You are on page 1of 2

Filipino Script

Talampas, Trixie

Baniquid, Chelzie- anak

Manalo, Abby Kimberly- nanay

Ramos, Anthony- aktor

Ramirez, Allyson- aktor

De Belen, Cherisse- aktor

TT & CDB: Kastila, kastila! Nariyan na ang mga kastila!

(NAGKAKAGULO LAHAT, SUSUGOD SI RAMOS AT RAMIREZ AT SASAKSAKIN NI RAMIREZ SI DE BELEN.


LALABAS SI RAMOS NA PARANG NAGMAMALAKI)

AT: Buenas dias! Señor, Señora. (Habang sinasabi mo yan, iatatapik tapikin mo ng tungkod yung lupa)
Maraming Salamat sa pagdalo sa ating pagpupulong. Makinig kayong lahat (tuturo mo ng tungkod yung
mga tao) sa aking sasabihin. Nais kong ipabatid sainyo na ang Kristyanismo ay akin nang ipapalaganap
sa buong bansang ito.

AR: Señor, masyadong bago iyan sa aking pandinig. At paano naman naming mapagaaralan ang mga
iyan, kung tayo’y magkaiba ng lengguwahe?

AT: Marahil hindi ka nga nakapag aral binibini. Kami ay nag handa ng doktrina kristiyana, isang librong
naglalaman ng bersyon ng mga dasal at tuntunin ng isang krstiyano sa patagalog na salaysay.

(Mag uusap pa rin ang mga aktor)

NANONOOD NG TELEBISYON

CB: NAY! Ang galing! Espanyol pala ang nagdala ng nangunganang relihiyon ng Pilipino.

AM: Oh! ngayon alam mo na. At mo rin ba na hindi lang Relihiyon ang bitbit ng Espanyol sa ating bansa?

CB: Eh ano po ba inay? (Papatayin ang telebisyon.)

(Lilitaw si Cherisse na matanda version)

CB: Oh anjan na po pala si Lola, (magmamano si cherisse at abby) Mano po, La!

CDB: Kaawan ka ng Diyos.

AM: Oh pati yang pagmamano mo, nakuha din natin yan sa mga Espanyol. Atsaka yung pandesal na
kinakain mo ngayon? Sa Espanyol din galing yan. Andiyan na si tiya Bella mo.

(Magmamano si Baniquid kay Talampas)

TT: Ano ba ang inyong pinaguusapan?


AM: Ayang pamangkin mo kasi, masyadong kuryoso sa mga panahon ng kastila.

TT: Talaga ba? Eh tamang tama may bagong bukas na museo sa malapit sa morayta.

CB: Museo po?

TT: Oo museo! Tungkol sa mga kagamitan at kasuotan ng Pilipino noong sinakop na sila ng Espanyol.

CB: Mukhang boring na man po doon, tiya. Sa palaruan nalang po tayo magpunta!

CDB: Alam mo apo, ang pag aaral ng ating pinagmulan ang pinaka importante mong matututunan. Para
mulat ka sa kasaysayan ng Pilipinas.

TT: Tama si nanay. Kaya habang ikaw ay bata pa, mas magandang mapagaralan mo na ang mga bagay
kung saan nagsimula ang lahat. Oh halika na nga! Baka tayo’y gabihin pa.

(Lalabas si Anthony kasama si Allyson na may hawak na “Dito tayo” signage)

AR: Mga madam! Pumila na po kayo! Magsisimula na po ang museum tour natin!

(PIPILA SILA)

ALR: Eto po ang iba’t ibang uri ng kasuotan ng bawat Pilipino noong panahon ng Espanyol.

AM: Oh ayan ang baro’t saya ng kababaihan. Ayan ang pambansang kasuotan ng Pilipina at tinatawag
ding Maria Clara. Sa lalaki naman ang Camisa de Chino.

CB: Sobrang laking deperensya po pala ng buhay noon at ngayon.

AR: Dumako po tayo sa mga Kabahayan ng mga Pilipino noong sila’y sinakop ng Espanyol.

ALR: Kung dati ay bahay kubo lamang ang tinitirhan, noong sinakop naman tayo ay natuto na mag tayo
ng bahay na gawa sa bato.

(Mamamangha sila)

AR: At dito na po ang huli. Alam niyo ba na sa kastila din natin nakuha ang pagdiriwang ng kapistahan?

CDB: Ahh tulad ng pista ng Sinulog sa Cebu?

AR: Oo! (hinto ng konti) Dito na po nagtatapos ang museum tour natin. Sana po makabalik kayo ulit dito.

AM, TT, CDB, CB: Salamat.

(Tatalikod sila)

CDB: Oh apo, marami ka bang natutunan ngayon?

CB: Opo naman lola. Talagang kailangan nga natin matutunan ang kasaysayan. Upang maunawaan natin
ang mga nangyari sa nakaraan, at para lumawak na rin ang ating kaalaman sa nakaraan.

TT: Sa susunod ulit, dadalhin naman kita sa museo ng panahon ng rebulusuonaryo. Mauna na ako. Ingat
kayo.

CB: Salamat, Tiya. Sa susunod ulit.

You might also like