You are on page 1of 2

DIVISION OF GEN.

TRIAS CITY
Project ISuLAT – ACTIVTY SHEETS in FILIPINO
(Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)

Baitang 5 – Kwarter 3

Pangalan: _______________________________________ Baitang – Seksyon : ________________

Pangalan ng Guro: ________________________________ Iskor: ___________________________

Makatutulong sa iyo ang Activity Sheet na ito upang ikaw ay masanay sa mga sumusunod:
1. nakagagawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan.
2. naisasalaysay muli ang napakinggang teksto

Timeline –ay isang grapikong pantulong na nagpapakita ng pagkasunod-sunod ng mga

pangyayari sa pamamagitan ng linya. Maaring ayusin ang timeline ayon sa oras, petsa o
pangyayari na may maikling paglalarawan o detalye tungkol dito.

Halimbawa: Timeline ng mga Naging Pangulo ng Pilipinas mula Taong 1948

Ramon Diosdado Corazon C. Joseph Ejercito Benigno Ferdinand R.

Magsaysay Macapagal Aquino Estrada Aqiuno III Marcos Jr.
1953 1961 1986 1998 2010 2022

1957 1965 1992 2001 2016

1948
Carlos P. Ferdinand E. Fidel V. Gloria Rodrigo R.
Elpidio
Garcia Marcos Ramos Macapagal - Arroyo Duterte
Quirino

Panuto: Basahin ang kasaysayan tungkol sa pagpaslang kay Ninoy Aquino.

Lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino noong 1981 dahil sa kanyang

kalusugan at dahil na rin sa kanyang seguridad. Makalipas ang tatlong taon, noong
taong 1983, ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhang makabalik sa Pilipinas,
kahit na marami sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang tutol dito.
Noong 21 Agosto 1983, pinaslang si Aquino habang siya ay papalabas ng
isang eroplano sa Manila International Airport (na ngayon ay pinangalan sa kaniya).
Nagdulot ito ng malaking galit sa mga Pilipino, na karamihan ay wala nang tiwala
sa administrasyong Marcos. Maraming paraan ng kilos protesta ang ginawa,
kabilang na ang civil disobedience. Noong panahon ding iyon, nagsisimula nang
humina ang kalusugan ni Marcos dahil sa kaniyang karamdaman na Lupus.
Noong 1984, inatasan ni Marcos ang isang komisyon, sa pamumuno ng Punong
Hurado Enrique Fernando, na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpaslang kay
Aquino. Ayon sa kanilang huling report, ang mga militar ang tunay na sangkot sa
nasabing pagpaslang. Naging malaki itong dagok sa pabagsak nang pamahalaan.
Ang nasabing pagpaslang, kabilang na ang ibang mga suliranin, ang mas lalo
pang nagpalubog sa Pilipinas sa isang krisis pang-ekonomiya. Ang ekonomiya ng
bansa ay lumiit hanggang sa 6.8%
A. Panuto: Gumawa ng timeline na nagpapakita ng mga pangyayari tungkol sa
nabasang kasaysayan. Ilahad ang mga pangyayaring naganap.

B. Panuto: Isalaysay na muli ang buod ng tungkol sa Pagpaslang kay Ninoy Aquino.
Buod:
______________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________.

You might also like