You are on page 1of 7

New Yorker in Tondo

Settings : labas ng bahay, tapat ng tindahan

Castro (Tambay 1): anu ba yan ?! push na baka matalo pa ?!


Angeles(Tambay 2): oo na ito na nga mag pupush na.
Alvarez (sabongero): uyy mga pare ang aga natin diyan ahh (hinihimas himas yung hawak na manok)
Maputol (Tambay 3): upo ka muna pare mukhang bagong sabong ahh
Mendova (Tambay 4): nanalo ba ?? baka pwede sagot mo na ?!
Alvarez (Sabongero): talo nga pare
Maputol (Tambay 3) : (iaabot yung baso) iinum nalang natin yan ohh shot ! shot !

Mijares (Tambay 5): *medyo nagtatago* ohh pre ito ah medyo mataas bigayan ehh
Almadin (Tambay 6): sige pre sige pre
Tomboc (Kagawad) : hoy hoy pautang kayo ano yan ? ang aga aga ahh ?
Mijares (Tambay 5): ayy boss chairman chill lang kayo mikmik lang to
Almadin (Tambay 6): oo nga po chairman gusto niyo po ?
Tomboc (Kagawad): sige patingin nga
---Dadating si Joan---
Regala(asawa ng sabungero): hoy bentong ! ang aga aga nandiyan ka nanaman sa inuman nasan na
yung pera na sinabi ko na ipadala mo ??

Alvarez (sabongero): ahh ehh nahulog sa kanal nadapa kasi ako


Marvin (tambay 4): paktay tayo diyan
Joan (asawa ng sabungero): umuwi ka sa bahay mag uusap tayo
Alvarez(sabungero): usap lang ahh walang bugbugan
Joan(asawa ng sabungero): oo naman mahal (sabay hilot hilot sa balikat ni alvarez)
Mijares(tambay 5): nako po mukhang may rematch nanaman
--aalis si benjie kasunod si joan-- makakarinig ng hiyawan tapos kalabog
Alvarez(sabungero): ayoko na ayoko na sabi mo usap lang bakit may sipa (gumagapang palabas)
Regala (asawa ng sabungero) : oo nga mahal naguusap na tayo... (Sabay hahatakin si benjie sa tenga)
---dadaan sa gitna si Germones---
Germones (anak): *kumakamot sa ulo* Ate Bebang pautang daw po si mama ng toyo tsaka suka
Canon (tinder): ililista ko na ba ?
Germones(Anak): wait lang po itatanong ko po kay mama *uuwi tas babalik* Aling Bebang…!! “ type
niyo na lang daw po..
-------sasarado yung kurtina--------
Catalo (Kikay): (nagliligpit at nagpapasok ng damit sa bag)
Francisco (Tonyo) : Kikay kailangan mo ba talagang umalis ? hindi pa pwedeng dito ka nalang ?
Catalo (Kikay): Pero Tonyo napagusapan na natin to hindi ba ?
Francisco (Tonyo): oo nga kikay pero kailangan ba talaga ? kahit na alam mong madami kang maiiwan
dito
Catalo (Kikay): Tonyo hindi ako uunlad yung magulang ko ,kung andito lang ako
Francisco (Tonyo): uunlad ? pero ? ang dami namang oportonidad diyan bakit kaialangan mo pa mag
ibang bansa ?
Catalo (Kikay): oo Tonyo isipin mo nga ? paano ako uunlad sa pagtitinda ng kakanin, Tonyo madami
akong pangarap at gusto kong maabot yun !
Francisco (Tonyo): Pwede mo naman abutin mga pangarap mo ng hindi umaalis ng bansa Kikay
Catalo (Kikay): Buo na isip ko Tonyo aalis ako ng bansa at pupunta ako sa America
Francisco (Tonyo): ganon nalang ba ? ha ? aalis ka at iiwan mo kami ? ako ?
Catalo (Kikay): oo Tonyo dahil nandun ang pangarap ko na hindi na hindi ko makikita dito !
Francisco (Tonyo): ohh sige kikay kung yan yung gusto mo… (tatalikod at papaalis na)
Catalo (Kikay): sandali lang Tonyo ! (yayakapin si Tonyo sa likod) alam mo naman na kasama ka din sa
mga pangarap ko diba ?
Francisco (Tonyo): alam ko Kikay (hahawakan ng dalawang kamay yung pisnge ni Kikay) magiingat ka
ahh (ididikit and noo niya sa noon ni kikay)
Catalo (Kikay) : oo Ton..
----PAPASOK SI GERMONES DALA YUNG PANSIT NA NAKABALOT---
Germones (Anak): ate kikay ito daw po yung order niyo kay ma
------------Magsasarado yung kurtina-------------------

Pestano (Chismosa 1): oyy mga mars narinig niyo na yung balita ?
Padero (Chismosa 2): ayy ano mare ?
Pestano (Chismosa 1): si Kikay daw mare umuwi na ?
Trono (Chismosa 3): (napaadaan ng marinig na naguusap ang dalawa ay naki stop over na din) ayy talaga
ba mare ?
Pestano (Chismosa 1): oo mare grabe daw nag level up dating taga tinda lang ng kakanin sosyal na
ngayon
Tomboc (Kagawad): (kasama isang tanod (Domingo) hay nako napaka hi-tech talaga ng barangay natin
Domingo (Tanod): hi-tech po ? ehh wala nga po tayong mga cctv ?
Tomboc (Kagawad): ayan ohh ? (sabay turo sa mga chismosa)
Pestano (Chismosa 1): uyy mars nagkakagulo ohh ? (kakalabitin si Castro kasi nagmamadali sabay
magtatanong) uyy ano yung pinagkakaguluhan nila artista ?
Castro (Tambay 1) : hindi ehh pero babae ang ganda ng damit and init init pero naka jacket
----------- magsasarado yung kurtina--------------------
Catalo (Francesca) : hi everybody !! Its good to be back here ahh
Mga kapitbahay : (naguusap usap habang dumadaan si catalo)
Catalo (Francesca): (papasok sa bahay) ohh hi mommy did you miss me your beautiful daughter
Millona (Aling Atang): anong nangyare sayo kikay ?
Catalo (Francesca): mommy ?? yucks dont call me kikay call me fran..ces..ca mommy it's francesca.. not
P.. but F.. (sabay ngiting pakikay)
Millona (Aling Atang) : pero ?
Catalo (Francesca): no mommy stop saying further questions, here mommy I grab you some fascinating
cloths while im in new york ( sabay titili tas isusukat yung mga damit kay millona) ohh diba mommy hindi
ka na si aling atang you're my beautyful mommy and our whole neighborhood will call you
"mrs.mendoza"
----sasarado ang kurtina---
Trono (Chismosa 3): uyy mga marss may balita ako senyo
Padero (Chismosa 2): ano yun mars ?
Pestaño (Chismosa 1): mga mars i have some chicaa !!?
Padero (Chismosa 2): wow English mare level up
Pestaño (Chismosa 1): ehh kasi naman mars naka chica minute ko si aling atang ayy mrs. M pala
Trono (Chismosa 3): mrs M ?
Pestaño (Chismosa 1): oo mga mars at alam niyo ba na si kikay francesca na pangalan ?
----(lahat ng back up characters sisigaw ng si kikay...new yorker...englishera...francesca na ? Sabay
aalis at babalik na sa kani kanilang ginagawa)----
----sasarado na ang kurtina-----
Francisco (Tonyo): (kakatok) aling atang ? Tao po ?
Millona (Mrs M.): ohh tonyo ? Napadaan ka halika upo ka dito
Francisco (Tonyo): (uupo sa upuan) kamusta na po aling atang medyo bihira nalang ho.. makadaan dito
sa inyo oo nga po pala dadaan din daw ho sila Totoy at Nena
Millona (Mrs M.): ohh Tonyo you should call me mrs. M masyadong nakakatanda ang aling atang okay ?
and you should not call kikay my daughter ? Call her Francesca
Francisco (Tonyo): ahh okay po (kukunot ang noo at magtataka)
Catalo (Francesca): hii my handsome lover miss me ?
Millona (Mrs. M): ay mamalengke pa ko't sige na maiwan ko na kayo
Catalo (Francesca): mommy...!! Mali yung term mo it's shopping in the market... hmmp
Francisco (Tonyo): ahh ki..
Catalo (Francesca): stop right there Tonyo. Im not kikay anymore I'm Fran-ces-ca...
--- dadating si Totoy at Nena---
Francisco (Tonyo): may sasabihin sana ako sayo fran-ces-ca (dadating si vargas at velasco) ohh nandiyan
na pala sila totoy at nena sakto
Catalo (Francesca): hi my childhood friends !!
Velasco (Nena) : luhh lakas makaenglish nice naman sana oll
Vargas(Totoy): ayy oo nga pala kikay ?
Francisco (Tonyo): hindi daw kikay pangalan niya fran-ces-ca
Vargas (Totoy) : ahh okay...(tatango)
Catalo (Francesca): by the way why you're here totoy and nena it's my solo time with my lover tonyo
Velasco (Nena): ahh talaga ahh
Francisco (Tonyo): fran-ces-ca.. gusto ko sana sabihin sayo na..
Catalo (Francesca): ohh my gosh tonyo !! you're marrying me ?
Francisco (Tonyo): ughhh..
Velasco (Nena): wait lang !! Bakit ka ba English ng English nakakairita
Francesco (Totoy): oo nga bakit ba ?
Catalo (Francesca): it's because im a new Yorker
Francisco (Totoy): wait lang gaano ka ba katagal dun ? Saka bat New Yorker agad ?
Catalo (Francesca): ohh you've asked its.. 12 months, 52 weeks, 365 days, 8760 hours, 525,600 minutes,
31 million seconds in short 1 year..
Velasco (Nena): daming alam amporkyy
Vargas (Totoy): waw naman nice bilang na bilang ayy gusto niyo pumunta sa dulo ? Tambayan natin ?
Catalo (Francesca): yucks it's so dirty in that place and so smoky there..
Velasco (Nena) :arte naman neto.. tara na nga Totoy tayo nalang dadaan din ako kila ate bebang
kukunin ko yung pansit
Vargas (Totoy): sige sige samahan na kita
---sabay aalis si vargas at velasco---
Francisco (Tonyo): sandali lang (tatayo pero hahatakin sa upuan ni catalo)
Catalo (Francesca): sit right here tonyo we will talk about our wedding
Francisco (Tonyo) : kasal Francesca ehh hindi naman tayo engaged
Catalo (Francesca) : so what's your point
Francisco (Tonyo): kasi nga Francesca..
Catalo (Francesca): ohh my gosh yes yes marry me
Francisco (Tonyo): patapusin mo muna ako ng sasabihin
Catalo (Francesca): bakit ano ba yang sasabihin mo ?
Francisco (Tonyo): ehh kasi...
(Biglang papasok ulit si velasco kasunod si vargas)
Velasco (Nena): ako na magsasabi tonyo..kami na ni tonyo kaya tumigil tigil ka !
Francisco (Tonyo): oo fran-ces-ca kami na ni nena
Catalo (Francesca): what the ?? Kailan pa bakit di mo sinabi ?
Velasco (Nena): kita mo pa english english ka pa eh magtatagalog ka din pala palong palo
Catalo (Francesca): what did you say you stupid dumbass !!
Vargas (Totoy): ohh chill lang kayo wag kayo mag away kaya nandito para magusap usap
Catalo (Francesca): and you tonyo !! Why i didn't know this
Francisco (Tonyo): nag try ako sabihin kaso di mo ko hinahayaan magsalita
Velasco (Nena): so ngayon alam mo na ?
Catalo (Francesca): manahimik ka ! Ikaw na mangaagaw !
Velasco (Nena): ako mangaagaw ?? Wow ahh ikaw tong nawala tas ang kapal ng mukha mo sabihan
ako!
Catalo (Francesca): oo bakit ang kapal ng mukha mo mangaagaw ng boyfriend !
Francisco (Tonyo): (nanahimik sa tabi)
Vargas (Totoy): uyy tama na yan nakakahiya sa mga kapitbahay
Catalo (Francesca): hiya hiya ? (Sabay sasabunutan si velasco)
Velasco (Nena): (aamba ng suntok sabay susuntukin si catalo)
Catalo (Francesca): arayy ilong koo huhuhu
Vargas (Totoy): huy huy tama naa ( sabay aakapin si velasco kasi ayaw papigil)
Francisco (Tonyo): ohh bat mo naman sinuntok !
Velasco (Nena): para maalog yung utak ! Pa english english pa ehh magtatagalog din naman pala ugaling
tondo pa din pwee
Francisco (Tonyo): tama na tama na...!
Velasco (Nena): sige ipagtanggol mo pa ! Tara na nga totoy buti pa ikaw..(aalis)
Vargas (Totoy): (aalis kasunod ni velasco) iwan ko muna kayo pre ahh ?? Samahan ko lang tong isa
Catalo (Francesca): huhuhu it's so sakit sakit
Francisco (Tonyo): kikay ? Okay ka lang ba ?
Catalo (Francesca) : mukha ba akong okay ??
Francisco (Tonyo): sabi ko nga hindi (sabay itatakip yung panyo sa balikat na nakasamapay sa bakikat
niya) yan ang galing nagtatagalog ka na hahaha
Catalo (Francesca) : wag mo ko tawanan leche kaa !

-----sasarado yung kurtina----

Pestaño (Chismosa 1) : uyy mga mare nabalitaan niyo ? Nagaway away daw yung magbabakarda kasi
naman tong si nena ehh inagaw daw si tonyo ?
Padero (Chismosa 2) : ayy hala talaga ba mars ?
Velasco (Nena): (dadaan at magpaparinig) hay nako mga chismosa talaga jusko
---Aalis at tatalikod sila Pestaño, Padero at Trono---
Vargas (Totoy): ohh chill lang puso mo
Velasco(Nena): anong chill lang puso ko !! Broken hearted ako alam mo ba !
Vargas (Totoy): oo na oo na ito na nga sabi ko (sabay aakbay kay velasco)
Velasco (Nena): gusto mo ? (Iaabot yung pansit na naka styro)
Vargas(Totoy): ikaw gusto ko... Charot sige penge nga
Velasco (Nena): landi mong hinayupak ka pero sige gusto na din kita
(magtatawanan ang dalawa)
Velasco (Nena): tara dun nalang tayo sa tambayan natin..
Vargas (Tonyo): san sa labasan ? Sige sige
---sarado ng kurtina---- pwepwesto ang mga backup characters
Alvarez (Sabungero): (hinihimas himas yung pisnge) aray ko ang sakit
Maputol (Tambay 3): hay nako grabe pala yang si kumare
Mendova(Tambay 4): oo nga champion ba naman sa taekwondo eh
Regala(Asawa ng sabungero): ( dadating at nakapamewang) ohh nandiyan ka nanaman ! Yung anak mo
bantayan mo nga !!
Alvarez (sabungero): ito na nga ehh uuwi na.
---Aalis si regala kasunod si alvarez---
Mijares (Tambay 5): boss chairman ! Pwede po bang pumasok kahit tanod lang
Almadin (Tambay 6): ako din po chairman
Tomboc (Kagawad): sige sakto kailangan ko din ng mga tao tara sunod kayo sa barangay (aalis)
---aalis sila mijares, almadin kasunod kay tomboc)
Castro(Tambay 1): hay nako sa wakas ! Grandmaster na din huh huh lakas ko no ?
Angeles(Tambay 2): lah feeling ka ehh binubuhat nga lang kita ?
Castro (Tambay 1) : hoy ako kaya nagbubuhat sa kakampi !
Angeles (Tambay 2):( aalis ) bahala ka diyan !
Castro (Tambay 1) : wait lang !! Wala akong panghulog piso wifi ! (Susunod kay Angeles)
---dadaan si gianne bitbit yung pansit---
----(magsasarado ang kurtina)----
--hihelera lahat ng characters---

+++++ THE END ++++++

You might also like