunin ng manunulat ay napakaimportanteng elemento upang
maunawaan ng mambabasa ang kanyang binabasa.
E. Discussing new concepts and Ito ay susi para malaman kung ano ang dapat isaalang-alang kapag nagbabasa ng isang
practicing new skills #2 seleksiyon o talata.
May tatlong layunin ang may akda sa pagsusulat ng talata.
1. Pagbibigay impormasyon – nagbibigay ng makatotohanang impormasyon sa mga
mambabasa
2. Pagbibigay-aliw – inaaliw ng manunulat ang mambabasa upang mabigyan kasiyahan
ito. 3. Panghihikayat/pang-eenganyo – nanghihikayat sa mga mambabasa o nagbibigay
opinyon sa mga pangyayari sa paligid.
F. Developing mastery Ngayon, lubos mo na bang naunawaan ang ating aralin tungkol sa pagkilala sa layunin ng
(Leads to Formative Assessment) manunulat sa seleksiyong nabasa? Kung ganoon, subukin natin ang iyong galing sa
pagsagot ng mga naihandang mga gawain.
G. Finding Practical applications Panuto: Basahin ang mga talata at piliin sa loob ng kahon ang angkop na layuning
of concepts and skills ipinapahiwatig nito. Ilagay ang tamang sagot sa sagutang papel.
A. Nagbibigay impormasyon
B. Nagbibigay – aliw
C. Nanghihikayat
1. Akala ng kuneho mabagal tumakbo ang pagong. Kaya napagpasyahan nilang
magkarera. Dahil sa sobrang pagtitiwala sa kanyang sarili natulog muna ang kuneho sa
gitna ng daan. Napasarap ang kanyang tulog. Pagkagising niya nanalo na ang pagong.
2. Ang panda ay isang uri ng oso na may maputi at makapal na balahibo. May mga itim ito
na marka sa kanyang tainga, balikat, kamay, paa at sa kanyang mata.
3. Ang mga halamang gamot ay mabisang paraan para makapagpagaling ng
karamdaman. Mainam itong gamitin lalong-lalong na kapag tayo ay may ubo, sipon at
lagnat. Kaya hinihikayat ng mga pinuno ng barangay na magtanim
ng mga halamang gamut dahil ang mga ito ay epektibo na at mura pa.
4. Hindi alam ng prinsesa na ang palakang nagsasalita na kaibigan nya ay isa palang
prinsipe na isinumpa lamang.
5. Ang mga sanggol na hindi pa umabot sa anim na buwan ay hindi pa maaring uminom
ng tubig at kumain ng iba’t ibang uri ng pagkain.
H. Making generalizations and Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na talata. Pumili
abstractions about the lesson ng sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.
Pagbibigay - aliw opinyon panghihikayat
maunawaan pagbibigay impormasyon
May kanya-kanyang layunin ang mga manunulat sa pagsulat niya ng isang seleksyon o
talata. Ang pagtukoy ng layunin ng manunulat ay napakaimportanteng elemento upang
(1)_________________ ng mambabasa ang kanyang binabasa.
Ito ay susi para malaman kung ano ang dapat isaalang-alang kapag nagbabasa ng isang
seleksiyon o talata.
I. Evaluating Learning Panuto: Tukuyin ang layunin ng manunulat sa mga sumusunod na
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel. 1. Ang mga bata sa klase ni Bb. Reyes ay aliw na aliw sa kanya dahil sa
kanyang magandang kalooban. Lahat sila ay araw-araw na pumapasok dahil sabik silang
makinig kapag ang A. Nanghihikayat B. Nagbibigay - aliw C. Nagbibigay impormasyon
9
kanilang guro na ang magtuturo. Lagi silang bibo sa klase dahil palaging nagbibigay ng
pangkatang gawain si Bb. Reyes. Sa tuwing sila ay uuwi sa hapon ay laging mayroong
ngiti sa kanilang mga labi. A. Nanghihikayat B. Nagbibigay-aliw C. Nagbibigay
impormasyon 2. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas sa pamamahala ng España,
na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. A.
Nanghihikayat B. Nagbibigay-aliw C. Nagbibigay impormasyon 3. Bawal pumasok ang
mga estudyante sa paaralan kapag walang suot na uniporme. Ito ay upang madaling
malaman kung ang mag-aaral na iyon ay doon nag-aaral. A. Nanghihikayat B. Nagbibigay-
aliw C. Nagbibigay impormasyon 4. Ang kompyuter ay nakatutulong sa mga mag-aaral
upang makapaghanap ng mga kasagutan sa mga takdang-aralin na ibinigay ng guro.
Hindi na kinakailangan na maghanap pa ng libro dahil nagbibigay na ito ng impormasyon
na kinakailangan ng mag-aaral. Ngunit mayroong masamang epekto din ang kompyuter
sa ating katawan. Lalong -lalo na kapag nalululong na sa paglalaro ang mga mag-aaral at
pinapabayaan na ang pag-aaral. A. Nanghihikayat B. Nagbibigay-aliw C. Nagbibigay
impormasyon
5. Ang gatas ng ina ay isa na siguro sa maituturing na pinakamagandang regalo para sa
kanyang sanggol simula sa kanyang pagsilang. Nagbibigay ito ng sapat na nutrisyon sa
sanggol at maganda siyang pagkakataon upang magkaroon na matibay na pagsasama
ang mag-ina. A. Nanghihikayat B. Nagbibigay-aliw C. Nagbibigay impormasyon
J. Additional activities for Panuto: Sabihin kung nagbibigay impormasyon, nagbibigay –aliw o nanghihikayat ang
application or remediation mga sumusunod na talata. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Dahil sa pandemic na nararanasan natin ngayon, mas mainam na modyul ang ating
gamitin para kahit papaano ay maiiwasan ang pagkalat ng virus.
2. “Magandang umaga sa inyong lahat. Ako’y nandito ngayon upang ipaalam sa inyo na
mayroon kaming pagtitipon ng inyong mga magulang sa darating na Lunes, alas dos ng
hapon.” Ang sabi ng aming
3. Mag-iisang buwan nang bagsak-presyo ang mga panindang pinya pero matumal pa rin
ang bentahan. Umaaray na ang mga tindera dahil sa palugi na palugi na ang kanilang
negosyo.
V. REMARKS
VI. REFLECTION
A. No. of learners who earned
80% on the formative
assessment
B. No. of Learners who require
additional activities for
remediation
C. Did the remedial lessons
work? No. of learners who have
caught up with the lesson.
D. No. of learners who continue
to require remediation
E. Which of my teaching
strategies worked well? Why did
these work?
F. What difficulties did I
encounter which my principal or
supervisor can help me solve?
G. What innovation or localized
materials did I use/discover which
I wish to share with other
teachers?

Prepared by:

CHRISNA FAYE DUGOS


Adviser Checked by:
CHARINA B. FACTORAN
Master Teacher I
Noted by:
ROSALIE O. PAJARILLO, Ed.D.
Principal II

You might also like