You are on page 1of 2

Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes

l. Mga Tauhan

1. Danding

2. Tiya Juana

3. Tiyo Goryo

4. Lolo Tasyo

ll. Pinangyarihan/Tagpuan

- Istasyon ng tren - kung saan hinatid at sumakay sila Danding, kasama ang kanyang tiyahing si
Juana at ang kanyang tiyuhing si Goryo.

- Ang Nayon ng Malawig - kung saan ipinanganak, nagkaisip at lumaki ang ama ni Danding. Doon
din sila pumunta upang makiramay sa kanilang kamag-anak.

- Bahay - kung saan nakaburol ang kamag-anak nila Danding na namatay.

- Bukid - doon nakipagkwntuhan si Danding sa kanyang Lolo Tasyo tungkol sa kabataan ng


kanyang ama hanggang sa ito ay lumaki.

- Libingan - kung saan inilibing ang kamag-anak ni Danding na namatay.

lll. Buod

Ang Lupang Tinubuan ay ay nagkamit ng parangal na ginawa ni Narciso Reyes. Ang mga tauhan na si
Danding na pangunahing tauhan, si Juana at ang Tiyo Gorio. Nang minsan ay nakipaglibing sila kasama
ng kanyang tiyo at tiya ni Danding. Nalaman niya na marami pala siyang kamag-anak sa Malawig. Isa sa
nakilala niya ang kanyang Lolo Tasyo na ikinuwento ang kanyang ama. Isinalaysay niya sa paraang
Flashback ang buhay ng kanyang ama.

lV. Suliranin/Problema

suliranin sa kuwentong ito ay ang pagkakaroon ng karamdaman ng ama ni Danding. Isang suliranin ng
kanyang buong pamilya sapagkat sa pagkakaroon nito ng sakit. Nahirapan ang kanyang ina sa
pagtataguyod ng buong pamilya. Isa pang suliranin na aking nakita ay ang kamatayan ng isang kamag-
anak ni Danding.

V. Mensahe/Aral

Mahalin natin ang ating pamilya at pahalagahan ang bawat masasayang araw na kasama sila dahil
darating ang panahon na wala na sila sa ating tabi. Dapat din tayong magbigay halaga sa ating lupang
sinilangan.

You might also like