Professional Documents
Culture Documents
Sagisag NG Pilipinas
Sagisag NG Pilipinas
Pangunahing Sagisag
Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din na Tatlong Bituin at Isang
Araw, ay isang pahalang na watawat na may dalawang magkasingsukat na bahagi na
bughaw at pula, at may puting pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay isang
gintong-dilaw na araw na may walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang
walong mga lalawigan (Batangas, Bulacan, Kabite, Maynila, Laguna, Nueva Ecija,
Pampanga at Tarlac) ng Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban
sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay
kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon - ang Luzon, Visayas, at Mindanao; ang
gitnang bituin naman ay orihinal na tumutukoy sa Panay. Maaari rin maging watawat
pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtad.
Ang kabuluhan ng mga kulay na pula, puti at asul ay ang mga sumusunod: Ang puting
tatsulok ay sumasagisag sa pagkakapantay-pantay at kapatiran; asul para sa kalayaan,
katotohanan, at katarungan; at pula para sa kabayanihan at kagitingan
Pambansang Awit
Ang "Lupang Hinirang" ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Ipinagawa ni Emilio
Aguinaldo ang himig nito sa kompositor na si Julian Felipe noong 1898 sa ilalim ng
pamagat na "Marcha Filipina Magdalo" ('Martsang Pilipinong Magdalo') at kalaunan
"Marcha Nacional Filipina" ('Pambansang Martsa ng Pilipinas'). Samantala, ang
kasalukuyang anyo ng awit ay ang salin sa wikang Tagalog ng tulang "Filipinas" ni José
Palma noong 1899 sa orihinal na wikang Espanyol.
Pambansang Wika
FILIPI
Pambansang Puno
Ang
" Maka-
Diyos,
Maka-tao,
Pambansang Ibon
Ang haribon (Pithecophaga jefferyi) ay isang malaking agila na makikita sa
mga gubat ng Luzon, Samar, Leyte at Rehiyon XII o SOCCSKSARGEN. Ito ay ang
pambansang ibon ng Pilipinas. Ang haribon ay simbolo ng katapangan ng mga ninuno
ng Pilipino.
Sila ay may haba o taas na 1 metro at tumitimbang ng mula 4 hanggang 7 kilo. Tulad ng
ibang agila higit na mas malaki ang babaeng haribon kaysa lalaki. Ang haba ng kanilang
pakpak ay 2 metro o higit pa. Sila ay kumakain ng mga unggoy, malalaking ahas, kaguang,
malalaking ibon gaya ng kalaw at mga bayawak monitor lizard.
Pambansang Bulaklak
Ang sampaguita (Jasminum sambac), ay ang pambansang bulaklak ng Pilipinas.
Ang malilit ngunit mabangong bulaklak na ito ay ginagawang mga kwintas na ginagamit
bilang alay ng pagtanggap o simbolo ng parangal sa mga kilalang tao o mga taong may
mataas ang katungkulan. Ang mga binebentang sampaguita sa kalsada ng Maynila ay
ginagawang dekorasyon sa mga sasakyan o kaya naman ay inuuwi ng mga Katolikong
deboto upang isabit sa kanilang altar. Bukod sa pagiging palamuti, ang bulaklak ay
ginagamit na alternatibong medisina ng mga Pilipino. Ginagamit ang sampaguita bilang
pampakalma, anestisya at gamot sa sugat.
Pambansang Laro
Ang Arnis ay idineklara bilang Pambansang Laro at Pananandata noong Disyembre
11, 2009 sa pamamagitan ng Republic Act 9850 na nilagdaan ni Pres. Gloria Macapagal-
Arroyo. Ayon sa R.A. 9850, ang opisyal na pagpapatibay ng arnis bilang pambansang laro
at pananandata ay dapat ipahayag sa pamamagitan ng paglalagay ng simbolo ng arnis sa
opisyal na selyo ng Philippine Sports Commission at sa pamamagitan ng paggawa nito
bilang unang kompetisyon na lalaruin ng mga kalahok na koponan sa unang araw sa
taunang Palarong Pambansa. Ang Philippine Sports Commission ang nangunguna sa
ahensya na magpapatupad ng mga probisyon ng Batas na ito.
Pambansang Hiyas
Taong 1996 nang idineklara bilang pambansang hiyas ng ating bansa ang
Philippine Pearl (na kilala rin sa tawag na South Sea Pearl) ni Pang. Fidel V. Ramos.
Kilala ang Philippine Pearl bilang isa sa mga pinaka-pambihira na uri ng hiyas dahil
ang mga ito ay galing sa gold-lipped na Pinctada maxima, isang uri ng south sea pearl
oyster na nakalilikha ng kulay ginto na perlas.
Ang perlas ay isang uri ng hiyas na naaani mula sa ilang uri ng mga talaba,
partikular na mula sa binga, ang makintab na panloob na bahagi ng kabibe. Nakukuha ang
mga ito sa loob ng kabibe ng mga talabang naturan. Kalimitan itong hugis bilog at putian
bagaman may nakukuha ding itiman o abuhin at ibang hugis bukod sa pagkabilog.
Ginagamit ito sa paggawa ng mga alahas. May mga likas na perlas at mayroong mga
sinadya o kinultura sa mga anihang pinangangasiwaan ng tao.