You are on page 1of 9

PROYEKTO

SA
MTB

IPINASA NI:

SHANTAL AQUIA D. MONTOJO


GRADE III- SSC
MGA BAHAGI NG
PAHAYAGAN
Mukha ng Pahayagan – Ito ang
pinakaunang pahina ng
pahayagan. Naglalaman ito ng
pangalan ng pahayagan at
headline ng mga balita. Makikita
mo rin sa pahinang ito ang petsa
kung kailan nailimbag ang dyaryo.
Balitang pandaigdig –
Mababasa naman sa bahaging
ito ang mga kaganapan sa iba’t-
ibang parte ng daigdig.
Naglalaman din ito ng mga balita
na may kaugnayan sa labas ng
ating planeta.
Balitang Panlalawigan –
Nakapaloob naman sa bahaging
ito ang mga kaganapan sa iba’t-
ibang lalawigan ng bansa.

MGA BAHAGI NG
PAHAYAGAN
Editoryal o Pangulong Tudling –
Ang pahinang ito ay naglalaman ng
matalinong kuro-kuro ng patnugot o
mamamahayag tungkol sa isang
napapahong isyu o paksa.
Balitang Komersyo – Ang bahaging
ito ng pahayagan ay naglalaman ng
mga ulat na may kaugnayan sa
industriya, kalakalan, at komersyo.
Mababasa din dito ang
kasalukuyang estado ng palitan ng
piso kontra sa pera ng ibang bansa.
Anunsyo Klasipikado – Ang
pahinang ito ay nakalaan para sa
mga taong naghahanap ng trabaho
na pwedeng pag-aplayan. Dito rin
mababasa ang mga patalastas
tungkol sa mga bagay na
ipinagbebenta o pinapaupahan
tulad ng kotse, bahay at iba pang
ari-arian.

MGA BAHAGI NG
PAHAYAGAN

Obitwaryo – Ito ay parte ng pahayagan na


naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa mga
taong pumanaw na. Mababasa sa bahaging
ito ang impormasyon ng mga namayapang tao,
kung saan ito nakaburol, kailan at kung saan ito
ililibing.
Libangan – Ang pahinang ito ay naglalaman
ng mga balita na naghahatid ng aliw sa mga
mambabasa. Mababasa dito ang mga balita
tungkol sa mga kaganapan sa showbiz, mga
tampok na palabas sa pelikula at telebisyon, at
iba pang maiuugnay sa sining. Naglalaman din
ito ng mga laro na nakakakuha ng interes ng
mga mambabasa, tulad ng sudoku at
crossword puzzle. Dito rin matatagpuan ang
komiks at horoscope.
Lifestyle – Mababasa sa bahaging ito ang mga
artikulong may kaugnayan sa pamumuhay.
Tulad ng tahanan, pagkain, paghahalaman,
paglalakbay at iba pang aspeto ng buhay sa
lipunan.
Isport o Palakasan – Sa bahaging ito
mababasa ang iskedyul ng mga laro.
Mababasa din sa bahaging ito ang mga
kaganapan at balita tungkol sa iba’t-ibang
isport sa loob at labas ng bansa.

Editoryal
Ang editoryal ay isang lathalain sa pahayagan. Ito
ay naglalaman ng pananaw o opinyon ng editor
tungkol sa isang paksa. Naglalayon iyo na
manghikayat at mangumbinsi ng mga mambabasa.

Iba't Ibang Uri ng Editoryal


Editoryal na Nagpapabatid -
nagbibigay linaw o kaalaman sa
isang paksang hindi lubos na
maunawaan.
Editoryal na
Nagpapakahulugan - pinipiga
ang hahantungang kahulugan ng
isang balita.
Pumupuna at Nagbibigay
Reforma - tumutuligsa sa
tiwaling hakbangin ng
makapangyarihan at
nagmumungkahi ng reforma.
Pagpaparangal at Pagbibigay-
puri - pinahahalagahan ang
kinauukulan sa pamamagitan ng
mga pangungusap na busog sa
diwang mabulaklak, subalit
matapat.

Editoryal
Ang editoryal ay isang lathalain sa pahayagan. Ito
ay naglalaman ng pananaw o opinyon ng editor
tungkol sa isang paksa. Naglalayon iyo na
manghikayat at mangumbinsi ng mga mambabasa.

Iba't Ibang Uri ng Editoryal


Nagpapahalaga sa
Natatanging Araw -
tumatalakay sa laarawan ng
mga dakila at bayani, at pati
narin ang mga pagdiriwang ng
bansa.
Paglalahad na Nababatay sa
Tahasang Sabi -
sumasalungat, sumasang-ayon
o nagpapaliwanag ng isang
pahayag ng may mataas na
katungkulan aa pamahalaan.
Paglilibang - naklilibang ngunit
kung susuriing mabuti ay may
nakatagong kahulugan.

You might also like