You are on page 1of 6

Dulaang Panradyo

Programa:
Direktor: Jay Mark Dulay
Scriptwriter: Jenny Rose Bautista
CAST
Anchor/Tagapagsalaysay: Jhon Michael Lopez
Desiree Bayodoc bilang Benita Zarate ang bunso at nag-iisang anak na babae ni
Don Demario Zarate. Hindi malapit ang loob nya sa kanyang kapatid na si Renato.
King Harry Fernandez bilang Renato Zarate ang bulakbol at pangalawang anak ni
Don Demario Zarate.
Rodel De Guzman bilang Manuel Zarate ang mabuti at panganay na anak ni Don
Demario Zarate. Sya ang tumayong ama at ina sa dalwa nyang kapatid dahil
namatay ang kanilang ina nung bata pa sina Renato at Benita, at lagi namang abala
sa trabaho ang kanilang ama.
Irandon Laureta bilang Don Demario Zarate isang mayamang negosyante na
syang ama nina Benita, Renato at Manuel
Lester John Pinto bilang Tagapatnubay sa Infomercial

SFX: radio theme fade in estab for 5 seconds then fade out
Anchor: Magandang araw Pilipinas! Ngayon ay araw ng Huwebes, ika-sampu ng
Marso taong 2022(dalawang libo dalawangpu’t dalawa) ay nakatutok kayo sa
programang “”. Ito ang tapat nyong tagapaglingkod, Jhon Michael. Sa araw na ito,
ang aming programa ay magbibigay nang bagong drama na syang isinulat ni Jenny
Rose Bautista, na pinamagatang, “Pamilya Ko Ito”.
SFX: radio theme fade in estab for 5 seconds then fade out
Tagapagsalaysay: Hindi lingid sa kaalaman natin na may mga pamilyang hindi
nagkakaintindihan at kadalasan ay nauuwi sa pag-aawayan, ito ay kadalasang
nangyayari sa mga magkakapatid.
SFX: radio theme fade in estab for 5 seconds then fade out
SCENE 1: Ang Pamilyang Zarate
SFX: pagbukas ng kotse
Benita (F): Manuel?! Rene?! Anong ginagawa nyo rito?
Renato (M): (medyo galit) Ano sa tingin mo? Syempre dahil kay papa.
Benita (F): (mataray) At kailan ka pa nagkaroon ng pakialam kay papa? Ikaw nga
itong ‘di nagpakita ng matagal samin.
Renato (M): (naghahamon ng away) Sumosobra ka na ha?!
Emmanuel (M): (galit pero malumanay) Ano ba! Mahiya naman kayo, alam nyo
na nga ang sitwasyon ni papa, pero may gana pa talaga kayo mag-away?
Renato (M): (medyo galit) Benita, baka nakakalimutan mo? Parte rin ako nang
pamilyang ito?!
Benita (M): (taas na boses/galit) Kailan pa?! ‘Di ka pa ba nakuntento sa
pagpapahiya mo sa pamilyang ito?!
Manuel (M): (galit) Benita Zarate?! (malumanay)*buntong hininga* Ilang beses
ko bang kailangang sabihin na hindi na kayo mga bata. Ang nakaraan ay nakaraan
na, bakit ba hindi nyo na lang kalimutan ang lahat?
SFX: nagbukas na pinto
SFX: radio theme fade in estab for 3 seconds then fade out
Tagapagsalaysay: Sa pagbukas ng pinto, nakita ng mga magkakapatid ang
kanilang ama na maputla at nakaupo sa isang wheelchair.
SFX: radio theme fade in estab for 3 seconds then fade out

SCENE 2: Si Don Demario


Benita, Renato at Manuel: (medyo pasigaw) Papa!
Manuel (M): (malumanay)Papa, dapat po nagpapahinga kayo, pwede namang
pag-usapan natin ito bukas. Tutal pa gabi na rin naman.
SFX: radio theme fade in estab for 3 seconds then fade out
Tagapagsalaysay: Agad na sumang-ayon ang lahat dahil sa biyahe. Pagkatapos na
pagkatapos ay dali-daling nagpunta sina Benita at Renato sa kanya-kanya nalang
kwarto. Naiwan si Manuel at ang kanyang ama. Tinulungan ni Manuel ang
kanyang ama makahiga sa kama.
SFX: dramatic music fade in estab for 3 seconds then fade out
Manuel (M): Aalis na ako, papa. Napagod rin ako sa biyahe.
SFX: Lakad
Don Demario (M): Manuel…
Manuel (M): Bakit po papa?
Don Demario (M): Manuel, anak… (tigil ng 2 seconds) Unti na lang ang oras ko
sa mundong ito. Ang nais ko lang ay magkabati na ang kapatid mong si Benita at
Renato. Pasensya na at kailangan mo pang bumyahe.
Manuel (M): (malumanay) Papa, magpahinga na lang po muna kayo, ako na ang
bahala sa mga kapatid ko.
Don Demario (M): (unti-unting humihina, ngunit malumanay) Napakabuti mo
talaga Mannuel. Manang-mana ka talaga sa iyong ina, di tulad ng dalawa mong
kapatid…
SFX: dramatic music fade in estab for 3 seconds then fade out
Tagapagsalaysay: Matapos sabihin iyon ni Don Demario, unti-unti nitong
ipinipikita ang kanyang mga mata. Nang masiguro ni Emmanuel na mahimbing na
ang tulog ng ama, lumabas na ito at nagpatuloy siya sa pagpunta sa sarili nyang
kwarto.
SFX: mga huni ng ibon, at pagtilaok ng manok
Tagapagsalaysay: Sa paggising ng tatlong magkakapatid, isang malaking anunsyo
galing kay Doktor Dante ang bumulaga sa mansyon.

SCENE 3: Ang Pagpanaw ni Don Demario


SFX: radio theme fade in estab for 3 seconds then fade out
Tagapagsalaysay: Pumanaw na ang si Don Demario, sa dakong alas dos ng
madaling araw. Napuno ng kalungkutan ang mansyon ng pamilyang Zarate, pero
sa kabila nito, hindi pa rin humuhupa ang pag-aawayan ng dalawang magkapatid.
SFX: radio theme fade in estab for 3 seconds then fade out
Tagapagsalaysay: Matapos umalis ng mga dumalo para sa libing ni Don
Demario…
SFX: dramatic music fade in estab for 3 seconds then fade out
Benita (F): (mataray) Oh? Ano pang ginagawa mo rito? ‘Di ka na namin
kailangan.
Manuel (M): (malumanay) Benita, nagsisimula ka na naman.
Renato (M): (medyo galit) Bakit ba Benita? Ano bang nagawa ko sa’yo ha?
Benita (F): (mataray) Bakit hindi mo itanong sa sarili mo?
SFX: dramatic music fade in estab for 3 seconds then fade out
Tagapagsalaysay: ‘Di nakapagsalita si Renato, alam nya kasi sa sarili nyang may
pagkukulang sya sa pamilya nya. At kinabukasan nga, umalis na si Renato.
SFX: dramatic music fade in estab for 3 seconds then fade out

SCENE 4: Ang Pag-alis ni Benita


Benita (F): (mataray?) Buti naman at umalis na iyon.
Manuel (M): Benita…
Benita (F): Alam ko na sasabihin mo, kuya Manuel. Kaya aalis na ako, marami pa
akong aasikasuhin.
Manuel (M): Hindi ba makakahintay yan?
Benita (F): Ilang araw na akong wala sa opisina, panigurado marami nang
nakatambak na trabaho. Sa susunod na lang ulit, kuya.
Manuel (M): Oh, sige, mag-ingat ka ha?

SCENE 5: Ang Pagkakaayos


SFX: pagsara ng kotse
Benita (F): (pasigaw?) Bitawan mo ang bag ko!
SFX: dramatic music fade in estab for 3 seconds then fade out
Tagapagsalaysay: Bigla na lamang may sumubok humablot sa gamit ni Benita.
Habang sa ‘di kalayuan, si Renato ay naglalakad papunta sana sa opisina ng
kanyang bunsong kapatid, ngunit nadatnan nya ang pagtangkang pagnanakaw ng
isang lalaki sa kanyang kapatid. Inisip pa lamang nito ang kanyang gagawin, bigla
na lamang inilabas ng lalaki ang isang kutsilyo. Nang makita ito, dagling nagpunta
si Renato sa kanyang kapatid.
SFX: dramatic music fade in estab for 3 seconds then fade out
Renato (M): (pasigaw) ‘Wag mong sasaktan ang kapatid ko!!!
SFX: suntok pagkatapos ay paglaglag ng kutsilyo
SFX: pagtakbo
Renato (M): (pasigaw) Sige, takbo! At ‘wag ka nang magpapakita pa rito! Ayos
ka lang ba?
SFX: dramatic music fade in
Tagapagsalaysay: Laking gulat na lamang ni Renato ng yakapin sya ni Benita.
SFX: dramatic music fade in estab for 3 seconds then fade out
Benita (F): *umiiyak* Kuya, salamat, at pasensya na. Pansensya na sa mga nasabi
ko sa’yo.
Renato (M): Ano ka ba, wala yun. Kapatid kita, syempre sino pa bang
magtutulungan?
Benita (F): (medyo umiiyak) Pansensya na talaga kuya. Akala ko mamamatay na
ako, naalala ko tuloy nung bata pa tayo…
SFX: sentimental music fade in
Renato (M): (galit) Anong ginagawa nyo sa kapatid ko ha?! Nita, ayos ka lang ba?
(proud)‘Wag kang mag-alala, hangga’t nandito si kuya, ipagtatanggol kita.
Benita (F): Kuya… Salamat… Pangako, pagdating ng panahon, tutulungan rin
kita.
Renato (M): (nakangiti) Hehehe… Aasahan ko yan ha?
SFX: sentimental music fade in estab for 2 seconds then fade out
Benita (F): Lagi mo akong pinagtatanggol nun, nangako pa nga ako na tutulungan
kita, pero nung kailangan mo nang tulong ko, ‘di ko ginawa.
Renato (M): Ayos lang yun, ano ka ba? Nalimutan ko na yun. Matagal na kitang
pinatawad, kapatid kasi kita, di ko naman maiiwasang ‘di ka patawarin.
Benita (F): Pasensya na talaga, kuya, at maraming salamat ulit.

SCENE 6: Pagbibigay ng Magandang Balita kay Manuel


SFX: dramatic music fade in estab for 3 seconds then fade out
Tagapagsalaysay: Umuwi sina Benita at Renato sa masyon ng kanilang yumaong
ama upang ibalita ang pagkakabati ng dalawa.
SFX: dramatic music fade in estab for 3 seconds then fade out
Manuel (M): (gulat) Naku po, mukhang guguho na yata ng mundo!
Benita (F): (medyo natatawa) Si kuya naman, nagbibiro pa.
Manuel (M): (medyo gulat) Himala naman talaga kasi. Magkasama kayo ni Rene
na umuwi.
Renato (M): (nakangiti) Kuya Manuel, nagkabati na kami.
Manuel (M): (masaya) Talaga?! Mabuting balita ‘yan. Sigurado ako, kung nasaan
man ang papa, matutuwa syang malaman ‘yan.
SFX: dramatic music fade in estab for 3 seconds then fade out
Anchor: At dyan nagtatapos ang drama natin sa araw na ito. Nagkakaroon man
tayo ng hindi pagkakaintindihan sa pamilya, hindi natin mapagkakaila na sa kabila
nito, pamilya pa rin natin sila, kahit ilang beses pa natin sila ipagtabuyan, lagi
silang nandyan para suportahan at mahalin tayo. Magandang araw muli sa inyo
lahat, at maraming salamat sa pakikinig.
SFX: radio theme fade in estab for 8 seconds then fade out

You might also like