You are on page 1of 3

Tagapagsalaysay: Isang araw sa kagubatan , masayang aglalakad si Pilandok, kumakandirit at

umaawit ito.

Pilandok: Maliit man, ako’y matalino at maliksi. Subukan mo ako, kung kaya mong mahuli.

Tagapagsalaysay: Ito palagi ang inaawit ni Pilandok habang siya ay naglalakad sa gubat. Hindi
siya natatakot na kaiin ng mga malalaking hayop sa gubat. Ngunit biglang walang anu-
anoy nakarinig siya ng malakas na ungol

Tigre: Roorr! Kumusta ka Pilandok? Tamang tama nagugutom ako, ikaw ang pananghalian ko.

Tagapagsalaysay: Nag-isip ng idadahilan sa Pilandok hanggang sa Makita niya ang burol sa di


kalayuan, maputik ito at kulay tsokolate dahil sa kakaulan lamang.

Pilandok: Patawad kaibigan , hindi mo ako pwedeng kainin kasi inutusan ako ng hari na
magbantay ng tsokolet key. Ito ang pinakamasarap na kyek sa buong mundo.

Tagapagsalaysay: NagItinuro ng tigre ang burol.

Tigre: Roorr! Gusto kong tikman yan.

Pilandok: Naku hindi maari magagalit ang hari.

Tigre: Konting tikim lang hindi na malalaman ng ng hari, Hindi ba’t magkaibigan tayo? Bat hindi
mo ako pagbigyan?

Pilandok: Sige pagbibigyan kita, kailangan muna akong makalayo upang hindi ako masisi ng
hari.

Tagapagsalaysay: Pumayag si Tigre. Nang makalayo ito, kinain agad ni Tigre ang putik. Nang
malasahan ito, nagwala ito sag alit at hinabol niya si Pilandok at nang maabutan ay galit
nag alit itong piangsabihan.

Tigre: Akala mo ya maloloko mo ako, naloko muna ako minsan , ngunit ngayon hindi na at ikaw
ang gagawin kong pananghalian.

Pilandok: Naku hindi mo ako puwede kainin dahil inutusan ako ng hari na magbantay ng
kanyang tambol.

Tagapagsalaysay: Itinuro ni Pilandok ang malaking bahay ng bubuyog na nakasabit sa puno

Tigre: Iyan ba ang tambol. Akin na at hatawin ko.

Pilandok: Naku walang sinuman angpwedeng gumalaw niyan.


Tigre: Hindi naman malalaman ng hari.

Pilandok: O sige hayaan mo muna akong makalayo at nang hindi ako masisi ng hari.

Tagapagsalaysay : Tumakbong papalayo si Pilandok at agad naming hinataw ni Tigre ang


bahay ng bubuyog. Agad itong pinutakte ng kagat si Tigre. Nang maabutan niya si
Pilandok galit nag alit na naman ito.

Tigre: Akala mo ya makakawala ka. Ilang beses mo na akong niluto. Wala ka nang ligtas!
Gutom na gutom na ako! Ikaw ang gagawin kong pananghalian.

Tagapagsalaysay : Nag-isip na naman ng paraan si Pilandok upang hindi makain.

Pilandok: Hindi mo ako maaring kainin mahal kong kaiigan. Napagutusan ako ng hari na
bantayan ang kanyang sinturon

Tagapagsalaysay : Itinuro ni pilandok ang ahas na nakapuluot sa sanga ng puno.

Tigre: Gusto kung isuot ang sinturon ng hari.

Pilandok: Naku walang dapat magsuot niyan, yan ang utos ng hari.

Tigre: Sandali lang naman, walang dapat makaalam

Pilandok: O sige hayaan mo muna akong makalayo at nang hindi ako masisi ng hari.

Tagapagsalaysay : Tuwang tuwang isinuot ni Tigre ang sinturon ng hari. Isinuot niya ito sa
kanyang bewang. Lalong humigpit nang humigpit ang pulopot nito sa baywang . Hindi
na makakilos ang tusong Tigre.

Tigre: Kaibigang Pilandok, tulungan mo ako!!!

Tagapagsalaysay : Hindi na narinig ang ungol ng Tigre, nakalayo na si Pilandok at pakanta


kantang humakandirit sa himig ng kanyang awitin.

Pilandok: Maliit man ako’y matalino at maliksi. Subukan mo ako, kung kaya mong mahuli.

You might also like