0% found this document useful (0 votes)
64 views15 pages

Script

bsta script haha

Uploaded by

Airo Castor
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
64 views15 pages

Script

bsta script haha

Uploaded by

Airo Castor
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Mga tauhan

1. Rommel Legada Jr. as Miguel Ramos y De la Vega

2. Rosiemae Millama as Florentina Bautista De la Vega

3. Lanne Talaman as Ana Teresa Santos

4. Jade Tamson as Jose Santos

5. Joel Daba-ay as Gov. Hen. Gregorio Alvarez de Toledo y Enriquez

6. Tito JR Villoga as Alejandro Francisco y Enriquez

7. Ahlina Sarria as Carmen de la Cruz

8. Joana Angelie Tangente as Luisa Calderón

9. Ma. Christine Tijing as Lucía Elena Villanueva

10.Charisse Angel Muchil as Elena Margarita Garcia

11.Marian Edelyn Paron as Aurora Isabelita Zamora

12.Nina Elektores as Isabel Maria Reyes

13.Loriane Guiquin as Josefina de los Santos

14.Angel Tagacay as Rosa Esperanza Jimenez

15.Annie Rose Santillan as Teresa Felicidad Navarro

16.Eiglah Neave Calamigan as Catalina Luz Ramos

17.Trisha Marie Camporaso as Cecilia Eugenia Ramos

18.John Paul Edisan as Ricardo Alonzo


19.John Rey Fabillo as Sebastián Ramírez

20.Rico Basanta as Javier Fernández

21.Angelica Abano as Selena Aurora Villanueva

22.Caren Espallardo as Mercedes Lucinda de Leon

23.Ellaiza Ferando as Margarita Ines Castillo

24.Jochelle Cambronero as Alicia Rosalinda Reyes

25.Zaki Mikhail Landar as Antonio Salazar

26.Jovelle Fajaro as Dolores Sofia Reyes

27.Karylle Torillo as Rosa de la Concepción

28.Maria Mae Gonzales as Liana Santos

29.Meca Ella Sasana as Clara Santos

30.Mey Palmes as Cecilia María Castillo Gonzales

31.Stephanie Tamises as Adeliana Dela Cruz Santos

32.Alrae Therese Marie Candaliza as Sister Luz Elena Martinez

33.Jecierelle Sarad as Diana Inés Alcantara

34.Ma. Elizabeth Sanquilos as Victorina Bautista De la Vega

35.Airo Castor as Fidel Ramirez Santos


Scene 1: Sa gate ng simbahan
Jovelle: Wala pa ba si Ma'am?

Caren: Guys chat nyo si ma'am sa Gc

Eiglah: Annie, sabay tayo ah

Annie: Kaya mo na yan, malaki kana

Jecierelle: Guys, nagchat na si Ma'am

Lahat: Ano sabi?

Jecierelle: Otw daw

Zaki: Si Ma'am

Lahat: Good Morning Maam

Trisha: Sorry class nahuli ako. So, Excited na ba ang lahat sa tour?

Lahat: Yes Ma'am

Rommel: I can't wait. Gel, Gala tayo after ah maghahanap tayo ng poging sakristan.

Angel: Sige² go ako jan!

Trisha: So, Tara na dahil alam kong hindi na kayo makapaghintay.

Scene 2: Simbahan
Trisha: So, Ito ang Miagao Church. Pwede nyong libutin ang loob at labas ng simbahan at alamin ang
bawat disenyo at kung ano ibig sabihin nito. Isulat nyo ito sa inyong notebook at ipasa sa inyong mayor.
Remember, The Treaty of Camporaso, No erasures. Sarad, Fajaro, Santillan, Calamigan at Espallardo,
sumunod kayo saakin.

Jecierelle: Natatakot ako kay Ma'am

Jovelle: Guys, guys, dali tingnan niyo may nakita ako ?

Eiglah: ano yan?

Annie: nakikita mo naman siguro noh?, siyempre libro

Caren: Cge buksan natin tingan kung anong laman.

*Binuksan ni Jovelle

*At biglang tumunog ang kampana ng simbahan


Scene 3: Pre-historic
*May mga binata't dalaga na palakad-lakad

John Paul: ka'y gaganda talaga ng mga dilag dito sa ating lugar.

Rico: Tama ka amigo,pagka't maraming mga binata ang pumupunta dito sa atin upang humanap ng
kanilang mga kabiyak.

John Rey: Ikaw, ginoong Fidel, maraming haka-haka na ang kumalat kalat na may na mamagitan na daw
sa inyo ni Señorita Victorina?

Airo: Tama, ang lahat ng inyong narinig, oo may na mamagitan na sa amin ni señorita Victorina, ngunit
may pangamba sa aking puso't isipan na baka pag nakarating ito sa kanyang mga magulang lalong lalo
nasa kanyang ama ay baka kami ay paghiwalayin. Pagka't c Victorina ay langit at ako'y lupa lamang.

John Rey: Huwag mong isipin iyan amigo, sapagka't ang tunay na pag-ibig ay hindi nakabase sa anumang
pagkakaiba ninyo sa buhay, kundi ito ay nakabase sa parehong damdamin at pagmamahal na inyong
binabahagi sa bawat isa.

Jhon Paul: Tingnan mo amigo nandito rin pala sila ni señorita Victorina at kanyang mga kaibigan, at
nandun sila sa bandang iyon (tinuro ang señorita)

Rico: Halina't ating puntahan ng sa ganun ay magkausap na kayong dalawa.

*pumunta palapit ky señorita Victorina

Lorianne: Tingnan niyo, may mga paparating na mga makikisig na mga binata at papalapit sila sa atin.

Niña: Sino kaya ang mga yan? Yung dalawa ay katamataman lang ang laki st yung isa naman ay mataas.

Angel: Parang kilala ko ang mga iyan lalong-lalo na mataas yan ay si Ginoong Fidel Y Santos, at kasama
niya sng kanyang mga kaibigan. At sa aking pakiwari kaya sila pumunta dito dahil sayo Victorina.

Elizabeth: Naku! huwag kayong ganyan (sabay ngiti)

Lorianne: Yung isa jan palihim na namang nakangiti yan.

Niña: Mga amiga, ayan na sila

Jhon Rey: Magandang araw mga bini-bini! ( sabay yuko)

Angel: Magandang araw din sa inyo mga ginu-o... Ano namang hangin ang nagdala sa inyo rito para kayo
ay pumunta? ( medyo mataray)

Rico: Walang masamang hangin, kundi ibig lang sana namin na masilayan ang inyong magandang ngiti
este yung mga magagandang tanawin sa bandang ito. (sabay ngiti)

John paul: Lalong-lalong na ang mga ngiti ni señorita Victorina , na siyang palaging pinapaginipan ng
aming amigo na si Fidel ( sabay tapik ky airo)

Lorianne: Sabi na tama ang ating pakiwari, na si Vitorina nga ang sadya ninyo. (sabay tingin sa mga
kaibigan na may pag ngiti)
Airo: Magandang araw sa inyong lahat mga bini-bini , lalong lalo na sayo aking sinisinta na Señorita
Victorina (sabay abot ng kuha ng kamay at paghalik sa dalaga)

Elizabeth: (ini abot ang kamay sabay pigil ng pag ngiti)

Angel: Ano tama ba ang aming narinig? Sinisinta? (nagulat)

Niña: Sabihin mo nga sa amin ang totoo Victorina, totoo ba ang sinasambit ng ginoong ito?

Elizabeth: Oo, tama kami ni Fidel ay matagal ng magkasintahan at patago lamang ang aming relasyon
dahil baka pag nalaman ng aking mga magulang lalong-lalo na ang aking ama,ay baka kami ay kanyang
paghiwalayin, Kaya nakikiusap ako sa inyo na sana ay tayoo lang ang makakaalam nito pagka't ayaw kung
mawala si Fidel sa aking buhay (sabay hawak sa kamay ni Airo)

Airo: Mga Binibini, maaari nyo ba kaming iwan ng aking sinisinta na si Victorina?

Niña: Kung yun ang iyong nais Ginoo. Aalis na muna kami.

Airo: Maraming Salamat Binibini.

*Nang umalis ang mga kaibigan ni Elizabeth"

Scene 4: Sa hardin
*Palakad-lakad

Elizabeth: Mahal, Natatakot ako't baka malaman ng aking mga magulang ang ating relasyon at baka tayo
ay paghiwalayin. Ayoko Mahal, Iniisip ko pa lamang na ilalayo ka nila sa akin ay nasasaktan na ako.
(Umiiyak)

Airo: (hinawakan ang kamay ni Elizabeth) Irog ko, Wag kang mag alala kung tayo man ay paghihiwalayin
ng mga magulang mo ay Tatanan tayo.

Elizabeth: (Nagulat at binitawan ang kamay ni Airo) Saan naman tayo pupunta?

Airo: Lalayo tayo rito. Lalayo tayo sa mga magulang mo.

Elizabeth: Makapangyarihan ang aking Ama, Malalaman nya parin kung saan tayo.

Airo: Ilalayo kita, hahanap ako ng paraan upang ilayo kita rito.

*Niyakap ni Elizabeth si Airo dahil sa galak

Elizabeth: Ipangako mo sa akin Mahal, Ilalayo mo ako rito.

Airo: Pangako Irog ko.

*Niyakap pabalik ni Airo si Elizabeth

*Nakita sila ng mga chismossa at nang kanilang dama na si Joana


Christine: Mga amiga tingnan niyo hindi ba't si senorita Victorina yan? Anak nila Señora Rosita at Señor
Miguel (sabay turo sa dalawa)

Charrise Hala! Oo nga si Senorita Victorina yan, at sino naman kaya ang lalaking kayakapan nito?

Angelica:Tingnan niyo yung lalaki ay halos hindi naman siya mayaman kagaya ni Señorita, Sa tingin niyo
may namamagitan kaya sa kanila. (pagtataka)

Karylle: Siguro hindi naman papatol sa mahirap na lalaki ang señorita dahil sila ay mayaman at ang lalaki
ay halata sa kanyang kasuotan na siya'y isang mahirap lamang.

Marian: Tumigil na kayo paparating ang kanilang katulong dito at baka tayo ay marinig sa ating
pinagkukwentuhan.

Christine: Mabuti nga yan at ma itanong natin sa kanya kung ano talaga ang namamagitan sa dalawa
kung alam nina Señora ito.

Angelica: Tama ka amiga , ayan na malapit na siya dito

*Joana lumalakad papalapit sa kanila.

Charisse: Magandang araw sayo amiga, tila ika'y nagmamadali, hinahanap mo ba si señorita Victorina?

Joana: Hinahanap? Bakit ko naman hahanapain ang señorita dahil pumasyal sila ng kaniyang mga
kaibigan, at nagmamadali ako pagka't may inutos sa akin ang señora.

Marian: Mga kaibigan?? .. paanong kaibigan ang kanyang kasama eh nakita namin siya banda ron na
may kayakap na isang binata.

Joana: Binata?? Walang nobyo ang señorita pagka't wala pa siyang pinapakilala sa kanyang mga
magulang

Christine: Eh anong tawag sa dalaga't binata na nagyayakapan at sobrang lambing nila sa isa't isa hindi
ba't mag nobyo at mag nobya? Halika ituturo namin sayo kung saan namin silla nakita

*patagong pinuntahan ang kinaroroonan ng magkasintahan.

Joana:: Naku! hindi ito maari totoo nga ang inyong pakiwari, kailangan itong makarating sa kina señor
Miguel. ( Nagulat sa nakita)

Angelica: Huwag mo sanang ipaagsabi sa kanila na kami ang nagturo sayo baka kung ano ang gawin nila
sa amin.

Joana: Salamat dahil inyo itong sinabi sa akin. Pangako hindi kayo madadamay dito.

Scene:5: bahay nina Senorita Victorina


Joana: (hinihingal) Amo Amo

Rosie mae: Ano kaba naman,.Alam mong nagdadasal ako. Ano ba kase yun?

Joana: Si Señorita Amo, Nakita kong may kayakap na binata.


Rosie: ANO?! ASAN SILA?

Joana: Kumalma kalang po Señora

Rosie: Bantayan mo sya ng maigi, Malalagot sya sakin paguwi ko.

*Pag-uwi ni Señorita Victorina sa kanilang bahay.

*Sa kanyang kwarto

Elizabeth: lalalalalal lalala laala (pakanta kanta habang nakangiti)

Ahlina: (kumatok ng tatlong beses) Señorita, nandiyan po ba kayo?

Elizabeth: Oo, nandito ako sa aking silid, pumasok ka lang (nakangiti)

Ahlina: Señorita, may mahalaga daw pong sasabihin sa inyo ang inyong ina,

Elizabeth: (biglang na pa isip at natulala) Bakit ano ba ang mahalagang sasabihin sa akin ni ina?

Ahlina: Hindi niya naman po sinabi sa akin kung ano, sinabi niya lang po na pumunta kayo ngayon sa
sala's at naghihintay po sila doon kasama ng inyong ama.

Elizabeth: Kasama si ama?, sige salamat sabihin mo na sa kanila na susunod na ako (kinakabahan at
napa-isip)

Scene 6: Sa sala's ng bahay

Elizabeth: Magandang araw po sa inyo ama't ina (sabay mano)

Rommel: Umupo ka at may mahalaga kaming sasabihin sayo ng iyong ina.

Elizabeth (umupo at kinakabahan)

Rosie Mae: May nakarating sa amin na balita na ikaw raw ay nakikipagyakapan sa isang binata.

Elizabeth (napatulala at hindi kumikibo)

Rommel: Victorina, sino ang lalaking iyon, may relasyon ba kayo non? (galit na boses)

Elizabeth: Patawad, po sa aking ama't ina totoo po ang balitang nakarating sa inyo, ang lalaki pong iyon
ay aking nobyo. (habang umiiyak)

Rosie Mae: Matagal na ba kayong nag-iibigan ng binatang iyon? (medyo mataas na boses)

Elizabeth: Opo ina patawad po dahil imbes na ipaalam ko sa inyo ay aking tinago pagka't ako ay naratakot
sa inyong magiging reaksiyon (patuloy ang pag-iyak)

Rommel: Sino ang pangalan ng lalakin iyan? Ano ang estado ng kanilang pamumuhay? ( direktang tingin
ng seryoso ky Elizabeth)
Elizabeth: Siya po ay si Fidel Santos, simple lamang ang kanilang pamumuhay siya po ay pinalaki ng
maayos ng kanyang mga magulang.

Rommel: Simple? simpleng pamumuhay? May maipapakain kaya sayo yun kapag kayo ay nag kapamilya
na? Tigilan mo na yan ang pakikipagrelasyon sa hampas lupa na yan Victorina (galit na boses)

Rosie Mae: Anak, pinalaki ka namin ng maayos ng iyong ama binigay namin sayo ang lahat² tapos iibig ka
lang sa ganyang klaseng lalaki?

Elizabeth : Si Fidel po ay hindi po hampas lupa, pagka't siya po ay masipag na lalaki, mapagmahal sa
kaniyang pamilya at alam ko pong kapag kami ay mag kapamilya na ay magiging responsableng asawa at
ama siya, kagaya niyo po ama.

Rommel: Itigil mo na yan! hindi ako papayag na jan ka magpapakasal sa lalaking iyan! (galit na boses)

Elizabeth (umiyak)

Rosie Mae: Kung talagang iniibig ka ng lalaking iyan at hindi lamang kayamanan ang habol niya sayo ay
harapin niya kaming mga magulang mo.

Elizabeth: Opo ina, bukas na bukas rin ay pa pupuntahin ko siya rito.

Rommel: at kung hindi sya haharap samin, ibig lang sabihin non ay ginagamit ka lamang nya.

Scene: 7 Sa bahay nina Fidel

Airo: Mano po ama, mano po ina (habang nakangiti)

Lanne: Saan ka naman nanggaling iho, at mukang kay saya² mo?

Airo: Wala po ina, pumasyal lang po kami ng aking mga amigo at nakita ko rin po doon si Victorina.
(Pangiti-ngiti habang kinikilig)

Jade: Kaya, naman pala at ganyan ka parang kung anong kaluluwa ang sumanib sayo at pangiti-ngiti ka
jan.

Airo: (tumingin lamang kay Jade habang pangiti-ngiti)

Lanne: Naku! binatang-binata na ang ating anak mahal dahil umiibig na, Nak alam na ba yan ng
magulang ni Señorita Victorina na may relasyon kayo ?(sabay tapik ky airo)

Jade: Kasi, sa totoo lang siya'y langit at ika'y lupa lamang, at baka pag nalaman ito ng kanyang mga
magulang ay kanila kayong paghiwalayin.

Airo: Hindi po, hindi po nila alam dahil ang relasyon lang namin ni Victorina ay patago at kayo lng po ang
nakakaalam at mga kaibigan namin.

Lanne: Anak, kami ay natatakot ng iyong ama sa possibleng gagawin sayo ng kaniyang mga magulang
pagkanila itong malaman.
Airo: Huwag po kayong mag-alala dahil sa tuwing nagkikita kaming dalawa ay pumupunta kami sa lugar
na kami lang dalawa na walang nakakakilala.

*Jade at Lanne nagkatinginan lamang sabay tapik ky airo.

Scene 8: Muling pagkikita ng magkasintahan.


*Palakad-lakad ang dalawa

Airo: Mahal, pansin ko lang kanina ka pa tahimik, may bumabagabag ba sa iyong isipan?

Elizabeth: Oo, meron pagka't kahapon ay nalaman na nina ama't ina ang tungkol sa atin.

*Biglang napatigil ang kanilng paglalakad at tumigin si airo kay Elizabeth na di makapaniwala

Airo: Tama ba ang aking narinig, alam na nila ang tungkol sa atin? Bakit mahal paano nila nalaman ang
ating relaasyon, eh ikaw at ako aat mga kaibibgan lamang natin ang nakakaalam. Ano ang kanilang sabi?

Elizabeth: Hindi nila sinabi sa akin kung sino, pero alam kung hindi yun magagawa ng ating mga kaibigan,
aking pang inaalam kung sino at kung paano niya nalaman ang tungkol sa atin.

Airo: Nagalit ba sila sayo? Ibig ba nila na tayo'y paghiwalayin?

Elizabeth: Tama ang lahat ng iyong isinambit mahal, ibig nila tayong paghiwalayin at kaya ako naparito ay
para dalhin ka sa aming tahanan dahil yun ang kanilang bilin sa akin nais kanilang makikilala

Airo: Sige, kung yun ang kanilang nais ay aking gagawin upang mapatunayan sa kanila na sobra kitang
mahal. At ang lahat ng kanilang ipapagawa ay aking gagawin para sayo Mahal ko. Kaya ko silang harapin,
dahil bagamat alam kong hadlang ang pamilya mo sa akin, ngunit papatunayan kong karapdapat ako para
sa kanilang unica ija. (sabay hawak ng kamay ni Elizabeth)

Scene 9: Sa bahay nina Senorita Victorina.


Rosiemae: Alam kong galit ka kay Victorina (Sabay hawak sa braso ni Rommel) Ngunit dapat magisip tayo
ng paraan upang paghiwalayin ang dalawa. (Tumabi kay Rommel) Pano kaya kung ipagkasundo natin sya
kay Senorito Alejandro, ang anak ni Gobernador – Heneral Gregorio Alvarez de Toledo y Enriquez.
Mayaman sila at makapangyarihan at higit sa lahat, nabalitaan kong may lihim na pagtingin sya kay
Victorina.

Rommel: Bueno, Sabihin mo sa mga Esclava (Alipin) na pauwiin si Victorina dito sa mansion at dalhin ang
kanyang Su novio inútil rito. Magkakaroon tayo ng pagsasalo.

Rosiemae: Para saan Mi Marido (aking Asawa)?

Rommel: May naisipan akong plano.

Scene 10: Sa Hardin ng mga Santos


Tahimik na namimitas ng bulaklak si Victorina habang nakatingin sa kanya si Fidel. Napatigil si
Victorina dahil sa narinig na ingay sa paligid. Lumapit si Fidel kay Victorina upang pakalmahin
ang dalaga.
Airo: Hanggang ngayon, hindi parin tumitigil ang mga katipon sa paghihimagsik laban sa mga
nakatataas.
Elizabeth: Ipangako mong huwag kang sasama sa kanila sa pakikipaglaban at baka kung ano pa
ang mangyare sayo. Paano nalang ako kung mawala ka?
Airo: Huwag kang magalala Aking victorina, Ikakasal pa tayo kaya hindi ako pwede mawala at isa
pa, para sa Kalayaan naman ang aming pinaglalaban. “Mas mabuting mamatay ng lumalaban
para sa bayan at may dangal kesa mabuhay ng puno ng pagkaduwag at panghihinayang.”
*Lumapit si Lanne kay Airo.
Lanne: Anak ko, Victorina. May naghahanap sa inyo.
Airo: sino-sino iyon Ina?
Lanne: Mga la sirvienta (Servants) Ninyo Victorina, Hinahanap kayong Dalawa.
*Lumapit si Ahlina kay Victorina at Fidel.
Ahlina: Senorita, Ginoong Fidel. Ipinaguutos ni Senor Miguel na umuwi muna ako kasama si
ginoong fidel dahil may gaganaping Piging sa inyong bahay mamayang gabi. Dadating daw ang
Gobernador-Heneral at si Senor Alejandro.
Airo: Alejandro? (Tumingin kay Elizabeth) Yung anak ng gobernador heneral na nanliligaw saiyo?
Elizabeth: Sya nga ba ang iyong tinutukoy?
Ahlina: Opo Senora, Sya nga po
Airo: Sige na, ako na ang maghahatid kay Victorina. (Hinawakan ang kamay ni Victorina) Suotin
mo ang damit na ibinigay ko, babagay yun saiyo.
Elizabeth: Oo Mahal ko.
Ahlina: Senora, Ginoo. Aalis na po kami
Lanne: Sigee Ija, Magiingat kayo.

Scene 11: Sa piging ng mga De la Vega


Marami ng tao sa loob ng piging. Nagsipasok ang mga Maharlika sa lugar at mga
makapangyarihan. Tumayo si Senor Miguel upang magsimula ng piging.
Rommel: "Hola, mis amigos, bienvenidos a nuestro humilde hogar. Esta es mi amada esposa
Florentina y mi hermosa, mi única hija Victorina. Gracias. Espero que disfruten su comida.”

At lahat ng bisita ay nagsipalakpakan.


Tahimik namang naghihintay si Victorina sa kanyang bintana sa anino ni Fidel. Ilang saglit lang ay
bumukas ang pinto at bumungad si Florentina na nagtataka.

Rosiemae: Anak? Bakit dika lumabas sa iyong silid at makipagusap sa mga bisita sa baba?
Victorina: May hinihintay ako Ina.
Rosiemae: si Fidel ba ang iyong hinihintay. Batid kong di na yun pupunta rito.
Victorina: Bakit po Ina? Ano po ang nangyare?
Rosiemae: Wag ka sanang mabibigla anak.
Victorina: Ano ba kasi iyon?!
Rosiemae: Si Fidel, habang sya’y nasa digmaan, napaslang siya ng kanyang kalaban.
Victorina: Hindi Ina. Hindi iyan totoo. Alam kong nagbibiro lamang kayo pero huwag namang
ganyan Ina.
Rosiemae: Totoo ang aking sinasabi anak. Hindi ako nagbibiro anak.
Victorina: Alam kong biro lang Ina, sabihin nyo isang biro lamang iyan.
Ahlina (Carmen): Kumalma ka Señorita.
Victorina: Hindi Carmen, hindi iyan totoo. Nangako sakin si Fidel na babalik sya, na mabubuhay
sya, babalikan nya ako kaya hindi yan totoo dahil nangako siya.
Ahlina: Kumalma lang kayo Señorita. Magiging ayos din po ang lahat.
Victorina: FIDEL!!!!

Tumakbo palabas si Victorina sa kanyang silid at dumiretso sa hardin at doon humagulgol ng


iyak. Habang nagiikot ikot si Alejandro (TJ) ay nakarinig sya ng iyak galing sa hardin ng mga De la
Vega.
TJ: Binibini?
Elizabeth: At bakit ka nandirito? Paano ka napapadpad sa hardin namin.
TJ: Paumanhin Binibini, ngunit ako’y naglalakad at nagiikot ikot sapagkat natigilan ako ng
marining ko ang iyong iyak. Maari bang magtanong kung anong dahilan at sino ang nagpaiyak sa
magandang binibini tulad mo?
Elizabeth: Wala kana roon.
TJ: Binibini, Dahil ba kay Fidel kaya ka umiiyak? Anong ginawa nya sayo? Iniwan kaba nya?
Sabihin mo sakin kung saan sya at ako ang magbibigay ng hustisya para sayo.
Elizabeth: Maaari mo ba akong iwan? Gusto kong mapagisa
TJ: Hindi ako aalis hanggang maging mabuti na ang iyong pakiramdam. At kung ano man ang
iyong problema at ang dahilan kung bakit ka umiiyak, magiging maayos karin. Iiyak mo lang,
mawawala rin ang sakit na dinaramdam mo ngayon.

Hindi umalis si Alejandro sa tabi ni Victorina hanggang sya ay kumalma.


Elizabeth: Salamat Alejandro.
TJ: Mabuti na ba ang iyong pakiramdam?
Elizabeth: Mahirap makalimot sa sakit ngunit kailangan kong tanggapin ang nangyare.
Tj: Huminga kalang ng malalim at gagaan na ang iyong pakiramdam.
Elizabeth: Salamat sa tulong mo. Utang ko sayo ito.
Tj: Sa susunod, malalaman mo.

Napatigil ang dalawa ng makarinig sila ng yapak papalapit sa hardin.


Joana at Ahlina: Binibini! Ginoo!
Tj: anong meron? Bakit nagmamadali yata kayo?
Joana: Ang Gobernador Heneral, kakarating lang hinahanap ka Senorito.
Ahlina: At Binibini, Hinahanap kayo ni Senor.
Tj:Mauna na kayo. Susunod kami.
Joana: Sige po. Senorito.
Umalis ang dalawa at naiwan sila Victorina at Alejandro.
Tj: Tayo na, Binibini?
Elizabeth: Oo, Ginoo.

Sabay na umalis ang dalawa at bumalik sa loob kung saan nagsitinginan ang mga tao.
Christine: tingnan mo si Binibining Victorina, kay ganda at merong maamong mukha ngunit, sino
yang Makisig, Matipuno at Magandang Binatang kanyang kasama. Mukhang may
kapangyarihan at galing sa Maharlikang pamilya, di tulad ni Fidel na alipin.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.
Marian: Ang ganda nilang tignan. Mukha silang magkasintahan.
Karylle: Hindi nyo ba nakikilala ang ginoong kasama ni Victorina?
Charrise: Sino ba sya? At mukhang nakita ko na sya dati.
Karylle: Sya si Alejandro Francisco y Enriquez, anak sya ng Gobernador.
Charisse: Kaya pala pinagpalit sya ni Victorina kay Fidel. Sino naman kayang tanga ang papatol sa
tulad ni fidel. Magandang Binata oo pero Alipin naman. Galing sa mahirap na Familia, di tulad ni
Alejandro na Magandang Binata na, Mayaman at Makapangyarihan pa.
Angelica: Ngunit, bali-balita ngayon na pinaslang raw si Fidel.
Christine, Charisse, Marian, Karylle: (Shock) TALAGA?
Angelica: Yan ang kumakalat ngayon sa sitio.
Marian: siguro alam na ni victorina iyon.

Lumapit sina Angel at Niña.


Angel: ang inyong pinaguusapan?
Marian: wala kana roon.
Angelica: Diba? Kaibigan mo si Victorina?
Angel: Oo at bakit mo naitanong?
Marian: Dahil bali-balita ngayon na napaslang si Fidel. Diba kasintahan sya ni Victorina? At bakit
kasama ngayon ni Victorina si Alejandro?
Angel: Magkasama silang dalawa dahil bisita ng mga De la Vega ang mga Enriquez.Malapit na
magkaibigan ang dalawang pamilya.
Christine: at hindi ba may gusto ka kay Alejandro?
Angel: Hindi noh dahil alam kong hindi kami bagay sa pagkat malayo ang aming buhay. Isa syang
makapangyarihan at anak pa ng gobernador samantalang ako na galing nga sa Maharlikang
pamilya ngunit kaaway naman ng mga Enriquez. Malayong magustuhan nya ako dahil ang gusto
nya ay si Victorina.
Niña:Tumigil na kayo at baka marinig pa kayo ng Gobernador.

Biglang tumahimik ang paligid nang pumasok ang Gobernador.


Joel: Amigo
Rommel: Amigo.
Joel: (In Spanish) Kamusta na kana?
Rommel: (In Spanish) Okay lang naman ako Amigo.
Joel: Bueno, Asan na ang aking Inaanak, si Victorina?
Rommel: (Bumulong kay Rosiemae) asan na si victorina?
Rosiemae: (pabulong) hindi ko alam, andun sya sa kanyang silid kanina ngunit tumakbo sya
paalis. Hindi ko alam kung nasan sya.
Rommel: HAhahahahaha amigo, Nagpapahangin lang ang iyong inaanak. Teka lang Amigo, Asan
na nga ba si Alejandro, kay tagal na ng muli ko syang nakita batid kong malakas, matipuno at
Magandang Binata sya.
Joel: Nauna sya rito kesa sa akin dahil ibig nya raw makitang muli si Victorina sa kay tagal ba
naman ng panahon ng hindi sila nagkita. Nangulila ang aking Unico Ijo.

Lumapit sina Victorina at Alejandro kina Gobernador, Miguel at Florentina na naguusap.

Tj: Ama, (In spanish) nandito kana pala.


Rommel: Alejandro, Inaanak ko. Kay gandang binata, kanino kaya sya nagmana ng kapogian?.
Joel: Hahahaha, Kanino pa nga ba amigo kundi sakin lang naman.
Elizabeth: Ama
Joel: Victorina? Ikaw na ba yan? Kay laki mo na at halatang mana sa Ina.
Rosiemae: Nako, ayan ka na namn Heneral, mahilig ka talagang mambola.
Joel: Hahahahahaha. (Biglang Sumeryoso ang mukha) Amigo, bukas babalik kami rito ni
Alejandro paguusapan natin ang ating napakasunduan noon.
Elizabeth: Tungkol saan iyon Ama?
Rommel: (Impit na tawa) Haha, malalamat mo rin iyon bukas Victorina. Magpahinga kana muna
saiyong silid at mag uusap pa kami ng gobernador. Alejandro Ijo, Maaari mo bang maihatid si
Victorina sa kanyang silid?
Tj: Masusunod po, Tiyo.

Umalis ang dalawa.


Rosiemae: Ikukuha ko na muna kayo ng inumin. At upang makapagusap kayo ng maayos.

At umalis na rin si Florentina.


Joel: Amigo, nasa tamang edad naman na ang mga bata. Maari na nating ituloy ang ating
napagkasunduan.
Rommel: Bukas Amigo, Paguusapan natin yan.

Scene 12: ang Kasunduan ng mga De la Vega at ng mga Enriquez.

You might also like