You are on page 1of 12

Masusing Banghay-aralin

Sa Edukasyon Pangtahanan at pangkabuhayan


Gamit ang Explicit-Instruction Method
I. Layunin
a. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas
ang pang-unawa sa batayang konsepto ng “paglilinis ng bahay” at ang
kahalagahan nito para sa pagtupad ng gampanin sa mga gawaing
pangtahanan.
b. Pamantayang sa Pagganap: Naisasagawa ang pang-unawa sa
kaalaman at kasanayan sa tamang paglilinis ng bahay
c. Pamantayan sa Pagkatuto:
a. Matukoy ang angkop na mga kagamitan sa paglilinis ng bahay;
b. Maisagawa ang wastong paglilinis ng bahay;
c. Magagamit sa maayos at matipid na pamamaraan ang mga
kasangkapan at kagamitan sa paglilinis ng tahanan.
II. Paksang aralin
a. Paksa: Paglilinis ng Bahay
b. Sanggunian (aklat)
c. Sanggunian (online)
https://www.scribd.com/document/498946446/EPP-4-HE-Q2-M4-
Wastong-Paraan-ng-Paglilinis-ng-Bahay-at-Bakuran
d. Kagamitan panturo: Mga larawang gagamitin panturo
Visual aid
e. Kasanayan sa Paggawa
f. Pagpapahala: Naririnig, naiintindihan at naisasapuso ang mga dapat na
tungkulin sa paglilinis ng tahanan
III. Pamamaraan
Gawain ng guro Gawain ng mga Mag-aaral
I. Panimulang gawain

Magandang araw sainyo mga


bata!
Magandang araw din po titser ryan!
Bago pa man tayo magsimula,
maaari bang tumayo ang lahat
para sa panalangin

Sino ang maaaring manguna


para sa panalangin? Ako po titser

Sige iho Sa ngalan ng Ama, anak at ng


espiritu santo… Amen

Ngunit bago maupo ang lahat


pulutin na muna natin ang mga
dumi sa ilalim ng ating mga mesa
at maupo nang maayos
pagkatapos, salamat.

Sino ba ang mga liban sa ating Wala po titser


klase ngayong araw?

Mabuti naman kung ganun

a. Panimulang Pagsasanay

Mga bata maaari niyo bang


sabihin sakin kung ano-anong
mga kagamitan ang ginagamit Walis tingting po titser
natin sa paglilinis ng kisame?
Basahan po titser
Magaling! Ano pa?

Pwedi rin,

E sa paglilinis naman sa loob ng Basahan po titser!


bahay?
Walis tambo po titser
Mahusay! Ano pa mga bata

Magaling!

batid ko na lahat kayo ay


mayroon ng kaalaman sa mga
gamit at sa paglilinis ng bahay.
Natutuwa ako.
b. Balik-Aral
Sino ba sa inyo maaaring
makaalala sa mga napag-usapan Ako po titser
natin kahapon at kung ano ba
ang mga nalaman ninyo roon?
Ang tinalakay po natin kahapon ay
Sige, jane ano ba ang mga patungkol sa Paguugali bilang
napagusapan natin kahapon kasapi ng mag-anak.

Tutulong sa gawaing bahay laging


Mahusay, maaari ba kayong mag sumunod sa utos ng mga magulang
bigay ng mga pag uugali na iyon? mangupo sa mga nakakatanda at
magkaroon ng takot sa Diyos.

Napakahusay! Batid ko na
nauunawaan ninyo ang ating
mga tinalakay kahapon.

c. Pagganyak

Bago tayo mag simula sa ating


talakayan magkakaroon muna
tayo ng isang gawain o aktibidad.
Ang buong klase ay hahatiin
natin sa dalawang grupo. Upang
maging pantay pantay ang grupo
magbibilang tayo ng isa
hanggang dalawa at kung sino
ang may bilang na isa ay sila ang Opo titser
magkakagrupo ganundin sa
dalawa, nauunawaan ba mga
bata? 1…2...1…2…1…

Mahusay! Maaarin ng mag


simula.

Lahat na may bilang na isa ay


maupo kayo sa parteng kaliwa ng
ating silid aralan at ang may Masusunod po titser
bilang naman na dalawa ay sa
parte kayo ng kanan ng ating silid
aralan.

Mabuti! Ang aktibidad natin


ngayon ay simple lamang.
Mayroon akong larawan dito ng
mga gamitan sa paglilinis ng
bahay at bawat grupo ang mag
lilista lamang kung ano-ano ang
mga gamit nito, sa unang grupo
ang tatalakayin lamang niyi ang Opo titser
a, b, c na nasa larawan at sa
pangalawang grupo naman ay
ang d, e, f nauunawaan ba?

Opo titser

Mahusay! Pagkatapos ng inyong


gawain ay pipili ng isa sa grupo
na maaaring magtalakay sa klase
ng inyong gawa, nauunawan ba?
Tapos na po titser
Bibigyan ko kayo ng sampong
minuto upang tapusin at maaari
na kayong mag simula.
Magandang umaga sainyong ako si
Tapos na ba ang lahat? mae galing sa unang grupo at
naatasan ilahad ang aming gawa.
Mahusay maaari na kayong
Ang gamit ng sabon at tubig ay
bumalik sainyong mga upuan at
paglilinis ito ng sahig at mga bintana
pakinggan natin ang pagtalakay
sa ating tahanan o silid aralan. Ang
ng unang grupo.
sabong pulbos naman at likidong
panlinis ay ginagamit sa paglilinis ng
lababo at ng mga banyo. At huli ay
floorwax ito ay karaniwang ginagamit
sa ating mga sahig upang
pangpakintab ng sahig. Yong
lamang po maraming salamt.
Magandang umaga sa titser at sa
Mahusay mga bata bigyan natin aking mga kamag-aral ako si bert
ng limang palakpak ang unang galing sa pangalawang pangkat at
pangkat. Pangalawang pangkat itatalakay ko ang mga gamit na
maaari niyo nang ilahad ang ipinakita sa atin ni titser. Ang likidong
iyong gawa. wax ay ginagamit upang
pampakimtab ng mga barnisadong
kasangkapan at ang suka at lumang
diyaryo naman ay ginagamit sa
paglilinis ng mga bintana. At ang huli
ay bleach ay ginagamit pangtanggal
ng mga mantsya sa lababo at
inidoro. Yon lamang po salamat

Mahusay na pagtalakay! Mga


bata bigyan natin ng limang
palakpak ang pangalawang
pangkat. Maraming salamat.

B. Paglalahad
a.pagtalakay
Ang wastong paglilinis ng
bahay

Ang tulong tulong na paggawa ng Opo titser. Mahilig po ako tumulong


mag anak ay kaylangang upang sa tuwing maglilinis ang aking
maging malinis at maayos ang nanay.
tahanan.
Tumutulong ba kayo mga bata sa
pag lilinis ng inyong tahanan?

Mahusay kaye! Opo titser

Mayroong mga hakbang ang


paglilinis ng tahanan.
Nakikita niyo ba ang inyong mga
nanay na nagsisimula sila
maglinis ng tahanan sa kisama?

Magaling!
Itong ang mga hakbang
1. Mag umpisa sa kisame
2. Isunod ang dingding at
larawang nakakwadro
3. Walisan ang ilalim ng kabinet,
lamesa, at mga upuan
4. Walisan ang mga gilid gilid
papunta sa gitna
5. Ilabas ang mga naipong dumi
at ilagay sa basurahan sa
labas ng bahay.
6. Ihuli ang pagmamap ng sahig
pagkatapos lagyan ng
floorwax
Opo titser palagi po.
7. Punasan ang mga mesa,
upuan, binatana at iba pang
gamit, pagkatapos ng
pagwawalis at pagbubunot.

Napapansin niyo ba mga bata na


ganito ang karaniwang ginagawa
ng inyong magulang sa
paglilinis?

Mahusay dahil ito ang wastong


paglilinis.

At ito naman ang mga wastong


pamamaraan sa paglilinis sa loob
ng bahay Dapat maging maingat
at matipid sa paggamit ng mga
pamamaraan sa kasangkapan at
kagamitan sa paglilinis ng bahay

Pagwawalis – gumagamit ng
walis- tambo sa pagwawalis ng Walis tambo po titser
sahig. Dahan-dahan ang
pagwawalis upang hindi lumipad
ang alikabok, sinulan sa mga
sulok at tabi ng mga silid
patungong gitna ang pagwawalis.
Gumagamit ng pandakot at
dakutin agad ang naipung dumi.

Ano nga ulit ang dapat gamitin sa


pagwawalis?

Mahusay!
At ang sunod naman ay
Pag aalis ng mga alikabok – ang
mga kasangkapan ay madaling
maalikabukan. Kaylangan
punasan ang mga ito, araw-araw Opo titser.
ang lumang damit o lumang
kamisita ay mainam gamiting Medyo maalikabok po titser
kung malambot at hindi nag iwan
ng himolmol. Sapagaalikabok,
simulan sa mataas na bahagi ng
mga kasangkapan pababa. Ang
mga dekorasyon at palamuti ay
kaylangang punasan din.

Nakapagwalis na ba kayo ng Opo titser at mahirap po pala


alikabok?

Ano sa pakiramdam?

Tama kaya’t ang pagaalis ng


alikabok ay dapat dahan-dahan
lamang
At ang pangatlo ay
Paglalampaso ng sahig
Nakapag lampaso na ba kayo ng
sahig mga bata?

Magaling mahirap ngunit


maganda naman ang
kinalalabasan nito pagkatapos
dahil
ang paglalampaso ng mga sahig
na gamit ang map ay ginagawa
pagkatapos walisan ang sahig.
Basain at pigain ang maphead.
Ilampaso ito sa sahig sa pagitan
ng muwebles sa sulok at sa ilalim
ng mesa at kabinet. Kapag
marumi na ang maphead,
banlawan sa isang timba
nakatamtaman ang dami ng tubig
o itapat sa gripo ay yugyugin
hanggang sa maalis ang dumi,
pigain at gamitin muli.

Pagbubunot – binubunot ang


sahig upang kumintab, punasan
muna ang sahig sahig lagyan ng
floorwax. Gawing manipis at
pantay pantay ang paglalagay,
pakuluin muna ito bago bunotin.
Punasan ng tuyong basahan
upang lalong kumintab.

a.ginabayang pagsasanay

Ngayon natalakay na natin ang


iba’t ibang paraan ng paglilinis ng
bahay ipapakita ko sainyo ang
tamang pag floor wax at pag
bubunot ng sahig.
Opo titser
At ang materyales ay:

Floorwax
Tela
Lampaso
Walis tambo Opo titser

Ang unang hakbang na dapat


gawin ay walisan muna ng walis Kayang kaya po titser
tambo ang sahig at pagkatapos
ay dahan dahan nating lagyan ng
floorwax ang tela at ipunas ito sa
sahig pakalat upang malagyan
ang lahat. Nakikita niyo ba ang
ginagawa ko?

Pagkatapos niyo dito ay


maghihintay lamang kayo
hanggang sa matuyo ang sahig Opo titser
at tyaka ninyo ito lalampasuhin.
Nauunawaan ba mga bata?

Kaya niyo bang maisagawa ang


aking pinakita?

Mabuti kung ganon


c. malayang pagsasanay
Dahil marami tayo sa klase hati-
hatiin natin ang klase sa
dalawang pangkat at bawat
grupo ay sabay sabay isasagawa
ang pagbubunot sa ating silid sa
loob ng sampong minuto.
Nauunawaan ba?

Magaling! Magsimula na tayo

(Pagsasagawa ng gawain)

C. Pangwakas ng gawain Opo titser


a. Pagpapahalaga

Magkakaroon ulit tayo ng gawain


mga bata at ito ang panuto
Tapos na po titser
Panuto:
Kayo ay magbibigay ng
repleksiyon sa natutunan ninyo
patungkol sa wastong
pamamaraan ng paglilinis ng
bahay. Isulat ang inyong sagot sa
isang pirasong papel sa loob
lamang ng limang minuto at
pagkatapos ay bubunot ako ng
isa sa mga gawa ninyo upang
basahin ito. Nauunawaan ba mga
bata?

Maaari na kayong mag simula.

Tapos na ba ang lahat?

Mabuti, ngayon maaari niyo nang


ipasa ang inyong mga papel

Ang ang papel na nabunot ko ay


galing kay grazel. Ayon sakanya

“Ang paglilinis ng bahay ng


bahay ay mahirap at maraming
oras ang nauubos matapos
lamang ito ngunit dahil sa ating
talakayan marami akong
natutunan sa wastong
pamamaraan ng paglilinis ng
bahay at kung anong mga
kagamitan ang mga ginagamit.
Nalaman ko na dapat pala ay
kisame ang inuuna sa paglilinis
nito gamit ang walis tambo o Hindi po titser
walis tingting. Sa pagtatapos
naman ay dapat huli ang pag Dahil may wastong pamamaraan
mamap ng sahig pagkatapos ay ang paglilinis ng ating mga silid o
pupunasan ito upang maging tahanan.
malinis tingnan.”

Napakahusay na repleksiyon
mula kay grazel at dahil diyan
inaaniyaniyahan ko ang buong
klase na bigyan ng tatlong
palakpak ang inyong kamagaral
na si grazel ang bigyan niyo rin Opo titser. At sa oaglilinis ng ating
ng tatlong palakpak ang inyong mga tanahan ay kaylangan ng sipag
sarili. at tyaga kahit ito ay matrabaho.

b. Paglalahat

Ngayon mga bata ang paglilinis


ba ng bahay ay dapat mabilisan
lamang? Bleach po titser
Bakit hindi mga bata

Magaling! Tama kayo


Dahil sabi nga natin kanina ito
may wastong pamamaraan at Pwedi nating gamitin titser ay walis
ganundin sa wastos mga tambo at walis tingting.
kagamitan. Mas maganda ang
trabaho kapag nasusunod ang
proseso, tama ba mga bata?

Mahusay tama kayo mga bata. Opo titser

Maaari niyo bang sabihin sakin


kung ano ang mga kagamitan sa
paglilinis ng ating mga lababo at
inidoro?

Magaling, dahil ang bleach ang


maaaring makatanggal ng mga
mantya.
Opo titser, kayang kaya po namin.
Sa paglilinis naman ng ating mga
kisame anong kagamitan ang
maaari natin gamitin?

Magaling tama kayo! Bukod pa


rito pwedi rin natin gamitan ng
basahan upang matanggal ang
mga alikabok. Tama ba mga
bata?

Mahusay, ako’y nagagalak dahil


nauunawan niyo ang ating mga
napag aralan.

Maaasahan ko ba na pag uwi


ninyo galing iskwelahan ay
tutulong kayo sa paglilinis
sainyong tahanan at gagamitin
ang tamang pamamaraan?

Magaling mga bata, ako’y lubos


na natutuwa dahil riyan at ngayon
tapos na ating talakayan.
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang 1 hanggang 5 sa patlang ang wastong pagkakasunod-sunod
ng mga hakbang sa paglilinis ng tahanan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

___1. Ilabas ang mga naipong dumi at ilagay sa basurahan sa labas ng bahay
___2. Walisan ang mga gilid gilid papunta sa gitna
___3. Walisan ang ilalim ng mga kabinet, lamesa at mga upuan. Ipunin ang mga
dumi sa sahig
___4. Isunod ang dingdig at larawang nakakwadro
___5. Magumpisa sa kisame

V. Takdang aralin
a. Gumupit o gumuhit ng mga larawan na maaring kagamitan sa paglilinis
ng tahanan at idikit ito sainyong mga notebook.
b. Magsulat ng mga masusustansiyang pagkain na niluluto sa ating mga
tahanan.

Ryan B. Acobera
BEED 2A

You might also like