Professional Documents
Culture Documents
com/
https://www.prepostseo.com/image-to-text
Balik-tanaw
Natunghayan ninyo sa Modyul 4 (Sinaunang Pamayanan) ang sariling kabihasnan ng mga katutubong
Pilipino na nakaugat sa kalinangang Austronesian. Ang kabihasnang ito ay maritimo at agrikultural. Nabuo
ang mga bayan sa tabing-ilog at tabing-dagat. Batay sa uri may mga pirmihang bayan sa ilaya
(kabundukan) at bayan sa ilawud (malapit sa dagat). May mga nabuo ang ilang estadong-etniko sa sentro
ng palitan at kalakalan. Pinamumunuan ang estadong-etniko ng hari, rajah o sultan. Tumanggap ng
impluwensiya mula sa labas ang mga katutubong Pilipino sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga
banyaga. Dahil dito naganap ang Indianisasyon, Islamisasyon at maagang Katolosismo.
Source: Philip Dorf, Our Early Heritage: Ancient and Medieval History, Oxford Book Company (adapted)
Noong ika-15 na dantaon, malaking bahagi ng Asya ay nasa kontrol ng mga imperyong Muslim
(Ottoman, Safavid at Mughal).
Ang bahagi ng lumang ruta ng kalakalan tulad ng Silk Route ay nasa kamay ng mga Muslim.
Mga mangangalakal mula sa Italy (hal. Venice) ang may monopolyo ng distribusyon ng produktong Asyano
sa Europe dahil sa mabuting relasyon nito Ottoman.
Maliban sa ginto at pilak, ang kalakalan ng spice(rekado) ay nais ding makontrol ng mga kaharian sa
Europe. Ito ay dahil sa malaki ang halaga nito sa Europe.
May alam ka bang spice?
Narinig mo na ba ang Spice Islands, Moluccas o Maluku Islands?
Ito ay kalipunan ng isla na sagana sa iba’t ibang spice. Matatagpuan ito sa Timog Silangang Asya.
Alam mo ba kung nasaan ang Moluccas?
Ilang halimbawa ng rekado mula sa India.
https://www.ocr2edit.com/
https://www.prepostseo.com/image-to-text
Tingnan ang mapa, pansinin ang mga ruta para sa panlupang at pandagat na kalakalan. Pansinin din ang
ruta ng kalakalan para sa rekado/ spice.
Spice Trade Route, 100-1500 ce
Sa puntong ito, tingnan ang bagong ruta na ginalugad at natuklasan ng Portugal at Espanya.
Nanguna ang mga kaharian ng Portugal at Espanya na parehong nasa Iberian peninsula sa eksplorasyon
ng mga bagong ruta ng kalakalan tungong Asya.
Suriin sa mapa ang mga ruta ng eksplorasyon ng Portugal atvikumpara ito sa ruta ng Espanya, England,
France at Netherlands
European Exploration and Land Claims, 1488–1610
Mula 1519 hanggang 1565 nagpadala ang monarko ng Espanya ng mga ekspedisyon tungong Asya
mula Espanya 0 Mexico. Si Haring Carlos | (Espanya) ang nagpahintulot sa ekspedisyong Magellan.
● Nanguna at maraming napagtagumpayan ang ekspedisyong Ferdinand Magellan / Juan Sebastian
del Cano (mula 1519 hanggang 1522).
- Ito ang laman ng video: “How Magellan circumnavigated the globe” (2017).
- Tinawag ni Magellan ang kapuluan ng Pilipinas bilang “Islas de San Lazaro.”
● Sumunod ang iba pang ekspedisyon sa Pilipinas at Mollucas upang isailalim sa Espanya:
- Ito ang mga sumunod na ekspedisyong Loaisa (1525-1526), Saavedra (1527-1529)), at
Villalobos (1542-1546).
Pag-aralan ang mga ruta ng mga ekspedisyong Espanyol mula kay Magellan hanggang Legazpi.
https://www.ocr2edit.com/
https://www.prepostseo.com/image-to-text
Mula sa pagsusuri sa mapa, natunghayan ninyo ang mga ruta ng ekspedisyon. Nakarating man sa
Pilipinas at Mollucas ang ekspedisyong Loaisa, Saavedra at Villalobos, hindi nila naisagawa ang
pananakop
● Matapos ang ekspedisyong Magellan, sumama si Juan Sebastian del Cano sa Loaisa. Namatay
pareho sina Loaisa at del Cano sa ekspedisyong ito (1525-1526).
● Nabigo ang mga ekspedisyong makabalik sa Mexico sa pamamagitan ng Karagatang Pasipiko.
● Si Ruy Lopez de Villalobos (1542-1546) ang nagbigay ng pangalang Felipinas sa kapuluan sa
ngalan ng monarko ng Espanya si Felipe II.
● Ngunit kaiba ang nangyari sa ekspedisyong Legazpi na may malinaw na utos na sakupin ang
Pilipinas. Nagtagumpay din si Fray Andres de Urdaneta na matuklasan ang ruta pabalik sa Mexico,
tinaguriang “el tornaviaje” (1565). Si Urdaneta ay kabilang sa ekspedisyong Loaisa (1525-1526) na
nabuhay at nakabalik sa Espanya.
Taong 1521, limang (5) siglo ang nakaraan sa ating kasaysayan ang pagdating ni Magellan sa Pilipinas.
Maagang Katolisismo — pagdating ng ekspedisyong Magellan, Marso 16, 1521. Noong Marso 14,
2021, mismong si Pope Francis ay nagmisa sa Vatican para gunitain ang okasyong ito.
https://www.ocr2edit.com/
https://www.prepostseo.com/image-to-text
Kaugnay nito ang mga pagdiriwang na nagaganap ngayon bunsod ng mga proyekto ng UP at National
Historical Commission of the Philippines (NHCP) para sa National Quincentennial Celebration. Bagaman
may mga sektor na nagtatanong kung dapat bang ipagdiwang ito.
● Magandang talakayin sa bahaging ito ang ritwal na sandugo o kasi-kasi ng sinaunang Pilipino
● Sandugo - Mahalaga dahil nangangahulugan ng pagkikipagkapwa, pagbuo ng kapatiran, pagkamit
ng kapayapaan. May pangako ng kooperasyon at pagtutulungan
● 1521 - Sila Rajah Kulambu (Limasawa), Rajah Siagu (Butuan), at Humabon (Cebu) ay nalinlang ni
Magellan sa pakay nitong pakikipagtulungan kaya naganap ang sandugo.
● Ngunit sa perspektiba ni Magellan ang sandugo ay hindi lamang pakikipagtulungan kundi unang
hakbang sa pananakop
● Ito rin ang perspektiba ni Legazpi sa kanyang sandugo noong 1565.
Mula 1565 hanggang 1663, pinagtibay ng Espanya ang kapangyarihan nito sa Luzon at
Visayas.
● Manila, naging sentro ng estadong kolonyal dahil sa lokasyon nito
- 1571, nasakop ang Tondo at Maynila na nasa pamumuno nina Lakandula (Tondo), Rajah
Soliman at Rajah Matanda (Manila)
- 1588, nagplano ng pag-aalsa ang Tondo: nanguna ang kamag-anakan ni Lakandula na sila
Magat Salamat (anak ni Lakandula), Agustin de Legazpi, at Martin Pangan noong 1588
https://www.ocr2edit.com/
https://www.prepostseo.com/image-to-text
ngunit ang inaasahang dagdag na puwersang militar mula sa Brunei ay naharang ng mga
Espanyol bago makarating sa Maynila. Nabigo ang pag-aalsa.
Mula 1565 hanggang 1663, isinagawa rin ang mga pagsalakay sa Mindanao, Sulu at Mollucas ngunit hindi
lubos na nagtagumpay ang mga ito dahil sa:
● masidhing pakikipagdigma ng mga Muslim sa pangunguna ni Sultan Kudarat, sultan ng
Maguindanao
● malaking banta rin sa mga Espanyol ang mga pag-atake ng Dutch sa Pilipinas at ni Limahong
noong 1574
● noong 1635 hanggang 1663, pansamantalang nakontrol ng mga Espanyol ang Zamboanga,
Dapitan, at Ternate (isla sa Mollucas) sa utos ni Gob-Hen. Juan Cerezo de Salamanca. Kasunod
nito, itinayo ang Fort Pilar ng mga Espanyol sa Zamboanga.
● Ngunit noong 1663 iniwan ng pwersang Espanyol ang Zamboanga, Dapitan at Ternate dahil sa
banta ng pagsalakay sa Manila ng mga Tsino sa pangunguna ni Koxinga. Sa kabilang banda, hindi
natuloy ang pagsalakay ng puwersa ni Koxinga sa Manila.
Ang mga lugar na napasailalim sa kontrol ng Espanya tulad ng mga kapatagan ng Luzon at Visayas ay
nakaranas ng malaking pagbabago dulot ng kawing-kawing na instrumento ng pananakop.
● Layon ng pananakop ang Instrumento mahubog ang mga Pilipino sa Pananakop pamamagitan ng
Hispanisasyon
Sa ilalim ng sistemang encomienda ipinatupad ang mga unang patakaran ng pananakop. Mula 1570
hanggang 1721 (taong binuwag ito), ang mga encomendero (nabigyan ng encomienda) ay may
sumusunod na kapangyarihan at responsibilidad:
● kumuha ng tributo sa mga katutubong nakatira sa kanyang encomienda.
● magpataw ng sapilitang paggawa (polo y servicio) sa kalalakihan 18 hanggang 60 taong gulang.
● siguraduhing mabinyagan sa Katolisismo ang mga katutubo.
Naitala ang maraming pag-aabuso ng mga encomendero laban sa mga katutubo.
Plaze Complex
Manila
A. El Cabildo
B. Catedral A
C. Palacio del Gobernador
Ciudad (diocesis)
Manila*
Santissimo Nombre de Jesus (Cebu)
Nueva Caceres (Naga)
Nueva Segovia (Lallo)
Villa
Arevalo (Panay)
Fernandia (Vigan)
Paninirahan 1600-1650
Cabeza at Gobernadorcillo:
● Sinaunang pamayanan:
- Ang datu at rajah (maginoo/ naghaharing-uri) ay pinuno ng mga sinaunang pamayanan na
tumatanggap ng buwis at handog mula sa mga sakop
● Estadong kolonyal:
- pumayag mapasailalim sa Espanya
- naging cabeza at gobernadorcillo
- kolektor ng tributo, polo, at vandala
● Matatagpuan ang kanilang tirahan malapit sa simbahan na sentro ng pueblo, ciudad etc
● Bumubuo sa principales (principalia)
● Ninamana (hereditary) ang posisyon hanggang dantaon 18
● Libre (exempted) sa tributo, at polo y servicio
hanggang sa lokal na antas lamang ang kapangyarihang politikal ng principales na Pilipino sa estadong
kolonyal
Bahay na bato
tirahan ng principalia
may katangian ng pagbabago,at agpapatuloy ng tradisyunal na bahay-kubo
https://www.ocr2edit.com/
https://www.prepostseo.com/image-to-text
Sa estadong kolonyal:
● Kalakalang galyon, mula 1568 hanggang 1815, ang naging pangunahing pang-ekonomiyang
gawain ng mga Espanyol, kapwa ng mga sibilyan at relihiyoso.
● Kalakalang galyon - naging transhipment port ang Manila ng mga produktong Tsino na dadalhin sa
Acapulco.
● Lupa - nawalan ng lupa ang mga indio sa bagong sistema ang titulo sa lupa/ konsepto ng pribadong
pag-aari
● Titindi ang problema sa lupa habang lumalawak at dumarami ang mga hacienda simula sa
Katagalugan hanggang sa ibang bahagi ng Luzon at sa Kabisayaan noong ika-18 na dantaon.
● Ebidensiya: ang mga pag-aalsa laban sa mga hacienda ng mga prayle noong 1745
Suriin ang mga produkto, halaman, hayop, at mga sakit na lumaganap sa palitan sa gitna ng mga
kontinente dulot ng tinaguirang Columbian Exchange.
Maliban sa panloob na mga pakikidigma at pag-aalsa humarap din hamon ng mga Dutch, English at Tsino
ang estadong kolonyal
● Dutch 1568-1648
● Tsino
- Limahong, 1574; Koxinga 1663 (naudlot na pagsalakay)
- pag-aalsa ng mga Sangley sa Manila 1603, 1639, 1662
● British/ Britaniko 1762-1764
Peninsulares
Insulares
Mestizo Esp
https://www.ocr2edit.com/
https://www.prepostseo.com/image-to-text
Principalia: gobernadorcillo, cabeza, inquilino
Principalia: Mestizo chino (inquilino, maylupa)
Chino-sangley
Indio (tenante)
Indio (walang lupa)
Edukasyon
Dekretong Pang-edukasyon 1863
● paaralang pampubliko
● pagtatag ng paaralan para sa mga batang lalaki at babae, edad 6 ~ 14.
Agham
● Ekspedisyong Balmis (1803-1806) nagbigay-daan sa unang pagbabakuna sa smallpox sa Pilipinas
noong 1805. Kasunod nito itinatag ang Central Board of Vaccination 1806.
● pagtatag ng Observatorio Meteorologico de Manila noong 1865 sa pangunguna ng mga Heswita sa
pamumuno ni Padre Federico Faura.
Suliraning Panlipunan
● Pagdami ng Bandido, Tulisan
● mukha ng paglabas/ paglaban sa estadong kolonyal
● pagnanakaw, pagsalakay sa mga pueblo
● problema sa pacto de retroventa
● usapin sa lupa lalo na hacienda ng mga prayle (friar estate)
● pagdami ng kaso ng land grabbing
● pagtago sa kabundukan
Carcel de Bilibid
https://www.ocr2edit.com/
https://www.prepostseo.com/image-to-text
Suliraning Panlipunan
● Itinatag ang Carcel de Bilibid at pagbuo ng sistema ang kulungan noong 1865.
● Itinatag ang Guardia Civil noong 1868.
● ipinatupad ang parusang korporal tulad ng pagbigti, garrote, pagbaril sa publikong lugar at
deportasyon
● konsepto ng pagkabaliw (dementes) na naramdaman sa mga suliraning dinaranas sa dantaon 19 -
itinatag ang Hospicio de San Jose para sa mga baliw (dementes) at mga nakakahawang sakit sa
Isla de Convalecencia (llog Pasig) 1810