You are on page 1of 2

Bright Eyes Montessori School, Inc.

2nd Floor, Pinnacle Building, Ricarze St.


San Jose, Antique, 5700

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino III

Pangalan: _____________________________________________________ Petsa: _________________

I. Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.


a. Pandiwa b. Pangngalan c. Pang-ukol

2. Anong uri ng pangngalan ang mga sumusunod? talino, pag ibig, kapayapaan .
a.pantangi b.tahas c.basal

3. Ito ay uri ng pangngalan na may tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.
a. Pambalana b. Tahas c. Pantangi

4. Ito ay kasarian ng pangngalan na walang tiyak na kasarian at maaaring tumutukoy sa babae o


lalaki.
a. Di-Tiyak b. Walang kasarian c. Panlalaki

5. Naglalaman ng kasalukuyang pangayayaring nagaganap sa lipunan.


a. Aklat b. Diksyonaryo c. Magasin

6. Anong kayarian ng pangngalan ang tumutukoy sa mga salita na binubuo ng salitang-ugat at


mga panlapi.
a. Payak b. Tambalan c. Maylapi

7. Ang mga sumusunod na salita ay halimbawa ng Tahas, maliban sa isa.


a. ulam b. pag-ibig c. pagkain

8. Ito ay gamit ng pangngalan na tumutukoy sa mga bagay na naiisip, nadarama, nauunawaan o


nagugunita.
a. Tahas b. Pambalana c. Basal

9. Ang mga salitang matatagpuan dito ay nakaayos nang paalpabeto.


a. Diksyonaryo b. Aklat c. Pahayagan

10. Ito ay pagsasama ng dalawang magkaibang salita na nagkakaroon na panibagong kahulugan.


a. Maylapi b. Inuulit c.Tambalan

II. Tukuyin ang mga salita kung ito ay Pantangi o Pambalana. Lagyan ng PN kung ito ay Pantangi
at PB kung ito naman ay Pambalana.

________1. Eusaff

________2. paro-paro

________3. parke

________4. Adidas

________ 5. Robinsons

III. Isulat ang tamang pagdadaglat ng mga salita.

1. Pangulo - 4. Binibini-
2. Kagawad- 5. Doktora-

3. Santa-

IV. Isulat sa malaking titik ang letrang nangangailangan ito.

1. pilipinas - ____________________________

2. new year’s eve - ____________________________

3. united nations day - ____________________________

4. tuklas 3 - ____________________________

5. nobyembre - ____________________________

V. Tukuyin ang katangian ng pangngalan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d.Tambalan

_______________1. aklat _______________4. naglaro

_______________ 2. araw-araw _______________5. sayaw

_______________ 3. bahaghari

VI. Panuto: Magtala ng limang (5) Tahas at limang (5) Basal.

BASAL TAHAS

Good Luck!

Inihanda ni:

Bb. Mishimarie M. Española

You might also like