Professional Documents
Culture Documents
Grade 9 Reviewer Araling Panlipunan Aralin 2
Grade 9 Reviewer Araling Panlipunan Aralin 2
Ang Mga
Pinagkukunang Yaman
ng Bansa
Yamang Lupa
Ang lupain ng ating bansa ay may sukat na 300, 000 kilometro kuwadrado
Binubuo ng mga kagubatan, kapatagan, kabundukan, talampas, burol at lupaing
mineral
Kapatagan- dito itinatayo ang tirahan ng mga tao at hayop, industriya,
pagawaan, paaralan, at iba pa
Lupa- pinanggagalingan ng mga hilaw na materyales na kailangan sa
paggawa ng mga produkto
25% nito ay kagubatan
75% nito ay alienable at disposable lands o mga lupain na maaaring ipamahagi
tulad ng mga lupaing residensyal (panirahan), komersyal (industriya at pagawaan)
at agrikultural (pagsasaka)
Yamang Gubat
Mayroong iba’t ibang uri ng kagubatan sa Pilipinas
Virgin Forest
Rehiyon ng Caraga:
Agusan del Sur
Agusan del Norte
Surigao del Sur
Dinagat Island
Mangrove
Beech Matatagpuan sa mabababang lugar
Molave
Dipterocarp
Pine Matatagpuan sa matataas na lugar
Moss
50% nito ay matatagpuan sa Mindanao
Karamihan dito ay Tropical Rainforest
Ilan sa mga uri ng puno na matatagpuan rito:
Apitong
Bakawan
Yakal
Narra- pinanggagalingan ng matibay na kahoy na ginagawang muwebles
Dipterocarp Hardwood- kilala bilang Philippine Mahogany
Bamboo- isang uri ng damong tropiko na tila punongkahoy
Mangroves- nagsisilbing bakod sa mabababang bahagi ng katubigan
Area Reforested by the Government and Private Sectors 2008-2012 (In Hectares)
Government Sector Private Sector
Subtotal Subtotal
Year Total
2008 43,427 27,752 15,675
2009 54,792 53,842 950
2010 36,877 32,384 4,493
2011 128,559 102,884 25,674
2012 221,763 207,044 14,719
2013 331,160 326,106 7,054
Mga Produktong Mula sa mga Puno:
Goma
Papel
Troso
Tissue Paper
Tabla
Kahoy para gawing mwebles
Mga herbal na gamot
Produktong handicraft