You are on page 1of 4

Scene 1: (Houses of both families)

(Insert Video Clip of https://youtu.be/xQtnqBk74D0 )

: Both families are watching the news

~ House 1 (AC & Crismae’s) (Eating Dinner)

Crismae: Nakakabahala naman, kailangan na nating mag handa para sa paparating na bagyo
mahal (AC). Mabuti ng handa tayo sa posibilidad na sakuna.

Ac: Tama mahal lalo na at sobrang lakas niyan na bagyo.

Kakay: Ma, pa, hayaan niyo at tutulong rin ako.

~House 2 ( Hydie & Colin’s) (Dad is shaving his beard while watching, mom is preparing dinner
while watching and daughter is doing a tiktok video)

Tatay: Hoy pakihinaan yang volume, tiktok ng tiktok antigas tigas naman ng katawan kita mong
nanonood ako ng balita eh!

Nanay: Bagyo nanaman?

Anak: Ano?! Ibig sabihin mawawalan nanaman ng kuryente! No moreeeee tiktokkkkkkk no more
kdrama and all! Huhuhu

Nanay: Mukang malakas yang bagyo ah.

Tatay: Alam mo darling, kahit malakas yan magtiwala tayo sa Diyos hindi niya tayo pababayaan
siya ang bahala sa atin, diba anak?

Anak: Yes Dad. Truelaley

Scene 2: (Home and Barangay Hall) The next day

~ House 1

Kakay: Nay! Tay! Tapos ko napo yung mga dapat kong gawin, iniligpit ko na po lahat ng
importanteng document , kompleto narin po ang first aid kit natin, bumili narin po ako ng kandila
at posporo para sa posibilidad na pagkawala ng kuryente, full charge nadin po lahat ng gadgets
natin at inilagay ko napo sa bag yung mga importanteng bagay para sa posibilidad na paglikas.

Crismae: Napakagaling mo talaga anak, saktong sakto at marami pa tayong imbak na pag kain.
Itinaas narin namin ng tatay mo yung mga kagamitan para sa posibilidad na pagbaha. Mabuti at
nakapag linis tayo nung nakaraang araw.

Kakay: Tay san ka pala galing?


AC: Ininspeksyon ko yung bubungan natin mabuti at matibay ang pagkakagawa nung
karpentero nung nakaraang linggo, inilagay ko narin sa labas yung mga bota natin. Nga pala
mahal pupunta ako sa barangay hall balita ko may mga iaanunsyo si Capitan.

Crismae: Oh sige mahal, susunod kami ng anak mo. Mabuti at sa huwebes pa ang tama ng
bagyo mahaba pa ang oras natin mag handa.

Kakay: Pa paload din po nung mga numbers natin nina mama.

AC: Sige sige at ako’y mauuna na. Sumunod kayo mamaya.

Scene 3 (Barangay Hall)

Zy: Ipinapatawag ko kayo ngayong umaga upang magbahagi ng mga importanteng


impormasyon para sa nalalapit na bagyo.

~ House 2

Tatay: Darling! Nakita ko si pareng AC kanina pupunta daw sa barangay hall, inaaya nga ako
kaso tinatamad ako wala naman silang pakain dun kaya hindi nako pupunta ahahaha.

Nanay: Sinabi mo pa, napakakuripot talaga ni Cap. (doing her nails)

Anak: Mom dad, pwede hiramin yung cellphone niyo?

Nanay at tatay: Para san?

Anak: Installan ko lang ng tiktok baka kasi mag brownout para may magamit ako incase ma
deadbat ako. Hehe

Nanay: Kunin mo sa kwarto.

Scene 4 (Barangay Hall)

Zy: Gaya nga ng nasabi ko napakaimportanteng may alam tayo sa paghahanda upang maging
ligtas tayo sa maaring mangyareng sakuna. (Narrates the importance of knowing the evac.
Center, Importance of staying inside etc.)

Scene 5 (Both Houses)

~House 1

AC: Ang lakas ng bagyo mahal, mabuti nalang at naghanda tayo.

Crismae: Totoo mahal, anlaki rin ng tulong ng mga naibahagi ni Cap.

Kakay: Nay mamaya mag rosary tayo para naman kasama parin natin ang panginoon Diyos at
gabayan parin tayo.

Crismae: Ang swerte naming sayo ng tatay mo.


~House 2

Anak: BROWNOUTTTTTTTTTTTTTTT!!!

Tatay: Ano ba! Ang ingay mo kasagsagan na ng bagyo ang ingay mo parin.

Nanay: DARLING YUNG YERRRROOOOOOOO!!!

Tatay: Isa ka pa! Teka at aayusin ko kunin mo yung raincoat.

Nanay: Saan moba inilagay yun?

Tatay: Hindi ko alam hanapin mo nalang

Anak: (Intensely Pray’s)

Nanay: Anak halika dito ilawan moko!

~(Loud Noise)~

Nanay: Anong nangyare !?

Tatay: Nasagi ko yung salamin, ano ba kasing ginagawa ng salamin dito!

Anak: Sorry dad nakalimutan kong ibalik sa pwesto.

Tatay: Pambihira! Tignan mo nasugatan ako

Anak: Kunin ko lang po yung pang first aid. Ma! Ako ilawan mo.

(30 minutes later)

Anak: ma wala ba tayong pagkain dyan?

Nanay: Eh paano walang ilaw ni wala tayong kandila! Ni lowbat mo pa cellphone namin.

Anak: Kahit man lang stock na pagkain?

Nanay: Aba huwag ka maghanap ng wala!

Scene 6 (Water is rising needs to evacuate)

~House 1

Kakay: Nay tay may bago po ulit na update, tataas daw po ulit level ng tubig.

Tatay: Sige anak, salamat. Tatawagan ko lang si Capitan kung pwede na bang lumikas.
~House 2

Tatay: Hindi ko na kaya to gutom na ako, anlalim pa ng sugat ko tapos band aid lang pinantapal
ng anak mo. Tatawagin ko na si Cap.

Nanay: Sige Darling kasi etong yero din natin mukang lilipad na

Scene 7 (Evacuation Center)

Family 1

Helps in distributing relief goods. (Safe and Ready)

Family 2

Nanay: Saklolo ang asawa koooooo

Anak: Daddddddd

Concerned Student nurse: Ano pong nangyare sa kanya?

Nanay: Anlalim ng sugat niyaaaa

Concerned Student nurse: Nilinis niyo napo ba yung sugat?

Nanay: Band aid lang huhuhu

Kakay: Nurse eto po dala kopo yung firstaid kit namin nina nanay, pwede niyo pong gamitin
para panlinis sa sugat.

Anak: Thank you classmate ah! San yung relief goods? May tiktok ka?

(Ending phrase about how important being ready etc.)

The end~

You might also like